Noong madalas pa akong tumambay sa press office ng Department of Agriculture, mga ilang taon na ang nakararaan, para maglaro ng computer – at kumuha ng kanilang press releases paminsan-minsan – lagi kong naririnig ang reklamo na napakataas ng presyo ng asukal sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa.
Sa mga hampaslupang tulad ko na malakas magkape, malaking bagay ito. Lagi kong binabantayan noon ang balitang pagtaas ng presyo ng asukal, na para bang may magagawa ako. Ang nagagawa ko lang naman ay ibuhos ang kape sa garapon para simutin ang natuyong asukal sa gilid, lalo na kapag oras ng kagipitan at malayo pa ang sweldo.
Malaking reklamo noon ng mga food processors at exporters na hindi raw sinusuportahan ng gobyerno ang sariling nitong industriya. Anila, habang ang mga bansang tulad ng Thailand, Brazil at Australia ay gumagawa ng paraan para pababain ang presyo ng kanilang asukal bilang suporta sa industriya ng pagkain, napakamahal nito rito. Katunayan, halos kalahati ng presyo ng produktong pagkain nila ay para sa asukal.
Hindi ko masyadong masakyan ang pinagsasasabi nila noon, pero nang mapunta ako sa Saudi ay naging maliwanag sa akin ang lahat.
Imagine, malaking konsumer ng pagkain sa Saudi ang mga Pinoy pero inilalampaso ng produktong Thai ang “sariling atin” sa Saudi market dahil mas mababa ang presyo nila. Meron doong buko juice na ang tatak ay “Manila” o “Laguna” pero made in Thailand. At hindi ’yun singsarap ng buko natin. Bumebenta nang husto ang kanilang patis, bagoong, daing, T-shirt, chicharon, atbpa., gayong mabibilang mo lang sa daliri ang Thais doon. May isang milyong Pinoy sa Saudi.
Ayon sa isang exporter ng processed food na naka-chikahan ko noon, nagagawa ng mga Thais na pababain ang presyo dahil sa suporta ng gobyerno nila. Ang presyo nga ng asukal doon ay halos kalahati lang ng presyo dito. At hindi lang sa Saudi nangyayari ito kundi sa iba pang parte ng mundo, tulad ng US na siyang pinakamaraming Pinoy, aniya.
Ganito na ang kalagayan noon, ganoon pa rin ngayon.
Ang masama nito, hindi lang napapabayaan ang industriya ng asukal, sinisisi pa ng mga damuhong may-ari ng asukarera ang agrarian reform sa pagkabangkarote nila. Tinatamad daw ang mga may-ari ng asyenda na magbuhos ng pera sa modernisasyon ng produksyon dahil kukunin din lang daw sa kanila ang lupa.
Pero sa totoo lang, ang mga tamad na asenderong ito ang sagabal sa pag-unlad ng industriya hindi lang ng asukal kundi ng iba pang pagkain. Kung naipatupad lang sana ang tunay na repormang agraryo noon pa man, disin sana’y wala na sa eksena ‘tong mga asendero, at mga manggagawang bukid na ang nagpapatakbo ng mga asukarera.
ang kape namin sa bahay
Adik ako sa kape. Pero hindi ako yung tipo ng adik na aalamin lahat ng uri ng kape. Hindi ko alam ang lahat ng timpla nito. Basta ang alam ko, may malamig at mainit na kape. At may kapeng nawala na ang init at lamig sa tagal ng pagkakalagay sa mesa at dahil hindi ito pinapansin. Ang tawag sa kapeng ganun ay sayang.
Basta mahilig ako sa kape. Masaya na ako kahit yung mga three in one na sachet lang ang itimpla ko sa bahay. Nakakatipid din ako pag nagpupunta sa Coffee Bean and Tea Leaf kasi nabubuhay ako sa home brewed coffee nila. ‘Yung usually e pinakamura. Masaya na ako sa ganun.
At mas gusto ko ang CB&TL kesa sa Starbucks. Ewan ko nga lang kung bakit. Mas maganda lang siguro ang ambience ng lugar kasi bibihira ang makikita mong mga tao dun na nagpupunta lang sa Starbucks para masabing “in” o “cool” sila. In short, gusto lang nila iparating na hindi sila olats sa tunay na buhay. Mas maraming seryosong tao ang nagpupunta sa CB&TL. Ang mga studyante e nagpupunta para mag-aral talaga at nagtatago pa nga sa mga kaibigan para hindi sila ma-BI.
Balik tayo sa tunay na pakay ko sa post na ito: yung kape.
Nanibago lang ako kanina habang nagtitimpla ng kape sa kusina. Nagpapainit pa lang ako ng tubig nun at naisipan ko nang ilagay ang mga hahaluin sa puti kong mug. Hindi ko napansin na ang nauna kong nadampot sa mesa ay ang asukal. Dun ako biglang napaisip.
Kahit kelan e hindi ko inunang ilagay ang asukal sa baso. Laging nauuna ang kape. Kahit dati pa na Milo pa lang ang iniinom ko (never ko nasubukan ang Ovaltine, allergic kasi dun yun kuya ko. labo) asukal pa rin ang pumapalangawa sa listahan.
So naisip ko na kahit pala sa puntong ito ng buhay ko, at sa ganitong edad, e may mga madidiskubre pa akong mga ganung bagay tungkol sa sarili ko. At bilang isang tao na galit sa buhay na pinapalakad ng sistema at mga araw araw na rutina, kumuha ako ng asukal at nilagay ko ito sa loob ng puting mug.
Sa araw na ito, second runner up lang si nescafe. At may nabago sa buhay ko kahit papaano. Masaya na ako sa ganun kababaw na dahilan.
Ang Turon... Bow!
Sino ba ang hindi nakakakilala sa “Turon”? Ang turon ay isa sa mga paboritong merienda ng mga Pinoy. Ito ay piniritong saging na saba na nakabalot sa lumpia wrapper na may asukal sa loob at labas at kung ito ay espesyal, meron pang langka sa loob na nagbibigay ng mas malinamnam na lasa at kakaibang aroma. May kakaibang turon na rin na binubudburan ng sesame seeds na sumasama sa lasa ng asukal sa wrapper nito.
Ang turon ay hindi lamang makikita sa mga bangketa sa kanto at palengke, matatagpuan na rin ang turon sa malls at ibang restaurant, sosyal man o hindi. Mas mahal nga lang ng kaunti kumpara kina manang o sa mga naglalangko tindera tuwing hapon na nakalagay sa bilao at sumisigaw ng “Turon!!! Turon kayo dyan!!!”.
Naalala ko tuloy ang tindang turon sa labas ng unibersidad ko noon sa Maynila. Maraming nagtitinda ng turon sa paligid pero isa lang ang binabalikbalikan kong tindahan- sa maliit na tindahan ni Manang Turon na kung siya’y aking tawagin. Ang turon niya? Hinog ang saging meaning malambot ito. Ayoko ng matigas na saging, mas gusto ko pang lamog ito kaysa matigas na parang kamoteng kahoy. Isa pa pag hinog ang saging, mas matamis din, alam mong matamis siya hindi lamang sa asukal na pulang binudbod dito. Pangalawa, masarap ang turon ni Manang Turon dahil hindi puro wrapper! Hindi mo mapagkakailang turon siya at hindi isang pinritong wrapper na nilagyan ng asukal lamang! Pangatlo, mahilig ako sa matamis kaya gusto ko, may namumuong asukal sa labas ng turon na parang kendi na kakagatin mo bago mo kainin ang kabuuan ng binili mong merienda. Unti lang ang langka ng turon na ito pero ibang klase kapag pinaghalo na ang malinamnam na hinog na saging at hibla ng dilaw na langka na kumapit na sa tamis ng asukal na pula. Minsan nga kapag unti lang ang asukal na nakikita ko, hihintayin ko pa ang niluluto. Syempre special order! Suki eh!
P10.00 na iyon dati pero malaki siya at talagang mabubusog ka. Samahan mo pa ng Pearl Shake na mabibili lang sa P12.00 kada 12oz cup. Masarap pero sadyang nakakadagdag ng timbang ngunit maswerte ako noon, kahit ata isang katerbang turon ag kainin ko, aba ganun pa rin ang timbang ko… pero NOON yon  !
Click on this link to see news item. http://www.pia.gov.ph/?m=12&r=&y=&mo=&fi=p070919.htm&no=98
Thank you for your continued support. Your comments are welcome.