Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Tumutulo laway
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Tayo’y naduduling
Walang mapagsumbungan
Walang mapagtanungan
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Hindi kita matutulungan
Hindi mo rin naman kasi ako kaibigan
Cute ka sana kaso
Ni hindi pa kita nabati kahit kelan
Kaya di bale na
Uwi ka na.
Iyak sa sulok.
Ako rin, magpapakabundat na lang.
Kung anong dapat gawin sa mundo.
Kung anong dapat gawin sa mundo.
‘Di ka pinapahalagahan ng syota mo
Wala ka kasing boobs
Pasensya, wala ko dyang malay
Si nanay puro na lang gulay
Pasko na puro pa rin gulay
Si lolo lantang-gulay
Buhay mo, buhay ko
Ninakawan na ng kapitbahay ng kulay
Kasi ‘di nya rin alam
Kung anong dapat gawin sa mundo.
Kung anong dapat gawin sa mundo.
Magaling ako sa pag-awit
Ikaw naman bihasa sa pang-aakit
Gusto kita.
Eh ano ngayon?
Tang-ina.
Lahat tayo gustong pumuntang Caribbean
‘Di naman natin maispel ng tama
Kailangan pang i-Google.
Leche, ambobo natin.
Nakakulong sa mausok na bahagi ng equator
Presidente natin adik sa vibrator
Tayo naman sa hentai
Puro paputok tapos hindi pwede boga
Sa Bagong Taon.
Kung ako lang, gusto kitang dalawin
Pero lagi na lang umaambon
Kalahating taon na.
Di ba kung ganyan nakakatamad?
Kung anong dapat gawin sa mundo
Mensahe
Kokote
Penge ng libre
Palimos ng kantot
Spare me the gusot
Taglish na nanunuot
Sa kaibuturan ng lipunang mahilig
Sa ingliserang mga mistisa at mistisong
Supot.
Wala ‘kong lente
Walang doktrina
Tira lang ng tira
Sa hangin. Laging may kasalanan ang hangin.
At matatapos nanaman ang araw
Sa dami ng nagbago pwede ka nang ilibing
Gago.
Asa ka pa, asa pa tayo
Ulitin na lang natin para saulo na natin ang mga linya
Masaya yun para tayong bata
Bagamat wala nang mabubuhay na bata mula ngayon
Imposible na dahil lahat ay magugulang na
Angganda kasi ng iPhone mo
Dami mong pera.
Dami nilang pera.
Dami nyong pera.
Lintek na wallet yan, ihulog mo naman.
Dami mong pera.
Maraming matalino
Daming creative, lahat photographer
Kulang ng sculptors
Kailangan ko ng bomba films
Hindi bomba sa Mindanao
Gaya ng lahat, mababaw lang kaligayahan ko
Yung gobernor, gusto lang nya maupo sa pwesto
Hangga’t maaari pati lahat ng mga apo nya
Hanggang matigok sya
Kasi angsarap mamatay ng makapangyarihan
Ganda ng iPhone mo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Tapusin ang isang buong araw ng pagtatrabaho
Magliwaliw sa Internet
Angsarap maging sikat
Sabik sa teknolohiya kasi sa labas ng opisina’y dugyot
Magsimba ka mag-isa mo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Mag-isa mo.
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Pakyu ka
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Sweldo ko pamasahe pa lang said na
Kung anong dapat gawin sa mundo
Leche gusto kita
Kung anong dapat gaw–
Gusto kita
Gusto kita
Gusto kitaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
Kung anong dapat gawin sa mundo
Pero wala kasi kibit-balikat ka.
Dedma, may ibang liga.
Para kang real property sa US
Binebenta sa’kin ‘di ko naman afford
Sige na
Lipad na.
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Suko na ko sa
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong dapat gawin sa mundo
Kung anong
Can you compare ARTS to BEAUTY?
How do you express yourself through arts and letters?
Some people do paint and write poems, fictions, and nonfictions  to express theirselves.  The De La Salle’s IDEYA: Journal of Humanities has a good collection of poems and other creative works, such as drama, fiction, and nonfiction. Get to know more about IDEYA, pay a visit at this site: http://www.ejournals.ph/index.php/ideya.
Titser ka ba? Ako naging titser din dati. Sabi nila, ang mga gurong Pilipino daw ang mga bayaning pinagkaitan ng disenteng sweldo. Bakit bayani? Dahil di biro ang makalbo sa kakulitan ng mga istudyante, maglamay magdamag para mag-tsek ng mga pagsusulit at mag-piga ang utak upang gumawa ng lesson plan. At marami ding ang dedikasyon ay nauwi sa pagpapaka-tandang dalaga. Gayunpaman, hindi pa rin sapat ang sweldo upang bigyang katarungan ang pagtitiis ng mga guro.
Teka, ‘wag muna nating pag-usapan kung ano ang maitutulong sa atin ng gobyerno dahil para lang tayong nag-kwentuhan ng science fiction. Pag-usapan natin muna kung papaano ang epektibong pagmumulat sa ating kabataan ngayon. Hindi biro ang ating tungkulin dahil dito nakasalalay ang pagkadapa at pagbangon ng bansa.
Kayo na ang humusga kung epektibo sa sitwasyon nyo ang artikulong ito na pinagtagpi-tagpi ko mula sa aking mga karanasan bilang guro, mga natutunan mula pagdalo sa mga pagsasanay, paglilimi sa epistemolohiya at pagbabasa ng libro sa sikolohiya. Marahil karamihan dito o lahat dito ay alam niyo na at matagal niyo nang ginagawa. Maaaring kulang pa ‘to at meron kayong alam na di ko nabanggit. Malugod ko pong tatanggapin ang inyong dagdag na ideya…
Una, alamin mo ang iyong sarili. Paano mo nga naman maituturo ang kaalaman kung sarili mo’y di mo alam. Siyempre alamin mo ang kakayanan mo. Ano bang natapos mo? Ano’ng mga natutunan mo sa mga seminars at ano na ang napatunayan mo sa larangan ng pagtuturo. Alamin mo rin ang intelektwal mong kakayahan. ‘Wag kang mahiya kung ang IQ mo ay below 70. Alalahanin, hindi IQ ang basehan ng epektibong pagtuturo kundi diskarte at dedikasyon. Maraming guro ngayon ang sobrang talino ngunit di maunawaan ng mga istudyante. Wala rin silang tyaga at pagkukusa na bumaba sa lebel nila.
Kulang ka ba sa kaalaman? Hindi problema yan. Maraming seminars d’yan na pwedeng kunan. Pwede ka namang tumambay sa library para mag-research. Uso na rin ngayon ang internet. Di naman masama kung gagamit ka ng search engines tulad ng google, answers.com at wikipedia. Alalahanin na di porke’t guro na tayo ay nasa atin na lahat ng karunungan. Maging ang mga dalubhasa na ay patuloy pa rin sa pagsasaliksik. Ang pagsisikap na lumago araw-araw ay indikasyon na tayo’y may dedikasyon na maibahagi ang karunungan sa mga nagnanais matuto. Ang hindi pagtanggap sa kakulangan ay pagtanggi sa personal na pag-unlad.
Alamin mo rin ang iyong mga talent. Malaking tulong kung magaling kang magpatawa dahil hindi ka tutulugan ng mga mag-aaral. “Yun nga lang minsan, ang joke mo na lang ang kanilang naaala-ala hindi ang leksyon. Kung korni ka, praktis lang, baka sakali makuha mo rin ang kiliti nila. Pero, kung isang taon na ang lumipas at korni ka pa rin, ‘wag mo nang pilitin magpatawa, baka mas lalong bumaba ang iyong repustasyon. Pwede mo naman gawin ang ibang stunts tulad ng pagkanta, pagsasayaw o kaya’y pagtawid sa alambre.
Alamin mo rin ang iyong ugali. Mainitin ba ang iyong ulo? Malambing ka ba? Mahilig ka bang magsermon? Paano ka magdamit? Istrikto ka ba? Dapat maging totoo ka at tanggapin kung may kulang sa iyong pagkatao at kakayanan. Hindi naman masama kung kulang ka sa abilidad o kaya’y may di kanais-nais na ugali. Kaya mo nga pag-aaralan ito ay upang makagawa ka ng angkop na pamamaraan.
Dapat alamin mo rin ang iyong istudyante. Ang istudyante mo ba ay fast learner or slow learner[mild term sa bobo]? Di porke’t hirap siya umintindi ay talagang sinumpa na siya. Baka naman kase wala lang siyang interest o baka naman sa estilo ng pagtuturo mo ang may depekto. Ikaw na lang ang mag-adapt sa istudyante mo. Tanungin mo rin kung kumain na s’ya. Baka naman dahil gutom s’ya kaya wala syang focus. Baka naman kulang din ang sustansyang binibigay sa kanya ng pagkain nya. Subukan mong patakan ng iodized salt dila nya baka sakaling umepekto. Alamin mo rin ang attention span nya. Kulang ba sya sa pansin? Baka minsan kaya siya magulo sa klase dahil wala sa kanya ang atensyon ng magulang nya. Alamin mo rin ang kanyang mga pangarap at hilig.
Ngayong alam mo na ang tungkol sa iyong sarili at sa istudyante mo, alamin naman natin ang mga prosesong mag-uugnay sa inyong dalawa…
1. Pag-unawa sa leksyon. Huwag mong presure-in ang istudyante mo na mag-memorya ng sandamakmak na mga termino. Ok lang ‘yun basta nauunawaan lang nilang mabuti ang mga kataga. Dahil ang memorized terms ay di nagtatagal ngunit ang pag-unawa dito ay maaaring umabot ng habambuhay.
2. Praktis. Ang mga teorya, pormula at iba pang kaalaman na merong operasyon ay nangangailangan ng praktis. Dahil kahit nauunawaan na nila ito, malilimutan nila ang sequence at magiging madalas ang kanilang pagkakamali sa aktwal na aplikasyon. Kelangan dito ang paulit-ulit na pagsasanay hanggang mabawasan kundi man tuluyang mawala ang pagkakamali. Lagi mo silang bigyan ng math o science problems upang mahasa ang kanilang galing at kumpiyansa sa sarili.
3. Pagbuo ng kumpyansa sa sarili. Napakahalaga nito dahil ito ang magiging barometro ng kanilang pag-gawa sa tunay na mundo. Kaya sa loob pa lang ng silid aralan ay hubugin na ito. Makakatulong ang pagpuri sa kanilang magagandang gawa, ideya o ugali. ‘Wag naman ang di makatotohanang pagpuri dahil pambobola na ‘yun. Baka lalo silang mapasama dahil akala nila’y tama o maganda na ang kanilang ginagawa. Iwasan ang pambubulyaw kung sila’y nagkakamali. Nakakadurog kase ito ng self-steem at nakaka-udlot ng tumutubong pagkamalikhain.
4. Pagpapalabas ng likhang isip. Mayaman ang imahinasyon ng bawat isa. Kaya ang tungkulin nating mga guro ay halukayin iyon. Hayaan nating likha nila ang lumabas at hindi ang sa atin. Dahil baka sa halip na lumabas ang kakilanlan nila sa mga ideya ay anyo natin ang lumabas. Hindi ba’t nakaka-kilabot na pangitain? Kung mauwi sila sa pagngongopya at panggagaya ng gawa ng iba at kung masyado silang umaasa sa mga tinuturo lamang sa kanila, maaaring may kulang sa ating pamamaraan.
5. Paghubog ng mapanuring kaisipan. Ang epektibong guro ay hindi iyong nagtuturo lamang ng leksyon kundi ang naghahamon sa istudyante upang mag-isip at maging mapanuri. Matuwa ka kung dahil sa ‘yo ay tanong na nang tanong mga istudyante mo. Ibig sabihi nito’y nagsisikap silang matuto. Pero depende pa rin sa uri ng tanong nila, kung may sense ba o wala.
6. Pagtahak sa malinaw na direksyon. Kadalasan turo lang tayo nang turo at nakakaligtaan nating ipaliwanag kung para saan ang mga pinag-aaralang mga teorya, pormula at mga termino. Minsan naituro lang natin ang operasyon ng pormula ng skewness sa stat ngunit di natin naibabahagi kung para saan ba ito sa totoong buhay. Kahit magaling na silang mag-compute ng Boyle’s formula, kung di nila alam kung paano ito gagamitin sa aktwal na teknolohiya…    …wala rin itong saysay. Dapat malinaw sa istudyante kung saan ang patutunguhan ng kanyang mga nalalaman.
7. Kasarinlan. Hindi habambuhay ay sa iskul ang mag-aaral. Kaya sa murang idad pa lang ay turuan mo na syang maging resourceful, adaptable at innovative. Makalimutan man nya lahat ng tinuro mo, makakalikha sya ng sariling ideya na baka mas mainam pa sa tinuro mo sa pamamagitan ng sariling pagsisikap. Turuan mo syang tumugon sa hamon ng kanyang kapaligiran at turuan mo syang lampasan ang mga pagsubok ng buhay upang sa huli’y masabi nya sa ‘yo, “Titser, kaya ko na ‘to! Di na kita kelangan sa buhay ko.”
Marami pang mga prosesong pwede nyong idagdag. Nawa kahit papaano’y may nai-ambag din ako sa inyo. At kahit hindi tayo guro, nasa atin pa rin nakaaatang ang tungkulin na magmulat ng ating mga anak, kapatid, kaibigan, kabagang, kabaro at kapanalig. Lugmok na sa kahirapan ang bansa. Nadidimlan na tayo dahil sa panlolokong ginagawa ng goyerno, kapabayaan ng media at mundong nilikha ng konsumerismo. Kung ang sagot mo sa tanong kong “Tister ka ba?” ay “Hindi…    …nawa’y “Oo” ang isagot mo kung may magtanong sa ‘yong “Tutulong ka ba sa pambansang pagmumulat?”
“Poetry is not the proper antithesis to prose,
but to science. Poetry is opposed to science,
and prose to metre.”
-         Samuel Taylor Coleridge
Q. Bakit po dito sa harap ng simbahan mo ako niyaya para makapanayam ka?  Pwede naman tayong doon sa may Chowking konti lang ang tao.
Tom. Ok lang dito, mas konkreto ang sasabihin ko, mas malalim ang aking mararamdaman. Mas madali akong makapagpapaliwanag. Hindi ka ba komportable dito?
Q. Ok na rin po, kaya lang parang maingay. Yung ano, medyo…
Tom. Natatakot ka ba dito?
Q. Hindi naman – wala lang… kinakabahan po siguro. Baka mapagkamalan tayong,
Tom: Ano lokoloko.  Huwag kang matakot, kakilala ko mga tambay diyan. Yun, kaibigan ko yun, yung batang nagtitinda ng sampagita. Yung kasama nya, asawa ng tatay niya – kakilala ko rin.
Q. Hindi kita maintindihan. Maingay…
Tom. Malakas naman ang boses ko a. Di mo ba narinig noong awarding ng Pambansang Gawad Alagad ni Balagtas noong Sabado.  Noon, nilinaw ko sa mga taga-Umpil na hindi naman ako galit sa kanila. At hindi ko naman nirereject ang tropi ni Baldemor.
Q. E bakit nyo nga hindi tinanggap ang tropi iniwan nyo sa Museum? Hindi ko maintindihan. Meron pang palaka.  Ang sabi ng isang senior member ng LIRA, miyembro din ng UMPIL huwag po kayong magagalit, may topak daw kayo, ipinaglihi ka daw sa palaka.
Tom. Huwag mo nang pansinin ang paninira sa akin. Iba kasi ang parametro nila sa pagtula ganon din sa etika nila, o poetika, hindi ko rin sila maintindihan. Pare-pareho lang kaming may karapatan na magbangong-puri.
Q. Sabi ni Sir Bobby Anonuevo, nabasa ko po sa blogsite niya, “wala daw kayo sa sarili noong nagdala kayo ng palaka sa awarding, binastos daw ninyo ang UMPIL.
TOM. Wag mo nang pansinin, wala namang seryosong manunulat at kritiko na pumapansin kay Bobby Anonuevo. Masipag pa naman siyang magsulat. Sayang.  Nakakatawa nga, kasi pagbinasa mo mga tula ni Anonuevo, at itinabi mo sa mga akda ni Rio Alma, takpan mo ang byline, walang pinag-iba. Pakinisan ng salita.  Hindi mo nga mapapansin na may mga tulang mas makinis pa yung kay Anonuevo kaysa tula ni Rio Alma. Sayang si Anonuevo, pero may pag-asa pa siya kung mag-ievolve. Meron nga siyang tula, nabasa ko kopya sa Conspiracy, pero hindi ko nabili.  Dalawang tula iyon na kontra-computer. Anti-modernisasyon. Tinatawaran niya ang paggamit ng computer, anti-science.  Nabubuhay siya sa kanyang tulain at armagedonistang pagkatakot sa modernisasyon.
Hindi ko alam kung gumagamit ba si Anonuevo ng computer. Parang hindi talaga niya alam ang kanyang sinasabi.  At siya raw ang nagsabi na “sikat” at maganda ang tula ni Ariel Borlongan na “From Saudi with Love!”  Nakakahambal ang panlasa ng mga taong ito!
Tinutuya nila ang sitwasyon ng mga napupugutan ng ulo sa Saudi, mga kababayan nating manggagawa.  Binanggit ko yun kay Ariel Borlongan, sabi ko, “Ariel pangit yung tula na yun!” Pabulong lang naman dahil kasama ni Ariel asawa niya. Hindi siya kumibo. Palagay ko natauhan siya. Mahirap kasi, yung tumula – na kasi gusto mong manalo sa Palanca. At iyong tulang From Saudi with Love, kasama sa winning entry niya sa Palanca. Ganon sa kontes.  Iyon ang gustong-gusto ni Anonuevo.
Si Bobby Anonuevo ang isang clone ni Rio Alma. Meron ngang tula si Anonuevo sa antology ng tulang nanalong karangalang-banggit sa Makata ng Taon, “Lawa sa Wala” Ha ha ha! Daig pa si Rio ha ha ha!  Pati istilo daw nitong magsulat ng review, Riong-Rio.  Kaya puwede siyang ituring na kakapsoy.
Q. Ano? Kakapsoy?
Tom. Todpole. Baby frog.  Yung mother frog – Kokak.
Q. Ikuwento mo nga kung saan galing ang palaka at bakit?
Tom. Magulo eh, pero wag kang mainip, ikukuwento ko sa iyo lahat.  Kaya lang mainit na, lipat tayo don sa palengke. May espasyo don. Tahimik.
KALAHATING MINUTONG LAKAD PAGLIPAT NG PUWESTO NG PANAYAM.
Tom. Ok dito, tahimik. Kakilala kong mga batang yan. Dito sila natutulog at inaabutan ng tanghali. Para di sila abutan ng mga pulis. Mga pulubi mga yan. Istorbo daw sa daan. Ok ka lang dito tayo?
Q. Ok lang. Anong kuwento sa palaka?
Tom. Magsimula muna tayo sa una. Noong nasa Leyte ako, nasa traysikel ako papunta sa Tacloban City. Bigla nagring ang celfon ko. Hindi ko maintindihan kasi maingay traysikel. Pinahinto ko traysikel.  Ang narinig ko si Rubi Alcantara pala ang tumatawag.  Sabi ni Rubi, tatanggapin ko raw ba ang gawad Balagtas ng UMPIL. Sabi ko sa kanya email mo na lang ang detalye kasi may importante akong pupuntahan. Yun lang. Tapos diretso na ako sa city hall.
Q. Bakit anong meron sa city hall? Sino pala si Rubi Alcantara?
Tom. Si Rubi, teacher sa UP, myembro ng UMPIL. Nasa board yata siya.  Nung tumawag s’ya, Pupuntahan ko yung mga pedicab driver sa city hall, hinuli sila at naimpound ang trisikad nila. Bawal kasi sa higway ang pedicab, nahuli ng mga pulis. Hinatak sila marami daw sila mahigit 14 na unit. Yung iba natubos na. Yung tatlo, nandon pa rin. Mabuti naman, nailabas din namin sila at nakauwi sa pamilya. Pati yung padyak nila.
Q. Bakit po kayo… Ibig ko pong sabihin, bakit kayo tumulong sa kanila.
Tom. E kasi nakilala ko sila dahil sa research project tungkol sa Non-morotized transport. Advocacy namin ang paggamit ng bike at pedicab at. tobacco control  Healthy lifestyle ba. At saka dahil na rin sa mahal ang gasolina at proyektong anti-polusyon. Nakikipag-dialog kami sa mga LGUs na suportahan ang mga pedicab drayber, kasi nagsiserbisyo na sila, wala pang polusyon.  At safe ang sumakay sa pedicab kesa mga habal-habal, binabawal pa.
Mabuti na lang ngayon medyo maluwag na ang LGU, pero mahigpit pa rin kasi gumawa sila ng ordinansa na bawal sa hi-way ang mga pedicab. Me katwiran naman sila. Pero pag habal-habal, binibigyan nila ng lisensiya.
Q. Ano yun?
Tom. Habal-habal, mga single na motorsiklo yun na pampasahero. Yung kahit 5 – 8 tao ay ibinibyahe, mas delikado yun.
Q. Balik tayo sa Gawad Balagtas. Pero, hindi ko po naipaliwanag sa tex ko kagabi sa inyo, na hindi muna ngayon sana ang interview ko sa inyo kasi kasi me appointment po ako mamya sa POEA. 1pm.
Tom. Mag-aabroad ka ba.?
Q. Hindi po,  may nakaiskedyul din akong interbyuhin, rekruter.
Tom. Sige, tex ka lang… Malayo,  teka  alam mo bang sakayan? Saan ka ba? SM Lagro o iikot ka sa C5.
Q. Di ko  alam e., pero magtataxi ako. San po ba kayo kukuha taxi?
Tom. Mamamalengke pa ako. Ihatid muna kita sa sakayan…
PART III
C5 PAGLAGPAS NG TRICYCLE SA MAY TULAY NA MAY MGA BARUNGBARONG SA ILALIM
Q. Yung tula n’yo. Nakakatakot. Pero nakakatawa?
Tom. Marami akong tula, walang nakakatawa, walang nakakatakot.
Q. Yun pong nabasa ko kasi yung parang  tulang pangrebolusyon.
Tom. Hindi nakakatakot ang rebolusyon, sa aming mahihirap, naubos na ang aming takot?
At lalong hindi nakakatawa. Bakit ka natatawa kamo.
Q. Yung isang binasa ko – tandang tanda ko,
Tom. Ano?
Q. Nag-aamoy puki ang hangin.
Tom. Nakakatawa ba yun? Pero sa totoo lang, yung tula kong yun, panakot at pwede ring nakakatawa nga. Pero pagdating ng rebolusyon, mas nakakatakot at ewan ko lang kung uso pa ang tawa…
Q. Bakit ganun ang tula mo? Parang tulang aktibista.
Tom. Tulang aktibista? Hindi ako aktibista. Makata lang po ako period. Yung mga tula ko, ginawa ko yun sang upuan lang. 3 tulang mahaba. Tungkol sa rebolusyon. Romantikong tula yun.
Q. Bakit romantiko?
Tom. E kasi kunwari lang yun. Magaling lang siguro akong seducer. Duda ako na darating pa ang rebolusyon ng mahihirap. Sa lahat ng rebolusyon – agawan lang sa poder ng malalakas na tao.  Ako mismo haharangin ko ang rebolusyon. Ang gusto ko ebolusyon.
Q. Ano ibig nyong sabihin?
Tom. Sa tula ko, diba nagkakagulo na sa lugar ng mayayaman, may inabutang lalaking mayaman na nagising na lang na nagkakagulo. Nang dumungaw siya, kabikabila ang gahasaan.
Ilagay mo ang text ng tula pag nagtranscribe ka na. Bibigyan kita ng kopya.  Para malinaw.
Q. Meron akong kopya. Yung naiwan mo, sinerox namin at pinamigay sa grupo. Maganda kasi, ibang iba.  Pero bakit kayo tumutula ng rebolusyon, haharangin mo pala.
SOMEDAY BALANG ARAW SA PLANETANG EARTH
Sa oras na iyon, o baka hatinggabi
Mas mabuti kung katanghaliang tapat
Maliwanag na maliwanag
Kung abutan kang agaw-tulog, naghihilik
O nakalutang sa tulong-laway
Maaalimpungatan ka kung bakit tila nag-aamoy puki ang hangin.
Hindi mo napansin, naghihingalo yata
Ang dalagitang kinantot mo sa puwit.
Silipan mo ang bintana,
Kabikabila ang nakahubo at nanggagahasa
Huwag mo nang alalahanin ang iyong mga anak at apo mong babae
O kung hinahanap ka pa ng iyong asawa.
Maaaring ligtas sila sa evaquation center na itinayo ng mga magsasaka
Huwag kang mag-aalala, tiyak na may asin at lugaw na inirarasyon doon.
Hindi maramot ang mga mangingisda at manggagawa na lagi ninyong inaalipusta
Ang mahirap ay kung inabutan sila
Ng mga dating walang trabaho’t hampaslupa
Na naging lumpeng tulad mo dahil sa inyong kadayukdukan.
At ang katotohanan, hindi talaga natin matutugunan
Ang interes at sintiyemto ng tao sa oras man ng kapayaan
Lalo na’t sa ganitong kaguluhang imposibleng masukat
Ang galaw kung saan at ano ang bakit at paano ang alin.
Sino-sino?
Ang rebolusyong ito ay ebolusyon din ng mga hayop aso leon tarsier
Makta at Kanibal.
Ano kamo? Land reform! Nagpapatawa ka ba!
May matagal nang programa ng pagbawi ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita
Nakaguhit na ang plano ng mga Bisaya sa Ormoc sa mga taniman ng pinya
At kung anong gagawin sa  mga plantasyon ng papaya
Sa probinsiya ng inyong inutong boksingerong idolo
Bilang pambasang kamao.
Anong balita?
Sa tag-araw na iyon wala na  ang istasyon ang iyong kapamilya at kapuso
Ang balita’y matatanggap mula sa mga celphone
Insureksyon ng mga Muslim laban sa mga Datung Kristiano
Nag-uubusan ang Abusayaff at sarisaring kultong Katoliko
Naubusan na ng pasensiya ang mga lumad
Kaya nagblood compact ang mga katutubo sa Liguasan Marsh
Ano kamo?
Hindi kita maintindihan
Lalaban ka ba o nagmamakaawa!
Hindi kita maintindihan
Kahit ituwid mo ang iyong dila
Hindi kita maiintindihan.
Hindi na uso ngayon ang iyong mga tula.
Hindi kita maintindihan.
Huwag kang lumuhod
Naghubad na ng mga abito ang mga pari.
Lumabas na sa kumbento ang mga madre
At nagsasanay humawak ng espading sa negros.
Mangangailangan ang bagong gobyerno ng maraming tubo at hukbo
Sa Mindoro,
Darating ang panahong ang mga pastor at ministro’y magbuboluntaryo
Tutulong sa mga dating lumpen na nagtitibag ng bato
Para sa pagbubuo ng mga bagong munomento nina Dagohoy,
Lapulapu, Rizal, Plaridel, Supremo
KKK
Ano kamo?
Huwag na huwag  kang maghuhugas ng kamay
Sayang ang tubig, uhaw na uhaw ang mga rebolusyunaryo.
Tuwad.
Ikaw makata ay para sa akin.
Tom. Ang gusto ko ebolusyon. Kasi marami na tayong rebolusyong dinaanan, wala namang nangyayari. Mahirap pa rin ang Mahirap. Mantakin mo na lang,  sa rebolusyon, ang dugong dumadanak ay sa mga sibilyan at sundalo. Kung meron mang mayayamang namatay, isang kutsaritang dugo lang ang ambag nila kung ikukumpara sa dami ng sibilyan at sundalong namamatay.
Sa EDSA, mas madugo. Hindi totoong walang dugo sa EDSA. Propaganda lang nila yun. Kasi yung EDSA dulo na lang ng pagbagsak ni Marcos. Marami nang dugo ang dumanak bago pa at matapos kuno ang Martial Law. Ang namamatay, mga NPA Mga sundalo, Mga aktibista, mga kabataan, Mga Doktor pati mga dating Pari at dating Madre, maraming namatay, sina Dela Paz, Mcliing Dulag, Sa mindano, mga pari?
Kaya sinasabing Pinoy Style ang rebolusyon, tahimik, kasi maka Diyos Makatao, para sa bayan. Hindi totoo yun. Ang nakita lang nilang dugo ay kay Ninoy at Galman. Yun ngang dugo ni Galman, tuyo na. Kasi hindi ipinakita sa tv.
Sa totoo lang, mas maraming pari ang namatay kaysa mga pulitiko. Mga paring lumabas na ng simbahan. Merong mga madreng lumahok sa rebolusyon, nag-NPA. At natutong humawak ng baril. Nag-akala silang mananalo kaming mga tumaya sa komunismo. At saka yung mga madre, mas praktikal at makatotohanan nga naman na kakailanganin ng bayan ang maraming hukbo. Maraming magtatabas ng tubo. Kasi pagkatapos ng rebo, mangungonti ang tao. Kaya lumabas sa kumbento ang namulat na mga madre. Kailangang dumami ang tao sa bagong pinapangarap nating lipunan. Kaya ipinagtanggol nila ang kanilang karapatan, at hindi lang karapatan kundi tungkulin sa bayan. Kesa magdasal sila nang magdasal kay Sta. Clara, napapagod din sila sa kakakain ng itlog sa loob ng kumbento. Baka naman may ibang klase ng itlog na di nila pagsasawaan sa labas ng kumbento. Kaya minarapat nila na maging scientific ang pagtingin sa buhay. Kaya iginiiit nila ang mga bagong karapatan at hindi lang karapatan, kundi mahalagang tungkulin sa buhay ng kababaehan.
Q. Nag-NPA ang mga Madre?
Tom. Oo, pero may mas mahalaga silang tungkulin kaysa paghawak ng baril.
Q. Ano po yun?
Tom. Mag-asawa. Makipagsex. Makipagbuntisan.
Q. Sobra ha ha ha.
Tom. Hindi ako nagbibiro, pagkatapos ng rebolusyon mangangailangan tayo ng mga bagong henerasyon. Kukulangin ang kabataan. Bakit nila pagdadamutan ang kanilang sarili tulad noong nasa loob pa sila ng kumbento. Ako naniniwala ako sa procreation, yun ang aking philosopy, komunista man o hindi ang isang bansa. Kasi ang sex ang esensya ng buhay ng tao, para magpatuloy ang lahi ng homo sapiens. E ngayon, meron nang genetic engineering, pwede nang gumawa ng tao na hindi na kailangan ang sex. Tutol ako don, masarap ang sex. Ewan lang…
Q.      Anong masasabi mo sa mga tula ng LIRA? Yung organisasyong itinayo rin ni Rio ALMA?
Tom. Bahala sila sa buhay nila, kung saan sila  nagagandahan. Basta hindi lang sila nakakaperwisyo. Sungay nila sunong nila, buntot nila hila nila. Pananagutan ng makata ang tula niya. Hindi ako naniniwala na dapat ipormalisa ang poetika ng makata. Lagyan ng pormalin. Para sa palaka lang yun. Kaya hindi magkasundo ang mga makata sa mga workshop kasi, ang pinagtatalunan nila ay ang tunog, indayog, kahulugan ng salita. Pag nagsalita ka, compromised ka na. May kanya kanyang interpretasyon dyan, depende sa solipsismo ng makatang bumabasa.
Q. Anong solipsismo?
Tom. Solipsism. Yun ang personal mong sensasyon sa mundo na ikaw lang ang nakakaamoy, nakakaramdam, nakakaintindi. Kaya ipaglalaban mo na yun ang totoo. E iba-iba ang pakiramdam natin, kasi iba-iba ang algorithm ng katawan natin, iba iba ang ating kinalakhan.
Kaya magkakaiba-iba ang panlasa at kung ano ang maganda at pangit sa atin. Pero sa workshop, tulad sa GAT, Galian sa Arte at Tula, dating organisasyon namin,  merong binuong canon sa GAT. Paglingkurin ang tula sa madla. Ngayon  sinasabi ni Rio Alma, Bagong Pormalismong Filipino. Yun ang solipsism niya. Poetic construction. Pag graduate mo sa LIRA, nakapon ka na, Itatakwil mo na ang sarili mong solipsismo.
Anong labas mo?  Pareho na kayong lahat, sama-sama, walang pinagkaiba ang poetika sa National Artist. Lasang Rio Alma. Kasi National Artist na siya, at ang kanyang linya, kailangan sa panitikan ang “makapangyarihang pagbasa.”
Paano kung pagtanda ni Rio Alma, siyempre maiiba ang kanyang panlasa, kasi iba na ang realidad ng kanyang solipsismo, tumatanda na, iba na ang pakiramdam. Pagdating ng oras na iyon, lahat kayo’y tutula na parang nirarayuma. Kasi hindi nag-evolve ang pangangailangan ng bawat isa. Binabale wala ang sariling instinc.
Q. Hindi ko na maintindihan, masyadong malalim…
Tom. Balik na lang tayo sa palaka, kokak lang yan, walang lalim sa tingin, pero may pakinabang kasi kumakain ng lamok. Kaya lang ang palaka hindi na talaga yata nag-ievolve. Palaka lang siya habambuhay. Kokak nang kokak. Mabuti pa nga siguro kung magkaron ng ebolusyon, pati mga palaka, iku-culture natin. Sa rebolusyon ng kaliwa maraming makata ang hindi rin nag-evolve. Kasi compliant din sila sa parametro ng partido. Kailangan ganito/ hindi dapat ganito/ kasi ganito ang gusto ng sentro.
Ang problema hindi nanalo. Kaya maraming nasayang na buhay na mga artista’t manunulat. Sa huli, nagpatayan pa ang mga komunista. E kasi dikta kultura: iisa ang pagtingin, sa lipunan daw, meron lang dalawang uri. Api at nang-aapi.  Yun ang akala nila noon, ewan ko kung ganoon pa rin.  Hindi pwedeng sa isang lipunan ay hahatiin mo sa dalawang uri, patayin ang isa, at matira ang isa. Magkakapantay-pantay daw. May planeta kayang flat? Kung ang mundo ay walang bundok at dagat, anong klaseng mga palaka ang mabubuhay at magtatagal kaya kung ang isang gobyerno’y masahol pa sa simbahan, na nagdidikta ng Ganito / At di ganito/ Mali / Tama. Parang kultura ng mga sabungero yan. Sa pula sa Puti. Ayoko ng ganyang kultura. Ang gusto ko, nag-ievolve. Sientific, hindi mapamahiin. Kaya nga tayo isang bansa ng mga bobo. Nadisable ang ating initiative. Kasi parehong nagdidikta ang mga pari, ang mga rightist at komunista ng kanya-kanyang doktrina sa indibidwal at sa masa. Hindi nag-ievolve ang indibidwal kasi may takda ang simbahan at ang sentro. Kaya wala tayong naimbentong intellectual apparatus. Utak-pato. Utak-tupa. Kung saan ang direktiba ng Hari, demo-demo tayo. Pagsinabi ng pari, hindi na pwedeng margali sa EDSA, pero pwede rin pala magrali pag gusto na naman nila, basta Makadiyos.
Marami ding magagaling na makata ang namatay sa Reboulsyon bago pa mag-EDSA, sina Emman Lacaba, Lorena Barros, maraming pulang kumander ang namatay. Ako may kababata akong namasaker. Makata rin yun, pero nahatak ng kilusang lihim. Bago pa siya nakapag-evolve. Nasalvage. Buti yung kapatid ko nakaligtas. NagNPA siya pero iniwan ang mgakasama niyang NPA sa Nueva Ecija. Napakahirap daw, kasi lakad lang sila nang lakad. Kain lang ng kain. Mula Nueva Ecija, tatalaktakin nila ang bundok, Siera madre pa ba yun. Tatagos sila sa San Jose, maglalagos sa Antipolo hanggang Rizal, tapos, babalik na naman. TNT. Tago lang sila nang tago. Hindi nakatagal, mahirap daw. Iniwan niya mga kasama isang tanghaling tapat habang natutulog. Nag-iwan namang siya ng sulat. At humingi ng patawad. Hindi na raw
niya kaya ang mahayap na rebolusyon. Ngayon, 5 anak nya, matanda na at nakatira sa Meycauian nandon ang bahay niya, mabuti-buti lang ng konti dyan sa mga barungbarong na yan sa ilalim ng tulay. Pero hindi siya nagsisisi. Hindi rin naman siya naging bodyguard ng kung sinong pulitiko. Kahit nirerekrut siya ng mga lumpeng bata-bata ng mga pulitiko hindi siya sumama.
Maraming mga kadre-kadrehan ng partido na naging kadre-kadrehan ng mga pulitiko. Walang evolution. Singkwenta’y otso anyos na siya ngayon. Isa siyang artist na hindi nag-evolve. Noong binatilyo siya, nag-aral siyang platero. Nang bumagsak ang negosyo ng amo nya. Sinubukan niyang magsarili, nagpundar siya ng mga gamit. Pero dahil wala siyang puhunan, sa halip na ginto, stainless ang ginawa niyang singsing. Nilagyan niya ng mga letra. Pinakintab. Ako tagalinis, hindi ko talaga matagalan yung paguukit ukit ng singsing. Dahil nag-iisa siya na nagtatrabaho, ako na lang ang ginawa niyang ahente. Ibinebenta ko sa Tondo meron kaming mga kamag-anak doon. Halimbawa gagawa kami, ng letrang M. Maghahanap ako ng pangalang Marcos o Macoy, iyon ang bebentahan namin. Noong unang taon, aba, kumikita kami. Pero dahil nagsawa na ang mga tao, kailangan niyang mag-evolve. Paano mag-eevolve ang isang artist kung ang kalakalan sa loob ng bansa ay nakaasa sa mga imported. Compliant sa US at WTO ang apong republika ng Republica Filipina ni Aguinaldo. At ang Matatag na Republika, ramdam na ramdam na ang pagbagsak.  Sa ganitong sistema ng gobyerno, anong laban ng kapatid ko. Evolve siya nang evolve pero hindi maka-evolve. Sa ka-ievolve nang walang ayuda ng gobyerno at kultura, nahilo. Ayun narekrut ng NPA. Lalong hindi rin nag-evolve.
Q. Bakit gusto mong pigilan ang rebolusyon hindi ka naman kamo natatakot, pano magkakaroon
ng pagbababago?
Tom. Sa rebolusyon ang nagbabago lang ay kung sino ang nasa kapangyarihan. Pero mahihirap pa rin ang kawawa. Pinagsasamantalahan pa rin sila. Hindi kasi nagbabago ang kultura.
Kultura ng mga sakim. Dahil hindi natututo ang mga tao. Mga walang puso. Yung mga scientist kayang magpalit ng puso pag ang may sakit ay milyunaryo. Yung talinghaga ng puso, pera ang katapat sa kultura ng mga Hari. Pagkatapos ng rebolusyon, yung papalit, kung hindi maniningil sa mga dati nilang kaaway, sila naman ang magsasamantala. Kasi sila na ang bagong hari.
Q. Ano  gusto mo? Ebolusyon? Hindi ba ganon din?
Tom. Ang sinasabi kong ebolusyon, pangkultura ang diin ng laban. Kung maaari puro trabaho at debate lang, edukasyon ang bibigyang diin, Edukasyong makaagham. Marami tayong scientist pero nauubos, umaalis dito kasi walang bisyon ang gobyerno kundi eleksyon lang.  Ang kultura ay vision ng Kurakot at Putang ina ninyo – kami naman.  Ang gusto ko ebolusyon. At ang mangunguna dyan ay mga artist, mga scientist, mga titser. Ngayon ang mga artist ay hindi lang mga manunulat, nag-evolve na rin mula sa salita ay lumawak na ang uri nila, artmedia. Lahat sila makata. Lahat sila artist. Hindi pwedeng magpagalingan na lang ng salita. Malapit nang hindi mauso siguro ang tula kung tula lang. Kasi hindi naman talaga interesado ang masa sa tula. Hindi na puwede ang madulas na salita at bagsak ng sesura, may celphone na. May ibang porma ang tula nag-evolve na rin. Meron akong naimbentong metaphor processor sa laptop.  At saka yung mga makata na nagpapakadalubhasa sa salita, nabilanggo sa kadakilaan ni Balagtas.
At ang masama, maraming makata na dahil salita ang tanging alam niya, tamad na silang magbanat ng buto. Interesado na lang sila kung paano makakaraket para sa kanilang amo. Hindi ito literal na pagbubuhat ng bato o pagbubungkal ng lupa. Karamihan ang mga manunulat ay naging ghoswriter ng mga pulitiko. Haharap sa computer titipa, magpiprint and submit. Talumpati ni Bossing niya, wow, 50 thousand, depende sa okasyon at kung sino ang nagpapasulat. Ang akala nila, pag kumalahig sila ng talumpati o idea, wala silang pinsalang nagagawa sa mahihirap. E saan ba manggagaling ang 50 thousand na bayad sa kanya? Huwag na nating kuwentahin ang mga coffe table book ng PCSO. Itanong natin sa mga agriculturist, kung susunugin ang lahat ng libro ni Marcos at mga libro ng mga manunulat na tuta niya.  Ilan kayang punong mangga ang pamumulaklakin ng usok nito. Kesa nasa estante ng mga bigshot sa literatura.
Ang labanan sa ebolusyong pangkultura ay giyera ng malulusog na kaisipan laban sa matandang kultura ng mga hari at naghahari-harian. Kaisipang nagpapanatili ng pamahiin at kamangmangan. Kaya maipaparis mo ang mga pari sa makata, mga mersenaryo ng kaisipang pabor sa hari at kontra sa kapakanan ng tao.
Pero kung susubukan natin ang ebolusyon sa kultura posible ang pagbabagong konti lang ang kakatas na dugo. Pwede kayang literal na walang dugo pawis lang, kasi research ang gamit dito, pag-aaral na scientific, walang puwedeng mambola. Pag mali ang ideya mo mabubuking ka. Hindi pwedeng solipsismo ang paiiralin dito, quackery yun. At sa ganitong kompetensiya ng sining,  ang matalo at magalit pikon. Hindi ka artist. Pikon ka lang. Period. Pag kultura kasi ang isinulong, ibig sabihin yung isip natin at puso, pandama ang iiral. At ang kultura ay aksyon, plano, aksyon aksyon nang aksyon  na may vision ng mga artist at scientist. May exercise ang ating isip. Mawawala ang kulturang tsismis. Laging busy ang ating utak, tatanggalin natin ang mga pamahiin. Pauunlarin ang science na makatao, kahit hindi makadiyos. Magsasalikslik at magtatarabaho at magpapahinga at magbabakasyon. Hindi kailangan ang dasal. Sa isang lipunang produktibo ang mga tao, kailangan niya ang bakasyong may quality. Para pagbalik nya sa trabaho inspiradong inspirado siya at mas dedikado ang kanyang trabaho para sa sarili, para sa pamilya, pag kontento siya pwede na siyang makatulong sa kapwa. Hindi siya maiisahan ng gobyerno. Hindi siya mananakawan ng buwis dahil pag may kultura kang masigla at matino, yung mga pulitiko malamang sa hindi ay magtitino na rin, o kaya mag-abroad na lang sila. Kasi empowered na ang mga tao. Yung mga magsasaka’t mangingisda mas masipag at matapang kasi para na rin silang scientist. Hindi hula nang hula. Hindi dasal nang dasal. Palaban. Sa ganitong kultura, kahit magsasaka at manggagawa ay intelektwal.
At pagmaunlad ang kultura mo at scientific hindi ka insecure sa kinabukasan, ibig sabihin walang lamangan, walang nakawan, kasi buo kang mag-isip. Hindi ka mag-aalala sa GSIS o SSS. Masaya naman ang tao kapag walang ginagawang masama laban sa kapwa. Kung talagang swapang ang genes mo at di mapaandar ng sofware, (kultura) maa-isolate ka. Bakit ka naman gagawa ng masama e kung natutugunan naman ang pangangailangan mo.  Pag ganito ang lipunan, maipagmamalaki mo ang sarili. Gugulatin natin ang ating sarili na kaya pala nating maging produktibo at maunlad. Pwede na tayong sumabay sa ibang bansa. Gulatin natin ang ating sarili. Kasi hindi naman natin magugulat ang buong mundo. Kasi ang mga Pilipino ay di ba, mga katulong, mga prostitute. Kahit yung mga titser natin, maid ang labas sa ibang bansa. Tapos sasabihin nila, Dakila ang Bagong Bayani.
Nakakainis, kasi pambobola lang yan ng mga writers na utusan ng kung sino ang nasa Malacanang. Manunulat ang sumusuhay sa pananatili ng mga Hari sa gobyerno. Palit-palit lang sila. Kaya nananatili ang kultura ng mga hari, dahil sa mga manunulat at artista.
Ganun kasi ang kaisipang nanatili sa literatura. Ang mamatay ng dahil sa  – pambala sa kanyon ang mga bata. Naglilingkod sa palit-palit na pangulo.
Ang Florante at Laura ni Balagtas. Ganon din compliant sa mga Hari. Kaya kailangang balikan yan at makapag-evolve. Baka may iba nang Dakila bukod kay Balagtas. Hindi ako galit kay Balagtas, ayoko rin namang mamersonal, kasi alam ko bawat isa sa atin may kahinaan, may katangahan. Wala namang nagmomonopolyo ng bankruptcy.
Lalo ngayong walang kulturang tuluy-tuloy na nag-ievolve. Ang kultura natin ay kultura ng paghihiganti. Kultura ng singilan, Kultura ng putang ina nyo – kami naman!
At ang maraming mamamayan, laging sunud-sunod lang sa mga awtoridad, takot sila pero  parang hindi naman. Pupurihin ka sa harap, tatagain ka sa likod. Maraming makatang ganyan. Lalo yung mga galit kay Adrian. Buti nga si Adrian, may siyantipikong pagbasa kay Bonifacio. Sa KKK. Pero ang KKK, kinudeta ng mas matakaw na bacteria. Yung Republica Filipina ni Aguinaldo.  Pinalitan ang kartilya at konstitusyon na pinagtulungan ni Bonfacio at Jacinto, pero hindi rin nag-evolve. Ang masa, kaya walang respeto sa makata, galit-bati rin sila sa mga pulitiko pero nagpapabili ng boto. Kaya pag may bago nang presidente, mababago na      naman ang pakikibagayan ng mga tao. Bagong hari bagong ugali.
Tanggap iyan ng taong bayan. Talagang ganyan ang buhay. Tutal may diyos naman sa kabilang-buhay pag namatay. Pantay-pantay lang. Iyan ang pamahiing lalong nagpapabansot sa kaisipan ng mga kabataan. Hindi ko lang alam, na kung hanggang ngayon araw-araw na nagdadasal kay Virgin Mary ang mga bata bago magsimula ang klase. Noong panahon ko, nagdadasal kami bago magsimula at pagkatapos ng klase. English sa umaga, Tagalog sa hapon.
At inuugat ko ang kaisipang yan sa krusadang dala ni Magellan. Na naiprupaganda hanggang sa literatura hanggang sa pasyon at mag-evolve sa Florante at Laura. Si Balagtas ang Ama ng Panulaang Filipino. Pero pag tiningnan mo ang laman ng kanyang epiko compliant siya sa mga Hari.
Kontra Muslim pa siya. Kasi si Aladin at Flerida, yung dalawang bida na nagligtas kay Florante sa pananaghoy sa gubat nagpabinyag na Kristiano. Bakit mo gagawing pambansang Makata si Balagtas, maraming magagalit na mga Muslim at Abusayaff. Kung makata si Balagtas, at magaling e di magaling. Pero suriin natin ang kanyang Florante at Laura, Kunin natin kung alin ang magandang ginawa niya bilang makata, tapos ipaliwanag natin ang kahinaan. Ibig kong sabihin pag sinuri natin yan, kukunin mo ang maganda, at itatapon mo ang marumi. Yan ang pag-aaralan sa mga eskwelahan ng mga bata. Matututo silang magsuri.
Hindi basta-basta sasamba, at hindi rin basta-basta magrireject.  Naniniwala rin ako na mahusay na makata si Balagtas, kasi ang mga uso noong tula ay puro amoy-simbahan, puro aral, para bang manual ng mga NGO ang mga libro. Gawin mo ito. Huwag mong gawin ito. Kay Balagtas, naipakita niya ang drama, realistiko. Naisatula niya sa alegorya ang pagmamalabis ng mga Frayle sa mga Indio.
Pero kasangkapan din siya sa paglaganap ng panatikong relihiyon na nag disable sa kaisipan ng mga indio.. At bilang patunay, wala po siyang iniwan kay Mike Velarde sa huling saknong ng kanyang tula sa pambungad ng Epiko bilang paghahandog kay Celia, saksi niya ang-
Ikaw na bulaklak niring dili-dili
Celiang sagisag mo’y ang eMe  A eRe;
Sa birheng mag-ina’y ipamintakasi
Ang tapat mong lingkod na si eFe eBe
Ang problema hindi nag-evolve ang pagkilala kay Balagtas, Basta siya ay dakila. Dakila kaya dapat ang libro sa high school huwag nang babaguhin, Malaking raket yan. May mga vested interest sa DepEd na konektado sa mga supplier ng libro.
Q. Ano ang ayaw mo pa sa Florante at Laura?
Tom. Yun nga, unfair sa mga Muslim. Pro-Christian ito laban sa Muslim.  Bakit mo gagawin mo idedeklarang pambansang Makata si Balagtas,  hindi naman puro Katoliko ang mga Filipino. Pero ang pinakamasama, ang libro ay inaalay niya kay Papa jesus at Mama mary, ibig sabihin, wala siyang pinag-iba sa mga dating libro na pinapayagan ng censor.  Mga librong puro tungkol lang sa pananampalataya.  Sa ganong kondisyon, medyo nag-evolve na ang literatura sa Florante at Laura bilang sample. Pero nag-evolve ng konti, sa kapakanan ng mga frayle at         simabahang Katoliko, tapos huminto na. Nalimbag daw ito noong 1835 at 1861.
At mula noon hanggang ngayon walang dagdag. Umurong pa, kasi mali-mali ang kopya ng sumunod na edisyon. Iba ang naging pagtatalo, alin ba ang orig at walang mali.
Kasi nga dakila kaya, dapat pati tuldok huwag babaguhin. Kaya ang naiwan sa atin ay puro salita Dakila Dakila Dakila. Dakdak nang Dakdak. Kaya si Balagtas, naging Santo. Hindi nakita ang kahinaan. Hindi nag-evolve sa ibang makata ang kanyang akda kasi, Santo siya, Sagrado at hindi dapat baguhin. Tuloy-tuloy lang ang imprenta ng libro, tuluy-tuloy lang ang pamahagi sa mga indio. Ng isang kaisipang compliant kay Papa Jesus at Mama Mary. Hanggang ngayon. Nag-evolve sana iyon, kung may sumuri kung ang epiko ni Florante at Laura ay hindi na pala tama sa isang takdang panahon. Kung ako ang tatanungin, dapat baguhin ang dedikasyon sa harap. Wala  namang nakalagay doon kundi alay niya kay Celia. At ginawa niyang saksi si Papa Jesus at Mama Mary. Kung ayaw mang baguhin – dapat may paliwanag kung ano ang kahinaan nito. Para hindi naman gagayahin lang ito, katulad ng mga sumunod sa kanyang makata na ang tawag ni Rio Alma ay Balagtasista. Pagrerebeldehan ito ng mga makata, dahil nasusuya na sa porma at tunog. Ang hindi nila alam, ang pagbabago o ang ebolusyon ay hindi nagbabago ng parte-parte lang na tila ilang parte lang ang magbabago pero hindi ang buong katawan.   Proporsiyon ang pagbabago-bago ng mga bagay-bagay, Parang tao. Parang hayop, nagbabago siya, laki, timbang, panlasa, pag-iisip, ugali at pakikipagrelasyon sa kapwa, kahit siguro mga aso, nag-ievolve.
Si Rizal dinakila nya si Balagtas, hindi para sa mga Pilipino kundi gusto niyang patunayan sa mga Kastila at sa mga etnologist sa Europa na mas mahusay si Balagtas kaysa mga makatang Frayle. Hindi naman sinabi ni Rizal na Santo si Balagtas. Ginamit niya sa Noli at Fili ang ilang parte at kaisipan ni Balagtas, kasi meron naman talagang kabutihan. Si Rizal ang parang nakita kong limitasyon nya, (pag-aakala pa lang ito,) para siyang si Kant. Yung katwirang basta gumawa ka ng mabuti, bahala na kung merong diyos o wala. Iwas pusoy, kung sakali, mapupunta siya sa langit. Pero hindi na nga pinag-abalahan ng isip ni Rizal yon.  Ang sabi lang niya sa Huling Paalam – tutungo siya sa bayang walang nang-aalipin. Nagpapaubaya siya sa di kilalang Bathala – para bang sinasabi niyang “Bahala na!”. Tama nga Kant na Kant.
Pero hindi itinuring ni Rizal na banal na kodigo ang Florante at Laura. Akala lang iyon ni Rio Alma.  Ginamit lang ni Rizal na halimbawa si Balagtas sa komperensya ng mga etnologist sa Berlin  noong Abril 1887 na ang pinakamahusay na indio noon pa, ay mas mahusay kaysa mga Frayle. Siyempre mayabang si Rizal meron siyang ebidensya. Kaya siya matapang. Hindi sinabi ni Rizal na ito na ang pinakarurok at wala nang hihigit pa.
Sa anotasyon  ni Virgilio S. Almario, nasaliksik niyang  -   “Isa sa mga unang papuri sa Florante at Laura ay galing sa isang Espanyol at alagad ng simbahan, si Padre Toribio Minguella, na nagsabi nang sumusunod noong 1878: ”El Estilo poetico de los tagalos es siempre melancolico como sus cantares, triste como sus bosques. Tal vez en poesia solo merece leerce el Corrido de don Francisco Baltazar titulado      Flrante y Laura. Hay alli rotundidez y limpieza de frase, sin estar recrgado en el fondo de    conceptos soporificos.”
Hindi ako naniniwala na papayagan ng mga philologist at theologian na maimprenta ang Florante at Laura nang hindi dadaan sa malalim at kontrobersyal na pagdidesisyon. Ang paglabas  ng Florante at Laura ay subersibo noong panahong ang tanging nalalathala ay mga librong dasalan, pagpaparami ng pasyon at mga aral na gawa-gawa ng mga prayle na hinahango sa Bibliya. friarlore ang tawag dito. At ang nagbuking nito ay si Arnold Azurin. Siguro sa tingin nila,  mas tatagal ang pagsasamantala sa mga Katolikong Indio kung patuloy ang paglalabas ng magagaling na libro tulad ng Florante at Laura. Parang move sa chess sakripisyo ang pawn, tutal naiisip din naman ng mga Frayle na totoo ang sinasabi ni Balagtas, na may kasamaang nangyayari sa “bayan kong sawi.” At alam nila yon. Kaya mas nakikita nilang hindi magrerebo ang mga Katolikong Indio. Hanggang sa dulo ng daigdig. Meron pa silang magandang katwiran sa Diyos.
Papatayin lamang ng Simbahang Katoliko ang anumang akdang panliteratura kung ito’y wala nang pakinabang o kasalungat sa kairalang pabor sa kanila. Baligtad  ang tingin sa buhay at hindi Marxista  ang Florante at Laura.  Mapapatotohanan natin sa mismong taludtod ni Balagtas:
Kaya nga’t nagtaas ang kamay sa langit
Sa pasasalamat ng bayang tangkilik
Ang hari at reyna’y walang iniisip
Kundi ang magsabog ng awa sa kabig.
Baligtad na paniniwala yan. Kasi sa totoo lang, kahit anong panahon, ang mga nasa itaas o ang mga hari ay walang iniisip kundi kabig ng kabig o magnakaw nang magnakaw sa produkto ng mga mamamayang gumagawa at nagpapakain sa mga hari.
Teka balik muna tayo sa Gawad at sa Palaka.
Ginawa kong halimbawa ang palaka, sapagkat may personal akong galit sa palaka. Sa amin kasi sa Hagonoy Bulacan, dalatan ng Manila bay, pag tag-ulan, ay bumabaha. Kasabihan sa amin, pag tag-ulan, maririnig mo ang kokakan ng mga palaka, pag tatlong araw na umulan nang malakas at nagkasabaysabay umihi ang mga palaka ay pumapasok ang tubig sa kwarto ng eskwelahan. Lagi  kaming walang pasok.  Lalong naghihirap ang buhay ng mga tao.
Hindi ako nakatapos sa high school at kung nakatapos man, magmemedyas ako ng alipunga. Hindi lang yun, sa elementari madalas akong ihatid ng pamalo ni Inang pag ayokong pumasok sa school. Kasi pangako ako ng pangako sa titser ko na magbabayad ako ng red cross, putang ina, lagi akong napapahiya. Gusto ko na talagang maghinto sa grade three pa lang, pero inihatid ako ng pamalo ni Inang hanggang sa geyt ng iskwelahan. Dahil napahiya ako, tinulaan ko siya. Yun ang unang tula ko para makaganti kay Inang.
“Salamat, Salamat,
puki mong may lamat,
mabuting  hindi mo na lang
Ako ipinanganak…”
Sa halip magalit, nagtatawa si Inang, nakita ko ang luha niya mas mapintog kaysa sa butil ng palay. Pero nang grumadweyt ako, niregaluhan ako ni Inang ng Florante at Laura, Binutas niya ang alakansya na akala ko ay sa akin. Pero akin na rin.
Napasok akong janitor sa Aklat Adarna ni Rio. Siyempre ipinagmamalaki ko sa baryo. Nakapag-evolve yata ako. Hindi na ako mangingisda. Janitor na. 600 pesos isang buwan. sa pangingisda, baka kalahating taon hindi ka pa nakaka 500 na kita. May payo sa akin si Rio noon, tapusin ko ang high school. Ayoko nga, sabi ni Gelacio burgis ang edukasyon, anti-masa ang mga intelectuwal na burgis. Kailangang yakapin ang uring pinanggalingan mo.
Ang problema ko noon, ako pala’y hindi na mangingisda, hindi rin manggagawa, kundi janitor, mala-manggagawa. Tersera klaseng kasama, Hindi kabilang sa mga avant guard, na siyang tanging maaasahan. Pinakasulong na uri sa lipunan. Kahit paano hindi ako burgis. Pero madalas akong kainuman nina Rio.
Nagsisi nga ako at hindi ko sinunod ang payo  ni Rio. Sabi kasi ng mga kasama,  Ang totoong edukasyon ay rebolusyon. Inang ko po! Inalok pa nga ako ni Rio ng isang yunit ng bahay sa Bliss project ni Imelda Marcos. Ang problema, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga bossing sa UG. Tungkol sa “paggamit ng Adarna.” Ako ang taga nakaw ng resma-resmang papel. Pero alam ni Rio yon.
Sasabihan lang niya ako. “Magtira ka para sa mga writers. Magagalit si Kuyang Bert pag nawalan ng papel. Mabilis magsulat yon.” Lumaki ang away sa Adarna Rio vs.  Bato, (high ranking political officer sa UG). Pati ako nalito. Nagresign na lang ako. Hindi ko alam kung sino tama sa kanila. Lagi naman silang nasa kwarto pag nagdidiskas. Siyempre sila ang mga bossing bossing.  Pinigilan ni Rio ako na mag-NPA.  Hindi naman ako papayag na maging janitor niya habambuhay kahit inalok niya ako ng isang unit ng Bliss sa Mandaluyong. Yung pabahay ni Imelda Marcos na Bliss. Kung tinanggap ko yun, magkakapit-bahay kami ni Teo Antonio at Lamberto Antonio sa Mandaluyong Bliss.
Umuwi ako sa Hagonoy, pagkatapos akong panalunin ni Rio at Roger sa Palanca. First sa tula si kasamang Romulo Sandoval. Ang problema pare-pareho kaming hindi nag-evolve. Si Mulong namatay sa Kasalo. Yung Kasalo, tambayan ng mga artist, at lagi ring nagsilbing sabungan para sa  mga RA at “R”J”.
Sa baryo, nong bumalik ako’y ganon pa rin ang buhay. Hindi nag-ievolve. Ang mga palaka pag kokak ng kokak, ang karsada lusak pa rin kung tag-ulan at di ka makadidilat sa pag Mahal na Araw. Wala ring pagbabago. Pahirap ang pahirap ang buhay naming mahihirap.
Datna’t panawan kami ng mga palaka sa baryo. Bago magEDSA datna’t panawan din kami ng mga NPA at sundalo ng gobyerno. Sino man ang dumating at umalis, kaming lahat ang biktima. Malaki ang kasalanan ko. Hindi ako nagNPA, hindi na rin ako mangingisda. Naging tulaero na lang akong tila palaka. Heto’t nirereject ng masa ang aking mga tula. Nirereject pa rin ng mga editor ng espesyal na publikasyong panlitereatura ng PCSO. Hindi raw galing sa puso ang isinabmit kong tula.
Hay naku, talagang masama na ang record ng mga makata. Naisangla na niya ang kapangyarihan ng salita. Kay Marcos, Kay Cory, Kay Ramos, Kay Erap, Kay GMA. Kailangan nang mag-evolve ang makata, tama na ang salita. Meron nang artmedia. Nariyan ang academe at mga scientist. Naghihintay ang kabataan kailangang gulatin natin ang ating sarili. Mag-  evolve tayo. Mag-evolve, at huwag mangggulat na parang palaka, pinagtatawanan tayo sa buong mundo. Patunayan natin na sa lalong madaling panahon, magsasalita ang artmedia, ang academe mga titser, at scientist. Hindi po totoong may darating na rebolusyon na mangunguna ang mga anakpawis. Ang mga anakpawis po ay nadisable ang isip dahil sa pamahiing dala ng krus ni Magellan. Hindi nag-evolve ang mga indio. Naging mapurol ang ulo ng mahihirap, maasahan lang sila ngayong magtrabaho para may kainin.
Kailangang mga manunulat – mga taga artmedia, kaguruan at scientist naman ang marinig sa pagbabago. Irehab natin ang mga pulitiko, irehab natin ang mga madre, irehab natin sina Velarde. Iglesia ni Kristo, Villanueva, huwag nating hayaang maisahan ulit tayo ng  pamahiin ng mga relihiyon. Tipirin natin ang mga kandila, huwag na nating lusawin ang liwanag sa loob ng simbahan.
Sabi ng mga scientist may tatlo’t kalahating bilyong taon pa bago maupos ang araw. Aralin natin kung ano talaga ang totoo. Magtrabaho tayong lahat, walang mawawala kundi cholasterol at haka-haka. Marami pa po akong kuwentong siguro kung maisulat ko man ay baka walang magpapablish, magagalit ang R.A. magagalit ang R.J.;  Ang matutuwa lamang ay mga palaka.
Patawad sa mga palaka, pero sa isang taon 2010 election, heto na naman ang karnabal ng mga  kanibal.   Mag-iingay na namang parang mga palaka ang mga manunulat sa Maynila. Magkokokakan ng kokakan para umulan ng biyaya sa kanilang mga proyekto. Kailangan nilang komokak sa mga pulitiko, para magkamal ng salapi. Hindi ito personal pero ito ang umiiral, sa mga dyaryo, ang mga kolumnista karamihan sa tabloid ay nagababayad pa sa mga publisher para lang magkaespasyo sila ng regular para sa “karga” nilang agenda o political propaganda ng kani-kanilang amo.  Si Lamberto Antonio, napakahusay na makata, nagpakapropesyunal sa tabloid.  Ang problema, parang palad ng batang nag-ku-close-open ang tabloid publishing. Hindi tumatanda ang tabloid. Nag-iiba lang ng pangalan. Hindi nag-ievolve. Tuwing darating ang eleksyon, may kung anong kakaing halimaw sa tabloid at may susulpot na naman.
Nasaan ang mga tula ni Bert Antonio. Hinaharang sa UP press sabi ni Lamberto. Nasaan si Lamberto Antonio, may nakakaalala kaya sa kanya? Ewan ko, basta ang tiyak ko, tumatanda siyang hindi nakaahon sa hirap at malamang, huwag namang mangyari ay baka mamatay rin siyang mahirap. Mas mahirap sa mga magsasakang iniwan niya. Paano ba tayo nagkakaroon ng National Artist. Sino ang pumipili? Kung sinu-sino na lang… Sabagay hindi naman importante sa ebolusyon ng  kultura kung may mga Icons ka o mga national artists. Hayaan na lang nating manahimik si Lamberto. Basta siya artist, period. Malamang mamatay nang mahirap, pero hindi mamamatay ng dukha.  Katulad ng ibang mayayamang makata.  Meron siguro kayong maipupukol sa kanya.
Pumirma siya sa mga manunulat ar artist na tinawag na Coward. (Coalition of Writers and Artists for Democracy) yung sumuporta kay Marcos. Pero  sino ba sa ating mga anak ng Florante at ang nagmomonopolyo ng bankruptcy?  Kaya nga tayo, dala dala natin sa dugo nati’t laman buto at isip, tayo’y sipot ng kulturang hindi maka-evolve. Hindi makapaghunos.
Kaugnay ng Pambansang Alagad ni Balagtas na ipinagkaloob sa akin ng UMPIL, hinandugan ko rin sila ng patay na palaka bilang protesta ko sa kalakarang ito ng kultura, isang kulturang iresponsable sa kanyang sining at panulat, tinanggap ko  ang tropeo at idiniposito pansamantala sa museo ng G.S.I.S. kasama ng  isang plastic pero cute na garapon na ang laman ay palaka.
Ako po si Tomas F. Agulto ay kamakata ni Balagtas at nina Pete Lacaba at Roger Mangahas, Rio Alma  at Bert Antonio pero hindi po nila ako Alagad. Si Fidel Rillo po ang aking Kaalagad. Kelan kaya tayo mag-ievolve lahat? Talo pa tayo sa deskarte ni Mike Velarde, sila parami nang parami, tayo, patayan nang patayan sa tsismis. Gusto lang natin tropi. Mas maganda siguro taling-lubid at tig-isang balisong na lang. Magtali tayo sa bayawang tapos saksakan. Tig-isang   balisong-Batanggas,  Ang manalo National Artist.Tiyak ang makakalaban ko sa huli, si Carlo J. Caparas.  Pag tinalo ko siya, sisigaw ako, “Todas kayong lahat!” Kung nag-iisa na ako. Paano ako mag-ievolve? Sa kabila ng lahat, nakiusap ako sa UMPIL sa pamunuan kay Vim Nadera na aralin ang isang mahalagang dokumento na maggagawad kay Balagtas ng tamang pagkilala, Ito po ay ang paghanap ng deliberasyon ng mga prayle ng bumubuo ng censor noong panahong ang Florante at Laura ay ilimbag. Hindi po ako naniniwala na maiisahan, o makalulusot ang Florante at Laura kung ito nga’y tumutuligsa sa kasamaan ng mga prayle at nagpapakita ng kahabag-habag na kalagayan ng mga Indio.  Palpak naman kung manghuhula lang tayo nang walang hard evidence. Hindi scientific yan. Solipsismo lang. Kung ako ang tatanungin, corny ang Florante at Laura. Wala namang sinabing kahenyuhan si Balagtas sa kanyang epikong romantiko.
Mahusay siyang makata kasi, naisatula niya ang pinagbubulungan ng mga Indio. Nailagay niya sa tula ang mga salawikain mula sa taong bayan. Magaling siyang makata, kahit corny. At hindi siya henyo.  Pakiramdam ko, tuwang tuwa ang mga prayle dahil compliant naman sa bibliya ang Florante at Laura, kontra Muslim pa at pabor sa lipunang Maka-Hari.
“Dadaanin na lang ba natin sa mga haka-haka kung nakompromiso ba si Balagtas sa mga Frayle. Nakomisyon ba si Balagtas upang ang kanyang obra maestra ay magpakita ng galing at naiiba ngunit ang laman ay nagsisilbi sa mga hari. Tulad ng pagtingin niya sa masa na walang ginawa kundi mag-abang daw ng biyaya mula sa hari?”
Isang konkretong halimbawa  ang Florante at Laura kumbakit nananatiling mapamahiin ang ating edukasyon, lalo na’t ito’y mababatay sa literatura ng mga Hari. Ngayon dalawang isyu ang di dapat ihahabol na lang. Para ito sa mga historian:  yung kapakanan ng mga tibo at bading. Iisa po ang masasabi ko. Masarap sigurong magparadigme shift – Magtiwala po tayong magaganap ang  Pambansang Siyentipikong Ebolusyon!
Sa huli, humihingi po ako ng paumanhin kay Krip Yuson. Kasama kong ginawaran ng Umpil ng Pambansang Alagad ni Balagtas. Sumulat po kasi siya sa Philippine Star tungkol sa maraming idinadaos na award ngayon. Panahon ng award ng mga artista’t manunulat.
Naibunton ko ang lahat ng galit sa artikulo niya dahil hindi man lamang niya binanggit sa artikulo ang tungkol sa palaka sa garapon. Kung anu-anong masasamang salita ang aking nabitiwan nang mag-email ako kay Vim para lamang tiyakin na maisusulat ni Prof. Nadera sa kolum niya sa Manila Bulletin ang Gawad Parangal na magbibigay halaga sa aking panawagan at protesta sa literaturang nagpapahirap sa aming mga mangingisda at sa lahat ng mamamayan sa buong bansa. Ang problema po ayon kay Vim, kinatay daw ng editoryal ang tungkol sa palaka. Wala kaming kakampi sa lunsod. Uuwi ba ako sa bukid para humingi ng tawad sa palaka? Mahusay magpalusot si Vim Nadera at pinaasa pa akong may isa raw writer sa Manila Bulletin na mag-iinterview sa akin. Na hindi naman totoo.
Samantala, ang panayam pong ito ay para maiparating ko sa mga sikat  na manunulat, na iniisnab nila ang isyu naming mahihirap. Pero yun nga, sasabog ang aking dibdib dahil sa literaturang maka-Hari. Kaming mahihirap lagi ang talo.  Para ano pa at nandito ako. Para ano pa kung hindi po ako mangangahas magsiwalat ng dominanteng tunguhin ng panitikang sabi nila’y Filipino.  Para ko nang naririnig, sasabihin ng mga nasa “status quo” hindi naman lehitimong manunulat si Agulto”.
E, ano ngayon? Basta hindi na mababawi ng UMPIL na ako’y kinilala nilang Pambansang Alagad ni Balagtas, Ha ha ha! Kailangan kong isambulat sa mukha nila ang kontra-masang katangian ng literaturang pinaghaharian ng mga palaka sa panitikan?  Kailangan ko lang maiparating ang katotohanang ito para sa iba pang kapatid sa loob at labas ng UMPIL. Kung mabastusan man sila sa metapora ng Palaka, napakaliit na bagay ito kung ihahambing sa kasamaang dulot ng literaturang Pinoy sa mahihirap.  Isang literaturang compliant sa mga Hari o ng mga mayhawak ng kapangyarihan sa Filipinas.
Humihingi po ako ng tawad kay Krip Yuson dahil sa aking kawalang pakundangan.Kung nanaisin ng kamakatang Krip, luluhod ako sa harap niya’t hahagkan ko siya sa talampakan. Sa patawarin nya ako’t sa hindi, gagawin ko po iyon. Sa patawarin niya ako’t sa hindi, gagawin ko po iyon. Lumuhod sa harap niya at hahagkan ang kanyang talampakan. Ito na po ang huli ninyong maririnig sa akin. Hindi na po ako magsusulat para sa mga matatandang manunulat.
Humihingi din po ako ng paumanhin sa mga taong aking inabala:
Lualhati Bautista, Conrado de Quiros, Reuel Molina Aguila, Rio Alma, Teo T.  Antonio, Lamberto Antonio, Arnold Molina Azurin, Victor Paz, Rubi Alcantara ,Joey Baquiran,Vim Nadera, Celina Cristobal, Gelacio Guillermo, Charles Ong, Marne Kilates, Fidel Rillo, Erick Aguilar, Jorge Arago, Boy Dominguez, Evalyn Manlogon, Arvin Acosta; At sa lubos kong minamahal na kamakata sa lahat :  Abet Umil
Karnabal ng mga Kanibal
Makukompleto na ang Karnabal ng mga Kanibal, habang naggigirian ang kasuklam-suklam na kultong Born Again na may basbas ng CBCP, habang di magkamayaw sa senado at kongreso ang mga karumaldumal napangalan at apelyido; at heto pa ang bagong karimarimarim at bagong pakulo sa karnabal na ito ng mga kanibal. “ Pangarap kong Jackpot.”
Manny Pacqiao at Carlo Caparas. Pareho silang galing sa masa. Pareho silang sikat. Yung isa’y  manununtok, yung isa’y manggugulat (hindi manunulat). Pareho silang nakalapit sa lipunan ng mayayaman dahil meron silang kakaibang kakayahan. Manuntok at Manggulat.
Si Pacqiao, bilyunaryo na. Si Caparas, nangangarap pa lang maging. Sa ayaw nila’t sa gusto, hahatakin sila sa kadayukdukan ng mga pulitiko. Gagamitin sila sa pulitika. Pareho silang gagamitin para  manggulat.
Kawawa naman ang masa. Kailangang mamulat sila.  Sa karnabal na ito ng mga kanibal, talo ang mahihirap. Pagkatapos ng eleksiyon, mamamahal ang bigas at ulam, karne man o gulay. Mamahal ang bagoong patis, paminta, suka, toyo, bawang at luya. Ang mananatiling mura ay ang bahay kubo, barung-barong. Maraming bata at ina na mamamatay sa lamig at gutom sa mga pinto ng simbahan, plaza ng munisipyo, maraming titimbuwang at babahong bangkay sa kanal at imburnal ng bangketa at talipapa. Hindi ito maaamoy ng mga kanibal na kongressman at senador na tuwing dadaan sa kalsada ay rumerepekeng parang may babagsak na asteroids sa kalsada.
Pangarap kong Jackpot, ito ang pelikula ng Philippine Charity Sweepstakes Office ng ika-75 anibersaryo ng ahensiyang jumajockpot ng pera ng masa araw-araw sa 2 digit 3 digit 4 digit 5 digit at 6 digit, am at night betting. Meron pang  Super Lotto, Mega Lotto, Power Lotto at 6-42.
Kasuklamsuklam ang mamuhay sa Pilipinas. Ang masang anakpawis, manggagawa, magsasaka at mangingisda ay kinakatas ng ilang kanibal na pamilyang nagpapatakbo ng pulitika at negosyo sa Pilipinas. Habang ang mga manunulat at artista, ay nagiging kasangkapan ng mga kanibal sa paghuthot sa buwis na ipinapataw sa mga mamamayan.
Karumaldumal ang mamuhay sa Pilipinas. Ang mga tao’y itinuturing na mga tupa ng mga kanibal na pulitiko at mga kanibal na lider-simbahan. Ngayon pa lang, hindi na sila makaugaga sa paghahanda sa eleksyon sa 2010.
Naglalaway ngayon si GMA kung paano kokornerin ang umaga, tanghali at hapong raket ng gobyerno sa Lotto. At sa ika-75 anibersaryo ng PCSO, bilyon-bilyon ang ganansiya ng gobyerno.
Pero hindi laging bulag ang masa. Hindi laging may bara sa utak ng masa. Tiyak sa eleksyon babaha ng pera. Pagkatapos ng eleksyon sinoman ang manalo, ang taumbaya’y nagamit na. Pambansang krisis ang bunga ng karnabal na ito ng mga kanibal. Madodoble tiyak ang presyo ng gasolina, Magkano kaya ang pasahe?  Paano ang mga senior citizen at istudyante? Ngayon pa lang pag sakay mo sa jeepney, kikilabutan ka sa tila paghingi ng limos ng istudyante at senior citizen sa drayber ng jeep. Mauuwi sa kagalitan ang paghahanap ng id ng bata at matanda dahil lang sa pisong discount. Magagalit ang drayber. Kung tumindi ang away, may ibabalita sa Kapamilya at Kapuso, Driver: Naghurumentado.  Kasumpa-sumpa ang nagaganap ng karnabal ng mga kanibal.
Kailangan nang mamulat ang masa. Tumutol tayo at magsalita. Maraming kabataang istudyante ang  maaasahang makikisangkot para sa pagbabago ng bansa. Kailangan natin ang mga kababayan nating scientists, tiyak sasama sila sa mahihirap na hindi na makatatagal sa paulit-ulit na karnabal. Kailangan natin ang mga manunulat, kailangan natin ang isang pambansang aparatu na magpapakita ng ating lakas at talino. Kailangan nating gulatin ang ating mga sarili. Kailangan nating ipagmalaki ang ating sarili sa ating mga sarili.
Para hindi lumabas tayong katawa-tawa at kahiya=hiya, iwasan na natin ang pagdakila sa mga Pilipino. Hindi tayo magiging dakila dahil lamang malakas tayong manuntok at tumumbok ng tako ng bilyar. Ang hirap sa mga dayukdok na pulitiko, umaangkas sa kasikatan ni Manny Pacqiao at Bata Reyes upang magpapogi sa mga botante. Nag-aakala ang mga dayukdok na pulitiko na habambuhay nilang mauuto ang masa. Akala ng mga dayukdok na pulitiko at ipokritong lider-simbahan habambuhay nilang tatakutin nang tatakutin ang masa. Akala ng mga ganid-swapang na mga negosyante ay habambuhay nilang kakatasan ng pawis at dugo ang bawat pamilyang Pilipino.
Umaapaw na ang salop.
Mag-usap-usap tayo bago na naman mahuli ang lahat. Huwag po natiug hayaang dumanak na naman ng dugo, kung magkakaroon na naman ng rebolusyon ang dugo pong dadanak ay tiyak na dugo ng masa. Ang kasundaluhan ay gagamitin na naman kung sino ang mauupo sa Malakanyang.  Nanawagan po ako sa lahat ng mga kapatid nating mahihirap, mga kapatid nating mayayaman, mga kapatid nating negosyante, mga kapatid nating manunulat, mga kapatid nating scientist, mag-usap-usap po tayo at magbuo ng isang pambansang panawagan upang magbalik ang ating pagtitiwala sa isa’t isa.
Nagmumungkahi po tayo ng isang Pambansang Kilusang Ebolusyunaryong Pangkalinangan.
Jesus is Orinola ni Brother Eddie Villanueva
Cultural Revolution, daw ang kailangan para sa pagbabago sabi ni Jesus is Orinola Eddie Villanueva.
Aksidenteng nasapul ni Villanueva kung ano ang kailangan ng Pilipinas para magkaroon ng pagbabago. Cultural Revolution.  Lumabas sa Philippine News Star, ang kanyang opinyon na wala raw giyerang panrelihiyon na nagaganap ngayon sa Pilipinas at sa halip ay Cultural Revolution. Pero mapagsusupetsahan mo kung meron ba siyang utak para maintindihan ang kanyang sinasabi. Hindi naman kailangang  bumili ka pa ng libro para magkaroon ng kahit katiting na idea kung ano ang Cultural Revolution halimbawa’y ang naganap sa China noong panahon ni Mao. Sa Cultural Revolution sa China, literal na bumaha ng dugo. Dugo ng kumunista, dugo ng mamamayan, dugo ng mga kulto ng relihiyon (tulad ng kung anu-anong kultong Kristiano sa Pilipinas).
Matapos kong basahin ang balita tungkol kay Villanueva,  Napag-alaman ko na ang gusto lang pala niyang sabihin, “iboto niyo ako.”  Iyon ang rebolusyon sa kanya. At siyempre iyon din ang rebolusyon para sa lahat ng evangelistang nagtutulo na rin ang laway para maupo sa kasuklam-suklam na amoy ng upuang iiwanan ni Gorilya – ay mali – Gloria pala.
Cultural Revolution? Pwede kayang hindi madugo? Baka pwede sa Pilipinas. Bakit Kamo!
Pwede namang sa praktikal na pag-iisip at determindadong sentido kumon, mabago ang napakapapangit na ugali ng Pinoy. Halimbawa, punta ka sa palengke. Halos lahat ng puwesto ng tindahan ay may nakadispley na orinola, na akala mo’y may sinasambang tae ang tindero o tindera. orinola – lalagyan pala ng pera. Orinola ang ginagamit nila dahil buwenas daw ang orinola sa negosyo.
Orinola ang ating lalagyan ng pera. Tawa nang tawa siguro ang pari sa kumbento kapag nabasa nila ang kolum na ito. At siyempre magkakandaihi din sa brief si Brother Eddie, Brother Mike at ang isa pang mukhang kalawanging orinolang si Ely Soriano! Kunsabagay si Brother Eddie rin pala ay mukhang orinola. Si Brother Mike, Bro Eddie, Bro Ely pareparehong mas mabaho pa sa orinola ang aral na ibinubuga ng kanilang bunganga. Aleluya, Amen!
Gusto ko mang murahin mula ulo hanggang paa si Villanueva, sayang lang ang tinta. Mauunawaan siguro ni Brother Eddie at iba pang kampon ng kadiliman sa mundo, El Shaddie etc… ang rebolusyong pangkultura kung sila’y bibitiw sa kanilang panatikong pananampalataya. Pero hindi nila gagawin. Dahil marami silang napagsasamantalahang mga myembro dahil sa galing nilang manloko. Si Villanueva ay isang klase ng kanibal na relihiyong nakapipinsala sa isip ng tao. Pinaaasa nilang babalik ang Kristo sa lupa.
Minsa’y bumili ako ng pansit sa bangketa, tinanong ko kung magkano, 15 pesos lang. Mura. Dahil hindi pa ako nananghalian at tamang tama lang ang pamasahe ko para makaabot sa National Press Club mula Novaliches, kalahating order na lang ang pinabalot ko.
Mabilis namang kumuha ng supot na plastik ang babaing nagtitinda, hinawakan ang kutsara saka hinipan ang supot ng plastic para bumuka. Inang ko po! Hindi ako umimik kinuha ko ang pansit at binayaran ng siete singkwenta pesos ang tindera.
Naglakad na ako palayo nang may kumalabit sa aking isang batang payat at marungis. Inilahad ang palad- hinihingi ang pansit.
Nang makasakay ako ng bus, nakalimutan ko na ang sariling sikmura. Nakonsensya ako sa bata dahil hindi ko alam kung anong klaseng mikrobyo ang inilimos ko sa kanya. Kunsabagay baka hindi na rin siya tinatablan ng mikrobyo.
Paano kaya natin mababago ang napakasamang paniniwala sa orinola at pagbuga-buga. Hindi ito lulunasan ng mga pulitiko, hindi rin ito lulunasan ng mga pastor at kung ano anong sekta. Kailangan pa ba natin ang Cultural Revolution na sinasabi ni Villanueva?
Kailangan talaga natin, pero huwag na nating paduguin pa. Malaon nang dinudugo ang buhay ng mahihirap na mamamayan.
Kung makukuha lang sa sermon ang Cultural Revolution, dapat sana’y nagbago na ang kulturang Pinoy na nakalubalob sa pamahiin.
Kung ako ang tatanungin, hindi na natin kailangan ng dugo para masawata ang pamahiin at pangit na paniniwala ng Pinoy sa buhay. Ang kailangan lang natin ay mag-imbento ang kabataang scientist ng sasakyang maghahanap ng astoroid sa kalawakan, Isakay sa space ship ang lahat ng pastor at  preacher ng huwad na pananampalataya saka ibangga sa astoroid.  Amen.
Puwede na tayong magsimula ng Cultural Revolution.
Hindi ko na hahanapin ang sinasabi ni Almario tungkol sa Isang Introduksyon sa Kritika ng Ekonomiyang Politikal kung saan biglang binanggit ni Marx (ayon kay Almario) ang “mahiwagang halina ng sining at tulang epiko ng mga Griyego.” Kumbakit daw “patuloy na nagdudulot sa atin ng kasiyahang estetiko ang mga ito at sa ilang pagkakataon ay itinuturing na isang sukatan at mahirap mapantayang ideal” hanggang sa kasalukuyang sining at panitikan?
Bagama’t sinabi iyon ni Marx, wala ako sa posisyon para umayon o sumalungat sa pamantayang ideal na sinasabi ni Marx o ni Almario.
Sinadya man o binanggit, walang anomalya sa binuong ekonomiyang politikal na pinansin ni Almario laban kay Marx kung bakit hindi dapat mangyari na ang likha sa panahon ng sinaunang lipunang alipin ay patuloy na umakit ng paghanga sa modernong lipunang kapitalista.
Ang hindi nilinaw ni Alamario ay kung anong halimbawang akdang sining ang pinagbatayan at pinuri ni Marx na hanggang sa kasalukuyan ay may “mahiwagang halina” ayon kay Almario.
Tinutudyo ni Almario ang pagsusuring Marxista, na dapat sanang namatay ang pang-akit ng sining ng mga Griyego kasabay o pagkaraan ng pagkamatay ng lipunan at sibilisasyong Griyego. Kung may naipakita sana kung alin o ano ang sinasabing likhang siningng mga Griyego si Almario ay mapagsusuri ko rin para ako’y sumang-ayon o sumalungat kay Marx o kay Almario mismo.
Napakalabong pag-usapan ang kalidad ng sining ng sinaunang lipunang alipin kung ito nga ba ay totoong makapagdudulot ng katuwaan sa atin tulad kasiyahang nararamdaman ng isang musmos sa isang yugto ng gunita ng buhay na hindi na magbabalik. Kaya importante sa diskurso kung may tukoy na akda – tula man ito o prosa na magiging batayan kung ano ang dulot nitong kagandahan.
Sa pagbanggit ni Almario ng mga halimbawa ng kulturang matiryal – tulad ng Taj Mahal, Angkor Wat, at Borobodur, madali ko nang mahuhuli ang punto ni Almario. Sapagkat itinuturing ko na mas superior ang sining ng arkitektura kaysa sining ng salita o pagtula. Ang isang siyentipikong arkitekto ay nakalilikha ng walang daya at di mapapasinungalingang akdang-sining tulad ng Taj Mahal kaysa abstraktong kadakilaan ng mga epiko, halimbawa’y ang Mahabharata at Darangan o kahit ang Iliad na pagdaka’y binanggit din ni Almario para gawing halimbawa. Pero gaano kaganda ang Taj Mahal, Sa tingin ng hari at alipin, pareho lang itong maganda, Pero yung pagkilala sa kontribusyon ng mga aliping naghakot ng bato, nagsemento at nagsakilsakil ng mga palarindingan ng Angkor Wat ang hindi binibigyang panliteraturang pagpapahalaga ng mga haring nakatira sa palasyo. Maganda nga naman itong mga lumang edifices para sa turismo, pero hindi na maiisip o winawalang halaga ng mga turista ang kontribusyon ng mga panday, piyon, mason na nagbuo ng palasyo. Ilang libong alipin ang nangamgatay sa kamangha-manghang likha ng sining. Hindi na ito importante, kasi masa ang namuhunan ng pawis dugo at buhay para maitindig ang sinasabi ni Almario na mga dakilang moog ng sibilisasyon. Ang masa ay mangmang kaya tulad ng paniniwala ni Almario, hindi maaaring makaakda ng dakilang sining at ang tinutukoy niyang “mahiwagang halina” na magmumula lamang sa mga artists na may “mataas” na panlasa. Ihinihiwalay ng ganitong paghuhusaga ang kahalagahan ng lakas-pagawa, lakas-pagawang ginagamitan ng pwersa ng buto at utak. At iyang pagpapahalagang iyan ang binabalewala ni Almario.
Samantala, iba ang trabahong siyentipiko ng arkitektura, hindi puwede ang paglulubid ng buhangin. At madaling husgahan ito, halimbawa ang arkitektura ng CCP o ang San Miguel building ni Leandro Locsin ay napakasuperyor kaysa libro ng salita o tula ni Doveglion o Xose Garcia Villa. Si Locsin ay itinuturing kong super artist at scientist kaysa kay Villa na gusto kong ituring na palaka. Kahit pagsama-samahin ang mga Balagtasista at modernistang makata mula kay Balagtas hanggang kay Alejandro Abadilla ay napakadukha ng kanilang mga akda kung ikukumpara sa akdang sining kahit sinong arkitekto kilala o hindi. Ang mga akdang pampanitikan pagkatapos ng Noli at Fili, ay sakbibi ng romansa, pantasya at pahula-hula at pakapa-kapa. Maraming edukadong manunulat at di ito maipagkakaila ni Almario ang istilong pamumulot ng idea mula sa literaturang Griyego hanggang sa mga modernist – structuralist, constructivist, relativist, postmodernist na padron ay nagpaparayawan sa pamumulot ang mga taga akademya para sa pagtatalong walang katapausan. Syempre hindi makasasabay kami sa diskurso, kami na ang nababasa lamang ay komiks ni Caparas.
Ngunit bigyan kami ng libro at may pwersa din kami’t pagsisikap na magamit ang aming sentido kumon sa mga natural na akdang sining at pampanitikan. May iba kaming panlasa sa Noli at Fili ni Rizal. Hindi namin pagtatalunan ang mga motibo ng bawat tauhan sa loob ng nobelang hindi nagangailangan ng padrino para mailathala.
Ito ang akdang pampanitikan na mas mahalaga kaysa likhang gusali ni Leandro Locsin. Hindi maipagpapalit ang halaga ng dalawang librong ito kahit sa matataas na gusali sa Makati isama na ang palasyo ng Malacanang. Ito ang halimbawa ng mga akdang pampanitikan na mas tumatagal kaysa mga gusali at palasyo. Pero iba ang literaturang nakaasa lamang sa badyet na makukuha sa buwis na nililikom ng gobyerno sa taumbayan, Ang Noli at Fili ay naimprenta nang hindi namalimos ng badyet sa mga Frayle o sa kolonyal na pamahalaang Kastila sa Pilipinas.
Kaiba ang mga akda ni Rizal sa mga proyektong panliteratura ng mga National Artist man o karaniwang artist. Nakapaglalabas sila ng mga coffe table book ng mga tula at paintings mula sa budget ng gobyerno. Limpak limpak na halagang dapat sana’y nakatutugon sa mga pangangailangan ng agrikultura at iba pang sektor sa kanayunan. Nugnit sa halip na masuportahan ang karaingan ng mga magsasaka sa kawalan ng irigasyon, ng kasahulan sa mga post harvest utilities na susuporta sa ekonomya ng mga magsasaka, mas napaglalaanan ng badyet ang mga proyektong pampublikasyon ng mga awtorisadong maglathala tulad ng mga National Artists. Hindi ko maipagpapalit ang halaga ng isang barungbarong sa anumang akda ni Rio Alma o ni Carlo Caparas.
Ang mahirap kayAlmario, palundaglundag ang kanyang diskurso. Basta na lamang magbabanggit siya ng mga “henyo” sa literaturang pandaigdig na sa halip makatulong sa paglilinaw ng diskurso ay nakapagpapalawak ng usapin na mahirap nang masundan at pagdiskursuhan.
Bukod sa mga unang binanggit niyang propeta, bigla niyang ihihirit ang kanyang paniniwala sa kritika ng Pangkating Grunkfurt, kina Teohdor Adorno, Walter Benjamin, At Herbert Marcuse. Anupa’t ang pagbubuo ni Almario ng estetikong pampanitikan kung bakit ang panitikan ay panitikan, ay puro pulot lamang sa kung sinu-sinong propeta dahil marami siyang librong nabili at nabasa.
Sa ganitong estilo, parang mas mahusay pa kay Almario ang mga Evangelist tulad ni Mike Velarde ng El Shaddie Kung may estetikong pampanitikan si Almario, meron ding moralidad panrelihiyon si Velarde. At tulad ni Almario, kung sinu-sinong propeta sa Bibliya ang kanyang pupulutan ng wasto at dakilang parametro ng buhay Kristiano.
Hindi naman problema kung masa o edukado ang artist o ang manunulat basta ang obra niya ay hindi nakakaperwisyo sa mahihirap. Tama si Almario, maraming masa ang mangmang dahil ang literaturang itinuro sa kanila ay literatura na naglilingkod sa mga Hari. Ganito ang sinasabi sa Florante at Laura ni Balagtas,
“Ang Hari at Reyna ay walang inisip,
Kundi ang magsabog ng awa sa kabig.”
Dalawang linya ito sa Florante at Laurang dinadakila ni Almario. Kabaligtaran ito ng siyentipikong kalagayan at relasyon sa lipunan, hindi kailanman nagsasabog ng awa ang mga nasa kapangyarihan, bagkus, ang masa ang pinagmumulan ng kayamanan ng mga Hari at REyna. Kung mahina ang kontribusyon sa produksyon na nagmumula sa manggagawa, mangingisda at magbubukid, kawawa ang mga hari at naghahari-harian sa pulitika at kultura.
Mahirap patulan si Caparas na naghahabol na makasama nang mga elitistang National Artist, hindi nila matatanggap si Caparas,
Dahil si Caparas ay bakya, low class, Excuse me, hindi low class si Caparas, kundi isang pusakal na magkokomiks sabi nga ni Almario pero idaragdag ko na ang halaga ng mga kwento at istorya ni Caparas ay hindi maka-masa kundi makahari. Bugok, degenerative, at walang pagkakaiba ang obra ni Caparas sa mga tinatawag ni Almario Kung bakit ang Panitikan ay Panitikan.
Hindi kami naniniwala na may high class at may low class, kaisipan iyan ng mga hari, kaisipan iyan ng mga nangingibabaw na interes sa lipunan.’
Ang sining na makaagham ay hindi high, hindi rin low, kundi makatao, mapanlikha at hindi mapamuksa. Pantasyador lamang at lasing sa kapangyarihan at titulong National Artist ang magkakasya at makakaintindi kung Bakit ang Panitikan ay Panitikan. Wow! Anong solipsismo ito? Karapatan ng bawat makata na isatula niya ang sariling solipsismo, pero kung ito’y gagawin niyang pamantayang panliteratura, lumabas na siya sa daigdig. Cosmic ang sensasyon ng daigdig, hindi ito nakabatay sa edukadong pamumulot ng kung sinosinong propeta ng literatura at bibliya.
Mas dukha pa sa aming mahihirap ang mga artist na naghahabol sa mga abugado para pagdesisyunan kung sila ba’y national artist o hindi. Nakakasulasok, bakit abugado ang magpapasya kung National Artist ka o hindi. Sayang ang espasyong ito sa facebook, mahirap sundan ang mga palundag lundag na argumento ni Almario na ang gusto lamang niyang palabasin ay mangmang at tanga ang pusakal na magkokomiks na si Caparas. Gusto ko ring maniwala, Pero sino ba ang hindi?
Kung Bakit Panitikan ang Panitikan? Napakaabstrakto nito. Ewan ko. Pero makahulugan para kay Almario.
Kung Bakit ang Panginoon ay Panginoon ng mga Panginoon? Mas maintriga ang tanong na ito ng El Shaddie. Syempre, mas magaling na Ebanghelistang organisador si Mike Velarde. Ewan ko lang kung makata si Brother Amen.
Why Literature is Literature, wow!
Hind ko po talaga ma-gets.
Panawagan para sa Pagsusulong ng Ebolusyunistang Kilusang Pangkalinangan
Naniwala ang taumbayan na naibalik ng People Power sa EDSA ang demokrasya noong 1986 na matagal sinupil ng Batas Militar ni Marcos.
Naluklok sa Malacanang si Cory Aquino,  ngunit nasalin lang ang kapangyarihan sa gobyerno sa mga bagong mapanghuthot at mapagsamantalang pamilya dayukdok na negosyante’t dayukdok na pulitiko. Nakisakay sa “kapayapaang Edsa” ang iba’t ibang sekta ng pananampalataya  – ang mga makakapal ang mukha – mga impokritong lider-simbahan. Nangunguna dito ang patrong simbahang mga nagbasbas kay Marcos; nagbasbas kay Cory; at patuloy na nagbabasbas ng mga dayukdok na lider habang sila’y hindi nagbubuwis.
Sa panahon ni Ramos at Estrada, nalubos ang pagbabalik ng sistema ng korupsiyon sa pulitika at pamamahala ng mga Pambansang Kawatan ng bansa. Nabalik ang mga beteranong kawatan sa Kongreso,  mga beteranong kawatan sa Senado at ngayo’y  nakasampung taon na sa trono ang Reynang Gorilya.   Anupa’t ang gulo sa  EDSA ay nagproseso lamang ng mas mahigpit na pagsasanib  ng mga naghaharing partido ng mga dayukdok na pulitiko upang paghahati-hatian nilang sipsipin ang pawis at dugo ng mahihirap na mamamayan. Nadagdagan lanag sila ng mga baliw na mga artista at baliw na mga broadkaster.  Kasapakat ng mga dayukdok at baliw na nagrerenda sa mga institusyon ng gobyerno, Upang masuhayan ang status qou, sarap na sarap namang paupo upo lang at sumusuweldo at naninindikato ang mga tamad at suwapang na mahistrado sa Korte Supremo.
Nabaon sa utang ang Pilipinas; eleksyon man o hindi, patuloy na nababaon sa krisis sa pananalapi ang gobyerno. Dahil sa patakarang deregulasyon, pinatindi ng Philippine 2000 ni Ramos ang pamumulubi ng bansa.  Naging kontrobersiyal ang Pea-Amare deal at iba pang mga kompanya ng pamahalaang dapat sana’y magsilbi sa kapakanang pampubliko. Nabili ni Lucio Tan ang Philippine Airlines at iba pang establisemento publiko at naging pribadong negosyong sakmal sakmal ng mga ganid-dayukdok na negosyante. Karamihan sa mga kroni ni Marcos na tumalilis sa ibang bansa. Nakabalik na ngayon at nanakmal at nagkakamal ng kayamanang pinagdudugo naman ng mamamayan.
Ano ang puwedeng gawin ng Pilipino upang makaahon sa kawalang pag-asa? Sino ang may kasalanan? Mga dayukdok na pulitiko? Mga ipokritong manghuthot na lider-relihiyon? Mga sakim-ganid na kongresman at senador? Ang Gorilya? Lahat sila ang mga kriminal. Lahat sila berdugo ng masang Pinoy.
Kahit  ang mga social scientist ay nawalan ng silbi. Kumita ng milyon-milyon ang mga surveyor . Naging malaking nesosyo ang mga institusyong walang ginawa sa buhay kundi magsurvey nang magsurvey kung sino ang popwede pang makapanloloko sa tao. Ang paulit-ulit na survey ay naging bisyo ng ng mga partido
Napakalalim na kapahamakan ang kinasadlakan ng taumbayan. Maraming nawalan na ng kakayahang mag-isip nang matino. Namulubi ang marami. Namamatay sa gutom at sakit samantalang lalong naging pabaya ang gobyerno.  At ang mga iresponsableng negosyante sa massmedia, ang pwedeng sisihin sa panlalason sa utak at gawi ng masa. Nariyan ang kulturang spagheting pababa at spagheting pataas. Ang Eat Bulaga na garapal na gumagamit sa masa para lalong ibaon sa kawalang muwang. Nadadamay ang masa sa katangahan dahil sa mga tangang host at mananayaw sa telebisyon. Lalong lalona si Kris Aquino.
Ang mga komunista na huling tinayaan ng suporta at pag-asa ng malawak na masa ng sambayanan  ay di nakahabol nang biglang pumutok na tila bulkang Pinatubo ang galit ng mamamayan laban sa diktadura. Naisahan ang mga komunista ni Cardinal Sin nang  maging bida ito sa pananawagang bakuran ng tao ang mga nagrebeldeng sina Enrile na dating hatchet man ni Marcos sa pagpapataw ng Batas Militar. Nang di makatugon ang komunista sa pamamahala ng bansa, naitsa-pwera ang kaliwa sa muling pagbubuo ng mga baong batas at patakaran ng Administrasyong Cory Aquino.
Naiwan sa pansitan ang mga NPA nang magkaroon ng internal na krisis ang mga komunista; humantong sa pagdidebate at nauwi sa pagpapatayan ng magkakasama na dapat sana’y natuto sa krimen ng rebolusyon laban kay Supremo Andres Bonifacio. Ito ang “internal bleeding”  Ang unang Krimen ng mga traidor sa KKK.
Sa gitna ng kawalang-pag-asa, at malalim na pagkalito, lahat  na lamang ay naging manghuhula kung sino ang sisisihin at kung paano paniniwalain ang ating mga sari-sarili na makakalas pa natin ang buhol ng lubid na waring nakasilo sa ating mga leeg.  Ang maaari lang matukoy na makalulutas nito ay ang panawagan para sa isang pambansang ebolusyong pangkultura. Ngunit may ilang sektor sa lipunang Pilipino tahimik na tahimik at hindi pa nariringgan ng inisyatiba kung paano haharapin ang pag-iral ng dominanteng interes na salungat sa kapakanan ng mamamayan.
Ang panawagang ito ay para sa kanila:  sa mga guro at mag-aaral,  mga manunulat at artista at sa mga scientist sa loob at labas ng akademya. Hinihingi ng katwiran na magsama-sama sila bilang isang puwersang magtataguyod ng transpormasyon para sa pagbabago at pag-unlad. Kailangang nilang umaksiyon, makisangkot at pamunuan ang mga kilusan ng mamamayan laban sa katiwalian at para sa pagbubuo ng isang ebolusyunistang kilusang pangkalinangan.
Napakahalaga ng papel ng sektor na ito para makahubog tayo ng isang kalinangan o bagong kulturang makatao syentipiko at produktibo .  Isang kulturang ebolusyunista na makagagamot sa ating sakit bilang isang bansa. Isang ebolusyunistang kalinangan na magbabalik sa ating puso at kaluluwa ng nawaglit na pag-ibig sa kapatid at pagdakila sa ating Inang Bayan.
Itatakwil ng ebolusyunistang kilusang ito ang makakanibal na rebolusyong laging nagpapadanak ng dugo. Napatunayan na natin sa kasaysayan, ang madudugong rebolusyon ay pagpapalit-palit lamang kung sino ang mas malakas at mas dayukdok sa kapangyarihan. Ang kailangan natin ay Ebolusyong Pangkalinangan, hindi rebolusyon. Ang Kilusang Ebolusyunista ang makapagbibigkis sa ating mga kababayan tungo sa pagbabago at kaunlaran.
Ebolusyong Pangkalinangan ang iminumungkahi kong intellectual apparatus para mapayabong natin ang isang kulturang maglilinis sa ating mga puso, magtatanggal ng poot sa atin sa bawat isa. Isang makasining, makaagham na kulturang magpapabulas sa tao para siya maging mapanlikha at kapaki-pakinabang sa lipunan, sa bansa at pakikisalamuha sa sibilisasyon ng buong mundo.
Nananawagan po ako sa mga organisasyong masa, sa mga pribadong organisasyong pangkaunlaran, pagyamanin natin ang mungkahing ito para pagkaisahin ang mga artista’t manunulat sa massmedia, ang mga scientists, ang mga guru na pamunuan ang isang kilusang ebolusyunista para sa hinahangad nating pambansang pagbabago.
EBOLUSYON hindi REBOLUSYON!
O Ideya! é uma forma deste autor, empresário, empreendedor, visionário, sonhador e apaixonado por pessoas, suas idéias e negócios, dividir aqueles pensamentos que valem a pena serem espalhados. Tenho aversão ao preconceito, pré-julgamento, e desprezo pela falta de ética e valores. E como diz um ditado familiar, “adoro assunto que dure”, mesmo que não tenha a razão – pelo menos até que me apresentem um bom argumento que me convença do contrário. Então, seja bem-vindo.
ay ang ideya na marami pa akong hindi alam sa iyo.
At masaya akong kilalanin ka paunti unti.
Sabi nga sa akin ng aking ama “Kung may pakakasalan ka man sa hinaharap, papakasalan mo lahat ng mabuti niyang ugali pati na rin lahat ng masama niyang ugali. Kung tanggap mo na pareho, dun mo lang masasabi na handa ka na.”
Kasalukuyang Pinapakinggan: Pacquiao vs. Hatton GMA Telecast
Check out these two AVPs by ideya…. John and Che’s Wedding, 19 April 2008, St. Joseph the Worker Church.
The couple got our AVPNow! package. (AVPNow! is ideya’s trademark of the onsite audio-visual presentation.)
The Premier AVPNow! features conceptualized shots before the wedding, preparations hours before the wedding, and the actual wedding.  Here is a teaser of the Premier AVPNow! of John and Che’s Wedding.  Here’s the full video (thanks to YouTube!).
The package also includes the Fun AVPNow!—-  this video is a tapestry of still and moving pictures taken before the wedding, preparations hours before the wedding , and the actual wedding. As you can see, the approach of the Fun AVPNow! is a bit light and perky— quite a contrast to that of the Premier AVPNow! Click here to view.
We offer our Fun AVPNow! for free as part of the Premier AVPNow! package. For more details, please keep in touch with us thru our landline (033-8561863), mobile number (+ 063)922-877-0602 or email (ideya.iloilo@yahoo.com)
Wala daw permanenteng bagay sa mundo kundi pagbabago. Sa loob ng ilang taon, tila napakaraming bagay na ang nagbago at mukhang nakalimutan na ang dating nakagawian.
Dati-rati, pag may assignments at projects kami, bago umuwi ng bahay, malamang ay dadaan kami sa library para mag-research sa iba’t ibang libro. Ngayon i-google mo lang, may assignment o term paper ka na sa loob lang ng ilang minuto at mahaba pa ang oras mo para makipag-chat at mag-Friendster.  Napaka-swerte ng mga mag-aaral ngayon, napakadali ng buhay estudyante nila kumpara  dati. Marunong ka lang mag-click ng mouse, may grado ng naghihintay sa’yo. Di gaya dati na lahat ng grado na matatanggap mo ay kailangang pagbuhusan mo ng oras at panahon at talagang paghihirapan mo.
Wala ng telegrapo. Itinapon na ang mga beeper, na kailangan mo pang tumawag sa operator para sa isang simpleng mensahe. Wala na rin party line na pinagpupuyatan naming barkada noong araw. At wala ng kartero nagdadala ng sulat sa amin kada isang linggo.
Ang phonepal naging textmate. Ang penpal naging chatmate. Nung hayskul, hirap na hirap ako sa pag-gawa ng love letter  para sa nililigawan ko, ang panget pa naman ng sulat ko na parang kinahig ng manok. Tapos dapat pasikat ka pa, bibili ka ng stationery at dapat yung mabango. Hehe. Tapos dapat  tama ang grammar, tama ang spelling tama ang punctuations. Ngayon, kahit boyoyong ka, makakapanligaw ka sa pakikipagtext.  Yun bang “Hi! Lo! Aw r u.  eat knb?  Yngat ka plge. Labyu! ü”. Wadapak? Kung ako babae may magtext sa akin kagaya niyan, babastedin ko agad-agad yung lalaki! Sa chat naman, kauting bolahan, palitan ng pictures,  tapos eyeball Voila! Parang pancit canton, may instant syota ka na! Minsan nga, kung bubwenasin ka, imbes na simpleng EB lang, parang Nescafe 3 in 1, magiging SEB, as in Sex Eye Ball! Harhar!
Dati pag may walkman ka, astig ka na! Ngayon magwalk-man ka, isa kang malaking katawa-tawa sa balat ng lupa. Parang kailan lang kailangan mo pang magdala ng extra batteries, at isang backpack na lagayan mo ng tapes ng mga paborito mong kanta. Ngayon may mp3 player ka lang, mapa – Creative, Izune or iPod man yan, ayos na ang buto-buto. Halos lahat ng paborito mong kanta mapapakinggan mo hanggang sa magdugo ang tenga mo, na di mo na kailangang magdala ng bag na lagayan ng mga tapes mo. Mas cool dba?
Ilan lang yan sa mga pagbabago mula noong nagpatuli ako hanggang ngayon na ilang beses na kinabog ang dibdib ko pag nade-delay ang aking dating minamahal. Actually marami pa yan, antok na lang ako at pagod na rin ako sa kakaisip. Pati aalmusalin ko, iniisip ko na ngayon.
Dagdag ko lang, ang SOP nagbago na rin, cybersex na ang uso ngayon! Lolz….