“Bangon Marikina! kaya natin ‘to” – MCF
hindi ako nagkukuwento rito para manghingi ng awa o kahit na anong donasyon. kahit papano, maayos naman na ang buhay namin dahil may trabaho pa rin kaming binalikan. nakatanggap na rin kami ng tulong mula sa kanila. nakapag stock na rin kami ng sangkaterbang delata at noodles bago pa man dumating yung bagyong pepeng. andun pa rin sa bahay at hindi maubos lalo na yung sardinas dahil hindi naman ako kumakain nun.
unang beses ngyari ang ganung kalalim na baha sa lugar namin. kwento nga ng tatay ko simula nung lumipat sila sa Marikina galing ng Cagayan Valley noong 1960’s pa ay pinakamalalim na ang hanggang hita na baha. hindi pa sementado ang kalsada noon at hindi pa napapagawa ang bahay.  may mga ilang pagbaha na rin akong naranasan at nilusong pero sa buong buhay ko ngyon lang ako napalakad sa baha na umabot na sa leeg ko. partida na nakatingkayad pa ko nyan at tanging flashlight lang ang ilaw habang naghahakot ng gamit papunta sa kapitbahay. malas lang kasi wala pang 2nd flr ang tinirhan namin kaya pahirapan talaga magsalba ng gamit. kahit anong patong na ang ginawa, inabot pa rin. pasalamat pa ako dahil hindi inabot ng baha yung itaas na kama ng double deck dahil marami rin kaming gamit na nilagay dun. malas lang talaga nung van dahil hindi ko naman kayang buhatin yun at isampay kung saan.
ligtas naman ang lahat ng pets. pati mga laruan ko nailikas na namin bago pa magsilanguyan lahat. nagmukha nga kami rescue team ng kapatid ko dahil nung kasagsagan ng bagyo ay kami lang ang mga lalaking pwedeng magbuhat sa compound namin. 4 na bahay  ang nagpakasasa sa mura naming katawan. daig ko pa ang naggym sa binuhat naming 4 na refrigerator,  tv, electric fan, washing machine, sofa, lamesa at sangkatutak na kahon na puno ng mga libro, damit at kung anu-ano pa. pagkatapos ng lahat ng pagbubuhat ng yan, alas dose na at ang tanging laman ng tyan ko ay cup noodles na lumutang sa baha at makunat na chicharon.
ganun din halos ang naging eksena nung mga sumunod na araw. walang mabiling pagkain sa palengke, panic buying ang mga tao sa supermarket at offline lahat ng ATM. ang kinakain naming kanin ay galing sa bigas na lumubog sa baha kaya yung pagkakaluto ay papasa ng lugaw. walang kuryente simula sabado hanggang huwebes. pagod ka na sa pagtanggal ng putik sa bahay, kelangan pa paypayan ang mga natutulog kong chikiting sa gabi. sumatutal eh 4 na araw akong hindi pumasok sa trabaho.
tambak ang mga basura. eto yung mga panahong matutulala ka na lang sa sobrang dumi ng paligid. hindi mo alam kung san ka magsisimula. titingnan mo pa lang, pagod ka na. mabuti na lang din at hindi naman kami nagkasakit kaya sige pa rin sa paglinis. naawa na ko sa misis ko dahil kahit anong tibay nya, hindi nya napigilang mapaiyak nung makita nya ang ganung eksena. gastos na naman.
gusto ko lang magpasalamat sa mga concern citizens gaya ng mga bloggers na naging kaibigan ko na rin dito. at sa mga iba pang tao na mahilig lang talaga makiusyoso. huling beses ko na ito gagawin at pagod na rin ako sa pagkuwento. recovery period muna tayo ngyon.
<object width='425' height='350'><param name='movie' value='http://www.youtube.com/v/NO1v8t1FLOI&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' /><param name='allowfullscreen' value='true' /><param name='wmode' value='transparent' /><embed src='http://www.youtube.com/v/NO1v8t1FLOI&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' type='application/x-shockwave-flash' allowfullscreen='true' width='425' height='350' wmode='transparent'></embed></object>
maulan na naman. marahil umiiyak ang mga anghel sa pagkamatay ni tita Cory kaya walang humpay din ang pagbagsak ng ulan sa buong Metro Manila. o baka naman sa Ortigas lang? di ko alam wala naman ako sa lugar nyo.
at syempre gaya ng ibang interview sessions, pag dumarating sa kalagitnaan o palapit na sa climax, kelangan bitinin muna para makapagpalabas ng commercials. lipat naman kami sa kabilang channel. may interview rin sila! ayaw patalo talaga..pero teka, si Jolina umiiyak, close ba sila ni Tita Cory? mabuti na lamang at inawat ako ng anak ko ng akma ko ng babatuhin ng elepante yung tv namin. (uu ganun ako kalakas! kapag nakainom ng cobra energy drink.) taragis yan! namatayan lang ng aso kung anong pagdadrama na ang inaatupag! isa pa tong baklang kapatid ni Richard Gutierrez inamo amo pa! nagbigay pa ng regalong aso. wala na ba talagang ibang maibabalita na mas makabuluhan pa dyan? sige next time paglamayan rin natin ah!
kahapon lang, nagpapatumpik tumpik pa ako kung papasok ba akong opisina dahil napakalakas ng buhos ng ulan. mga bente minuto na rin akong nag aabang ng trycycle nung mapagpasyahan kong bumalik na lang muna ng bahay at mag antay ng himala. halimbawa, may isang seksing babaeng nakahubo at nagpapaulan ang dumaan sa harap ko at aayain akong kuskusin ang likod nya ng hindi ginagamitan ng kamay. mga ganung eksena ba. anyways, bago pa mangyari yan ay tinawag na ako ng tito ko para sumabay na lang sa kotse nya papasok ng opis.
makalipas ang isang oras na pasundot sundot na kwentuhan at traffic, nakarating naman ako ng matiwasay sa dako pa roon. umuulan na kaya binuksan ko ang aking ever reliable payong. sa kasamaang palad, biglang lumakas ang buhos ng ulan. nakatirik ako sa intersection kasama ang ilang pedestrians na nag iintay tumawid. letse! anlamig. paiba iba ang direksyon ng hangin kaya wala ring silbi ang payong na dala ko. di rin nakatulong ang mga traffic enforcers na pabor sa pagtakbo ng sasakyan at binabalewala ang traffic lights. samu’t saring mura na ang naglalaro sa isip ko ng biglang may nakisukob sakin.
hindi nyo naitatanong, nung college days ko sa PUP ay sandamukal na mahaharot at kinky na dilag na ang nakasiping este nakisilong sakin kapag may dala akong payong. meron pa nga minsan na sa kasarapan ng kwentuhan ay di namin namalayan na papasok na kami ng motel. pero syempre joke ko lang yan. baka sa kariton na lang ako matulog kapag nabasa na naman ni misis to. ang sinisiguro ko lang sa mga babaeng nakikisalo sa payong ko, bago magkapaalaman, basa na sya. toinks!
ibang kaso naman ito. dahil lalaki sya. basa na agad at naka-long sleeves pa. wala na rin naman ako magagawa kaya hinayaan ko na lang hanggang sa makatawid. iniwan ko na lang din sya sa ilalim ng overpass para magpatila ng ulan. pasensya na. late na rin ako eh! alangan namang ihatid ko pa sya hanggang sa building na pinapasukan nya. abuso na yun. kasalanan ko bang maiwan nya sa jeep yung payong nya?
brief na lang yata ang hindi nabasa sakin. pagdating ko ng opis, hinubad ko agad ang sapatos ko, medyas, at kung pwede lang sana ay pati pantalon dahil abot hanggang tuhod ang nabasa. kaya lang baka ipahuli ako sa guard pag may nakakita sakin. maghapon ko na lang matyagang ibinabad sa fan ng cpu ang medyas at sapatos ko. infairness! buhay pa naman ang mga officemates ko.
ang tamang daan patungo sa buhay na walang hanggan ay sa pamamagitan ng pagbabasa ng blog entries. kung ayaw nyo maniwala, problema nyo na yun.
syempre sa tinagal tagal ko ba namang hindi gumawa ng post dito eh baka yung iba sa inyo dyan ay inakalang dinapuan na ko ng A(H1N1) na yan at nagself quarantine sa kwarto. o di kaya naman ay nasabugan ako ng pumutok na transformer dito sa building namin. kesyo nagkaketong o nagkatulo ang inyong lingkod blah blah blah…walang katototahanan ang lahat ng yan.
ang nakaraan…
nahuli ako ng lintsak na traffic enforcer (aka blue boys) ng Pasig ng hindi lang isa kundi 2 beses sa iisang lugar. double accident ika nga. hindi rin talaga nakakatulong ang pagiging inosente mo sa mga bagay bagay lalo na kung may kinalaman sa traffic rules and regulations…at sex. dapat talaga may alam ka kung ayaw mo mapahiya.
Disobedience on signs…papano mo naman masasabing hindi ka sumunod sa sign kung hindi mo naman ito nakita in the first place? engkk hindi uubra kay manong enforcer yan. titiketan ka pa rin plus kumpiskado ang lisensya mo. at ang matindi pa dyan…tumataginting na 500 pesos ang halaga ng isang violation. nakakuha lang ako ng 100 pesos discount dahil nagpatatak ako sa likod ng ticket ko ng pangalan ng isang councilor. pero anyways..hassle rin ang maglakad ng mga ganito.
Beating the red light (reckless driving)…na talaga namang nakipag agrumento ako dahil alam kong wala akong pangtubos, araw ng byernes, at gusto ko lang subukan ang convincing powers ko. at ang resulta, effective! gamit ang aking Santino-look ay unti-unti kong nakuha ang loob ni manong na hindi ko nakuha ang pangalan at agad nyang ibinaba ang sintensya ko papunta sa minimal na “disobedience on signs” at kinalaunan ay hinayaan nya na lang din ako umalis at tinapon na lang ang ticket na para sana ay sa akin. laking pasasalamat ko na lang at may mga tao pa palang ganito na nakukuha sa pakiusapan. pero sige na nga aminin ko ng nainip talaga ako sa letseng traffic kaya hindi ko na pinansin ang pagpalit ng orange papuntang red light…sabihin ko sana color blind ako.
matagal ko na ring pinoproblema itong locked-jaw ko…mga 3 weeks na rin na parusa sa pagnguya ng pagkain, pagsipilyo ng ngipin at paghikab. onting nganga lang mapapamura ka. pero atleast ngyon nagkukuwento ako na hindi bumubuka ang bibig…so far so good. malapit ko na rin siguro maisaayos itong panga ko. kelangan lang ng konti pang masahe mula sa isang maharot na babae. hindi na masyado masakit eh!
salamat pala sa mga concern citizens na nagpaparamdam pa rin kahit hindi na ko nag update. pati na rin dun sa isang nilalang na nag iwan pa ng celfon number na hindi ko alam kung isang patibong. wala ng lugar na safe ngyon.
eto na siguro ang tamang oras para basagin ang aking pananahimik. tutal eh napapanis lang din naman ang laway ko ngyon dito sa opis dahil 2 oras na ko walang kausap at nagsosolo sa panonood ng babaeng haponesa na nakasuot ng schoolgirl outfit. april fools day na pala!
sayang hindi pa ginawang holiday noh? eh di sana umaga pa lang nasimulan ko na ang pambuburaot. ang sarap pa naman gumala ngyon bagong sweldo. pakiramdam ko nga kahapon eh byernes na. sumasaya lang naman kasi ako kapag dumarating ang araw ng byernes, sweldo, at kapag holiday kinabukasan. saka nga pala pag nakakain ng bagong paligong ulam. ok kalimutan nyo na yung huli dahil nagdedeliryo lang ako.
nakasama ko na rin ulit ang misis ko makalipas ang mahigit isang linggo nyang trip sa Korea. namiss ko rin yang babaeng yan at talaga namang inantabayanan ko ang pagbalik nya. nagamit ko pa syang excuse para makapagleave sa trabaho. hindi pa nga ako nakatulog kinagabihan dahil sa sobrang excitement. at dahil sa alam kong maiinitan sya pagbalik ng pinas, at talaga namang matagal na ring sira ang aircon ng sasakyan, dinala ko muna yun sa pagawaan. naisip ko pag sumakay sya ulit sa sasakyan namin, masosorpresa sya.
ayos na sana ang plano kundi lang ako siningil ng putarages na pagawaan na yan ng tumataginting na 18k! at syempre dahil wala naman akong cash, pagdating ni misis eh credit card agad ang hinanap ko sa kanya. napakagandang pagsalubong. pakiramdam ko noon parang nasa lubluban ako ng putik kasama ang mga kalabaw.  gusto ko biglang magbakasyon sa afganistan at magpabala sa kanyon. hindi ko na tuloy na-enjoy ang 2 gundam robot, tshirt at tsokolate na pasalubong ni misis. aanuhin ko pa ang lamig ng aircon kung pati si misis ay manlalamig na rin sakin?
anyways, naayos na yun at back to where I belong na naman ako. wala na naman dapat ireklamo sa dami ng blessings na dumarating sa buhay namin. at isa pa, napaka-goodboy ko nga nung wala sya. puro laruan lang ang inatupag ko. este pag aasikaso sa mga bata pala.
kahapon rin ang unang sweldo ni misis sa bagong nilipatan nyang kumpanya at gaya ng nakaugalian na, bumili kami ng lechon manok sa baliwag at pansit sa Lola Helen panciteria. kung sino yang matandang yan, wag nyo na alamin. patay na daw.
nakakalungkot lang isipin minsan dahil sa sobrang layo na ng agwat ng sweldo namin ni misis, pumapatak na sa isang kinsenas, mas malaki pa ang tax nya kumpara sa kabuuang sweldo ko kahit hindi ako kaltasan. ganun kalaki ang pinagkaiba ng kinikita namin. kahit siguro gabi gabi pa akong magsasayaw ng nakaburles sa mga gaybar eh hindi ko na malalampasan ang sweldo na yan.
hindi na bago sakin ang mag alaga ng daga. noong mga bata pa kami ng kapatid ko ay nawili kami sa pagpaparami ng dagang kosta. pati na rin ang mga cute na cute na teddybear hamsters ay inalagaan namin. tinuring na mga kaibigan at parausan. napamahal na sila sa akin.
pero nung minsang mapadaan ako sa petshop, nabaling ang tingin ko sa mga nagkukumpulang guinea pigs. nagkatitigan kami nung isa at alam ko sa puso ko na nangangailangan sya ng isang taong busilak ang kalooban na mag aampon sa kanya. tinanong ko agad sa tagabantay kung babae ba yung dagang yun pero nadismaya ako nung sinabi nyang lalaki daw. naisip ko pa na baka bakla tong kumag na to ah pero sige na maganda naman ang kulay kaya binili ko na rin.
pag uwi ko ng bahay ay isinama ko sya sa kulungan ng guinea pigs ng tita ko. dun sya nagkalat ng lahi nya sa loob ng ilang buwan. napalaki naman sya ng maayos at hindi naman sya napabayaan. pero nung nakaraang byernes, binawian na rin sya ng buhay. hindi ko na nga nakita ang bangkay nya dahil nilibing na ng kapatid ko sa bakuran namin kasama ng mga namatay na aso, pusa, kalapati, manok at ahas. masaya na siguro silang nagkakainan sa kabilang buhay.
misteryo pa rin ang pagkamatay ng dagang yun. nasobrahan yata ang pagkaadik sa damo at nang maubusan ay nakipag away sa mga kasama nya at yun ang kanyang ikinamatay, atake sa puso. hula ko lang naman yan.
hindi ko naman namiss mag alaga ng daga dahil marami pa rin namang bubuwit ang pagala gala sa loob ng bahay namin. natatawa pa nga ako minsan kasi parang malalamya. laging nahuhulog kapag tumatawid sa pader. walang proper training. binalak ko pa nga bilhan ng exercise wheel ang mga yun para naman maging physically fit sila. ayoko naman makakita ng dagang bigla na lang nastroke at maglupasay sa sahig. o kaya naman ay bigla na lang mamamaho sa loob ng bahay at malalaman ko na lang na may naipit na daga sa electric fan. ang yuck kaya! eeeww!
pero nagbago na ang isip ko. lintik lang ang walang ganti sa mga putrages na daga na yan. sa tuwing uuwi ako ng bahay na pagod galing sa maghapong pag aararo sa opis ay madadatnan ko pa ang mga tae ng daga na nagkalat sa cabinet ko pati na rin sa mismong kama. at nung isang beses, meron pang isang bubuwit na sumama sakin papuntang opis, nagulat na lang ako nung pagbukas ko sa bag ko para kunin ang susi sa loob ay may biglang tumalon palabas at kumaripas ng takbo sa corridor. buti na lamang at walang ibang tao na nakakita dahil baka nagkaron pa ng eskandalo. at ang pinakamatindi sa lahat pagkagising ko ngyong umaga. nalate na nga ako ng gising, hindi na ako kumain sa sobrang pagmamadali para makaalis ng bahay at nung ilalagay ko na ang baunan ko sa bag ay napamura na lang ako na sira na pala yung zipper nito at hindi ko na maisara. tangenangyan! may nagpilit na naman makiangkas sa loob. kinailangan ko tuloy magpalit ng bag at dahil dun napatagal pa lalo ang pag alis ko. pagdating ko naman ng sakayan, sobrang haba na ng pila at wala ng masakyan. halos isang oras na ako nakatulala hanggang sa mapagdesisyunan ko na lang bumalik ng bahay at dalhin yung van. nagpagas na ko, kelangan ko pa magbayad ng buwakinang parking fee at halos 2 oras akong late ngyong araw na to. bwiset na daga yan! kasalanan mo lahat to.
antayin mo ko makauwi ng bahay at sinisiguro ko sayo kung sino ka mang bubuwit ka, uunahin kong hulihin ang nanay mo, ang tatay mo at mga kapatid mo. hahayaan kong panoorin mo kung pano ko sila lunurin sa balde na puno ng gasolina, itutuhog sa barbecue stick at ihawin sa pamamagitan ng lighter lang. saka kita panonoorin kung papano magpatiwakal.
masarap ang pakiramdam kapag ikaw ang nakauna. ganyan naman lagi eh. sino bang may gusto ng napagpilian na? ng tira-tira, ng latak? syempre gusto natin yung tayo ang makakabinyag.
halos ganyan din ang eksena kapag oras ng uwian. di nga lang masyado marami ang kalaban dahil siguro konti na lang din ang sumasakay ng shuttle service pauwi kumpara kapag sa umaga. may chance ka na makasakay sa bandang unahan pero hindi na rin ako umaasa. sinubukan ko na yun dati pero hinarang ako ng dispatcher dahil nakareserve na raw.  simula noon nagtatanong muna ako kung pwede ako maupo sa unahan kung bakante pa. taragis na mga tao yan. ang lilibog!
pero nagulat na lang ako nung isang araw  habang naglalakad ako papunta sa likuran ng sasakyan ay biglang may nagbukas ng pinto sa harap. may lumabas na babae at inalok nya akong maupo sa tabi nya. tinanong nya pa kung san banda ako bababa kaya kinutuban na ako ng hindi maganda. Bro! isang pagsubok na naman ba ito?
namumukhaan ko yung babae at alam kong mas mauuna akong bumaba sa kanya at pinaalam ko sa kanya yun pero pinagpilitan nya pa rin na dun na lang sya sa bungad. sa madaling salita, kinorner ako ng hitad. kesyo ayaw daw nya sa pwestong yun dahil tumatama yung balakang nya kapag kumakambyo yung driver at kung ano pang mga kwento na nireplyan ko na lang ng isang plastik na ngiti. sus naman! antaba kaya nun. hirap na nga sya ipasok ang katawan nya sa pinto eh nagpipilit pa.
lumingon ako sa bandang likuran ng sasakyan at laking gulat ko nung makitang tatatlo pa lang ang nakasakay. mukhang mas maraming hangin pa ang malalanghap ko run kumpara sa pwestong ibinigay sakin nung manang na katabi ko.  hindi pa man nagsisimulang bumiyahe eh pakiramdam ko namumula na yung betlogs ko sa pagkakaipit. samantalang sya nakapahilis pa. putrages na babae yan. ang sarap iumpog ang ulo sa windshield.
kung sa tingin mo hindi mo na kaya, kung sa tingin mo aping api ka na, kung sa tingin mo walang nagmamahal sayo. nagkakamali ka. sandamukal ang mga fixers na nagkalat ngyon.
“i fix broken hearts I know that I truly can.”
gusto mo bang mapadali ang iyong buhay? hindi mo na kelangang magpakamatay. tutulungan ka nila sa abot ng kanilang makakaya. pero may service charge. wala ng libre sa panahon ngyon.
pero sa isang banda. malaking tulong ang mga yan kung gusto mo mapabilis ang proseso ng nilalakad mong kunganoman. gaya ko na simula ng magkaron ng sasakyan ay samu’t saring fixers na ang nakasalamuha. puro gastos na lang  simula student license, upgrade ng non-pro, rehistro ng sasakyan at ang walang kamatayang renewal ng mga yan. kung lumaki lang sana ako sa piling ng mga Abu Sayyaf at gusto ko magpapansin, nangunguna ang LTO office sa una kong pasasabugin. saka imbes na banko na mahigpit ang seguridad ang nanakawan ko, dito na lang rin dahil kung pera lang ang pag uusapan. madaming tagong kayamanan ang mga empleyado rito.
naging masalimuot ang naging araw ko kahapon dahil umpisa pa lang ay naburyong na ko sa kakahagilap ng pesteng Union Bank na yan! halos libutin ko na ang buong marikina pero wala ako nakita ni isa. badtrip! buti na lang at sinagip ako ng BPI atm card ng erpats ko para matuloy lang ang pagpaparehistro ng sasakyan.
at syempre tipikal na eksena yung mga sandamukal na tambay na sasalubong sayo. may napusuan akong lalaki naka green mukhang bata pa. pero hindi ko sya crush. anobeh! kahit tigang to hindi pa rin ako makikipagiskrimahan. kung sa tibo pa siguro pwede pa..magagawan naman natin ng paraan yan. anyways, ayun nga ang ngyari hinayaan ko syang gawin ang gusto nya. mabilis naman sya kumilos infairness. pero inabot din ako ng malas dahil nung humingi na ako ng form para sa gagawing stensil…sablay! binago na daw kasi ang sistema recently lang na ang lahat ng mga sasakyan na galing Subic ay doon na sa LTO East Ave. pinapastensil. putrages na sistema yan! pabago bago! (ang stensil ay isang procedure kung saan binabakat sa mismong form ang body number at chassis number ng iyong sasakyan gamit ang lapis. syempre kelangan magmatch yung mga details sa previous registration mo. )
ang tanong. san naman yun? pootah! magkakandaligaw na naman ako at mag aaksaya ng precious diesel sa ekspedisyong ito. buti na lang sinamahan ako ng utol kong tambay para magabayan ako sa direksyon at kung mamalasin, may kasama na akong maliligaw. ayos!
“daddy sama! bili bili car!”. eto namang anak ko naki-join na rin. akala mo pasyalan yung pupuntahan. at magpapabili pa ng kotse! naman! ang sarap talagang maging bata. sinama ko na rin sya para kahit papano eh malibang kami sa byahe. at isa pa eh magtatampo na naman tong batang to pag hindi napagbigyan.
makalipas ang isang oras, narating rin namin ang lugar. sobrang dami ng tao at sasakyan. parang may entrance test sa college. masalimuot. hindi ko alam kung san ako magsisimula. ano bang ginagawa ko sa lugar na to?! and who’s that pokemon? ohh! a fixer in formal attire…pwede!
kakaiba tong lalaking to dahil mukhang propesyunal ang dating. labas pasok din sya sa loob ng opisina ng LTO at marami syang koneksyones. mabilis nyang naasikaso ang rehistro ko hanggang sa ipinasok na lang sa cashier para sa ilan pang bayarin.
“maupo ka na lang dyan at antayin mo tawagin yung pangalan mo bale 2500 yung kelangan mo bayaran. pahingi na rin ng 200 para ipaasikaso natin sa loob”. ayan ang mga binitiwang salita ni manong fixer bago kami naghiwalay ng landas. pagtapos magbayad diretso na sa window 1 at panghuli, releasing na. napakasimple. walang kahirap hirap.
pero syempre dahil malas nga ako nitong araw na ito ay hindi naman pwedeng ganun ganun na lang yun. kung nagkataong may baon akong teargas, hinagis ko na yun sa loob ng cashier. tangenangyan! inabot ako ng 1sa’t kalahating oras sa paghihintay na tawagin yung pangalan ko para lang sabihin sakin na hindi pa raw na-upload sa computer ang insurance na binayaran ko at ang tanging paraan lamang para maproseso nila ang nilalakad kong rehistro ay ang bumalik sa LTO marikina at ipaayos muna yun. at anong oras na? 4:30pm. magaling! hindi na rin aabot kaya bukas na lang daw ako bumalik. nga pala, hindi pa rin ako nakakaligo ng mga oras na yan.
kung nasabi lang sana sakin ng maaga eh di nakabalik pa ako agad at hindi naaksaya ang oras ko sa paghihintay sa wala at pagbayad ng 200 pesos kahit hindi naman nila ako natulungan. ako pa nga ang nasisi dahil daw dun na lang ako dapat kumuha ng insurance sa kanila. taragis yan! kung may choice lang ako hindi naman ako pupunta pa sa pesteng lugar na yun.
nahabag naman si misis sakin kaya nag offer sya na sya na ang magtutuloy ng registration process tutal eh sandali na lang naman daw yun at bayaran na lang isasabay na rin daw nya ang pagkuha ng student license.  kani-kanina lang tumawag sya sa celfon ko. akala ko tapos na. makakatulog na sana ako ng mahimbing mamaya rito sa opis.
pero sablay pa rin. kelangan ko pa bumalik ng east ave para dun magbayad. malamang bukas naka-leave na naman ako. putris yan! hassle talaga.
maligayang pagbabalik sa aking blog. kamusta naman ang aking nagmumurang katawan na hinagupit ng sakit? hirap na nga umusad ng isang guhit ang timbang ko tapos ay mababawasan pa. life is unfair. mukhang hindi ko na maaabot ang target weight ko sa december kung hindi ko maibalik ang gana ko sa pagkain o kahit yung sipag man lang sa pagnguya.
medyo marami ang ngyari sakin nung nakaraang linggo na maaari kong ikabinat kapag kinwento ko pa lahat kaya ganito na lang siguro..pahapyaw na lang.
3 day vacation gone mad.
myerkules ang unang araw ng aking bakasyon dahil bertdey ni misis. maaga kaming nagising hindi para maghanda ng mga putaheng iluluto kundi para isugod sa ospital ang nanay ko dahil sa kagat ng ipis-ewan. blood sucking little creature na hindi naman natagpuan nung nagsagawa kami ng follow-up operation. pangatlong beses na ngyari ang ganitong insidente at laging nanay ko lang ang kinakagat. kung mas masarap ang dugo ng nanay ko kesa saming lahat ay tanging ang ipis lang na iyon ang nakakaalam. parang gusto ko na ring maniwala sa kulam.
nang lumaon, dahil na rin siguro sa kapaguran na hindi ko naman dapat nararamdaman dahil puppet lang ako, nakapagtatakang ginawin ako sa tanghaling tapat habang panay ang singhot ko ng marijuana sipon. hirap na rin ako makatulog kinagabihan dahil sa ulo kong parang dinidivirginize. and the rest is history.
huwebes. the history repeats itself. bongga! sinasabayan ng lagnat ang pag up and down ng ano ko. the heat is on! the room is on fire! feeling hot hot hot!…lupaypay na ko sa kama at nangangatog sa lamig. and the referee steps in and stops the fight. TKO win!
and to wrap it all up. byernes. life begins at 40 degrees celcius. hindi nakatulong ang pagtalukbong ko ng kumot para masala ang lamig ng hangin papasok sa katawan ko. bumangon ako ng 3am para wakasan na ang paghihirap ko sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang medyas (parang arab scarf lang ang dating) tumambay sa sala at mag ayuno. hindi naman ako iniwanan ni misis dahil nag aalala sya na baka kung may ano pang mangyari sa akin sa pag iisa ko. maya maya pa nagising na rin ang lahat ng kasambahay namin at ginawa na akong santo. panay ang punas sa aking bagsak na katawan. kung may suso lang siguro ako malamang nakalugay na rin yun. hindi na ako masyado makapag isip ng matino noon at inaantay ko na lang na tirikan ako ng scented candle para makapagrelax na ako ng tuluyan.
makalipas ang ilang oras at sangkatutak na biogesic, solmux at decolgen, bumalik na  sa normal ang pakiramdam ko at unti unti na ring bumabalik ang silbi ng dila ko. nalalasahan ko na ang pagkain. nakapamasyal na rin ako nung linggo kahit papaano.
sa ngyon balik opisina na ulit. kulay mountain dew pa rin ang ihi ko at kasalukuyan pa rin akong nagpapagaling. hindi na ako pwedeng magkasakit dahil kailangan ko rin bantayan si misis na nagpapahinga sa bahay. at kahit pa sabihin nating pwede, sino ba may gustong magkasakit? haaays..gastos na naman!
(Sigh) Too bad Ermon is not around to be nagged, were not talking to the phone like we used to. He was like OUT OF REACH all the time…, I feel so depressed pa naman for the past few days… Why? Because of the things that happened to me! Why did they give me a pagsubok like this??? Last monday I have a report on my economics subject about Market structure and assignment at the same time (SWOT analysis) absent pa naman si arg kasi her UTI attacked her, I also got panic attacks that time! dinamay ko pa si jhajha (my other group mate) to pray na sana matapos na my kalbaryo, because our economics prof. was like super late na.
The next day naman pasahan ng Chapter 2 sa Industrial research (Thesis!!!), I think all the kamalasan is in me that day.
Here’s what happened:
1. I left my USB at home so I have to go back just to get the stupid USB na hindi man lang pinaalala na kasama sya sa lakad.
1. There is no sasakyan that day like FX or jeep to get me to the easiest way to school because I was almost late na!… so I have to ride the bus while I was in heels! Imagine the bus pa naman here is like super kaskasero so I almost make “commercial” or tapilok in the bus!!!
1. The bus doctor (kundoktor) asks me… “Studyante ka ba talaga?” with naghihinalang mata! Kasi I’m not wearing uniform that day… I said yes with a smile but deep inside I was really naiinis na!!!
1. When I was in MRT na the lady guard check my bag, she confiscate my bottled mineral water kasi bawal daw ang any liquid substance inside the MRT!!! I was in WATER THERAPHY pa naman!!!!
1. One of the pasahero in MRT was like sobra makabalya! as if naman na hindi sya makakaupo, eh uber dami pa kayang bakanteng seats! Dapat violent people yung hindi pinapapasok not me Mineral Water!!!
1. In LRT naman the people was nakaharang sa pintuan, Ang luwag pa naman sa gitna!!! Hirap tuloy makalabas! I feel weak pa naman pag walang water… you know the balyahan when rush hour is like a wrestling match…
1. And lastly my professor just discards my Chapter II kc mali lahat!!! I was really mad! It feels like I want to stab someone… all the research and typing goes to nothing! My Chapter II pa naman is one of the best among the rest…
So that tuesday was like hell! So the day after I give myself a break, pamper myself by watching hollywood stuff and listen to rock songs.
I have to be relaxed and feel positive for the coming stressful days…
“Even when you’re hope is gone Move along!”
may kuliti ako sa kaliwang mata, may malaking tigyawat naman sa kanang kilay dahilan kung bakit naihahalintulad ako ngyon sa isang sikat na boksingero buhat pa sa bansang maxico, si Eric Morales…after nyang magulpi ni Pacquiao. at nga pala namamaga rin ang kaliwang hinlalato ko sa hindi malamang kadahilanan. masakit pa rin ang tonsil ko. kaya eto ako ngyon, nagbablog.
dahil dito ay naisipan kong tuparin ang misyon ko sa blogospehere at ipagpatuloy ang aking nasimulan na palaganapin ang gastinismo. isantabi ang salitang imoral at kabastusan sa bibig ng sangkatauhan..alisin ang malisya sa kaisipan ng mga tao. mabuhay ang mga tigang!
pero teka sa pagkakaalam ko ay isang beses lang ako gumawa ng kwento, yung may moral lesson sa tingin ko…eto yata. sabagay lahat naman ng isulat ko rito ay kapupulutan ng aral. depende na lang yan sa nagbabasa.
napakaraming ngyari nitong linggong nagdaan na ginusto kong i-blog. gaya na lang ng paghilab ng tyan ko, paglunok, pangungulangot, pag aano etc. etc. pero bukod pa dyan, 2 beses ako minalas sa parking area dito sa tapat ng building namin. day 1, na-flatan ng gulong yung sasakyan at kahit kasagsagan pa ng ulan ay nagpapalit ako ng gulong kasama ang mga pahinete ng truck na hiningian ko ng tulong. napakadungis ko nung panahong yun.  day 2, nagmistulang nahold-up ako ng letseng parking na yan sa tapat ng building namin imbes na 75 pesos early bird parking ang binayaran ko eh umabot ng 180 ang singil dahil daw sa mas early pa ko sa buwakananginang promo nila na dapat ay 5-7pm ka lalabas. eh 4:35 ako nag out. taenang policy yan.
at nung isang araw lang,
loving wife: alamo mo Ma hula ko may babae si kuya. lagi kasing walang pera eh saka umaalis kapag gabi. ganun ang mga senyales ng mga lalaking nambababae eh!
ateng mukhang bunso: eh di ba dati pa yun tapos naayos na?
loving wife: hindi. bago to! hula ko talaga meron na naman.
butihing ina: naku pag si gasti ang may babae ako mismo makakalaban nyan.
gasti: teka bakit pag may usaping pambababae ay laging nadadawit ang pangalan kong napakalinis at walang bahid ng mantsa? nananahimik akong nagbabasa ng dyaryo rito eh. at isa pa hindi ba kayo nagtataka na marami akong panggasta ngyon..hehe!
loving wife: magtigil ka dyan! baka gusto mo pang isa-isahin ko yang mga naging babae mo..at bakit nga pala madami kang pera? pinaglilihiman mo ko noh! may babae ka..mamasang yun.
gasti: wala kang ebidensya! ahehe! friends ko lang yun at ayoko na magpaliwanag dahil nagawa ko na yun noon pa…basta tapos na yun at ayoko na balikan pa ang nakaraan. virgin na ulit ako!
sabay walk out..
ngyari na nga ang dapat mangyari. kahit pa may babalang signal no. 1 dun sa Batangas eh napagpasyahan pa rin naming tumuloy sa beach..syempre sayang naman ang pagpapa-full tank ng tatlong sasakyan, ang mga pagkain na babaunin, ang mga damit na nakaayos na sa maleta, ang magagarang brief, at syempre ang lambat para manghuli ng isda. excited na ang lahat kaya arya na! arya! God Bless our trip.
pumapatak na ang ulan nung umalis kami. madilim ang kalangitan at nakukutuban na naming tama ang sabi ng PAGASA sa paparating na bagyo kaya doble ingat na kaming mga drivers..naging maayos naman ang byahe papunta sa Batangas at may mga eksenang sumisilip ang araw sa ibang lugar na dinaanan namin..sa isip isip ko sana naman eh makaligo kami ng matiwasay sa dagat at makapag enjoy pa rin kahit papano.
payapa ang alon sa dagat..may mga kasabayan din kami naligo doon…in fact may nag team building pa nga eh! andami nila at ang iingay nila…buti na lang wala pang ulan dito. hindi mo talaga ramdam na may paparating pa lang isang malakas na unos.
gutom na gutom kami nung dumating kaya di muna kami nagsiligo..nilantakan na lang namin ang mga party package na ulam. ang sarap! solb kung solb! unti unti na ring sumisilay ang araw at ang simoy ng hangin sa dalampasigan nakakarelax talaga. parang naaamoy ko na si dyesebel..parang may naaaninag na akong mga sirena sa di kalayuan kaya binilisan ko ang kain at nagmadaling magbihis pangsisid..(di kasi ako marunong lumangoy). maya maya pa lahat na kami ay isa-isang nagpaanod sa dagat…syet! ang lalim pala ng tubig kaya hindi kami makalayo..mga ilang dipa lang ang lalakarin mo at lampas tao na ang lalim nun..well mga dalawang dipa siguro mula sa pampang eh lampas tao na rin kung unano ka.
sinamantala na namin ang pagkakataon nung makakita kami ng isda..parang dilis sila at ang dami kaya nangisda na kami. ayun nga lang ambibilis lumangoy ng mga hinayupak kaya sa loob ng 2 oras ay 2 piraso lang ng isda ang nadagit namin. not bad eh? kung ginawa ko na lang na pain ang sarili ko sa pating baka mas mabilis pa ako makahuli siguro.
umuwi kaming luhaan pagbalik sa pwesto namin at habang naglalakad at napatapat sa mga babaeng kasama sa team-building, may sumigaw ng “uy pogi!”..gusto ko sanang lingunin ang matapang na babaeng nagbitaw ng salitang yun pero hindi ko na nagawa..marami kasi sila at baka pagtawanan ako pag ginawa ko yun..kahit pa alam kong lamang ako ng sampung paligo sa kapatid ko na kasabayan kong naglalakad at kami lang ang dumaraan nung mga oras na yun. siguro kung sumigaw pa sya ng “uy macho!” baka hindi ako nakapagpigil at nilapitan ko sya..para hamunin ng suntukan! gaga ba sya?! naghahanap na sya ng away nun.
pagdating ng hapon, biglang dumilim. at animoy may ipo-ipo na nabubuo sa dagat..ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan. lumaki ang alon at galit na nagsisihampasan sa buhangin. doon na nagsimulang maglabasan ang abnormal…parang nagkaron ng pyesta sa beach at dinumog ng mga taong sabik sa ulan..nakuha pa kamong maglaro ng volleyball kahit pa nililipad na ng hangin ang bola nila. may mga nagpapaanod din..at meron pa ko nakitang nagpicture taking..hanep! ang adik sa picture!
di na kami nilubayan ng ulan hanggang mag umaga. wala na rin naligo samin sa dagat pero yung iba, tuloy pa rin ang ligaya..nakuntento na lang ako manood sa kanila..ninamnam ko ang bawat eksena sa dagat..nagbabakasakaling anurin si dyesebel sa pampang at iuwi ko sa maynila para alagaan sa aming munting aquarium. maaaring ito na kasi ang huli kong pagpunta sa beach this year. ang malas lang binagyo pa. kapangalan pa ng tito ko ang walanghiya. frank you!
naging isang extra challenge ang aming paglalakbay pauwi. andaming lugar na binaha. mga natumbang puno at poste ng meralco. mga malalaking bato na nakahambalang sa kalsada. at sandamakmak na mga usisero’t usisera na nag aantay ng latest chika sa kalsada. naantala rin ang byahe nung mag overheat ang sasakyan kaya sa may laguna na kami naglunch. tinext namin ang kapitbahay sa Marikina at ang sabi eh maswerte pa daw kami dahil nung mga oras na yun..walang kuryente, tubig pati telepono wala rin. well meron namang tubig..tubig baha nga lang. yun pa ang isang problema walang naiwang bantay sa bahay kundi ang 2 aso, 3 isda, at 3 pagong na alaga namin.
mag aalas kwatro na kami nakauwi ng bahay. umuulan pa rin at talaga namang lupaypay ang balikat ko sa pagod. maswerte pa rin kami kahit papano at nagkaron kami ng time makapag enjoy sa dagat. ligtas rin kami lahat nakauwi at nasa ayos pa rin ang kinatitirikan ng bahay. nagulat na lang ako nung makita ko ang mga balita sa tv. andaming namatay sa paglubog ng barko, maraming nawalan ng bahay dahil sa baha, meron ding mga landslide..potek signal no. 3 pa pala sa Metro Manila. kala ko pa naman magiging matiwasay ang weekends..babagyuhin pala.
kahapon ng hapon pagkagaling ko ng opisina, pagod at gutom ang inabot ko sa sobrang pagmamadali umalis ng opis dahil ayokong abutan ng ulan. makulimlim kasi paglabas ko. pagdating sa marikina, napansin kong basa at may kaunting baha na sa kalsada..tapos na pala umulan dito. nadatnan ko sa bahay ang byenan ko at mga magulang ko na tuwang tuwang nanonood habang nagsasayaw ang anak ko to the tune of “low” by flo rida. nakngkamote. ang cute nya sumayaw kaya nakalimutan ko ng suyang suya na pala ako sa kantang yun.
ini-start ko ang makina at sinimulan itong patakbuhin..habang pinupwesto ko pa lang ang sasakyan sa gilid ng bangketa, bigla akong namatayan ng makina. potek wala pa yatang 2 dipa ang naitakbo ko nun. pinaandar ko ulit at ok naman pero may katigasan ang manibela..nagsisilabasan ang ugat at maskels ko sa braso sa tuwing pipihitin ko ito. utang na loob! anong kababalaghan to! naturingang power steering pero daig ko pa ang nagda-drive ng 10 wheeler truck nito eh! tumigil ako sandali sa isang kanto para magmuni-muni. itutuloy ko pa ba? malapit lang ang palengke pero delikado ang magmaneho ng ganito. pakiramdam ko may sira pero di ko alam kung saan. nilakasan ko lang ang loob ko at mabagal ko na lang pinatakbo ang sasakyan. nakaabot naman kami sa palengke at nagpaalam na si byenan..ako naman ay wala sa sariling pumunta ng grocery dahil iniisip ko pa rin kung anong ngyari sa sasakyan namin kaya imbes na sa malapit na bilihan ako pumunta eh dumiretso ako sa ibang bilihan..pagkapasok ko sa grocery dumiretso agad ako sa bilihan ng gatas..pagkatapos ay dumampot ako ng 5 lucky me pancit canton at 6kilos na absolute mineral water. diretso na ko sa bayaran. tulala pa rin ako habang nakapila at nagulat pa ako ng nasa tapat na pala ako ng cashier. saka ko lang naalala na kelangan ko pala bumili ng diapers! naku naman! sayang ang oras ng pagpila ko. dali-dali akong nagtungo sa imbakan ng diapers at bumalik agad sa cashier. pagkabayad ay kumaripas na ako ng lakad pabalik ng sasakyan.
ano yang mga binili mo? bakit ka bumili ng gatas eh kakabili lang natin kahapon? wala na kong pera! ano ng pamasahe ko bukas? kita ko sa mata ng misis ko na gusto nya kong batukan at paluin sa pwet dahil halos ubusin ko ang 1k na inabot nya sa kin. onga naman! anong katangahan na naman kasi ang pinairal ko at napabili ako ng gatas? isa pa, katapat lang ng pinarkingan ko ang bilihan pero sa mas malayo ako bumili. taenang yan! mangungutang pa tuloy ako.
pinaandar ko ulit ang sasakyan at nagsimula ng tahakin ang daan pauwi. ganun pa din matigas pa rin ang pagpihit sa manibela. parang etits na nalamigan. badtrip talaga! primera-segunda lang ang takbo ko. maya-maya pa napansin kong biglang nag overheat! nasa 3/4 na ang temperature. buti na lang at nakauwi na kami at ipa-park ko na lang. gulong gulo pa rin ang utak ko sa mga pangyayari kaya sinubukan kong silipin ang makina baka tumagas na naman ang tubig. pagbukas ko biglang may umamoy..amoy sunog at may tunog na parang kumukulo. pero wala naman palang tagas sa radiator. madilim rin kaya di ko maaninag kung san nanggaling yung tunog. to the rescue naman ang tito kong driver. (marunong sya magkumpuni ng sasakyan) salit nyang pinaandar ang makina at napansing hindi umiikot ang fan pero di nya rin masilip kung bakit kaya pinakuha nya ako ng flashlight. pagbukas ng ilaw, laking gulat na lang namin na meron palang kuting na naipit sa loob. pusang gala talaga! pano sya napunta dyan?! patay na ang kawawang pusa..nung hilahin sya ng tito ko sa buntot ay naputol pa to. sunog ang ibang parte ng katawan nya at litaw na rin ang buto..lasug lasog talaga. ang narinig ko pa lang kumukulo ay tunog na parang piniprito at yung balahibo ang nasusunog. that’s one sizzling hot pussy for you!
ang problema ko naman ngyon nawawala yung power steering belt na baka raw nahulog gawa ng pagkakaipit ng pusa kaya kelangan ko bumili ulit. at syempre kelangan ko rin ipa-engine wash yung sasakyan dahil may bakas pa ng mga dugo yun. hanubayan! gastos na naman…
wala akong gana magblog ngyon pero heto pa rin ako at panakaw na gumagawa ng entry sa loob ng opisina. ayoko na kasi mag isip kaya sinusubukan ko na lang libangin ang sarili ko dito. try ko magtype gamit ang putotoy ko na singtigas ng bakal at singtatag ng bloke ng semento habang nilalasap ang buga ng aircon sa mukha ko. buti rito maginaw di ko ramdam ang summer. ang sarap dito!
pero bago pa ako magmukhang albularyo na nakasuot pangduktor habang naghahalo ng semento sa isang construction site, ititigil ko ang mga haka hakang ganyan. tutal bukas na ang check up ng anak ko sa doktor kaya malalaman rin namin ang totoong dahilan. naging stressful ang weekends na inakala kong “pahinga mode”. naging iba tuloy ang dating ng family day aka sunday sakin. wala akong matinong tulog dahil sa inumaga na ako sa pagdadrive papuntang bahay-ospital. buti na lang at nailabas na namin ang anak ko kahapon at balik sigla na ulit sya. parang hindi nagkasakit kung titingnan mo. maga lang ang mata sa puyat at iyak na rin nung nilagyan at tinanggalan ng dextrose. nakakaawa tuloy kasi masyado pa sya bata at hindi man lang nya masabi kung ano nararamdaman nya.
pinaalam na agad namin kanila erpats na nakalabas na kami ng ospital dahil alam kong nag alala rin sila. laking gulat ko na lang ng binalita sakin na nag-collapse pala erpats ko habang bumibili ng tiles para sa pinapagawang bahay nila. alam naming lahat na highblood sya at hindi rin nakatulong ang matinding sikat ng araw at hindi nya pagkain ng agahan at tanghalian dahil sa pag aalala sa anak ko kaya ayun biglang na-blockout. buti na lang at medyo nahimasmasan na rin agad at nagpapahinga na sya sa ngyon. kasi naman pasaway. sa kanya siguro ako nagmana. ayaw magpacheck-up o magpa-bp man lang dahil siguro sa takot na i-confine sa ospital at bigyan ng listahan ng gamot na kelangan bilhin. ang hirap talaga mangumbinse ng matanda. ang ngyari tuloy kami naman ng anak ko at ni misis ang dumalaw sa kanila para kumustahin sya nung gabi. sumaya naman sya nung makitang masigla na ang apo nya.
kaninang umaga naman pagkagising ko saka ko lang naalala na naiwan sa san mateo ang bag ko. sa marikina kasi kami natulog at naghakot na kami ng ibang damit kagabi dahil under observation pa ang anak ko at wala naman kami mapapala sa mga ospital run kaya balik marikina kami pansamantala. yun nga lang di naisama sa impake ang bag ko na may lamang susi ng opis. nakanampoots talaga dahil binalikan ko pa yun kanina. napasabak na naman tuloy ako sa mahabang pila ng mga sumasakay sa shuttle at mga barumbadong hapit na jeepney driver. lagpas isang oras pa akong late. pagdating ko pa sa opisina down ang isang server. anong klaseng kaganapan naman kaya ang makapagpapasaya sakin sa araw na to? makatulog na nga lang mabuti pa.
di ko na talaga maintindihan ang panahon ngyon. Abril pa lang. expected mo na mainit at nakatanaw ka sa asul na kalangitan kasabay ng pagsilay silay sa mga nakabikining chiching sa may dalampasigan pero bakit may bagyo? madilim ang kalangitan kahapon at panay ang ulan. akala ko katulad lang ng dati na sandali lang tapos mawawala na agad pero hindi. nagpabalik balik pa talaga. yung iba nga naming kapitbahay eh nakapaligo pa sa ulan. masama rin ang pakiramdam ko kahapon kaya di na ko pumasok. kain tulog lang ang ginawa ko maghapon.
tinext ako ng ka-opisina ko na palit daw kami ng sked dahil may sinalihan syang liga ng basketbol sa lugar nila. 8-5pm ako ngyon at bukas. wala namang kaso sakin yun dahil isang oras lang naman ako nag adjust. saka kahit 4pm naman ang uwian ko eh mga 4:30 nako nakakauwi. pero ngyon pagpatak ng alas singko impunto..out nako dito.    sweldo na sa wakas. eto lang naman ang masarap kapag nagtatrabaho ka. sunod na lang yung feeling na may “purpose” ka sa buhay.
kaya kahit mabigat pa rin ang katawan ko kanina pagkagising, pumasok na rin ako. dinaanan namin sila bayaw para sumabay na papasok. maingat akong nagpatakbo ng sasakyan dahil putik ang daraanan. may mga lugar na baha at as usual lubak lubak pa. bonus pa ang sakit sa tuhod ko na kaunting baluktot lang ay kumikirot na. pagkarating namin kanila bayaw, lumipat na ako sa passenger seat at nag relax. makalipas ang ilang minuto nasa tapat na kami ng building na pinapasukan ko. kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na sa kanila.
parang may kulang. napansin ko na lang yun nung naka akyat nako sa office namin. nawawala ang wallet ko! potek! kahit piso walang laman ang bulsa ko. andaming pumasok sa isip kong paraan para kumita ng pera pamasahe mamaya kasama na ang pamamalimos sa kalsada at pangingikil sa mga dumadaan sa  lobby pero hindi pa ganun kakapal ang mukha ko. “dumilihensya ka muna sa mga bading sa kabila” friendly advise mula sa isang ka-opisina. muntik ko na rin yung patulan. (joke) mangungutang na lang ako sa kaopisina ko tutal sweldo na mamaya. maibabalik ko rin yun bukas. hindi naman siguro tototohanin ni misis ang sinabi nyang uubusin nya ang laman ng ATM ko bilang ganti dahil inililihim ko sa kanya ang kabuuang kinikita ko. naiwan ko pala sa sasakyan yung wallet. buti na rin at ganun ang nangyari at hindi naiwan kung saan. pero ang malas ko naman ngyon. kadalasan pag sinabi kong wala akong pera may mahuhugot pa rin barya sa wallet o di kaya ay makapag withdraw ng pera sa ATM pero ngyon talaga wala. tanging puri at dangal na lang ang meron sakin. di naman nakakabusog yun.
diretso na ako sa banyo pagkatapos lumabas ni misis. pagkaupo ko sa trono, sinimulan ko nang magsipilyo kasabay ng pag ihi at pagsusumikap na mailabas ang ano mang kadugyutan sa katawan (multi-tasking mode para tipid sa oras) (tip sa mga guys: wag kayo magtetebats sa umaga dahil nakakapanghina yun. hindi porke’t naglalambing si pototoy eh pagbibigyan nyo na) note: ang similya ay hindi dumi sa katawan. ilabas lamang ito kung kinakailangan. diretso ligo na ako pagkatayo sa trono. gamit ang head & shoulders sinimulan kong kuskusin ang bumbunan ko pagkatapos ay nagpahid naman sa katawan ng likas papaya soap. di ko alam kung mabisa ba talaga pampaputi ito dahil ganun pa rin ang kulay ko. siguro kung meron akong makita sa daan na maputing tao na kinky ang buhok at pango ang ilong na nakasuot ng bahag maniniwala na ako. anyways pagkatapos ko magsabon sa katawan, next naman ang mukha. salamat sa tulong ng Dr. Kaufmans Medicinal sulphur soap fresh from Taal Volcano, mukha na akong anak ng bulkan. bihira na ako magkaron ng tighiyawat sa ngyon. try it and you’ll see the difference! (papasa na ba akong product endorser?  ahehe!)
paglabas ko ng banyo, dumiretso na ko sa kwarto para magbihis. nagulat na lang ako ng makita kong gising na pala ang bibbo kong anak. may pa-smile epeks pa. nakow kamote paniguradong male-late kami nito dahil magpupumilit syang sumama. isip agad ako kung pano ko sya masasalisihan. magaling ako dyan. lols! nang silipin ni misis ang diaper ni junior, may laman palang pupu (kyut term ng ebak). kaya naman pala maaga nagising tumae pala. pinapanood agad namin sya ng ever reliable elmo’s world para malibang habang nagbibihis pa ako. at pagkatapos mai-ready ang lahat, saka sya ipinasok ni yaya sa banyo para linisan..ito ang naging hudyat para paandarin na ang sasakyan at umeskapo. nalungkot kami pareho dahil paniguradong iiyak yun pag nakitang umalis na kami..haays! nakakasira talaga ng pamilya ang pagtatrabaho.
pagdating sa marikina, eksakto pag-park ko saka ko lang napansin na naka todo na pala ang temperature ng sasakyan. overheat na pala amputa! buti na lang at hindi kami tumirik kung saan. tiningnan ko ang makina at ayun nga..tumagas na ang tubig dahil sa sirang radiator cap. langya! swerte pa rin at umabot kami. mamaya ko pa ipapaayos yun pagkauwi ko. tsk tsk!
nakarating ako sa shuttle service ng marami ang iniisip. papasok pa lang ako pero iniisip ko na ang mga kelangan ko gawin pagkauwi. suplado mode na naman ako at nakatulala sa buong byahe dahil sa dami ng iniisip. as usual same old faces ang mga kasabayan ko pumasok. including yung walang tigil sa chismisan. may isang babae rin akong kasabay na dati ko ng napansin dahil tuwing byahe nagrorosaryo sya. mukhang bata pa naman tantya ko nasa 25-28 ang edad. bracelet na gawa sa perlas ang hawak nya. di ko nga magets kung pano nya ginagamit yun eh kakaunti lang naman ang bilog. di kaya merong shortcut method. ewan. sabay kami ng binababaan kaya kadalasan eh ka-duet ko sya magsabi ng “ma! sa tabi na lang po”. dahil sa likas na pagka-gentleman, (ehem!) ako na ang nagbukas ng pinto. natuwa naman ako ng nag “thank you” sya dahil bihira na lang ang nagsasabi nun sayo ngyon kung hindi mo naman sya kaanu-ano. di ko na sya nareplyan ng “tenk yu rin dahil sa pagtenkyu mo” baka ma-weirdohan pa. mabilis na lang ako naglakad papunta sa building namin. delikado kasi ang araw na to. huwebes ang tanging araw na nahuhuli ako ng boss ko pag late. tyempo lagi yun kapag late ako saka naman sya darating ng maaga. taena! talk about coincidence shit!. coding kasi ang sasakyan nya pag thursday kaya kadalasan kung papasok sya sobrang aga nun para wala pang huli. swerte na namin kung di na sya pumasok buong araw kami walang boss. gaya ngyon wala sya kaya petiks na naman dito. kanya kanyang bukas ng friendster at iba pang sites. katabi ko si chilli nagba-blog rin. napagkikinita ko ng magiging busy kami buong araw! lols! gusto ko na umuwi.
maya maya pa habang nagkukuwentuhan sa ikalawang palapag ng bahay, habang naglalakad si erpats sa bandang gilid bigla na lang syang lumubog. shoot! dire-diretso hanggang ibaba! nagkaron ng gasgas ang tagiliran nya at andaming maliliit na pasa. pero hindi nya ininda. nanghinayang pa nga sya dahil hindi sya nakuhanan ng video na ipapadala sana nya sa Bitoys funniest. nakuha pa talagang magpatawa.
nag ring ang telepono. binalita na lang sakin na may lagnat ang anak ko at kelangan ko bumili ng gamot. pinatingnan na rin daw nila sa isang espesyalista sa larangan ng panggagamot na si “Aling Pemya”. ito ang unang tao na tumitingin sa anak ko pag nilalagnat. gamit ang kanyang mahiwagang tawas at orasyon kasabay ng isang talentong pagpapatayo ng itlog habang nakapatong sa bato pagkatapos pausukan sa kandila, papatakan nya ng kandila ang tubig na nasa loob ng palanggana at presto! “nabati” nga ang resulta. meron din daw pilay sa dibdib..pagkatapos nya isalang sa ibabaw ng usok mula sa tawas ang anak ko ay pinayuhan nya ng magpahinga ito at painumin ng gamot sa lagnat para tuluyan na syang gumaling. ayos!
eksakto 10:30 pm na kami nakabalik ng san mateo. malala na ang sipon ko at walang tigil ang paghatsing bunga ng maghapong pagbabaklas ng bahay. paghiga ko sa kama, nasa ibang dimensyon agad ako. ni hindi ko na nga namalayan na may nakasandal na psp sa likuran ko habang nanonood ng video ang anak ko. nalaman ko na lang kinaumagahan pagkagising.
panibagong araw na naman.. balik opisina! 7:02am ako dumating. so far so good… sana uwian na!
pagpasensyahan mo na dahil di kita nabigyan ng disenteng libing (shinoot lang kita sa kanal)
isang magandang alaala. isang kahapong tayo’y magkasama. (*singhot)
“ah patay na? di nga? masaya pa yang patalon talon kanina nung pinakain ko ng hapunan nya. di mapakali at ang sipag lumangoy” ganyan na lang ang sinabi ni yaya nung dumating ako byernes ng gabi. wala ng buhay ang kawawang isda nakatagilid na. last supper na pala yung kinain nya at sa palagay ko kaya kakaiba ang sigla nya kanina dahil nararamdaman nyang kukunin na sya ni Lord. o di kaya naman ay di na sya makahinga dahil sa sobrang dumi ng tubig na nilalanguyan nya. alinman dyan tanging sya lang ang nakakaalam ng sagot.
anyways nakabili na ko ng 3 isda kahapon. di gaanong kagandahan dahil maihahalintulad ko lang sya sa mga hinuhuli namin sa kanal noon. mura lang naman kasi at wala pa kong budget pero kapag nakaluwag na baka bumili na rin ako ng flowerhorn. sa ngyon hahayaan ko munang makilangoy ang mga isdang binili ko sa aquarium namin at i-entertain ang anak ko. kahit siguro butete ang ilagay ko dun eh mag eenjoy pa rin sya.
nitong mga nakaraang araw eh puro kamalasan na lang ang binabalita. kesyo nagkakaubusan na raw ng bigas at mukhang hindi na mapupuno ang salop. maraming gustong bumayo pero wala ng babayuhin. di ako agad naniwala dyan dahil sagana pa naman kami sa kanin pero nung isang beses na umorder ako sa jollibee ng C1. nalungkot ako ng makita ko ang isang balot ng kanin na singlaki ng merienda size mantao. langya! yung dating maliit na serving mas pinaliit pa. may shortage ba talaga?
isa pa yang pagtaas ng gasolina. di ko rin pinapansin yan noong wala pa kaming sasakyan dahil kung taasan man nila ang singil sa pamasahe, barya lang yun. maswerte pa nga kami kung tutuusin dahil diesel ang kinakarga sa van pero kaunting sentimo na lang at aabot na sa 40 petot ang isang litro. mas mataas pa kumpara sa 1.5 litro ng coke. hindi naman nagwewelga ang sambayanan para itaas ang sweldo ng mga manggagawa. mabuti pa nga minsan kung govt. employee pag trip ng pangulo magtaas ng pasweldo, meron agad. isama mo pa ang mga “lagayan system” na ikinayayaman ng ilan.
at eto pa ang isa sa malungkot na balita para sa mga milyung milyong pilipino na umaasang mananalo ng jackpot sa lotto. lahat nalungkot maliban sa isa..uu solo winner sya! hindi ko sasabihin sa inyong ako yun. pero gusto kong isipin na ako yun kaya lang eh hindi ako tumataya. tumataginting na 249+++ million pesosesoses ang napanalunan. how lucky can you get?! para naman sa mga umuwing luhaan..gaya ng dati. better luck next time!.
kapag minamalas ka nga naman..akala ko ay ok na ang lahat dahil walang aberya o kahit anong error ako naranasan habang ina-update ko ang psp slim ko mula ver. 3.71 papuntang 3.90 (update patch downloaded from here). di rin ganun katagal ang update process kaya smooth na smooth ang bawat pindot ko. ok ang lahat (yun ang akala ko). pag-check ko ng system info 3.90 na yung version. andun pa rin ang mga naka-save kong music, video at pictures. meron na rin akong skype at internet radio. pero nung maglalaro na sana ako ng games, napamura na lang ako dahil ito ang bumungad sakin –> “There are no games” putah! eh mahigit 10 games ang naka save dun! ang ipinagtataka ko lang hindi nadagdagan ang free space ng memory stick..ganun pa rin. ibig sabihin andun pa rin dapat yung mga games..pero naghagilap na ko saan mang sulok ng folders na meron ang istik ko..wala akong makitang games. at isa pa hindi na nag aapear ang settings kapag kinlick ko ang select button. anong kababalaghan to? badtrip! kelangan ko na ipatingin to sa repair shop mamaya pag uwi ko. arrrgh! gastos na naman…
“bakit ka ba kasi nag update?”. gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader kapag naiisip ko yan. ginawa pa akong katatawanan ng misis ko dahil hindi maeksplika yung itsura ko kahapon. luging lugi. eh anong magagawa ko andyan na yan. hindi naman siguro sya nag crash dahil nagagamit ko pa rin. kaya umaasa akong kaya pang maibalik sa dati ang mga games nun. (madali namang kumopya sa iba). next time talaga hindi na ko mag uupdate ng mga letseng patch na yan. hindi ka pala nakakasigurado sa magiging resulta.
Update: alam ko na ngyon kung bakit nagkanda letse-letse ang psp ko. mukhang mahihirapan nga ako gawin ito ng sariling sikap. tsk tsk!  anyways salamat na rin sa tumulong at nagpaalala sakin na mangmang talaga ako sa ganitong mga bagay.
hindi lang isang beses ngyayari sakin na natatapos ko muna ang isang blog entry bago ako makaisip ng akmang title. ako lang ba ang ganito?
nitong mga nagdaang araw mas lalong sumidhi ang kagustuhan kong bumili ng pandagdag sa collection ko. di ko mapigilang (as if nagpipigil talaga ako) hindi dumaan saglit sa loob ng mall bago umuwi. katapat lang kasi ng sinasakyan ko pauwi ang suki kong mall. ang ultra-electro-magnetic-megamall na under renovation pa rin ang bandang gitna. nalibot ko na rin siguro ang kasuluk-sulukang parte nun at kabisado ko na rin kung saan ang mga bilihan ng paborito kong laruan (bukod sa toy kingdom).
lunes. binalikan ko ang lugar kung saan ko nakita ang kotseng maganda sa paningin ko. inikot ko muli ang bawat sulok ng store na yun ngunit hindi ko na makita ang pakay kong kotse. di ko natiis nagtanong na ko. “miss meron pa ba kayong camaro?”. nadismaya ako ng marinig ko ang sagot nya. “wala na eh try mo tumingin sa toy kingdom baka meron pa sila”. toinks! no need..nanggaling na rin ako dun. kaya ayun umuwi na naman akong bigo.
martes. naisipan ko namang dumaan sa isang mall na katabi ng team na tumalo sa Purefoods nitong nagdaang all filipino conference sa PBA. baka meron sila ng hinahanap ko. mabilis naman akong nakasakay sa isang shuttle service na sira ang aircon. sign na ba ito ng mga susunod na kamalasang darating sa araw na ito? nag init ang ulo ng kapwa ko pasahero dahil mukha kaming ini-incubator sa init. nagpasya na lang ang driver na buksan na lang ang bintana at bente na lang ang pamasahe ng bawat isa. olrayt! 50% off…nakarating naman ako ng matiwasay sa mall at dire-diretso ako sa toys r us. di ko namalayan na hinahabol na pala ako ng sekyu dahil kelangan ko raw iwanan sa baggage counter ang bag ko. langyang yan! mahigpit pala dito. nainis pa ko sa pagmumukha ng hinayupak na yun dahil mukha syang pitbull na may bigote.
pagdating ko ng baggage counter, “sir may importanteng bagay po ba dito sa bag nyo? cellphone, wallet, alahas.” tanong ng tagabantay. “uhhmm.. psp!”. “sige sir pakidala nyo na lang yan kasi pag may nawala po i-charge samin “. ok. (bakit naman kasi hindi pa hinayaang bitbit ko na lang ang backpack ko. anong silbi ng mga hidden cams nila at sandamukal na bantay sa bawat laruan?)..rules are rules..regulation is regulation..sometimes they have to regulate the rules. ano daw?
mabilisan kong ini-scan ang bawat laruang madaanan ko at sa wakas nagbunga rin ang sipag at tyaga kong maghagilap. nakita ko na rin ang kotseng natipuhan ko noon..pero hindi ko sya binili. (bakeeeet?). dahil nakakita ako ng 06 chevy camaro na nagpatibok ng puso ko. lols! singganda ng malalaking version pero di sing mahal. at mas trip ko ang kulay nito kesa sa dilaw ng transformers. (next time na lang ang pektyur). papunta na ako sa cashier ng biglang may pumutok. sumabog ang ilang ilaw ng parteng kinatatayuan ko. sumingaw rin ang mala-tambutsong usok mula doon na amoy sunog na tanso. ambaho! ansakit sa baga! langya talaga pakiramdam ko tinira kami ng teargas sa loob. nagmadali akong nagbayad at paubo-ubo pang umalis sa lugar na yun.
medyo maaga pa kaya tumingin pa ako sa ibang bilihan ng kotse. wala rin naman ako binili dahil kuntento na ko sa camaro ko..next time na lang yung iba.  pagkalabas ko ng mall, wala naman jeep na masakyan. puro fx kaya no choice kesa naman tumayo ako kasama ng mga dilag na naka-uniporme (animoy tukso), sumakay na lang ako. at gaya nga ng inaasahan ko na 80% ng fx driver doon ay madudupang..malayo o malapit ay bente ang sisingilin sayo kaya ang pamasahe kong 7.50 sa jeep ay naging 20 pesos. pero wala na ako pakialam dun. basta nabili ko na ang pakay ko. solb na ko.
pagkauwi ko ng marikina kung saan naka-park ang sasakyan namin biglang nagtxt si misis. “sunduin mo na lang ako dito sa may palengke. ibang byahe sinakyan ko eh di na ko dadaan dyan”. bilang isang masunuring tupa, dali-dali akong sumakay sa van at nagdrive papunta sa sinabi nyang lugar. nang magkasama na kami saka ko kinwento ang mga ngyari.
gasti: nakabili na ko ng kotse! yung camaro.
misis: talaga? patingin..magkano naman.
gasti: mura lang..tingnan mo sa bag ko. ang ganda..bihira ka makakita nyan. antagal ko na kaya naghahanap nyan wala ako makita.
misis: ayos to ah! tamang tama magugustuhan to ng anak natin.
gasti: alamo hindi ko binili yan para ipalaro sa anak natin. wala pang muwang yun sa value ng mga katulad nyan. it’s not just a toy. saka isa pa marami na namang laruan yung batang yun.
misis: ok. sige na nga. pero gusto ko rin syang bilhan ng laruan.
gasti: uu nga eh next time sya naman ang bibilhan ko.
ang problema ko lang, dumadami nga ang collection ko pero wala pa rin kaming istante. hanubayan!
dahil na rin siguro sa kawalan ko ng social life at pagkabagot sa opisina bunga ng maghapong pakikipagtitigan sa monitor, napagpasyahan kong tahakin ang masikip, makipot at mataong lugar pauwi. adventure in the making.
maaga akong umalis ng opisina dahil nakaramdam ako ng kakaibang sigla sa ideya na to.  binaybay ko ang kahabaan ng julia vargas hanggang sa makarating sa istasyon ng mrt. as usual punuan na naman at makikisingit na naman ako sa mga taong nakabalandra sa may pintuan dahil ayaw nilang pumasok sa parteng gitna ng tren. pagkalusot ko eh tinaas ko agad ang aking matipunong mga bisig para abutin ang pinakamataas na makakapitang bakal. no choice kasi wala na akong ibang nakitang pwedeng kapitan..marami ng nag aagawan sa gilid..ayoko namang makipagholding hands sa kanila..puro lalaki yun. at ayoko naman kumapit sa pototoy ko dahil masagwa tingnan…habang umaandar ang tren ay taimtim kong sinisilayan ang kahabaan ng edsa. ang robinsons galleria. ang edsa shrine. at ang mga ga-langgam na tao na naglalakad sa ibaba ng tulay.
maya maya pa tumigil na ang tren sa may bandang cubao at ako ay lumabas na ng pintuan. ito ang gusto ko sa mga tren..di mo na kelangang sumigaw ng “para!” para mapahinto di gaya ng sa jeep o bus…mabilis pa ang byahe…ang cubao na siguro ang isa sa pinakamataong lugar sa metro manila. marami akong karanasan sa lugar na ito. isa na run ay nang alukin ako ng short time ng isang pokpok malapit sa mga sinehang maantot at maipis. kadiri. mukhang di naliligo ng katawan. panay dilig lang siguro sa hornyflower nya. . anyways dumiretso na ko ng farmers para magpalamig ng kaunti. tapos ay tumungo naman ako sa may gateway para makiraan ulit papuntang sakayan ng fx. habang nasa loob ako ng mall na ito ay di ko maiwasang magpalinga linga. mahirap talaga tumingin ng diretso kapag nasa loob ka ng mall..matagal ko ng inaaral kung paano magpigil pero wala pa rin akong mahanap na mainam na solusyon dito. siguro in-born ang pagiging alerto ko. masarap tumambay dito lalo na kapag uwian.
makalipas ang sangkaterbang pagbubuntung hininga ay nakalabas rin ako ng gateway mall. nag abang naman ako ngyon ng plakard na byaheng “montalban” ngunit sa kasawiang palad ay wala akong nakita ni-isa sa kanila. puro cutting trip ata ang mga walangya! maya-maya pa may lumapit sakin na isang lalaki at nagtanong..”pre dito ba dumadaan yung mga byaheng san mateo o kaya montalban?”. na mabilis kong sinagot ng “oo dito yun. sa pagkakaalam ko”. pareho kaming tinubuan ng ugat sa mga paa dahil sa maling paniniwala. nagtatalo na ang isip ko nitong mga sandaling ito kung sasakay na ba ako ng byaheng marikina o patuloy na mag aantay ng swerte sa kinatatayuan ko..napagpasyahan ko ng sumakay sa fx na aking namataan pagkatapos kong maramdaman na puno na ng usok at alikabok ang pagmumukha ko..binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin ang isang binibining nakasuot ng uniporme ng isang mamahaling eskwelahan sa may parteng recto na makakatabi ko sa upuan sa pinakamasikip na parte ng fx..sa bandang gitna. pero laking gulat ko na lang ng biglang may nanghawi sa akin na isang baboy ramo na mukhang kagagaling lang sa isang construction site at mabilis na umupo katabi ng chiching. bwiseeet!!! mabilis kong isinara ang pinto at naglakad papalayo sa fx na yun. kaya ko pa naman maghintay.
makalipas ang isang siglo, nakasakay rin ako sa byaheng Ampid. hindi pa ito yung sa may amin pero sinakyan ko na rin at least malapit lapit na. kamalas malasan ko eh mukhang sira pa ang aircon ni manong driver..isama mo pa ang walang ipinagbagong daloy trapiko sa cubao. ganito rin ang eksena 8 yrs ago nung hindi pa nagagawa ang megatren…pagdating ko sa Ampid ay nag abang ulit ako ng masasakyan..napatingin ako sa mga batang kalye na nakatambay..naulinigan ko kasi ang isang joke na mukhang ipinamana pa sa kanya ng kalolo-lolohan nya. “kay ninoy na lang to?!” sabay taas ng hawak nyang sitsirya. “akin na lang! akin!” nag aagawan yung ibang batang nakarinig. “nyahaha! kay ninoy na nga lang ito eh! hindi ko kayo bibigyan”. gusto kong maiyak pag nakakarinig ako ng ganito kamais na biro.
nakakita naman ako ng fx at umupo sa parteng likuran. sa wakas malamig na sa loob. mabilis na ang byahe at 10 piso na lang ang binayad ko hanggang sa sakayan ng traysikel. pagod at gutom na ako ng makarating sa bahay. naunahan pa ako dumating ni misis na galing pa ng makati. ang saya.
mag iiba na ako ng ruta next time.
naalala ko pa yung unang beses na sumakay ako ng elevator. mangmang ako nun. nakakapit ako sa bakal sa may gilid dahil pakiramdam ko eh gegewang ang takbo nun anytime soon. mabuti ng safe. nasanay kasi sa pamamatok sa mga jeep eh! nang bumukas ang elebeytor, para na ring bumukas ang langit at nagsipagkantahan ang mga anghel. taenang elebeytor kasi yun andaming sakay halos sumoplak na yung mukha ko sa salamin.
simula nung nakapasok ako sa isang “do not enter. for personnels only” na lugar kung saan mo makikita ang lahat ng live footages ng lahat ng camera dito sa building namin ay nagsimula akong maging conscious sa kung anong itsura ko kapag napapadaan sa mga lugar na may camera. di ko maiwasang hindi mapatingin rito dahil alam ko na sa likod ng mga lenteng yun ay may nagkukubling kups na nagbabantay. ngumunguya ng chichacorn habang nag aantay ng mabobosohan.
kapana-panabik ang bawat eksena. kitang kita mo ang lahat ng empleyado na pumapasok araw-araw. lahat ng klase ng cleavage ay masisilayan mo. pati paghikab at pangungulangot ng mga chiching walang kawala. ultimong pagkambyo ng mga barako boys kita sa camera. di uubra dito ang pasimple. siguro ganito rin ang pakiramdam ng tagabantay sa big brother house. walang kurapan.
may building bang walang elevator? malamang wala. sino ba naman ang magtya-tyagang pumasok sa opisina kung nasa 23rd floor ka gaya ko. eto na siguro ang pinaka affordable na byaheng masasakyan mo. walang bayad. mabilis pa. malas mo nga lang kapag rush hour at tipong late ka na tapos punong puno ang elevator na sasakyan mo. para ka na ring nasa loob ng mrt. hindi ka pwedeng tigasan dahil mararamdaman kaagad yun ng taong nasa harap mo. swerte mo na kung mapatapat ka sa babaeng horny (wag ka na umasa tsong!). malas mo kung mapatapat ka naman sa lolang uugod ugod na dahil baka masarapan tapos ipagkalat sa iba na kayo na. (asa pa!) malas mo rin kung bouncer pala nasa tapat mo dahil malamang eh iumpog nya ang ulo mo sa maskels nya. kung bakla naman, yari ka pa rin dahil makikipagkiskisan na sayo yun. para safe, gawin nyo yung ginagawa ko. nakaharap sa pader o kaya ay naka-”tikas pahinga” na posisyon.
siksikan din ang eksena kapag lunch break. iwasang mag init ang ulo mo dahil hindi lang ikaw ang nagugutom. tanggapin mo na lang na may mga taong tamad na sumasakay ng elevator kahit isang floor lang ang pupuntahan. patirin mo na lang kapag palabas na saka mabilisang pindutin ang close button.
marami ka ring masasagap na tsismis sa loob ng elevator. basta hindi ka tulog marami kang mababalitaan. marami kang matututunan. minsan masasabi mo na lang sa sarili mo.”swerte pa pala ako sa napasukan ko”, “buti na lang di ko sila opismates”, “anong floor kaya yung opis ng chiching na yun?”, “ang bantot naman netong katabi ko”. nakakatuwang makinig sa kwentuhan nila.
isang di ko malilimutang experience sa elevator ay nangyari sa cubao mrt station. kasama ko ang ate ko at ang pinsan ko papuntang SM North Edsa. hayskul pa yata ako noon. dahil sa ayaw namin makipagsiksikan sa escalator, napagpasyahan naming mag elevator na lang. kaya lang madami rin ang katulad namin mag isip. marami rin ang nakaabang na sasakay sa elevator. pero nagkasubuan na wala ng alisan…pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay tumilapon agad ako sa kung saan. nawala ang poise ng mga kababaihan. lahat  naging brusko. nakalimutan na ata nilang may dede silang malalamog kapag nasiksik. mabuti naman at nakasakay ako in-da-nik-op-taym…kaya lang biglang tumunog ang mahiwagang buzzer..engggk! overload! biglang lumabas si san pedro at agad nagtanong…”sino ba yung huling pumasok?” magtuturo na sana ako ng isang mapalad na tabatsoy kaya lang eh napagkaisahan akong itaboy ng mga buwakinang tao sa loob ng elevator. mga hayup! sa payat kong to ako pa ngyon ang excess baggage? taena!
san pedro kuno: ikaw ang weakest link. goodbye!  bumalik ka na sa impyernong pinanggalingan mo…bwahahaha! (sabay pindot ng eject button)
“di bale boy yung susunod ikaw na ang unang papasok”. ang sabi ng isang citizen patrol sa tabi ko. nakayuko lang ako.hindi umiimik. pakiramdam ko nun eh pinagsarhan ako ng pinto ng langit. kasama ko ang iba pa na nagkukuyakoy sa purgatoryo. ang malas ko naman.
bihira ang ganitong pagkakataon. biglaan. isang pagpupulong kasama ang lahat ng empleyado sa kumpanyang pinagsisilbihan ko ngyon. hindi ko na maalala kung kelan huling ngyari ang ganito..or kung may ngyari ba talagang ganitong klase ng pagpupulong noon. hindi ko na maalala. basta bangag ako. gusto ko ng umuwi!
hindi naman sa kinakabahan ako tuwing may meeting..sa totoo lang, mas kinakabahan pa ako kapag nakikipag usap sa crush ko noon, kapag nakakakita ng yumuyukong chiching sa harapan ko, kapag nanonood ng titilating films, kapag nangongopya sa klase at kapag kinokompronta ako ng misis ko. di katulad ng mga nabanggit kong sitwasyon kung saan buhay na buhay ang mga dugo ko…marinig ko pa lang ang salitang meeting eh inaantok na ako. boring. late pa ako makakauwi.
alas kwatro ang uwian ko. isang oras ako pinag antay bago dumating si boss. may dalang isang bilao (singlaki ng pinggan) ng pancit malabon para siguro pampagana. nung makita ko yun eh lalo akong nawalan ng gana makinig..gusto ko na lang kumain. bahala na kayo dyan. sinimulan na naming lantakan yung pancit nang biglang maglitanya na si boss ng kung anong status ng kompanya. ng mga proposals nya para mapaunlad pa ito. ok naman…ang pancit. pwede na pantawid gutom.
pagkatapos ng introduction, inisa isa na kami. “give me an update of what are your workload right now.” something like that..inaasahan ko na yun. marami na akong nakahandang sagot gaya ng pag-YM sa mga friends, pag surf sa internet, pag-friendster, pagdownload ng music, panonood ng video sa youtube, pagminsan eh naglalaro rin ako ng super mario,contra,ice climber, battle city..lagi na rin po akong nag update sa blog ko..tinutulungan ko rin po ang mga kasama ko rito lalo na si chillidobo tungkol sa mga lablayf nila. kapag meron naman silang naispatang cutie chiching eh hinihingi pa rin nila ang opinyon ko. kung bakla ba o babae yung nakita nila sa picture..tapos nagpapadede pa ako ng kambing sa hapon bago umuwi. sa dami ng ginagawa ko rito sa opis ay wag na kayong magtaka kung makita nyo na lang akong natutulog  sa isang tabi dahil sa sobrang kapaguran. tao lang ako.
pagkatapos ko ipagyabang ang mga kalokohan ko..agad kong nilingon ang pancit. wala na palang natira. bigla naman akong inantok habang inaantay kong matapos ang mga natitira pang magsasalita. mabuti na lamang at bumilis ang takbo ng usapan at nag uwian na rin. alas sais na. malayo pa ang uuwian ko. pagdating ko pa sa pilahan eh sobrang haba ng pila..parang may flag ceremony. kamoteng buhay talaga..after exactly 1 hour and 23 minutes ay nakasakay rin ako. mainit sa loob. mahina ang aircon ng hinayupak na uugod ugod na driver. at isa pa, meron akong katabing lumba-lumba! this is injustice! hindi man lang nasulit ang paghihintay ko at ang ibinayad kong 45 petot. badtrip!
gagawin na rin palang weekly ang pagdaraos ng meeting. paktay!
adjustment period. andito kami ngyon ni kumander. alam naman nating lahat na hindi madali ang magsarili..walang ibang tutulong sa inyo kundi kayo rin..uu mabait naman ang mga kapitbahay pero iba pa rin kapag kadugo mo ang mga nakapaligid sa inyo.
so far, so good. di pa naman ako nale-late ng 2 hours. as early as 4am ay gising na kami para magluto,maghanda ng baon para sa lunch at maghanda sa pagpasok sa opisina..aalis ng bahay ng madilim pa..sasakay ng traysikol at babagtasin ang lubak lubak na kalsada at sasaluhin ang mga alikabok para instant face powder (taena! pag walang ulan yan..pag meron paniguradong putik naman). sasakay naman ng jeep papuntang sakayan ng shuttle na medyo may kahabaan ang byahe dahil maya’t maya ay humihinto ang driver para magsakay ng mga pasahero..one time tinamaan pa ko sa mukha ng bayong na bitbit ng isang lola. kiber din sya. mabuti na lamang at wala pang laman na kung anu-anong maantot dahil papunta pa lang sya sa palengke. pagdating naman sa shuttle service, kumportable na kasi may aircon kaya pwede na umidlip.
alam ko ng madami snatcher, holdaper, at kung ano-ano pang masasamang loob na nagkalat sa pilipinas. nabiktima na rin ako noon pero wala naman silang nakukuha sakin kaya umuuwi silang bigo. pero ngyon meron na. hindi pera ang nawala sakin at lalong hindi puri! taena! magkamatayan na pero walang ibang pwedeng makagalaw dito sa mga pag aari at ari ko. not w/o my consent and written permission..gasti’s guidance is advised.
lunes, umuwi muna ako sa Marikina para isauli ang pantalon ng kapatid ko na naisama ni kumander sa mga naimpake pati na rin ang Godfather 1 and 2 vcd na hiniram nya kay utol. nakikain na rin ako sa barbeque na minemeryenda nila ermats at erpats..bago ako umalis, pinabaunan pa ako ng twalya, pantalon,chocolates na gawa ni Mama, isang elephant stuff toy at isang 2-speed collectible  red ferrari car (Superamerica) from Shell na laruan ng aking anak..pagkasara ko ng bag ay nagpaalam na ko..taimtim ako nag abang ng masasakyang jeep or fx sa kalsada..mga kalahating oras na ang nakalilipas hindi pa rin ako makasakay..taenang jeep yan puro puno! hinanda ko na ang matitipuno kong bisig (kahit man lang dito maging matipuno ang bisig ko) para bumalik sa dating kinagawian…ang pagsabit sa mga patok. pagkaraan ng isang jeep na mailaw at may sungay ng kalabaw sa tuktok eh sinenyasan ko na agad..sa gilid ako pumwesto just like college days..dama ko ang hampas ng hanging habagat na tumatama sa mukha ko..maya maya pa umindayog na ang jeep..malakas ang pagkembot nito na parang isang ramp model na rumarampa sa highway..gusto ko makita ang itsura ng driver baka kako kamukha ni romy diaz na namumula ang mata..kung magkaganun bababa na ako…pagdating sa isang kanto may sumabit pang dalawa kaya ipinasok ko na rin ang katawan ko sa loob kahit na nagsisiksikan na kami dahil 5 na kami nakasabit..malakas pa ako uu pero ayoko naman magkapalit ang mga mukha namin.
mabilis ang byahe..singbilis ng pagbukas ng zipper…ng bag ko. naramdaman ko na lang na parang may kumakalikot na sa loob ng bag ko na nakasukbit sa may likuran. pero nagdalawang isip pa rin ako..siksikan na kasi normal na yung ganung pakiramdam. nang pumreno ang jeep dahil  sa stoplight, saka ko lang naiayos ang bag ko. napansin ko ring bumaba na yung ibang nakasabit at taena talaga! totoo na nga..bukas na bukas na yung 3 zipper ng bag ko…ambilis talaga ng mga kumag..take note nakapagmaniobra sya sa loob ng bag ko habang nakasabit sa jeep na matulin at makembot at walang steel bar para kapitan…hanep! pero hindi paghanga ang naramdaman ko kundi galit..yung tarantadong yun napaginteresan pa pati yung ferrari car ng anak ko. badtrip talaga! ano yun panreregalo nya sa inaanak nya? sa anak nya? tang ina naman! ako hindi ko maaatim na magbigay ng nakaw..pasko pa naman..walang hiya! (sana pala habang umaandar ng matulin yung jeep eh siniko ko sya sa bayag para nahulog sya…masaya sigurong panoorin yung eksenang gumugulong sya sa kalsada habang paparating naman ang rumaragasang 10 wheeler truck).
ito ang dahilan kung bakit hindi ko ugaling maglagay ng wallet or celfon sa loob ng bag eh..tinitiis ko na lang ang pag-vibrate ng cp ko sa bulsa at ang nakaumbok na wallet sa pwetan ko para at least ramdam ko kung may dudukot or hihiwa ng bulsa ko..wala naman akong malaking pera sa wallet pero ang importante run ay mga id’s at licence ko. pag yun ang nawala, sobrang hassle.
ito na siguro ang nagpaalala sakin na hindi na ako katulad ng dati dahil meron ng mawawala sakin..mukha na kong may tagong kayamanan..dapat ko ng lagyan ng padlock ang zipper ng bag ko..mainit sa mata ang red ferrari car at malapit na namang madagdagan ang edad ko.