Gathered by the oppressive heat
Heavy clouds darken all beneath
But thunder and lightning proclaim
A new season of growth in the rain.
The wide wind and deepening stream
Race from the mountain to bring
The message in a more intimate way,
The coming of the rain to the plains.
The trees raise their arms to the sky
And dance in a movement so spright.
The bushes raise and blend their voices
With the trees in song and laughter.
The wind sweeps away the fallen leaves
And fans the spark on the stubbly field.
The flames leap and whet the thirst
Of the earth so eager for the water thrusts.
Jose Maria Sison
15 June 1978
(Tula)
sana’y di na magsalubong ang aming landas
sa bangketa man ng raon at avenida
lalo na sa lansangan ng protesta
at liwasan ng progresibong mga ideya
sana’y di na muling magkasalo
sa mesa ng ideolohiya
at pag-usapan pa ang pambansang katubusan
o dignidad ng masang sambayanan
ayoko nang makita ang mga putang’na!
ayoko na silang makita
silang matapang na mandirigma
sa panahon ng diktadura
silang nangalandakan ng pagkalinga sa masa
silang pambansang pagbabago ang ninasa
silang noo’y nakibaka
pero ngayong makaamoy
ng limpak-limpak na kuwarta
lahat-lahat ay ibinasura
at naging tagapagtaguyod pa
ng inhustisya’t pagsasamantala
at ng inuuod na sistema
arogante na kung magsiporma
kala’y mundo’y kanila na
gayong lalamunin din sila ng lupa
o sa krematoryo’y gawing abo na.
ayoko nang makita ang mga putang’na
ano pa ang karapatan nila
kundi bolahin na lamang ang masa?
magkunwaring may paninindigan pa
at prinsipyo’y di lumuluhod sa pera?
ang mga putang’na
ngayo’y mandurugas pa
tindero ng kasinungalingan
sa palengke ng lipunan
para makapanlinlang
sa busabos na masang sambayanan
bentador pa ng pambansang kapakanan
sa pasilyo ng kapangyarihan
magkamal lamang ng grasya’t yaman
kahit mabuhay sa kahihiyan.
ayoko nang makita ang mga putang’na
baka tumalim ang dila
at biyakin mga dibdib nila’t tiyan
tadtarin ang atay at puso
paluwain ang bituka
dukitin ang mga mata
putulin ang mga kamay at paa
ataduhin ang mga bangkay
at ipataba sa palay
o isabog sa lupang binaog
ng mga alagad  ng pambubusabos.
ayoko na silang makita, ayoko na…
maglalagablab lamang ang utak
susulak ang dugo sa mga ugat
babaligtad ang sikmura
sa alingasaw ng kanilang  katawan
di ko sila matatagalang pagmasdan
o kahit sulyapan man lamang
mga huwad na makabayan
mga kampon ng kasakiman
mga manlilinlang
kuwarta lamang pala ang katapat
ng kanilang kayabangan.
ayoko nang makita ang mga putang’na
lalamunin din sila ng lupa
o sa krematoryo’y maging abo na
magbabanyuhay pa rin ang pag-asa ng masa
sa patuloy na pakikibaka
hanggang lipuna’y mabago na
at mapairal  tunay na hustisya’t demokrasya
mapupulbos din ang uring mapagsamantala
ang mga putang’na!
1.
Umagos ang dugo
Para bagang baha
At agad na sinipsip ng lupa
Ang tumagas na likido ng buhay.
Inaamalang maitatanggi
Ang kabuhungan—
Inilibing kayo at maging ang inyong mga sasakyan
Sa hukay na dalawang araw na palang nakahanda
(Tinalo pa ni Andal Ampatuan Jr. si Kamatayan
Ang karit na hawak niya
Sa isang wasiwas—utas ang mahigit 50 buhay
Kasama ang sanggol sa sinapupunan)
Ay! Anong saklap naman ang sinapit ninyo!
Hindi maiwasang maluha, manlumo, magngalit
Ang nakapanood, nakakita, nakasaksi sa inyo
Habang kayo’y iniaahon: sabog ang bungo, ulwa ang bituka…
Ay! Ibang uring halimaw ang sumalabusab sa inyo
Walang habag, walang puso
Walang kaluluwa, walang apdo
Sino bagang tao ang makagagawa ng karumaldumal na ito?
2.
Ay! Mananatili na lamang bagang panaghoy
Ang paghingi ng katarungan para sa inyo,
Kayong nagsiibig sa isang mapayapa
At demokratikong lipunan para sa Maguindanao?
Ay! Mananatili na lamang bang paghihinagpis
Ang bawat saling ng inyong mga ala-ala
Kayong sinawi dahil sa pagkagahaman
Ng isang baliw at hayok sa kapangyarihan?
Ay! Wala na bang katapusan ang pag-ay!
Habang ginugunita namin ang pagkatay sa inyo
Nilang mga halimaw na nagsatao’t
May ugnay diumano sa bakunawa sa Malakanyang?
Ay! Dapat bang sa inyo iukol
Ang paghimig ng ponebre’t Ave Maria
Para sa ikapapayapa ng inyong kaluluwa
At ikatatahimik na rin ng iba pang may gayunding kapalaran tulad sa inyo?
3.
Dapat nga bang walang katapusan ang aming paggibik
Ang pagbuntung-hininga’t pagsabi ng Ay!
Sa tuwing dadaluyong sa gunita
Ang ala-ala ng inyong pagkamatay, mga kasama?
Dapat bagang pagsigaw lamang sa lansangan
At pagamuki sa mga panginoon
Ang aming dapat gawin upang
Matubos ang dugong tumigis sa lupang pinagkataya’t pinaglibingan?
Dapat bagang ipagsapalaran na lamang namin
Sa mga hukom at mga mahistrado
Ang pagsingil sa kabayaran sa inutang na dugo sa inyo
At sa ilan pang pinatay dahil sa prinsipyo?
O dapat bagang mayroon kaming gawing hakbang
Laluna kaming mulat at mayroong sikdo
Ng pulso ni Bonifacio sa aming mga ugat
At mismong Bayan na ang maghatid sa inyo ng katarungan?
Lungsod ng Antipolo, Rizal
Disyembre 23, 2009
Sapat Lang ang isang bagong proyektong aklat ko ng mga tula. Sa Patlang.
Ito na rin ang bagong pangalan ng blog na ito, marahil hanggang sa mabuo ang proyekto.
Sa pagpasok ng 2010, sisikapin kong makapagsulat nang mas maayos at madalas kaysa dati. Sana.
***Allow me to share a poem written by a dear friend exposing deep and outraged sentiments concerning the Philippines and its present system of governance.***
Ayaw Magpatulog ng Magdamag
ni: Jomar Cañega
Laksa – laksang kaluluwang namimilipit at tumatangis
sa kubling paraiso sa ilalim ng langit
Perlas ng Silangan, lunduyan ng kalayaan
animo’y  ligaw na barko sa malawak na karagatan.
Pilipinas! Lupang Hinirang! Bayang Magiliw!
ang nararapat sa iyo’y pagsintang walang maliw
ngunit ang tanging handog ng mga anak mong suwail
ay paglililo, pagtampalasan at pagtataksil!
Republika ng mga Buwaya, Parlamento ng mga Sawa!
Presidenteng Bwitre, mga Deputadong Butete!
Korporasyon ng mga Ilitista, mga linta sa Byurukrasya!
Mga anay na salot sa haligi ng demokrasya!
Paano ka mahihimbing sa magdamag ng hilahil
kung sikmura’y kumakalam at mga mata’y nakapiring?
Nakagapos ang mga bisig, nakabusal ang bibig
sa paraisong tila isinumpa sa ilalim ng langit!
Ayaw patulugin ng magdamag
ang  mga matang dilat na dilat,
mga aninong balisa na ibig tumakbo at tumakas
sa mundong mapanlinlang at tigib ng dahas.
Paano ka mahihimbing kung puspos ng pangamba
at  walang katiyakan kung saan ka pupunta?
Animo’y isang ibon, ibig kang ikulong sa hawla
sikilin ang laya at bulagin ang mga mata.
May kapanatagan ba kung sa kinikilalang estado
buhay ka pa’t humuhinga pilit nang iniimbalsamo?
Inaalisan ng pandama, isipan at puso
upang ‘di maipagsanggalang ang pagkasiphayo.
Kanino magsusumamo ang mga kaluluwang napapaso
upang kagyat  na maibsan ang hilahil ng puso?
Paano kung sa bawat hakbang tungo sa pagbabago
ay kamay na bakal ang sagot ng estado?
Ano ngayon ang gagawin ng mga ligaw na anino?
ang mga damdaming nagpupuyos at sikmurang kumukulo?
Paano ang mga labing ibig mangusap at isipang ayaw sumuko?
Sino ang magbabangon sa dangal ng niyurakang paraiso?
Sa kweba….. sa yungib na madilim……..
doon  nakatagpo ng kasuyo at ligaya ang mga aninong itim
walang pangamba, takot at pag-aalala
doon ibig simulan ang dakilang pakikibaka.
Kung tanging sa muog ng kadiliman ng gabi
doon lang payapa at ligtas ang mga puta at pulubi
kung doon lang yumayaman at lumalakas ang mga api
sino pa ang maghahangad na lumipas ang gabi?
Patuloy silang tatakbo, tatakas at magkukubli
habang  tangan sa kanilang mga palad ang bawat sandali
at habang kinakandili ng dilim ang masang nagpupumiglas at pumapalag
hindi kailanman magpapatulog ang buong magdamag!
Habang walang liwanag na natatanaw sa malayong balintataw
hangga’t patuloy na nalalambungan ang langit ng madilim na ulap
at patuloy na namumugad sa puso ng aba ang mga bagabag
hindi kalianman magpapatulog ang buong magdamag!
ang iyong mga mata ay tulad ng dagat
malalim, maalon, masalimuot
dinadala ako sa kailaliman
tinatangay, nililigaw, nilulunod
ang iyo’ng mga ngiti ay tila paru-paro
nakalilinlang, nakalilito
kulay dilaw, kulay asul, kulay pula
maganda, mahinhin, matalinhaga
ikaw ang liwanag sa kalaliman ng gabi
ang pag-asa, ang buhay, ang tamis
ang buwan, mga bituin, ang bulalakaw
nakabibighani, nakaliligalig, nakatutunaw
ikaw ang bahaghari
makulay, matingkad, mahiwaga
ako’y binibihag, inaakit, inaalipin
humihilam, tumutagaygay, kumakandili
<object width='425' height='350'><param name='movie' value='http://www.youtube.com/v/yIyD-Am7c8Y&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' /><param name='allowfullscreen' value='true' /><param name='wmode' value='transparent' /><embed src='http://www.youtube.com/v/yIyD-Am7c8Y&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' type='application/x-shockwave-flash' allowfullscreen='true' width='425' height='350' wmode='transparent'></embed></object>
Mga ganid ng ating lipunan
Nagpapakasasa sa yaman
Ginagamit ang kapangyarihan
Upang makamtam ang yaman
Kinakasangkapan ang walang muwang
Inaabuso ng mga may katungkulan
Ginagamit ng walang kaparatangan
Makamtan lang ang kaligayahan
Nagmamarunong na tila henyo
Pina-iikot ang mga mangmang
Nangangako ng kung anu-ano
Matakpan lang ang kalokohan
Walang batas na sinasanto
Pagkakasala ay nalulusutan
Dinadaan sa bayaran
Kahit buhay pa ang kailangan
(photo from lelove)
Gusto ko tikman muli ang iyong mga labi
Hagkan mo ko’t sabihing I’m yummy
Okay, I’m quite drunk, still jetlagged, and ready to fall back asleep after sleeping through the bus ride. You just ran through my thoughts. Again. Those  kisses lingering. Yet again. Don’t you really want to anymore?
Goddamn alcohol. Making me forfuckinglorn. Ugh.
She will have her picture taken today, away from her
yellow – walled room which smelled of
wisdom and used bed pans,
with floors that gleam with the sun’s rays from its rising
to setting amidst the forming of dust,
with curtains unmoved for
washing nor dusting, a dresser of neatly folded blouses
and white kerchiefs. She is ready more
than the ones expecting for
something to happen, she is ready more than anyone else,
more than me. On her bed, she lifted her
body, sat and waited, intertwined
silver strands line the white pillowcase which painted the
gravity of her gentle nape. I want my
face clean at least, she said,
then through her false teeth took off a laugh which sped
like shrapnel through my skin that I
received with a necessary
smile. Her hair flowed like oil through her black hairbrush,
one which, among the many, is her last
bought brush. There, I said,
perfect; and I wasn’t  lying nor overstating. She’s perfect,
and she is the one I want to be in my
own last photo shoot. She
looked beautiful in the mirror, the smile, the smile—it opens
like it knew a lot about the world I’m
spending my whole life in
trying to figure out, like it knew what was going to escape my
thoughts and my lips even before I think
of thinking of it. It knew a lot,
and somehow, I saw that it also knew how to turn desolation
to elation, brokenness to wholeness,
nothing to something,
death to life. It knew. As she practiced her smile, I wondered.
She smiled at herself, at me, at the
world, as if bidding her
goodbyes with her stained false teeth. I wanted to ask her, How
are you doing it? Don’t you know
you’re going to die?
But still, I kept it shut. I just guessed what she will say in return.
I want a really good last photo
so I need to smile.
Rey Tamayo, Jr.
Bawat letra at titik inihahandog sa’yo,
Upang iyong mabatid ang mga punglo’t bangkay;
Na nagdusa ng pait kapalit ang prinsipyo.
Kalauna’y pinatid; peryodista’y hinimlay—
Sa puntod ng tigatig bayani silang tunay,
Sa lapida’y may ukit alaalang totoo.
Inidolo ang akdang mabangis na totoo,
Tarikan na salita ay laan para sa’yo.
Mailigtas ang madla at maralitang tunay;
Laban sa lason, sumpa at kamandag ng bangkay.
Nitong mga banyagang hangad silang ihimlay,
Dahil kan’lang giniba ang bulaang prinsipyo.
Dugo ba ang katumbas nitong aming prinsipyo?
Hangad lamang ilabas ang balitang totoo,
Bulag na ba ang batas at waring nakahimlay?
Ang pluma’y inuutas na dahil lamang sa’yo–
At kami’y dinadahas binibilang ang bangkay,
Mula sa mga ahas maninikil na tunay.
Bakas nila’y sinundan waring aninong tunay,
Kahapon lamang tambal matatag na prinsipyo;
Ngayo’y may alingawngaw mga banta ng bangkay.
At nang ako’y sumigaw sumulat ng totoo,
Karaka’y binusalan ang panulat ko sa’yo;
Tinta’t pluma’y binuwal ang diwa’y nakahimlay.
At ngayo’y binilanggo sa karsel inihimlay,
Sinugatan ang pusong may tanikalang tunay.
O yaring pagkahapo’y dili ba’t galing sa’yo?
Ibig ipagkanolo ang doktrina’t prinsipyo,
Ngunit nasa kamao ang dangal ng tooo;
Upang ang pagkatao’y di maging isang bangkay.
Sa kabilang piitan minasdan itong bangkay,
Sa dakong may guwang muling may ihihimlay;
Hindi lang walo, siyam ang nasawing tooo.
Di ko na rin mabilang ang trinaydor na tunay,
Unti-unting tinanggal pagkatao’t prinsipyo;
Ngunit di mapapaslang pagtitiwala Sa’yo.
At kung sakaling bangkay akong haharap sa’yo—
H’wag mo sanang ihimlay adhikaing totoo,
Ang peryodistang tunay may akdang maprinsipyo.
Namulat ako sa isang kagubatang nababalot ng dilim, at isang munting palaka ang kumausap sa akin.
“Bakit ka natutulog sa gitna ng kumunoy?” tanong ng palaka na may halong pagkalito.
“Nais ko kasing malunod at mabaon sa limot.” ang tangi kong naisagot sa palakang tuliro.
Matagal n’yang tinimbang ang bigat ng aking tinuran, at nang makuntento’y agad nang nagpaalam.
“Saan ka pupunta?” ang tanong ko naman. “Pabalik sa ilalim ng balon.” ang kanyang tanging tugon. “Bakit ka babalik sa presong iyon?” bato ko ulit ng isa pang katanungan. “Upang muling makapiling ang mga bituin at buwan sa kalangitan.” ang matalinhaga n’yang kasagutan.
Katahimikan, pagaspas ng mga pakpak at dagundong ng halakhakan. May mga uwak palang nakikinig sa aming munting usapan.
“May kakatwa ba sa aking nasambit?” bulyaw ng palaka, na may bahid na galit. Sumagot ang mga uwak sa iisang tinig. “Isa ka lamang palakang mulat kung managinip, paanong ang isang tulad mo’y makararating sa langit?” Huminga ng malalim at marahang nagsalita ang palaka. “Kayo na mismo ang sumagot sa inyong katanungan, kung paanong ang isang palaka’y mararating ang kalangitan.”
Natigilan ang mga uwak at nagtanong ng “Paano?”
Ngunit bago pa nakasagot ang palaka’y nilamon na ako ng tunay na mundo, Panaginip lang pala ang lahat ng ito.
Wakas
Nakaupo tayo sa tabing bintana. Hangang-hanga ka sa mga lumang litrato ng artista sa dingding. Ako naman namamangha sa jazz, sa lambing ng piano, sa maasukal na awiting “It’s Summertime” at “Somewhere”. Sa pagitan ng paghigop mo ng “Papillon”, at ako naman ng “Lost Horizon”, naulinigan natin ang orakulo ng manghuhula sa sulok at ang halakhak ng matrona sa aking likod.hinuhuli mo ang lasa ng kahlua; habang ninanamnam ko ang cointreau. Pilit nating dinedekonstrak ang Field of Dreams at pinagtalunan kung maganda nga ba ang Orapronobis. Tapos, napunta ang usapan sa marxismo, semiotika, hermenyutika at pagkatapos ay sa katulong mong sabi mo’y minura mo na naman kanina. Napansin ko ang tatlong kabataan sa labas; itinuro ko sila sa iyo. Ang isa pa’y nakaluhod, ang isa’y tumatakip sa kanya, at ang isa pa’y palinga linga. sampung segundo lang yata at pagkatapos ay tumakbo sila. Pulang-pula ang ipininta nila sa sementong gilid ng Remedios Circle. Ah, oo, sabi mo. oo nga pala, segunda ko. ikalawampu’t limang taong anibersaryo ngayon ng Kabataang Makabayan.
*isang maalab na pagbati sa ika-apatnapu’t limang anibersaryo ng Kabataang Makabayan.
Virgilio S. Almario alyas Rio Alma, kuha ni Phillip Kimpo Jr
Nagiging makulay ang pagpapahalaga sa pagtula ng isang makata alinsunod sa pagbasa na ipinapataw dito ng mga kritiko o kritikastro. Ang kritiko ay maaaring kumasangkapan sa mga pagdulog at teorya ng pagbasa, at sa gayong paraan, ay nagiging tulay siya ng teksto tungo sa mambabasa. Sa pamamagitan ng paggamit ng lente ng pagbasa, ang tula ay nasisipat sa iba’t ibang anggulo, bagaman hindi masasabing isang pagtanaw lamang ang tama kompara sa ibang pagtanaw. Ngunit sa ibang pagkakataon, ang kritiko ay hindi lamang tulay bagkus tagapagtanggol o tagatuligsa ng tula, at dito papasok kung sino at ano ang kaniyang pinapanigan. Sa madali’t salita, ang kritiko ay hindi newtral sa ilang pagkakataon, dahil maaaring nauulapan ang kaniyang isip ng prehuwisyo at saliwang pagtanaw, maigiit lamang ang katumpakan ng isang akda.
Higit na mabigat ang kaso ng kritikastro kompara sa kritiko. Ang kritikastro—na inangking salita sa Tagalog mula sa Espanyol na “criticastro” at maidaragdag sa “criticon” ng Espanyol at “malabiga” ng Tagalog—ay malimit mamintas o pumuna sa mga tula o katha nang walang matibay na pagdulog o lente ng pagbasa, samantalang inihahayag nang walang hunos-dili ang kamangmangan. Subalit higit pa rito, ang pag-aaral sa tula o katha ay inililihis sa personal na búhay ng makata o mangangatha, at ito ang tinatasa alinsunod sa halagahang pangmoral, pang-etika, pampolitika, pang-ideolohiya, at iba pang kaugnay na bagay. Makitid ang pananaw ng kritikastro, bukod sa paimbabaw at marahas. Mainipin at mababaw, ang pukol ng puna ng kritikastro ay nakabatay sa maiikling pasaring imbes na malalimang pagsasaliksik o makatwirang pagtatasa, at kung uuriin nang maigi ay hindi makapapasa sa mahigpit na pag-aaral na hinihingi sa tula o katha upang maunawaan ang salimuot o bighani nito. Prominenteng halimbawa ng kritikastro sa panitikan ang gaya ni Tomas F. Agulto.
Sumulat ng kilometrikong puna si Agulto na pinamagatang “Ebololusyonistang Panitikan para sa Kabataang Manunulat na Tatanghaling National Artist Bukas” sa kaniyang blog ngunit ang naturang akda ay hindi teorya sa panitikan bagkus mahabang monologong naghihinagpis sa mga tinagurian niyang “naghahari-harian” sa panulaang Filipinas. Ang mga tao na naghahari sa panitikang Filipinas ang dapat umanong sisihin sa pagpapakalat ng virus sa kaisipan ng madla sa pamamagitan ng mga salita. Ani Agulto:
Dahil masyadong malawak ang polusyon sa kalinangang Finoy—para masapol ang paksa ng dumi sa ating paniniwala at kaasalan sa buhay— isesentro ko na lang ito sa literatura at partikular sa panulaan—at sa kamandag ng impluwensiya ng makata bilang ahente o mersenaryo ng polusyon. Binibigyan natin ng kaukulang pansin laluna [sic] ang mga Imperyalistang Mananagalog sa akademya.
Ang makata, manunulat, ebanghelista, at kabilang ang mga “Imperyalistang Mananagalog sa akademya,” ang sinisisi ni Agulto na tagapagpalaganap ng virus na sumisira sa isip ng madla. Heto pa ang kuro ni Agulto:
Ang mapaminsalang virus ay naisasalin hindi sa nakabukang sugat— hindi sa hininga—hindi sa laway o halik, kundi sa salita. Naipapasa sa pamamagitan ng misa, book launching, bookstore, akademya, simposyum, workshop, balagtasan, panayam at lumalagos sa massmedia— at sa mga komperensiyang panliteratura— laluna [sic] ang mga timpalak, grant, publikasyon. At ang mabisang tagapagkalat ng mikrobyo ay mga ebanghelista, manunulat at makata.
Hindi orihinal na idea ang binanggit ni Agulto at matagal na itong ipinaliwanag ni Richard Dawkins na umurirat sa bisa ng meme na matutunghayan sa aklat na The Selfish Gene (1976). Ngunit kung ang virus na tinutukoy ni Dawkins ay may kakayahang magbago ng anyo saka pumapaloob sa diwa o kalooban ng mga salinlahi, at lumaganap sa sari-saring paraan, salát naman ang paliwanag ni Agulto hinggil sa “mikrobyo” o “bacteria” o “virus” na pangkaisipan. Sa termino pa lang ni Agulto ay mahihinuhang iisa ang tabas ng “mikrobyo,” “bacteria,” at “virus” bagaman malaki ang pagkakaiba nito sa lárang ng agham at medisina.
Inihalimbawa ni Agulto si Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario na tagapagpakalat ng mikrobyo sa panulaang Filipinas. Ngunit ang tuligsa ni Agulto ay hindi tumitingki sa buong lawas ng tula at poetikang binuo ni Almario sa mahabang panahon, bagkus sumesentro sa pagiging loyalista nito sa yumaong Pang. Ferdinand E. Marcos. Ang pagiging “loyalista” ni Almario ang kasalanang mortal niya, ito ang mapipiga sa akda ni Agulto, bagaman maitatangi ang katauhan ni Rio Alma bilang makata, sa Virgilio S. Almario bilang partisano ng kilusang lihim noong dekada 1970 o bilang kasangkot sa rehimeng Marcos. Sinuhayan pa ni Agulto ang kaniyang opinyon sa pagsipi kina Gelacio Guillermo at Reuel Molina Aguila na kapuwa kasapi ng kilusang lihim at dating kapanalig ni Almario. Ngunit hindi inilugar ni Agulto ang pagsipi niya sa dalawa niyang kaibigan, lalo kay Guillermo. Sinisipat ni Guillermo si Almario bilang dating partisanong tumalikod sa simulain ng kilusan, at maituturing na kontra-rebolusyon sa sipat ng rebolusyonaryong kilusan, at ang pagtalikod na ito ay may implikasyon sa magiging karera ni Rio Alma bilang makata sa mga sumunod na taon.
Tumitingkad ang karera ni Rio Alma dahil mabulas din ang isa pang katauhan ni Almario bilang alagad ng sining at pinuno ng mga manunulat sa dating Philippine Writers League na naging Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Pasimuno si Almario noon sa pagpapalago ng kasapian ng mga manunulat na Filipino, at magbubunga ito ng paglalabas ng sari-saring publikasyon at pagbubunsod ng mga kumperensiya para maitanghal ang husay ng mga manunulat at mahasa ang mga ito sa paglalabas ng matitinong akda. Ang ganitong hakbangin ni Almario ay hindi maituturing na pansarili, dahil kaugnay nito ang patuloy na pakikibaka at mataas na bisyon upang mapayabong ang panitikang Filipino samantalang nililinang ang wikang Filipino. Magagawa ito ni Almario sa tulong ng kaniyang mga kaibigang nakikilahok sa pagtataguyod ng gayong diwain nang higit sa maitatakda ng programa ng kilusang lihim; o kaya’y sa samahang pinagpapala ng biyaya ni San Miguel.
Nang patalsikin sa kilusang lihim si Almario ay magbabago nang husto ang kaniyang pagtula, at masisilayan ito sa paghuhunos ng linyadong Peregrinasyon (1970) at Doktrinang Anakpawis (1978) tungo sa pagpapalawak ng tanaw sa mga aklat na Retrato at Rekwerdo (1984); Palipad-Hangin (1985); (A)lamat at (H)istorya (1986); at Kanton Para sa Limang Pandama (1987).  Patatalsikin din si Almario sa GAT (Galian sa Arte at Tula), bagaman si Almario ang pundador ng naturang kasapian, sanhi ng mga pagkakaiba ng panlasa sa politika. Itatayo ni Almario ang LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo), at kahit ang mga unang kasapi nito ay dumanas ng intoleransiya sa ilang kasapi ng GAT dahil nagkataong nasa ilalim ng pangangasiwa ni Almario. Ngunit ang Rio Alma bilang makata ay magpapatuloy sa paglalabas ng mga aklat ng tula, na ang ganap na distilasyon ng mga kaisipang makabansa ay matutunghayan sa gaya ng Mga Retaso ng Liwanag (1990) at Muli, Sa Kandungan ng Lupa (1994). Ipinaliwanag ko na ito sa nauna kong akdang nagpapahalaga sa mga tula at poetika ni Rio Alma sa mahabang panahon.
Marahas bukod sa baluktot ang paglalahad ni Agulto hinggil sa kasaysayan. Aniya:
Buo ang dokumento ng gyera-patani sa hanay ng mga makabayang manunulat. Pinatindi ang polarisasyong ito ng sektor sa arte at literatura na kinakatawan ng grupong Rio Alma Versus Galian sa Arte at Tula bago at pagkatapos ng Edsa I— pero ang tawag ni Almario sa mga sumabak ay mga welgista sa Edsa.
Bago pa namatay ang GAT, nag-organisa agad si Rio Alma ng bagong pangkat pampanitikan na tatawagin niyang LIRA— (at biro nga sa akin ni Mike Bigornia noong nabubuhay pa—Liga ni Rio Alma). Ngunit sa opisyal na ngalan ay Linangan sa Arte Retorika at Awit [sic, Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo]. Sa LIRA magsasama-samang muli ang mga manunulat na barkada at tagahanga ni Rio Alma lalo na mula sa hanay ng kabataan sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas. At itutuloy ng UMPIL ang krusadang pampanitikan. Makokopo ng pangkat ni Rio Alma ang mga kontes at publikasyon. Sa Palanca, UP, NCCA, Aklat Adarna, Anvil Publishing, at mga coffe table book mula kung saan-saang ahensya ng gobyerno. May proyekto silang texttula at ang isang proyekto ng UMPIL— TULAAN SA TREN ay nagplano silang pag-usapan sa mansion-bakasyunan ng National Security Adviser Chavit Singson, kung saan kaaya-ayang magmiting pagkat malawak ang mansion-zoo kung saan pwede silang mag-obserba ng mababangis na hayop sa loob ng tahanan ng kanilang padrinong pulitiko.
May polarisasyon bang naganap sa hanay ng mga makata at manunulat, gaya ng ibig ipahiwatig ni Agulto? Wala, at ito ay kung pagbabatayan ang mga aklat at simulain ng dalawang pangkat. Nagkataon lamang na higit na masigasig ang LIRA sa lingguhan nitong palihan, bumagyo man at may rilim, samantalang ang GAT ay naupos dahil sa pag-aaway mismo ng mga kasapi nito. Hindi totoong tinalikuran ng LIRA ang pagsulat ng mga “tulang nakikisangkot” at sa halip ay inanyuan pa iyon ng higit na maselang pagdulog sa pananalinghaga at pamamaraan. At kahit ang LIRA ay walang taguyod ng kilusang lihim ay nagpasimuno ito sa mumunting pamamaraan upang mapasigla ang panitikang Filipino sa pamamagitan ng pagkatha, paglilimbag, pagsasalin, pagtatanghal, pakikipagpalihan, at pakikipagtalakayan sa iba’t ibang pangkat na sari-sari ang paniniwala o kulay. Ang ganitong pagsisikap ng LIRA ay may tangkilik ni Almario na bukod sa nagbibigay noon ng libreng palihan at nagpapatoma pa sa kaniyang natitirang kaibigan.
Totoong magwawagi ang mga kabataang makata at mangangathang tinuruan ni Almario sa mga timpalak pampanitikan at mabibigyan ng oportunidad na mailathala. Ngunit ang pagwawagi na ito ay hindi mababansagang “niluto” ni Almario dahil walang kapasidad si Almario na gawin iyon sa mahabang panahon. Nagkataon lamang na marunong tumuklas ng talento si Almario, at kumbaga’y nahuhulaan niya ang mga tao na may natatanging talentong nangangailangan lamang ng mahigpit na pagtuturo at paggabay. Ginawa ito ni Almario hindi bilang programang ang inaasahang resulta’y pananagumpay sa larangan ng politikang pampanitikan, bagkus sa pananagumpay ng panitikang Filipinas sa kabuuan. Sa aking mga pagdalo sa palihan ng LIRA, walang tuwirang dikta si Almario kung anong uri ng pagtula ang nararapat sundin. Malaya ang sinuman na isulat ang ibig niya. Gayunman, inaasahan sa LIRA ang mahigpit na pagpapahalaga sa kasiningan ng tula o akda, na kung iaangkop sa nilalaman nito’y higit na magtatampok ng makukulay na guniguni ng makata. Ipamamalas din ng LIRA ang pambihirang sigasig nito sa pagsusulat, na hindi masasabayan kahit ng matatandang tinale ng GAT. Kung babalikan ang winika ni Agulto, ang pananagumpay ng pangkat ni Almario sa larangan ng panitikan ay isang kontra-rebolusyon; ngunit masasabing kontra-rebolusyon lamang ito sa makitid, kumbensiyonal, at programadong mando ng kilusang lihim na ginagamit lamang ang tula o panitikan bilang kasangkapang pampolitika imbes na mahalagang bahagi ng sining.
Nakatiwarik yata si Agulto habang sinusulat ang kaniyang akda, at kung saan-saan sumusuot ang kaniyang talakay para pangatwiranan ang sinasabi niyang “makaagham na pagdulog” sa panitikan. Isinaad niyang “Kailangang sumabay ang Pinoy sa lohika ng kulturang ebolusyunista, siyentipiko, produktibo at makatao,” ngunit ang kaniyang paliwanag ay salát sa pruweba, at hilaw na hiram sa akda ni C.P. Snow at iba pang ebolusyonistang panlipunan, bukod sa malinaw na argumentum ad hominem sa mga binanatan niyang mga manunulat, gaya nina Zeus Salazar, Virgilio S. Almario, at Roberto T. Añonuevo, samantalang nanlilibak sa iba  habang binabanggit sina Lualhati Bautista, Pete Lacaba, at Bob Ong. Walang maaasahang pagbubunyag sa “virus na pangkaisipan” na ipinalaganap sa pamamagitan ng tula o poetika ang matutuhayan sa mababaw na kritika ni Agulto, at nabigyan sana ng pagkakataon na maurirat kung karapat-dapat ngang pag-aralan ang mga tula ng gaya nina Rio Alma at Añonuevo. May kalayaan ang sinuman na ihayag ang kaniyang opinyon, saliwa man o mababaw. Subalit pana-panahon ay kailangan itong ituwid; at kalusin ang dapat kalusin dahil sa pagpapalaganap ng basurang kaisipang nagkukunwang “makaagham, realista, at natural na pagdulog” sa panitikang ipinangangalandakan ng kagalang-galang, kataas-taasang makatang Tomas F. Agulto.
kung susundan ang progreso ng
lalim ng pagibig ko sa iyo
pwedeng tingnan ang registration
sa 8888.
sa umpisa ng pagiibigan
sulitxt15 ang gamit,
100 texts sa globe at tm
(hindi ko lang sigurado kung ilan
ang sa ibang network)
buong araw na usapan,
buong araw na palitan ng ka-kesohan,
kulang na pala ang 100 texts
hindi naging sapat ang sulitxt15
sa sobrang dami ng mga mensaheng
pumapasok at lumalabas,
bawat tunog ng telepono
may dalang mga salitang
tumutugis sa puso,
nagdadala ng ngiti sa bibig
hindi ko makakalimutan ang kilig–
‘hangin ka ba? kasi hindi ko kayang
mabuhay ng wala ka.’
‘eh dagat ka ba? kasi nalulunod
na ako sa iyo.’
’sony ericsson ka ba? may smile
shutter ka yata eh, kasi you can
always capture my smile’
kilig na pilit kong kinitil
dahil inakala kong hindi sapat
ang salita para patibukin ang puso–
salitang hindi ko man hinayaang magpakilig
ay nagdulot parin ng walang humpay
na ligaya
lumalim ang pagmamahalan
mula sulitxt15 naging unlitxt20,
hindi na kailangang bilangin kung
ilang mensahe na ang pinapadala
hindi na kailangang pigilan ang mga salita,
hindi na kailangang limitahan
ang bilang ng mensaheng ipapadala
sa taong unti unti mong natutunang mahalin,
mga mensaheng unti-unting humaba
maiikling akda at tula para sa taong
nakabihag sa puso mo,
isang libong paraan para sabihing
‘mahal kita’
isang libong salita para iparating
kung gaano kalalim
kung gaano kalawak
kung gaano kabigat
ang nararamdaman para sa taong
sumalakay sa bawat sulok ng
puso’t isipan mo,
para ipadala ang isang libong salita
ginamit at sinulit ang serbisyong
hatid sa atin ng globe
naging siryoso ang pagmamahalan
mula unlitxt20, magiging mas matipid
kung unlitxt80
hindi kailangang magparehistro araw-araw
tipid pa ng bente pesos dahil ang
otsenta mo’y aabot ng limang araw–
(tinitipid din ba ang pagmamahal?)
kasama sa pagtipid ng bente pesos
(mas economical nga naman)
natipid ang lambingan
natipid ang suyuan,
napalitan ng mga simple ngunit
importanteng bagay
‘magandang umaga mahal’
‘nasa opis nako mahal’
‘toxic dito lab’
‘pauwi na ako lab’
‘bahay na ako mahal’
‘matutulog na ako mahal’
‘mahal kita’
mga importanteng bagay na nagsasabi
kung sang dako na ng mundo naroon
ang iniibig mo,
importanteng bagay na naging parte
ng bawat araw mo, ibinabahagi mo
sa taong mahal mo
ngunit hindi mo maiwasang magtanong
nasaan sa unlitxt80 ang tamis at keso
ng suyuang naganap nung kayo’y
nasa sulitxt15 pa lamang
sa dalang ng suyuan,
ng kwentuhan
ng biruan
ng harutan
naisipan mong subukan ang bagong promo-
immortaltxt10
50 texts sa globe at tm, 10 sa ibang network,
ang catch? walang expiration.
kung rutina nga lang naman ang susundan
kung wala na ding suyuan
kung wala na ding palitan ng mahahabang
mensahe na nagsasaad ng laman ng puso
kung ang laman lang ng mensahe
ay mga simpleng (ngunit importanteng) bagay
mabuti na’t wag nang piliting i-unli
dahil hindi na unli ang palitan ng komunikasyon.
saan nga ba naipagpalit?
nabawasan din ba ang pagmamahal?
sa tagal ng pinagsamahan,
hindi maiwasan ang magkabanggaan–
ang unlitxt20 ay muling nagamit
pero sa pakikipagpalitan ng mapapait na salitang
hindi pinagiisipan,
pusong nasaktan ang nanaig
sinaktan kaya’t nanakit din
bawat pindot sa keypad ng telepono’y
may halong dabog,
bawat pagtunog ng telepono ay may dulot na kaba
‘ano na naman ang sasabihin niya?’
bawat mensaheng dadating ay
may kargang armas na tutugis at hihiwa
sa puso’t kaluluwa ng dalawang magkasintahang
hindi na maiwasan ang magkasakitan
ang unli ginamit para ayusin ang gulo,
ngunit ang bawat mensahe’y dala lamang
ay mas marami pang hinanakit
mas marami pang galit,
unlimited na din pala ang supply ng
sumbatan at gantihan
para sa paghilom,
unlitxt80 muli ang ginamit
isang linggong bangayan, ngayo’y
ginagamot ng bawat araw na nagdadaan
nariyan pa ang sugat, sariwa’t nakabukas
ngunit unti-unting ginagamot ng
dahan-dahang palitan ng mga salitang
iwas sa gulo
sabihin mang ‘mahal kita’,
ramdam pa ang tensyon,
ang pag-iingat sa bawat
pagpapadala ng mensahe
nawala ang dating kalayaan na sabihin
ang anumang nais sabihin
bawat mensahe’y may dalang takot-
ayaw nang manakit, iwas gulo,
hinay-hinay ang paghilom sa
mga latay at sugat na nadulot
ng mapapait at matatalas na salita,
unlitxt80 muli ang gamit
para sabihing
‘mahal pa rin kita’
‘aayusin natin to’
unti-unting binabalik ang
‘mahal, magandang umaga’
‘opis na ko’
‘bahay na ko’
ngunit nasan
nasan na ang panahong ginugol
nung simula pa lamang
nasan na ang matatamis na palitan
ng mga salita nung sulitxt15 pa lamang
nasan na ang malalalim na akda
ng unlitxt20
nawawala
nawawala
parang sana’y sulitxt15 nalang ulet–
ngunit hindi na maaaring bumalik
arankada lang, at walang atrasan
kung susundan ang progreso ng
lalim ng pagibig ko sa iyo
pwedeng tingnan ang registration
sa 8888
sana lang ay magawang ilagay sa unlitxt80
ang tamis at ligaya na dati’y pinagkasya
sa hamak na sulitxt15 at unlitxt20 lamang
mapalad na tadhana
ang makadaupang-palad ang kinabukasang
mahal
na di pa niya nakikilalang mabuti sa
personal
ngunit kaniyang nakakapiling sa mga
panaginip
na matatamis at masasaya ang simula
ngunit
ang katapusa’y nauudlot ng maagang
paggising.
ang pagtanggap ng pangungutyang hain ng sarili
ay masaklap na kaganapan sa buhay ng
isang taong
sumuko na sa pagpurga ng kalungkutan sa
kaniyang isipan
bagamat marami pang pagkakataong baguhin
ang landas,
hindi na niya dama ang pag-asang maayos
ang buhay
dahil ang kaniyang mortal na kaaway ay
sarili niya.
Muli akong nag- alay
sa nangungulilang bantayog ni Bonifacio,
isang pumpon ng mapupulang rosas
na binalot lang sa lumang diyaryo.
Gumalaw ang kaliwang
tuhod ng kabayo.
Ang kaninang nakayukong
ulo, tumutok sa
blangkong mukha ko.
Ngumisi nang matalim ang kabayo,
sumagad sa nangitim na gilagid
umusli ang gapalakol na
ngipin, tumulo ang
kanyang malapot na laway at
nagsabing,
humingi ka muna ng permiso
sa punong tanggapan
ng isang mataas na departamento;
hindi na daw kailangang gunitain
sa bayang ito-
kaarawan ng aking amo.
Hindi ko maiwasang
mapakamot sa nakakalbong ulo.
Ngumisi nang matalim ang kabayo
ngumisi,
ngumisi nang ngumisi,
ngumisi,
ngumisi nang ngumisi,
ngumisi lang
ang
kabayo
ni Gat Andres Bonifacio.
Ed Nelson R. Labao
Nobyembre 16, 2009
* Isa sa limang tula na dapat ay kalahok sa isang kompetisyon. Dala ng ilan limitasyon ay di na umabot pa sa nakatakdang petsa ng pagsusumite. Karugtong ito ng aking tula na  (“Pagkaawa Kay Bonifacio”Nobyembre 30, 2007) na ipinaskil din sa Kwentulang Marino. Gunitain natin ang kanyang ika- 146 na taong Kaarawan.
(C) 2009 Kwentulang Marino/ Ed Nelson R. Labao
imahe flickr.com
“Love can wait, sex cannot.”
–Peter Koestenbaum
May simuno itong budhing
Inaakay nitong diwang
Nagdiriwang sa pagmulat.
Ang kalansay na balangkas
Ng mga sistemang pangkatawan
Ay sinisimbuyuan ng rosas:
Nagbubuntong-hininga
Sa mala-bagumpaligong puklo,
Natatakam
Sa lasap ng pawis sa areola at utong,
Sumasagap
Sa mutawi ng haling ng lambing,
Tumititig
Sa kilo at igtad ng mga biyas,
Kumikilig
Sa patda ng mga yapos–
Isang paghahayag ng anyo
Mula at paarok
Sa bawat kaibuturan natin…
Wala nang gusot ang kobrekamang
May salansan ng dalawang unan
Sa ulunan, nasa ilalim ay tiniklop
Na kumot ang karimlan ng sansinukob,
Ang mga luha, pawis at mineral natin
Ay mga bituin na nagniningning.
Isang kaway ng pagkawalay ang umaga
Sapagkat yakap ng pagtatagpo ang gabi,
Isang himpilan ng pananabik ang alaala
Sapagkat demograpiya ng paglalakbay ang karanasan,
Isang pulbos ng alikabok ang pagkamuhi
Sapagkat grabidad ng daigdig ang pag-ibig.
May simuno itong budhing
Ang diwa ay pagsuong,
Lumalawig ang pagkamulat
Sapagkat ikaw ang layon.
you look so yummy.
and i know you’re a tease. nambibitin ka. mapanukso. ayaw kong may ka-share ako sayo. gusto ko akin ka lang.
akin ka na lang.
akala ko ordinary ka lang. walang magic. maliit nga lang eh. cute. pero nung matikman na, alam ko na ang kapalaran ko. di ko na kayang di ka matikman ulit…
wag kang lumayo. dito ka lang.
pero dahil nga may kasama tayo, di pwedeng akin ka lang. ang kaya ko lang gawin ay huwag kang ilayo sa aking tabi.
tama. tama.
i know that you’re bad for me, masaya pa din ako ngayon. kasi nga nagkakilala tayo kahit panandalian lang. i know i should keep away from you but i can’t. hay, kay hirap…
hanggang sa muling pagkikita.
*Crispy Dinuguan, i love you!!!
i swear, babalik ako sa Kanin Club para lang sayo!
Sa unang tingin, mahihiwatigan ang pamagat na tula ni Bigornia na napapatungkol sa kalungkutan at pag-ibig gaya na lamang ng mga kantang Emo o ng Empty Chairs ni Don McLean. “Onli” da “lonli” salitang magkatugma, musika sa tenga kapag binibigkas ng malakas at napakalungkot sa puso kapag pinaglilimihan (contemplation). Parang tungkol lamang ang tula sa kasawian sa pag-ibig gaya ng English song na pinagkuhanan niya ng pamagat. Sa isang banda, tungkol nga ba ito sa kasawian sa pag-ibig? Basahin natin ng malakas (waiter, beer pa dito):
Only the lonely
(kay MLK)
ni Mike L. Bigornia
1   Tayong anak ng lumbay lamang
2   ang ganap na nakakikilala
3   ng ganyang melodiya at lirik.
4   Isipin mo,
5   bawat subyang ng pantig na ihagkis
6   ng bibig ng mang-aawit ay banal
7   na imbitasyon upang mas sumigasig
8   ang ating panglaw at hapis.
9   Nakasalampak tayo dito
10 sa malamig na sona ng dilim
11 at waring ipinagdadamot
12 ang naimpok na kasawian.
13 Marami tayong pangarap
14 at mas hilig natin ang mahirap abutin.
15 Maaaring humihiling ako ng ulan
16 at ikaw’y ng mahabang tagtuyot.
17 Pero tignan mo, di ba’t
18 para tayong langong arlekin
19 pagkindat ng malisyosang mga ilaw?
20 Sa bagay, talagang tayo
21 ang kartograpo’t soberano
22 sa kilungib ng ating salamisim
23 na kay-ingat na inaruga’t ginigiliw
24 tulad ng pagsimsim ngayon
25 sa lasong banayad na dumadaloy
26 sa dila’t lalamunan.
27 Makatwiran samakatwid
28 na ituloy natin ang pagpapatianod.
29 Batiin natin at tagayan
30 ang ating sarili
31 at isiping isa lamang ito sa mga dulang
32 dapat marinig bilang awit.
33 Hala, laklakin mo ang iyong tagay
34 at parating na ang susunod na bote
35 at iba pang lason.
Hayaan niyong sipatin ko lamang ang panloob na aspekto ng tula. Hindi ko tatalakayin ang panlabas na aspekto nito (e.g. porma, disenyo, estraktura). Gusto kong talakayin ang tula ni Bigornia sa antas ng sensibilidad, kung paanong ipinadama sa akin ng tula ang ibang dimensiyon ng kalungkutan.
Tatalakayin ko, samakatwid, ang lulan na ginagalawan ng persona sa tula. Ang lulan, ayon na rin sa batikang makata at kritiko (mas gusto niyang tawagin ang kanyang sarili na editor) Roberto Anonuevo, ay hindi lamang  tumutukoy sa pook na ginagalawan ng persona bagkus tinutukoy din nito ang isip at damdamin ng persona. Pumasok tayo, kung gayon, sa nararamdaman ng persona at sa lugar na ginagalawan niya ayon na rin sa mundong umiikot sa tula.
Nasa birhaws ang persona, umiinom ng alak, kasalukuyang nakikinig ng musika. Makikita ito sa line 3, 6, at 10. May kausap siya. Kung sino ang kausap ay hindi na mahalaga. Maaaring kaibigan, katokayo,  ikaw, o si MLK mismo kung ituturing nating ekstensiyon ito ng sarili ng makata.
Bakit sinabi ng persona na Only the lonely ang damdaming nararamdaman niya habang lango at ng kanyang kausap ng alak sa birhaws? Anong damdamin ito at sinabi niyang “tayong anak ng lumbay lamang” ang tanging nakakaramdaman ng “ganyang lirik o melodiya”? Pansining mabuti: anak ng lumbay. Napaka-powerful na salitang nagbubukas sa mundo ng persona. Ang persona ba dito’y katulad lamang ng persona na gaya ng nasa kanta ng Dashboard Confessional na Screaming Infidelities o ng Kuwarto ng Sugarfree?
Pansinin ang sinasabi ng persona na “banal” ang “bibig ng mang-aawit” (line 6) samantalang nakakaramdam siya ng “panglaw at hapis” (line8). Napakagandang paglalarawan. Bakit? Dahil pinagtabi mo ang magkasalungat na pahayag. Para sa persona, napakasagrado ang birhaws na tambakan ng mga negatibong emosyon gaya ng panglaw at hapis. Imbitasyon pa nga ito upang mas lalong sumigasig ang ating nararamdaman (line 7).
Sa unang basa, parang rant lamang ito ng isang kabataan na sawi sa pag-ibig. Isang lalaking nagwa-wallow at nagtatapon ng “naimpok na kasawian” habang nakasalampak sa loob ng birhaws (line 9 at 12). Tinutukoy ng persona dito ang birhaws bilang “sona ng dilim” (line10). Pero hindi ang ganitong klaseng persona ang tinutukoy ni Bigornia. Dahil kung ito ang punto ng tula ay sasabihin kong tapos na ang tula sa line 12 pa lang. Huwag na nating ituloy basahin sapagkat alam na natin kung ano ang mangyayari.
Bakit sinasabi ng persona na “marami tayong pangarap” at mas gusto ang mga bagay na “mahirap abutin” (line 13 at 14)? Anong klaseng persona siya? Napaka-thematic para akin ang linyang ito. Sa line 13 nagsisimula ang digression, sa aking palagay. Ang digression, na ginagamit ni Milan Kundera sa kanyang mga nobela, ay pag-abandona sa istorya upang mas lalong talakayin ang temang nakapaloob sa nobela. Sa kaso ng Only the Lonely, inabandona ni Bigornia ang nakasanayan nating konsepto tungkol sa buhay na nararanasan natin pagpasok sa isang birhaws at ipinasok ang ideya ng kalungkutan sa mas mataas na level. Lumiko ang tula, ika nga. Paanong lumiko? Papaanong ang kalungkutan dito sa tula habang lango sa alak ay hindi isang ordinaryong kalungkutan lamang?
Sabihin nating ang kalungkutan dito ay hindi isang damdamin na nararamdaman ng dibdib o libog ng katawan. Ang kalungkutan, sa madaling salita, ay damdamin ng kaisipan. Isang kabog ng isip na mahilig sa paghaharaya (imahinasyon). Samakatuwid, ang nagsasalitang persona dito ay isang makata.  Ang persona na maraming pangarap na mahirap abutin tulad ng “paghiling ng ulan o ng mahabang tagtuyot” (line 15 at 16).
Ang persona/makata na laging lango sa alak gaya na lamang makatang si Alejandro Abadilla o Ernest Hemingway. Mga makatang mahilig halikan ang haraya, mga “kartograpo ‘t “soberano” (line 21) na tagapag-ingat ng “salamisim” (alaala-line 22) habang  banayad na dumadaloy sa dila’t lalamunan (line 25 at 26) ang alak. Alak bilang isang “lason” (line 25 at 35).
Ang huling tatlong linya sa ikatlong saknong (stanza) ay masasabi kong may-touch ng ideyang existentialism. Bakit? Pansinin ang paggamit ng salitang “langong arlekin” (payaso) at ang “malisyosang ilaw” (line 18 at 19). May pagka-comical ang dating ng taludtud.  Nasa isip ko dito yung dalawang magkaibigan, Vladimir at Estragon, sa Waiting for Godot ni Samuel Becket. Dalawang taong naghahanap o naghihintay ng liwanag. Sa kaso ng tula, ang tingin ng persona sa kanyang sarili ay isang payaso na nabubuhay sa komedya at trahedya ng “malisyosang ilaw” na ang literal na ibig sabihin ay ang aandap-andap na liwanag sa birhaws. Pero kung titignan ang malalim na kahulugan ay natutungkol sa galaw ng buhay.
Nasusundan ito ng mga salitang “pagpapatianod” “tagayan/ang ating sarili” “dulang” dapat pakinggan “bilang awit” sa ika-limang saknong. Parang sinasabing ganyan talaga ang buhay sa pagsusulat. Katulad din yan ng mga kantang naririnig natin dito sa birhaws. Mga kuwento ng buhay “bilang awit” (line 32). Ang awit na tinutukoy ng persona dito ay tinitignan ko bilang isang anyo ng tula na pwedeng isulat. Pansinin: “…dulang/ dapat marinig bilang awit” na pwedeng basahin ng ganito, tulang pwedeng isulat sa anyo ng awit (awit, isang tradisyonal na anyo panulaang Filipino).
Inom lang ng inom, ang sabi ng persona sa pinakahuling saknong. Itagay mo at marami pang “susunod na bote” (line 34). Isang paanyaya o pagbubunyi sa kanyang kaibigan na maaaring nagsasabing ating yakapin ang buhay. Hindi lang inumin kundi ating laklakin dahil marami pang parating na bote “at iba pang lason (line 35).”
Tinitignan ko ang huling taludtud, lalo na ang “lason”, bilang simbolo ng iba-ibang damdamin na dala ng paghaharaya.  Alak bilang isang lason. Hindi nga ba napakagandang patungkol  ito sa paghaharaya? Ang lason na may pahiwatig ng parikala (irony). Napaka-tayutay kung gayon sapagkat kung ikakabit natin ito sa paghaharaya, ang lason ay hindi pumapatay kundi bumubuhay. Ang pagiging “anak ng lumbay” na nakakaranas ng panglaw at hapis ay maliwanag na kasiyahan pa nga dahil dito nag-uugat ang kanyang pagkamalikhain.
Only the lonely
Mula sa antolohiyang Salida
Mike L. Bigornia
University of the Philippine Press
1996
Sa singaw ng panahon
Ang lupa’y bumubulong,
Sa ‘king isip ay apoy
Tumutupok ng tanong.