Dahil sa masalimuot na katangian ng mundo, maraming katanungan na naman ang lalong nagpagulo sa isip at pagkatao. Habang nakatitig sa kulay kahel na liwanag na nanggagaling sa poste sa may tapat ng simbahang katabi ng bahay na tinitirhan, hindi tumitila ang ulan at walang humpay ang pagpatak nito sa bubungan.
Bigla kong naalala ang sinulat ko kani-kanina lang:
“Hindi man gustong magsulat ngayon, hindi pa rin mapigilan ang sarili na ipakita sa mga salitang ito ang nararamdaman dito sa malamig na kwartong ito. Mas mabuting ibaling na lang ang isip sa lecture na itinuturo ng prof namin ngunit, dahil sa hindi masyadong pagkakaintindi sa aralin ay ang isipan ay tila patungo na naman sa kawalan. Para bang kahit anong intindi mo at pakikinig sa kanyang mga sinasabi, lalo ka pang napapalayo at naliligaw sa lugar na hindi mo pa napupuntahan.
Palaging ganito. Siguro, college life na nga itong maituturing. Mahirap nga. Ang buhay na ganito ay tila palagi kang nasa alanganin. Parang hindi mo alam kung saan ka patutungo kahit alam mo at nakatakda na sa isip ang mga pangarap na inaasam mo.
Nagsasalita siya ngunit kahit naririnig ang bawat salitang ibinubuka ng kanyang bibig, labas masok naman sa magkabilang tainga ang kanyang sinasabi. Naiintindihan naman kahit papaano ngunit hindi sa kalagayang buong-buo.
Noong una, naramdamang hindi karapat-dapat sa lugar na ito, na sana hindi ganito ang kinalalagyan, sana nasa ibang daan na lang. Pero sa mga naipundar ng oras, mga bagay, at kung anu-ano pang pag isinang-tabi ay masasayang, hindi na siguro kaya pang umalis doon. Parang ang pakiramdam ay isa kang daga at nadikit ka na sa pandikit na kulay dilaw na kahit anong pilit na palag mo ay hihigupin lang ito ang lakas mo hanggang sa ikaw ay makita na ng may-ari ng bahay. Patay ka na.
Nagsasalita na naman siya, pilit iniintindi, ngunit hindi pa rin mawari kung ano ba talaga ang kahulugan ng mga sinasabi.
Habang lalong lumalalim na tila nalulunod na sa mga salitang hindi matanto, lalo pang lumalamig ang kwartong iyon, lalong nilalamig ang mga katabi. Ang ilan, todo sa pagtutok sa kanya ngunit may kaunti pa ding pagkalito, ang iba ay may mababakas na lang na ngiti dahil hindi ganoon kalalim ang pagtingin sa buhay nila ngayon, kumbaga, tuloy lang kung ano ang magsi-dating. Kahit nahihirapan sa ngayon.
Tila palaging ang katapusang oras na lang ang iniintintay dahil nasasayang naman ang panahon sa ganitong pakikinig.
Ang mga salitang ito ay hindi ko naman itinututok na parang kanyon sa lalaking nasa unahan na iyon at wala naman akong masamang hangarin na ipagkanulo siya sa lahat ng nagbabasa nito bagkos ay sinasabi ko lang naman ang pakiramdam kung paano makulong sa isang mundo na noong una ay ginusto mong puntahan at sa huli ay gusto mo ng takasan.
Walang pinag-iba sa mga araw na hindi na bago sa aming lahat.
Unti-unting nalulunod pailalim. Hindi alam kung maiaahon pa ang sarili…”
Wala lang. Sulat ko ito kanina, noong mga panahon na dapat ay nakikinig sa klase ngunit sinubukan pa ding magsulat sa oras ng pagtuturo ng prof namin. Siguro naramdaman niyo na din ito. Lalo na ang mga bagong freshman na tulad ko, marahil noong una, mahirap talagang maituturing ang panibagong buhay na nasimulan pero gaya ng mga basag ng kasabihan na “kapag may tiyaga, may nilaga”, “kung may itinanim, may aanihin” at kung anu-ano pang tayo na mismo ang umimbento, tiyak, malalagpasan natin ang lahat ng yan.
Oo, maaaring maraming akala sa una, magkakamali sa pangalawa, babagsak sa ikatlo, malulungkot sa ikaapat, mawawalan ng pag-asa sa huli. Ngunit, pwede rin naman nating isipin na mas mag-iisip na tayo sa una, itatama ang mga pagkakamali sa pangalawa, papasa sa ikatlo, sasaya sa ikaapat, at magtatagumpay sa huli.
It’s never too late for everything. Walang makakapagsabi na hindi ka karapat-dapat sa pinili mong landas. Ikaw ang may katawan at ikaw ang binigyan ng buhay na nasa sa iyo. Wala ding makababatid na hindi mo kaya ang isang bagay. Kaya ng iba, bakit ikaw hindi? Walang nakakakilala sa iyo kung hindi ikaw lang.
Kaya ngayon, ituloy lang at ang lahat magiging ayos din ang lahat.
Kaya ngayon, habang hindi pa din tumitila ang ulan galing sa kalangitan, habang ang mga mata’y nakatitig sa kulay kahel na ilaw na iyon, habang dumadampi ang bawat patak ng ulan sa bubungan, habang lumalakas ang hangin at lumalamig ang paligid, habang ang lahat ng bagay na ito ay nakikita pa ng sariling mga mata, gawin mo na ang dapat mong gawin…^_^
Matapos niyang maamoy ang halimuyak ng pagsikat ng araw, pagod man at puyat ay pinilit niya pa ring bumangon sa kadahilanang kailangan niyang pumasok pa sa eskwelahan na apat na taon din niyang binalik-balikan. At nang magkaulirat ang isip, bigla niyang naisip na ni isa mang takdang-aralin ay hindi niya nagawa dahil sa sobrang dami niyang inasikaso kahapon at ang kaya na lang gawin ng katawan niya ay magpahinga. Walang gumising sa kanya, walang naghanda ng pagkain, walang nagbigay ng baon, dahil isa lang naman ang dahilan, wala na siyang kasama sa mundo. Tanging siya lang at kung maikokonsidira ang lahat ng bagay na kasama niya, ayun, mga bagay sa bahay, ang mismong bahay at tanging aso lang niyang si Bantay ang natitirang kamag-anak na masasabi niya kung sino man ang magtanong. Walang nakakaalam kung bakit, walang nagtatanong dahil wala ng nais pang umungkat ng kwento ng kanyang buhay. Tahimik lang siya. Malungkot siya.
Matapos gumising ng maaga, maaga, iyong tipong nakapaglinis na ng bahay, pinaliguan si Bantay at nakapag-ayos na ng sarili, pumasok na siya, gamit ang medyo kinakalawang na bike na kanina lang din niya binombahan dahil flat pala ang mga gulong nito. At laking pasasalamat niya, ayon, muntik lang siyang mahuli sa pagpasok.
Nagdaan ang mga araw na ganito, eskwelahan, bahay, eskwelahan..makikita sa kanya ang pagsisikap..ngunit mas pinangungunahan ng lungkot ang kanyang itsura ayon sa mga tumitingin..ramdam niya iyon, hindi lang niya alam kung bakit sila ganoon..
Pero, nakakalungkot pang isipin, may nabanggit na ba akong kaibigan niya? Wala, ni isa man lamang walang lumapit, lalo na, wala ring nagpumilit.
Isang araw, sa kanyang pag-uwi, matapos dumaan sa maalinsangan at puro basurang daan, sumuot sa mga eskinita, nausukan ng mga tambutso sa kalye at nakatapak pa ng dumi sa kanto, at muntik na mahulog sa ilalim ng tulay, ay may nakita siyang babaeng tumawid sa overpass malapit sa bahay nila. Siyempre, isa siyang adan, kaya hindi naging mahirap na umibig ang isang adan sa isang eba na iyon nga, iyong dumaan sa overpass. Makatunaw ang ginawa niyang titig ngunit hindi ito titig ng pagnanasa ngunit, titig ng kasiyahan na may halong pag-asa na sila ay maging magkaibigan man lamang kahit hindi na magkatuluyan. Sinundan niya ito, hanggang sa nakahalata na ang dalaga sa kanyang pagmamasid. Alam na rin niyang nalaman na ng dalaga ang kanyang ginagawa kaya naglakas-loob na itong lumapit ngunit ng humarap na ang babaeng iyon, ayun, kinabahan, para bang ipinako ang mga paa sa sahig at pinupukpok pa ito gamit ang martilyo ng pagkatakot. Ngunit ng papalapit na ang dalaga, nakita siya ng kanyang tita, tinawag na at dali-dali namang umuwi na kasama ito.
Nanghinayang si Con.
Pero, sa kanyang paglapit sa dating kinatatayuan ng magandang dalaga na iyon, may nahulog pala ito sa kanyang pag-alis..isang pambura..puti, di pa nagagamit, hindi pa nailalapat sa kahit ano mang sulat sa papel. At noong kanyang napagtatanto, kaklase niya pala ang dalagang iyon..napabatok sa ulo at masayang umuwi sa tirahang tanging si Bantay lang ang naghihintay na siya ay dumating..
Dumating ang takipsilim, isang takipsilim na nagpapahiwatig ng pamamaalam, dahil ito na ang huling takipsilim niya na iisipin ang buhay sa hayskul, gagradutae na siya..nagawa rin niya, natapos niya ang isa na namang yugto, at tanging ang iniisip niya ay ang kanyang mga magulang na pinatay ng hindi kilalang tao na tanging isang sulat lang ang iniwan sa kanya..
”HUWAG KANG GAGAWA NG KUNG ANO, AT PAPATAYIN KO RIN ANG NAGBABASA NITO..”
Walang bahid ng pagkatakot ang yumapos sa kanya kahit noong una pa niya itong nabasa, tanging ang sambit niya sa kanyang sarili ay
“MAY ARAW KA RIN..”
Hindi ito isang pagbabanta o paghihiganti. Ang tanging nasa isip niya ay sana dumating ang araw na umayos na ang buhay ng taong ito..sana wala na siyang mapatay ngunit sa bawat pagpatay na napapanood niya sa de palong telebisyon para lumipat ang channel, tanging iisa ang gamit sa pagpatay, lapis, at ito ang ginamit sa kanyang mga magulang..
May pagkakataong galit na galit siya, para bang gusto na rin niyang kumawala sa paghihirap at sama ng loob na parang isang tanikalang nakaikot sa leeg ni Bantay. kaya may mga araw na lumalabas na lang ng kusa ang kanayang mga luha sa lungga nito at nagpapakasayang magpadulas sa kanyang mukha.
At itong gabing ito, isa iyon sa mga araw na iyon..
Natulog na siya na nananatiling pumapatak ang mga butil ng kalungkutan mula sa kanyang mga mata.
Bukang liwayway, isang bagong umaga. Maayos na ulit ang kanyang pakiramdam.. ginawa ang paglilinis ng bahay, pagpapaligo kay bantay at pag-aayos  ng sarili dahil pupunta siya sa isang coffee shop na kinaugalian na niyang puntahan. Dahil nga sa wala ng pasok sa paaralan dahil graduation na maya-maya lamang ay pumunta muna siya doon.
At sino naman ang hindi matutuwa dahil may maituturing pala tayong kaibigan niya..ang matandang may-ari ng coffee shop na iyon at siya lang ang tanging nagseserve, ang nasa counter at ang nagtitimpla ng iba’t ibang lasa sa kapeng kanyang pinagbuhusan ng panahon mula ng tatlong taon siyang nahilig sa pagluluto..oo, tatlong taon, masasabing in-born ang talento niya pagdating sa kape..
Tumunog ang mga bell sa pinto ng shop na nagpahiwatig sa matandang dumating na si Con. At gaya ng nakagawian, naupo sa isang kahoy na silya, malapit sa counter at walang imik na naghintay dahil alam na ng matanda ang gusto niyang kainin dahil iyon palagi ang inoorder niya pag pupunta siya dito..isang mug ng kapeng may strawberry syrup at dalawang choco-honey dipped donuts na tanging ang matanda lang ang nakagawa.
Nasabi ko bang sarado na ang coffee shop na iyon? Tama ka, hindi na ito kumikita..parang naging isang bahay na lamang ito sa matanda dahil nalugi ang shop na ito dahil may umagaw sa recipe ng matanda, at sino ang umagaw? Ang kanyang anak, isang suwail pero hinihintay pa din ng matanda na magbago ang anak. Bumalik at mamuhay na lamang ng magkasama.
Tumunog na naman ang mga bell sa pintuan.
“hindi na po ito nagbubukas..” sabi ni Mang Tomas..
“ah, hindi na po ba? Makiki-CR lang po ako, hindi ko na po makayanan ang dinadala ko..XD” sabay bigay ng matamis na ngiti at dumeretso na sa CR na tinuro ng matanda..
“siya po iyon, hindi ko po malaman kung paano ko siya lalapitan..torpe po kasi ako eh..pero at least nakita ko ulit siya..salamat sa kape Tito Tom, alis na po ako..” sabay alis nito at hindi malaman kung saan pupunta.
Tumunog ang mga bell sa pintuan.
“ai, salamat po ha..uhm, nasaan na po iyong binatang kausap niyo kanina?” sabi ni Leslie.
“ah, umalis na siya eh, marami pa kasing gagawin..”
Sabay buhos ng malakas na ulan..
“hala, paano iyan, paano ko makakauwi nito?” sabay tingin sa madilim na kalangitan. “may payong po ba kayo? Tsk, lagot ako nito..”
“ayun, iniwan niya iyong payong niya para sa iyo..”
“huh?”
“iyong batang iyon, alam niya kung kailan uulan o hindi, iniwan niya iyon para hindi ka mabasa..kung gusto mo siyang makita marahil hindi pa iyon nakakalayo, sumilong iyon..”
“ah sige po, ibabalik ko na lang po iyong payong niya pag nagkita kami, maraming salamat po ulit uhm?”
“Tomas, Tomas ang pangalan ko iha..”
“Ah, Tito Tom, sige po..”
Lalong lumakas ang pagpatak ng mga butil ng kalangitan at wala ni isa mang tao sa daan, tanging maririnig lang ay ang sunud-sunod na pagpatak ng ulan na iyon kasabay ng mga palakang humihiyaw sa maliit na sapa malapit sa isang simbahan..
At nandoon siya..nakaupo sa pinto ng simbahan, nakatingin sa langit..
“umiiyak na naman ang kalangitan..nakikiramay ka ba sa akin? Maraming salamat..”
Sabay higa, malapit sa puntod ng kanyang mga magulang..nagkataong dating sementeryo ang kinatatayuan ng simbahan, maraming natabunang puntod ngunit sa hindi inaasahanag pagkakataon, nasa harap ng pinto ng simbahan ang puntod ng kanyang mga magulang..hindi man makita ang mismong nitso dahil nasa ilalim na ito ng sementong pinantayo sa simbahan, tanda niya pa rin ang pwesto ng mga iyon na lagi niyang nililinis tuwing dadaan siya doon..
“mukhang di tuloy ang graduation ah..”
Nagulantang si Con, sabay ramdam na nawala ang mga patak ng ulan dahil may payong na humarang para abutin nito ang mukha niya..
“ay, buti ginamit mo ang payong ko, ah eh, nahulog mo pala ito oh, pambura mo..alam ko mababaw lang ang halaga nito pero turo kasi ng nanay na ibabalik ang mga bagay na di iyo..”
“Ah, hehe, salamat, hinahanap ko nga iyan eh, hindi tuloy ako makapagdrawing dahil hindi ako sigurado, baka bigla magkamali, ayun, ulit na naman sa umpisa..” sabay ngiti at tumabi sa kinauupuan ni Con..
“uhm, ako po pala si Con, uhm, Leslie?”
“paano mo nalaman ang pangalan ko?” ang pagtataka ng dalaga..
“nakita ko po sa name plate mo oh..ang laki parang lapida..hehe..”
Sabay nagkaroon ng parehong pag-iisip ang dalawa na maghabulan..hindi inintindi kung mababasa ba sila o hindi, basta walang tigil na nagtakbuhan na dati ng naramdaman ni Con noong bata pa siya, kasama ng kanyang ina..
Hanggang sa napagod at hindi malaman kung pawis ba ito o tubig ng kalangitan ang nararamdamn nila sa kanilang katawan, naupo ulit sa pinto ng simbahan at sabay sabi ni Con,
“kaibigan na kita ha? Pwede ba iyon? Ang ganda  mo pala pag malayo..”
“ok, friend na din kita..pag malayo, panget ako pag malapit? Ha? Panget ba ako?” sabay lapit ng mukha nito sa mukha ni Con..
“hindi po, noong nakita kita sa overpass, ang ganda mo, wala naman akong sinasabi na panget ka pag malapit eh..hmm, ang ganda mo din lalo na pag malapitan..” sabay titig sa mata ni Leslie..
Hanggang sa biglang nagulat ang dalawa, nagka-alisan ng titig, namula, nagkatinginan muli, at nagtawanan..
“sayang, kung naging magkaibigan tayo mula pa noong grade 1, para maraming memories, palagi kasi akong nag-iisa eh..” sabay nagpaawa ng itsura si Con..
“ganon? Grade 1, grabe ka naman, wala pa kong muwang noon, pero sana mas matagal noh..ba’t naman kasi ngayon ka lang dumating at nakipagkaibigan? Tingnan mo, graduation na, wrong timing ka talaga..hmp..” nagtatampong sabi ni Leslie.
“hmm, pero sana, hindi man tayo naging magkakilala ng matagal, maging matagal ang pagkakaibigan na ito..maraming salamat ha..buti, kahit papaano, sa valedictory speech ko mamaya, may kilala ako, may pagsasabihan..titingin ako sayo mamaya ha..”
“ok, wag mo lang akong paiiyakin, kaw naman kasi, pag nagsasalita ka dati o kaya pagkakanta, nakakaiyak ka..mukha mo kasi..”
“sige, ittry ko, pero baka ako ang umiyak, nakakapanghinayang kaya pero ang sarap din ng feeling na maging kaibigan ka..”
“medyo malapit na pa la ang oras, uwi na tayo, magpapaganda pa ko para sa yo..” sabay tayo at hinila si Con paitaas..
Ngunit ng hinawakan ni Leslie ang kamay ni Con, hinila din ito ni Con pababa.
“sandali lang muna, dito ka muna sa tabi ko..kahit mga labinlimang minuto na lang..gusto ko lang makatabi ka..baka hindi na maulit..”
“bakit Con?”
“pag graduate ko kasi, balak kong pumunta ng ibang bansa, doon ako mag-aaral..”
“huh? San ka kumuha ng pera?”
“edi iyong nagpapaaral sa kin ngayon..”
“ah, hmm, cge, tabi muna tayo..” sabay ngiti sa binata..
Naghari ang katahimikan, tanging patak pa din ng ulan ang maririnig kasabay ng mga sigaw ng palaka sa maliit na sapa malapit sa simbahan na iyon..
“Les, may tanong ako..”
“ano yun?”
“bakit nakakabura ang pambura?”
“ano ba namang tanong iyan, siyempre para maitama ang mali? Para maituwid ang hindi? Kasi, pinapaalala lang niyan na bukas ang lahat ng bagay sa pagbabago..alam mo iyon kaya kung ano mang mali ang nagawa natin o ng kahit na sino, basta, kay God may kwarto pa rin para puntahan at baguhin ang sarili..sa puso niya di ba?”
“oo, tama ka diyan..pero may isa pang dahilan..”
“at ano naman yon aber?”
“ang pambura ay nananatili pa ring isang bagay na nakakabura di ba? Pero may isang bagay na hindi niya mabubura..
“nyek, ano?”
“edi ang sarili niya, kelan ka pa nakakita ng pamburang ibinubura sa pambura?”
“nu kaya iyon, siyempre hindi  pa noh..”
“at alam mo kung ano ibig sabihin noon? Hmm.. oo, ang pambura ay nagpapaalala na may oras, may panahon at may lugar para sa pagbabago patungo sa kabutihan pero may mga bagay na hindi mo na mabubura kung maihahalintulad ko ang sarili ko sa pambura na iyon..”
“Ano naman iyon?”
“pag-ibig..”
“nyek, anong konek?”
“Leslie, alam mo bang may pagtingin ako sayo, dati pa lang? ano kaya ikaw? Kung pareho man tayo ng nararamdaman, ibig sabihin, parang iisang bagay lang tayo diba? At kung gagawin nating kunwari, pambura tayong dalawa, edi hindi natin mabubura ang sarili natin maging ang isa’t isa dahil pareho tayo..at kagaya yan ng pag-ibig ko sayo..maniwala ka man o hindi, hindi kita mabura sa isip ko kahit kaylan ko man gustuhin..”
“ramdam ko iyon..pero, sa sitwasyon natin, natatakot ako dahil baka sa isang iglap, maubos na pala ang isa sa atin sa pagbura sa iba..alam mo yun..”
“hmm, siguro, isa na naman itong pagsubok ni BRO, na siyang lapis para sa atin, iginuhit niya ang mundo, ang mga pangyayari ngunit tayo ang nakakaalam kung ano ang tama at mali na siyang buburahin natin o hindi..”
“hmm, sana ikaw na..”
“oo nga eh, pero basta, sa pag-alis ko, sampung taon man o mahigit pa ang abutin, basta, magkikita pa tayo pag wala nang jeep na dumadaan sa highway..”
“nyek, ang korni mo talaga..lika na nga, alis na tayo, malapit na oh, malate pa tayo..” sabay halik sa noo ni Con..
“Sige, kitakits ha..” at nagpaalam na ang dalawa..
natapos ang graduation ngunit hindi na dumating si Con sa program na iyon, umalis na pala siya, noong hapon ding iyon..
tumakbo si Leslie sa bahay nila, binuksan ang bahay, gamit ang susing inihulog ni Con sa kanyang bulsa noong hinalikan niya ito sa noo..
at sa kanyang pagpunta sa kwarto, nandoon ang iniwan ni Con sa kanya..
isang payong, isang bato na galing sa simbahan at isang sobre.. sobreng naglalaman ng mga kataga..
isang tula..
papaiyak na sana si Leslie ngunit nakita niya ang isang pambura sa loob ng sobre na sinulatan ni Con ng kanilang pangalan..
ang sulat ay nagtapos sa isang ps..
“oh ayan, try mo burahin gamit lang ang pamburang iyan..bawal ikuskos dahil gumamit ka  na ng ibang bagay pag ganoon..”
at siya nga pala, tingnan mo iyong highway mula diyan..
nakita niya ang traffic pero hanggang sa lumalalim ang gabi, unti-unting nawawala ang mga jeep sa highway at napansin niyang may jeep na hindi umalis sa kinalalagyan nito..
hating gabi na noon..
pinuntahan niya ang jeep at pagpasok dito ay may papel na nakasulat..
“hanggang sa muli nating pagkikita..”
Lumipas ang sampung taon, habang natutulog si Leslie sa bahay ni Con na binili na niya pag-alis nito, may kumatok sa pinto..matapos kusotin ang mapupungay na mata ay binuksan niya ang pintong iyon..pamilyar ang lalaking nagmagandang araw..
Mahalimuyak ang umagang iyon, mahimbing na natutulog ang sampung taon na si Bantay, at tahimik ang daan, walang dumadaan, nagkaroon kasi ng strike noong mga oras na iyon..^_^
Ang post na ito ay dapat nung Friday pa na-ipost kaso may nangyari..so ngayon ko pa lang to ipopost..
Ok naman ako. Ang saya-saya ko nga eh. Pero di ko maintindihan kung bakit ako umiyak kanina pagkasakay ng mga kaklase ko. Biglang pumatak ang mga luhang hindi ko alam kung saan nanggaling.Pagkababa ko sa kanto namin,muli, bumuhos ang luhang pinipilit kong itago kanina.Mas masaya umiyak mag-isa. Walang nangingialam sayo o sa kung anuman ang gusto mong gawin o sabihin habang dinarama mo ng husto ang kalungkutan.Kalungkutan….
Nagiging hobby ko na yata ang umiyak.Hindi ako malakas na tao at inaamin ko iyon.Malakas lang ako sa harap ng mga tao.Ayaw ko nang dagdagan pa ang kanilang mga pasanin.Pero sinong mag-aakala na magiging ganito ako.Ang masayahin at matapang na si Thati.
Halos walang gabi na hindi ako umiiyak.Pinipilit kong hugutin ang dahilan sa aking isipan kung bakit ako nagkakaganito.Ni isa wala akong nahugot.Kamakailan ko lang nalaman na mali pala ang aking hinahanapan.Ang maliwanag na araw ay matagal na palang natakpan ng mga ulap.Kaya siguro gabi-gabing umuulan para mabawasan ang ulap at muling magbigay ng liwanag ang araw sa kanyang nasasakupan. Ang hindi ko lang talaga maunawan ng lubos ay sa ginabi-gabi ng pag-ulan eh ni isang parte ng ulap hindi nababawasan.Kaya ayun,tuloy ang pag-ulan.Ayus lang yun.Kinaumagahan naman ay matutuyo rin ang mga nabasa.Pero maiiwan pa rin ang mga bakas nito sa mga tuyong lupa noon, na putik na ngayon.
Ngayon, natigil na rin ang pag-ulan.Sa susunod na gabi naman uli.Hindi Ondoy ang mga mata ko para maglabas ng ulang walang tigil.Ayokong bahain ang mga taong wala namang kasalanan.Sabihin na lang natin na masyadong maiinit araw-araw at kailangang umulan gabi-gabi para muling mabalik ang mga hinigop ng ulap sa mga karagatang walang hanggan.
Hindi pala talaga maiiwasan na lumuha.
Tatawa na lamang, oh bakit hinde??
Ang aking damdamin, pinaglalaruan ng baliw at ng ULAN!!!
It’s raining men! Halleluja, its raining men, amen!
Umuulan, ng lalake, umuulan,yameeee!!!
aahaha…..:l
Rain, for some can be a very sad companion. It felt as though the world was crying.
The writer, “Ayala the Ayatollah”
Ika-apat ng hapon.
Mula sa malawak na bintana
Pinagmamasdan ko
Ang laro ng dilaw na sikat ng araw
Na humahalo sa berdeng kulay ng mga halaman.
Maririnig ang mahinang pagaspas ng hangin
Sabay ng huni ng ibon at tilaok ng manok.
Panatag na dulot
Sa lumbay na puso.
Katahimikan sa isip—
Sa wakas tapos na ang unos.
Ngunit hindi pa rin natatapos ang kalungkutan
Nananahan pa rin sa isip ang lambong na mga pangyayari.
Ulan sa isipan
At luha sa mata.
Pumapatak ang ulan
Kasabay ang mingning na saya ng araw.
Naririnig ang magaang patak ng ulan
Ang maninipis at mabilis na pagdampi nito
Sa yero ng mga bubungan
Sa dahon ng mga halaman
Sa aspalto ng bawat lansangan.
Hindi naman mapipigilan
Ang pagbuhos ng ulan
Sa maaraw na hapon.
Dahil sa ganitong panahon
Para bang naghaharing sabay ang lungkot at saya.
Kaninang umaga, nagising akong mag-isa sa kwarto.Ano naman ang bago?Ang lamig sa loob kung kaya’t aking napagdesisyonang matulog muli.Akap-akap ang unang nakabihis ng t-shirt ng asawa ko.Ilang minuto pa lang akong napipikit, nakarinig ako ng mga sipol.Nakakatakot na sipol.Sipol na malayo sa pinag-aaralan kong matutunan nung isang gabi.Ihip pala ito ng hangin.Nangaiiyak ang mga ito kasabay ng pagwawala ng mga puno.May bagyo nga pala, at Signal no. 3 dito sa Bataan.
Bumangon ako at sinuot ang aking bathrobe.Naka-sleeping gown kasi ako.Paglabas ko ng kwarto,ang dilim ng paligid.Siguro kung walang nakasiding kandila,tanging liwanag na lamang ng araw na natatakpan ng makakapal na ulap ang nagpupumilit pumasok sa aming bahay.Dinig na dinig ko ang ungol ng aming aso sa may likuran.Natatakot ako para sa kanya.Malakas ang hangin at baka tamaan siya ng mga namamasyal na yero.Sa tabi ng pinto ng aming kwarto nananahan ang aming tuta.Gutom na siya at gusto ko na siyang pakainin kaya hinanap ko ang kanyang pagkain.Paikot-ikot ako sa kusina,hinahanap ang pagkain ng tuta at pagkatapos ng paroo’t parito,nakita ko na rin ang pagkain niya.Agad kong kinuha ang kanyang kainan at hinugasan.Dali-daling tinungo ang water dispenser at umaasang mainit pa ang tubig.Kailangan kasing malambot ang pagkain niya.Success (parang natae lang ah)!Mainit pa ang tubig.Pagkatapos non,agad ko namang kinuha ang lalagyan ng kanyang gatas.Magtitimpla na sana ako kaso pagkabukas ko sa lalagyan ng kanyang gatas,tanging ang kutsara at tira-tirang gatas na nakadikit sa mga sulok ng lata ang aking nakita.Wala nang gatas.Tubig na lang ang aking kinuha.
Pagkatapos magpakain ng tuta, pinapasok ko ang aming pusa.Pinakain ko siya ng kung anu mang nasa kusina.Sabay na kumakain ang aming dalawang alaga sa magkabilang sulok at aking napagdesisyunang lumabas ng bahay at magtungo sa teris.Hawak na ang screen,itutulak na lang sana ang pintuan pero sa aking pagtulak ay sinalubong ako ng pwersa na hangin.Parang galit sa akin at ayaw akong palabasin.Nabulabog ang bahay ng kalampog ng screen.Lumabas ang aking lolo,nakasweater.Pumunta ako sa kusina at nagpasyang kumain na muna. Pagkatapos, umalis ang lolo ko ng may bilin,”Trisha, wag mong iiwan yung kandila!”.
Hindi ko iniwan ang mga kandila tulad ng bilin ng aking lolo.Sa halip, pinatay ko ang matangkad na kandila at hinayaang nakasindi ang maliit.Umaasang may pera pa sa wallet upang makapagpaload,kinuha ko ang wallet ko sa ibabaw ng lamesang bilog.Nilagay sa bulsa ng bathrobe at sinilip ang nangyayari sa labas.Malakas pa rin ang hangin.Umupo ako sa sofa at tiningnan ang aking pitaka.Syet!!!May 25 pesos pa pala ako sa pitaka ko.’Di ko inakala na may isang sampung buo at tatlong limang buo ang nagtatago sa nagpagkalinis-linis kong pitaka.Balak ko sanang mangutang muna sa tinadahan para makapagpaload lang.Tinungo ko na ang tindahan.
Sa aking paglalakad,suot ang aking pink na bathrobe,nakita ko ang mga kapitbahay naming nagpuputol ng sanga ng puno.Nakarating na ako sa tinadahan.Pinunta ko’y agad na nahulaan.Inabot na sa akin ang cellphone at tinype ko na ang number ko.Ayun unli na!
Nakapag-gm na ako at nakatext ang aking kaklase.Nag-uusap kami tungkol sa blog ko.’Di pa raw niya mabasa dahil ang bagal ng internet sa kanila.Ok lang yun sabi ko.’Di namin namamalayan,usapan nami’y napupunta sa kalikasan.Pagiging makata ay lumalabas,kanya-kanyang saloobi’y umaaklas.Hanggang sa dumating na ang aming kasambahay at nagsimulang magluto.Tinulungan kong maghiwa at ako na ang nagluto ng pangalawang putahe.Tumawag ang aming ina.Binigay ang numero sa pagpapadala ng pera.Hindi kami makapag-usap sa skype dahil brown out nga.Nag-text ang aking ama,hinahanap ang aking mga kapatid.Sabi ko’y wala, siya’y nagalit.Nagkwento ako sa kanya sa nangyari sa aki kaninang umaga.Barok na english, nabati niya.Pag-igihan ko pa daw dahil ako’y medyo magaling na at konting sanay pa ay gagaling na daw ako ng lubusan.Nag-iba ang kanyang mood.Natuwa ako.Hindi niya alam,ginamit ko lang ang pagkukwento ko sa kanya bilang pag-iisang tabi ng galit o inis na nararamdaman niya sa kasalukuyan dahil sa mga kapatid kong iniwan ako sa bahay sa gitna ng matinding pag-ulan.
UMAALALA
Nagsimula sa marahang pagpatak-patak
hanggang sa tuluyang humulagpos
mula sa mga ulap at bumuhos ang ulan.
Nagdiwang ang mga dahon
at ang mga ibon nama’y
isa-isang naghanap ng masisilungan.
Nahahati ang mundo sa ganitong oras,
may umaalala at
gumagawa ng alaala
gaya ng dalawang magkasintahang
dinaan ang lamig sa pagniniig
sa malambot at mainit na kama.
May nagdadalamhati
at mayroon namang nagagalak
ngunit sa sandali nitong pagalala
ay ramdam ko ang lahat.
Hindi ba’t umuulan din noon,
nang nagpaalam
at tuluyang lumisan ka?
-oddblood-
Isang bagay na na-miss ko agad nung unang mapadpad sa disyerto ilang taon na ang nakaraan, ang ulan.
Tunay ngang maraming maliliit na bagay dito sa Pilipinas ang napapansin lang natin kapag wala na sa atin, o kapag nasa malayong lugar na tayo.
Gaya nga ng ulan. Mabibilang mo sa daliri ng isang kamay kung ilang beses sa isang taon umulan sa Saudi. Napakadalang ng ulan, ni hindi agad naisip ng mga inhinyero doon na maglagay ng mga kanal na daanan ng tubig-ulan. Walang drainage at sewerage system, ‘ika nga. Kaya sa minsanang pag-ulan, baha agad ang mga kalsada.
Nang una akong makakita ng ulan sa Jeddah ay tuwang-tuwang nagpakabasa ako. Hindi ako tinawag na buwang o may sayad ng mga kasamahan. Homesick lang daw ako.
Dito sa Pilipinas, na binibisita ng may 30 bagyo sa isang taon – lagpas ito sa bilang ng lahat ng daliri sa kamay at paa – siguradong tatawagin kang praning kapag humiling ka pa ng ulan. Maliban na lang kung may El Nino.
At lalong hindi ka hihiling pa ng ulan ngayon matapos dumalaw si Ondoy na sinundan ni Pepeng (na hangganga ngayo’y hindi makapagdesisyon kung aalis o mananatili sa bansa) at Quedan.
Pero nitong huling mga taon, dahil siguro sa tinatawag na charter change, este climate change, nagbabago na rin ang klima sa buong mundo at medyo napadalas na rin ang bagyo sa Saudi. Ngayon nga’y bigla nilang naisip na kelangan na rin nilang maglagay ng mga kanal sa ilalim ng lupa. Nung paalis nga ako’y kaliwa’t kanan ang paghuhukay sa buong syudad para maglagay ng drainage system.
Naisip nila ’yun nung minsang bumagyo habang naroon ang tatlong milyong Muslim para sa taunang Haj o pilgrimage. Napakaraming pinerwisyo ng bagyo at baha at mayroon ding mga namatay. Tinandaan nila ’yun at ngayon nga’y lagi nang kasama ang drainage sa mga proyekto nila sa pagpapaunlad ng mga syudad.
Dito sa Pinas dati 20 lang kada taon ang bagyo pero naging mahigit 30 na nga ito kada taon ayon sa Pagasa dahil nga sa global warming, alias climate change. Pahamak kasi ’yang global warming na ’yan. Walang pinipiling lugar sa mundo. Sala sa init sala sa lamig.
Ngayong madalas ang bagyo rito, naiisip ko naman ang init ng disyerto at ang malagkit na pawis na tumutulo sa buong katawan ko.
Tama nga siguro ang sinabi ni Confucius noon na hahanapin mo lang ang kandila kapag wala nang kuryente.… A, hindi ba si Confucius ang nagsabi noon? Hmmm, sensya na, confused lang siguro ako.
Sa isang bahay sa isang baranggay sa Lungsod Quezon ako ipinanganak, lumaki at nagkaisip. Simple at payak ang aming pamumuhay ngunit hindi kailanman ako nakaranas ng kalunus-lunos na kalamidad sa aming lugar.
Umalis at nakipagsapalaran sa lugar na kailanman hindi ko pa natitirahan. Nag-aakalang mas makakabuti kung lilisan sa lugar na sinilangan.
Muli, maliit ngunit maayos ang aming tinitirahan. Masayang namumuhay ang nagsisimula kong pamilya. Puno ng pangarap at pag-asa. Mayaman sa ligaya at tawa. Hanggang dumating ang delubyong hindi inaasahan. Munting bahay nami’y binisita ng tubig bahang dala ng bagyong walang ‘sing dahas… ang pagsilip ni Ondoy sa aming munting tahanan.
Walang nag-aakala na mangyayari ito, maging ang mga kapit-bahay na nagsipaglaki sa lugar na iyon ay hindi makapaniwala sa nangyaring kalunus-lunos at kagila-gilalas. Walang handa. Walang naniwala na lalamunin ng baha ang buong baranggay ng lugar na aming tinitirhan.
Lahat ay nagtaka, walang naisalba ng lumalim ang baha at nagtuluy-tuloy na.
Umaga pa lang ay umuulan na ngunit hindi alintana ang panganib na amin palang mararanasan. Nagluto ng masarap ng pagkain para sa aming tanghalian. Kumain ng masaya at may ngiti sa mga mata. Pagkalipas ng ilang oras, parating na pala ang tubig-baha at sa ilang sandali, gatuhod na ang lalim. Unang inilikas, munti kong anak na walang muwang sa nagaganap na sakuna. Unting damit at gatas para sa kanya ang aming naisalba at kami’y nagpaalam na sa tahanang puno ng pangarap at munting yamang iniingat-ingatan.
Wala na akong ibang naisip pa kundi ang mailigtas ang munti kong prinsesa. Lahat ng tao sa aming baranggay ay lumisan tangay-tangay ang mabibitbit na basang kasangkapan. Hindi alam kung saan tutungo, hindi mawari kung anong mangyayari, ang tangi lang laman ng isip ay ang masagip ang sarili. Nakapagdurugo ng puso ang aming sinapit ngunit ako’y nagpasalamat sa Diyos at kami’y ligtas at may mga taong tumulong sa amin sa gitna ng bingit ng kamatayang aming naranasan.
Sa panahong iyon, doon ko nalaman na walang mayaman at mahirap ‘pag kalikasan na ang dumaing. Walang mayaman at mahirap sa gitna ng kalamidad. Walang mayaman at mahirap sa bingit ng kamatayan. At walang hihigit pa sa buhay ng pamilya kahit anu pang maiwan maisalba lang ang buhay ng bawat isa.
Meron nanaman yatang bagyo. Ang aga-aga e para nakong basang sisiw.
Wala akong payong, ayoko kasing bumili. Pakiramdam ko hassle lang yun pero nung nababasa na ako ng malakas na ulan kanina e naisip ko bigla ang payong. Since wala akong payong, sumusugod lang ako sa ulan. Madalas naman hindi malakas ang ulan kapag naglalakad na ako papuntang office pero kanina sobrang LAKAS talaga. Hahaha!
Pero praning yata talaga ako. Habang tumatakbo kasi ako sa ulanan eh parang na e-excite pa ko. Gusto ko kasi ang ulan (bakit? click here) kaya okay lang sakin maulanan pero wag naman basang-basa, gaya ngayon. Nakasampay tuloy ngayon dito sa drawer ko ang panyo, medyas at jacket ko. Nagpapaalam na rin ang aking sapatos dahil pinapasok siya ng tubig (wala pako naipon pambili, T_T).
Umaapaw ang tubig sa drainage, kala ko pa naman maganda ang drainage system dito sa Makati. Marami rin akong nakitang praning na sumugod din sa ulan pero sila walang panangga di tulad ko na may pananggang jacket (tumagal lang siya ng sandali, hindi ko rin siya nagamit ng matagal dahil basang-basa na agad, hehe).
Mamayang pag-uwi sana hindi na malakas ang ulan…..
ay oo nga pala, mga last week siguro yun.. wala akong magawa kaya napag-tripan kong maligo sa ulan. haha! sayang nga lang at mag-isa lang ako, mas masaya kc sana kung kasama ko ung mga kaibigan o kapatid ko hehe. hirap talaga pag may pagka loka-loka ano? :p
anywei, tnry ko naman mag-aya, ayaw nila raw nila  )
pictures below:
blurred
hmmm….ilang araw na nag-uulan ah! Gusto ko pa naman sanang gumala. Bakit kaya ang mga turista di man lang nagpapayong, ayun at tuwang-tuwa pang naglalakad sa ulan. Tampisaw sa ulan, ayun ….ang tagal ko nang di nagagawa ito ah!…
Blu!…..uy, ikaw pala Vebrette. …kanina ka pa ba dyan? Hindi naman….pero kanina pa kita pinagmamasdan ….doon sa aking bintana. Halika…sabay ka maglalakad lang ako sa buhanginan…sarap kasing maglakad na nakaapak at nababasa ng ulan ang mga paa….
Blu!….bakit ba lately iniiwasan mo ako?…di naman….anong hindi, madalas di ka na sumasabay sa pag-uwi, katwiran mo lakad-barkada…dahil ba sa sinabi ko sa iyo…hindi…wala yun…lately kasi may iniisip lang ako. Kung…hindi ko ba sinabi yun…wala kang iniisip ngayon? Siguro…ewan…sori ha…nadamay ka pa tuloy sa mga palaisipan ko…wag mo nang isipin yun…ang mahalaga magkasama tayo ngayon…
Blu!…ano ba…ang sabi ko uwi na tayo….ha…eh, bakit naman? ….pagod ka na ba? hindi…pero uwi na tayo! galit ka ba? halata ba? Sori na…ewan ano ba kasi ang laman ng isip mo….o marahil sino ang laman nyan?…ang hirap kasi….eto ako nagsusumiksik sa yo…kulang na lang yatang magmakaawa ako sa ‘yo….sori….sori na…..wala to pramis…ok …talunan na ako…talo na ako..at isuksok mo sa kukote mo na kailan man di na kita gagambalain…
Vebs…sori na talaga…namputsang buhay naman ‘to oh! bakit kasi di kita matutunang mahalin…ok ka naman, maganda…mabait…ano pa ang kulang sa ‘yo…siguro nga tanga lang ako…manhid …walang kwentang-tao….sori…ang hirap kasing turuan ang tibok ng puso….kung pwede lang sana…kaso hindi eh!…bakit naman kasi dumating ka sa maling panahon ng buhay ko…sana noon pa….
Blu..non viene con noi? ah si Charlie….tinatanong kung sasama ako…Si, vengo subito (oo, punta na ako dyan)….ang ulan nga naman….tulad ng dati nagbabalik ng mga alaala…kumusta na kaya siya…..sayang…sayang na sayang….bakit kasi dumating ka sa buhay ko na di na ako malaya…
er….sir Blu…c’e’ una chiamata (tawag po) ….grazie (salamat)…..chi e’? (sino daw?)…… Vebrette Villamin!
<object width='425' height='350'><param name='movie' value='http://www.youtube.com/v/1pPsVpsJHk8&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' /><param name='allowfullscreen' value='true' /><param name='wmode' value='transparent' /><embed src='http://www.youtube.com/v/1pPsVpsJHk8&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' type='application/x-shockwave-flash' allowfullscreen='true' width='425' height='350' wmode='transparent'></embed></object>
Dahil sa masalimuot na katangian ng mundo, maraming katanungan na naman ang lalong nagpagulo sa isip at pagkatao. Habang nakatitig sa kulay kahel na liwanag na nanggagaling sa poste sa may tapat ng simbahang katabi ng bahay na tinitirhan, hindi tumitila ang ulan at walang humpay ang pagpatak nito sa bubungan.
Bigla kong naalala ang sinulat ko kani-kanina lang:
“Hindi man gustong magsulat ngayon, hindi pa rin mapigilan ang sarili na ipakita sa mga salitang ito ang nararamdaman dito sa malamig na kwartong ito. Mas mabuting ibaling na lang ang isip sa lecture na itinuturo ng prof namin ngunit, dahil sa hindi masyadong pagkakaintindi sa aralin ay ang isipan ay tila patungo na naman sa kawalan. Para bang kahit anong intindi mo at pakikinig sa kanyang mga sinasabi, lalo ka pang napapalayo at naliligaw sa lugar na hindi mo pa napupuntahan.
Palaging ganito. Siguro, college life na nga itong maituturing. Mahirap nga. Ang buhay na ganito ay tila palagi kang nasa alanganin. Parang hindi mo alam kung saan ka patutungo kahit alam mo at nakatakda na sa isip ang mga pangarap na inaasam mo.
Nagsasalita siya ngunit kahit naririnig ang bawat salitang ibinubuka ng kanyang bibig, labas masok naman sa magkabilang tainga ang kanyang sinasabi. Naiintindihan naman kahit papaano ngunit hindi sa kalagayang buong-buo.
Noong una, naramdamang hindi karapat-dapat sa lugar na ito, na sana hindi ganito ang kinalalagyan, sana nasa ibang daan na lang. Pero sa mga naipundar ng oras, mga bagay, at kung anu-ano pang pag isinang-tabi ay masasayang, hindi na siguro kaya pang umalis doon. Parang ang pakiramdam ay isa kang daga at nadikit ka na sa pandikit na kulay dilaw na kahit anong pilit na palag mo ay hihigupin lang ito ang lakas mo hanggang sa ikaw ay makita na ng may-ari ng bahay. Patay ka na.
Nagsasalita na naman siya, pilit iniintindi, ngunit hindi pa rin mawari kung ano ba talaga ang kahulugan ng mga sinasabi.
Habang lalong lumalalim na tila nalulunod na sa mga salitang hindi matanto, lalo pang lumalamig ang kwartong iyon, lalong nilalamig ang mga katabi. Ang ilan, todo sa pagtutok sa kanya ngunit may kaunti pa ding pagkalito, ang iba ay may mababakas na lang na ngiti dahil hindi ganoon kalalim ang pagtingin sa buhay nila ngayon, kumbaga, tuloy lang kung ano ang magsi-dating. Kahit nahihirapan sa ngayon.
Tila palaging ang katapusang oras na lang ang iniintintay dahil nasasayang naman ang panahon sa ganitong pakikinig.
Ang mga salitang ito ay hindi ko naman itinututok na parang kanyon sa lalaking nasa unahan na iyon at wala naman akong masamang hangarin na ipagkanulo siya sa lahat ng nagbabasa nito bagkos ay sinasabi ko lang naman ang pakiramdam kung paano makulong sa isang mundo na noong una ay ginusto mong puntahan at sa huli ay gusto mo ng takasan.
Walang pinag-iba sa mga araw na hindi na bago sa aming lahat.
Unti-unting nalulunod pailalim. Hindi alam kung maiaahon pa ang sarili…”
Wala lang. Sulat ko ito kanina, noong mga panahon na dapat ay nakikinig sa klase ngunit sinubukan pa ding magsulat sa oras ng pagtuturo ng prof namin. Siguro naramdaman niyo na din ito. Lalo na ang mga bagong freshman na tulad ko, marahil noong una, mahirap talagang maituturing ang panibagong buhay na nasimulan pero gaya ng mga basag ng kasabihan na “kapag may tiyaga, may nilaga”, “kung may itinanim, may aanihin” at kung anu-ano pang tayo na mismo ang umimbento, tiyak, malalagpasan natin ang lahat ng yan.
Oo, maaaring maraming akala sa una, magkakamali sa pangalawa, babagsak sa ikatlo, malulungkot sa ikaapat, mawawalan ng pag-asa sa huli. Ngunit, pwede rin naman nating isipin na mas mag-iisip na tayo sa una, itatama ang mga pagkakamali sa pangalawa, papasa sa ikatlo, sasaya sa ikaapat, at magtatagumpay sa huli.
It’s never too late for everything. Walang makakapagsabi na hindi ka karapat-dapat sa pinili mong landas. Ikaw ang may katawan at ikaw ang binigyan ng buhay na nasa sa iyo. Wala ding makababatid na hindi mo kaya ang isang bagay. Kaya ng iba, bakit ikaw hindi? Walang nakakakilala sa iyo kung hindi ikaw lang.
Kaya ngayon, ituloy lang at ang lahat magiging ayos din ang lahat.
Kaya ngayon, habang hindi pa din tumitila ang ulan galing sa kalangitan, habang ang mga mata’y nakatitig sa kulay kahel na ilaw na iyon, habang dumadampi ang bawat patak ng ulan sa bubungan, habang lumalakas ang hangin at lumalamig ang paligid, habang ang lahat ng bagay na ito ay nakikita pa ng sariling mga mata, gawin mo na ang dapat mong gawin…^_^
***para mas masaya, unahing basahin ang Ano’ng Nangyari? Part 1. pero kung ayaw mo naman, keri lang. kaw bahala.
ala-una ng hapon. hindi ako makauwi ng dorm. malakas ang ulan at wala akong dalang payong – at gamit. mabuti na lang dahil naisip kong tumambay muna sa PhySci lobby. nakita ko sila Krizelle at Gigi.
-Krizelle, pa’no kaya ‘ko uuwi?  wala akong dalang payong eh.
-ayan si Gigi oh. sumukob ka na sa payong. papunta yang dorm.
magkaiba ang dorm namin ni Gigi kaya dapat sana mula sa dorm niya papunta sa dorm ko, magpapaulan na lang ako. pero mabait si Gigi. nag-abala pa siyang ihatid ako hanggang sa lobby mismo ng Unit 3.
pahabol na pasasalamat kay Krizelle, na siya palang may-ari ng payong na ginamit namin ni Gigi; at kay Gigi, na kahit mabasa ay inihatid pa rin ako sa dorm. malungkot ang mundo kapag walang mga taong kagaya niyo.
alas-dos y media ng hapon. nakasakay na ako ng jeep palabas ng campus dahil mabilis kong natapos ang Javascript quiz ni Sir Dulds sa CMSC100. pagdating ko sa sakayan ng bus, wala pang ibang mga commuters maliban sa’kin.
-sana may dumating kaagad na bus.
alas-tres ng hapon. wala pa ring bus. naiinip na ‘ko. labinglima na kaming mga naghihintay dito. tsk. tsk. tsk.
wala akong magawa habang naghihintay ng bus. napagdiskitahan ko tuloy magbilang ng mga dumadaang sasakyan.
hay salamat. pagkatapos ng ika-animnapu’t walong sasakyan na dumaan ay makakasakay na ‘ko.
alas-singko ng hapon. aargh! bumper-to-bumper ang traffic!
pagdating ng Muntinlupa nagsimulang bumagal ang takbo ng mga sasakyan. wala pa ring tigil ang buhos ng ulan. sa kasamaang-palad, hindi ako nagdala ng jacket. grabeng pangangatog ng tuhod ang inabot ko dahil sa sobrang lakas ng aircon sa bus na sinakyan ko. itinulog ko na lang para mainda ang lamig na makapanginig-panga.
alas-sais ng hapon. isang oras din akong natulog. nagising ako para malaman na nasa Muntinlupa pa rin ang bus at maramdamang hindi na ‘ko nilalamig. napabuntong-hininga na lang ako sa pagkainip.
napatingin ako sa labas. may nakita akong kung anong lumilipad sa langit, na kung titingnan ay parang UFO. tinitigan kong mabuti. magla-landing lang palang eroplano. unang makikita sa malayo ang maliit at umiilaw na bagay. ilang minuto lang ay isa ng malaking eroplanong lumilipad sa ibabaw ng mga sasakyan. nakakatuwang panoorin ang nakita kong pitong sunod-sunod na eroplanong nag-landing.
alas-siete y media ng gabi. sa wakas, nasa Mantrade na. pero wala pa ring tigil ang ulan at mabagal pa rin ang takbo ng traffic. hay anong oras kaya ako makakarating sa bahay?
nilalamig na naman ulit ako. naiinggit na ‘ko sa katabi kong may jacket.
alas-nuebe ng gabi. grabe! isang sakay na lang, nasa bahay na ‘ko. hassle ang bitbit kong backpack sa pag-akyat sa mataas na overpass. sabayan pa ng walang tigil na ulan.
sa loob ng jeep…
-bayad po. NGI. isang estudyante.
-piso pa.
-manong estudyante po ‘yan.
pambihira naman. piso na nga lang e. pero sabagay, sa panahon ngayon importante na din yung piso.
-paki-abot nga po ‘tong piso. salamat po.
alas-diyes ng gabi. dumating ako ng bahay na basa, nilalamig at gutom. almost 6 hours na biyahe. hay. di bale na. it’s good to be back home and i thank God for keeping me safe and sound.
ala-una y media ng madaling araw. ako na lang ang mulat pa sa buong bahay at gumagamit pa rin ng internet – at nagta-type ng Ano’ng Nangyari? Part 1…
woot. na-miss ko ang up-to-sawang paggamit ng internet. sulitin muna habang nasa bahay pa for the weekend.
alas-dos ng madaling araw. hindi ko na tinapos ang Ano’ng Nangyari kaya ginawa kong dalawang parts. dinalaw na ako ng antok. i’ve been up since 4 a.m. kailangan ko ng matulog. siyempre pray muna.
whew. nakakapagod ang araw na ‘to. but, after all, it really is God’s grace that saves the day.
One time, a new found friend (NFF… nyhahahahaha…)shared to me his thoughts when the RAIN FALLS…
He said that their was a time in his being that he cried when the RAIN FALLS. He remembered the instances when he was left by his mom for work. He beg his mom to stay but she never listened, this friend was always left with his auntie who used to have other precedence aside from him. He always felt that he was all alone specially when the RAIN FALLS, thus he saw him self crying.
He even composed a song entitled “BUHOS NG ULAN” and some of the lyrics goes something like these:
Marami ng naririnig, marami ng nakitang katotohanan,ngunit sadyang bulag at sugatan…
ayokong isipin na wala…wala… walang mapapala sa kakahintay ko syo…
Bakit di mapagbigyan??? Umaambon at Umuulan nanaman…
Ayoko nang maramdaman ang pag-buhos ng Ulan, nananaginip nanaman ako…
Ayoko nang maramdaman ang pag buhos ng ulan, nagtataka kung bakit ganito????
I guess, he just felt sad when it rains because of this exprience he had. Even now, when we talk, then saddenly it rains…he will always says “hala ang lakas ng ulan, Umuulan nanaman”….
For  plants, frogs,farmers and little children who want to play with rain….they could felt happier when the rain pours but for this NFF…its not…;’(
…….pre magdala ka nalang ng payong nyahahahaha…..(just to make him laugh)…:)
Syet. Tinotopak na naman ako.
Bigla na naman akong nalungkot. Leche kasing ulan ‘to. Sabayan pa ng malakas na hangin. Nakakadagdag sa pagkalumbay ng mga tao.
Medyo dumami na naman yung iniisip ko. Nalalapit kong birthday, na kailangan nga ata akong operahan, pera, siya, kung ano ba talaga kami.
Ayoko ng maging malungkot na naman sa araw ko. Nung nakaraang taon, naghanda ako at nagpainom ng bonggang bongga sa mga natatangi kong kaibigan. Pero, isang araw bago talaga yung berdey ko. Kasi, may inaasahan akong tao nung mga panahon na iyon. Yung ex ko.:D Dumating naman siya sa bahay nung berdey ko talaga. Me dalang peyborit keyk ko. Me nakalagay pa na, “happy birthday baby!”. Aww. Ke sweet diba.. Bumili pa kami ng icecream na peyborit ko din. Nanood kami dvd sa bahay. Nagluto ng peyborit pasta namin. Pero, ni hindi man lang ako ngumiti. At oo, sana, hindi na siya pumunta.
Nag-pacheck-up ako kahapon. Ayos naman daw sabi nung duktor pero kailangan pa din daw ako talagang operahan. Medyo kabado ako. Natatakot. Hay.
Pera.. kailangan ko ng pera. Marami akong kailangan bilhin at pagkagastusan. Kapag wala ako nakuhang pera, hindi tuloy lahat ng mga plano ko. At badtrip na ako buong taon.
Siya? Hmm, siya.. Yung “HAPPY THOUGHT” ko nga. Dalawang buwan na rin pala kaming nagaasaran, nagtatalo, nag-aaway, naglalabing paminsan. Dalawang buwan na rin pala akong nangangapa kung anu ba talaga kami. At kung may pag-asa ba talaga na maging kami. Malaya siyang umalis kahit kailan. Pero, kulang na ako. Iba na din ‘pag nawala siya.
Hay. Ulan, malakas na hangin, sana lang may maitulong kayo sa mga iniisip ko.
gray ang kulay ng langit. maya-maya lang maririnig ko na ang pagpatak ng ulan sa yerong bubong ng aming bahay.
sa pagbaba ng mga patak na ito mula sa kalangitan, ay siya namang pag-akyat ng mga pangyayari at alaala sa ibabaw ng karagatan ng nakaraan. dahil kapag umuulan, nagiging emosyunal ako. hindi ko alam kung dala nga lang ba ito ng kalungkutang kakabit na ng salitang ulan o kung sadyang kakabit na ito ng aking pagkatao.
ayaw ko kapag nagiging emosyunal ako. ayoko kasi ng inuungkat pa ang aking mga alaala. i’m the sort who doesn’t dwell in the past.
teka. hindi naman purong gray lang ang kulay ng langit ngayon. hayun at maliwanag sa banda roon ng langit. natutuwa naman ako. may posibilidad na hindi ako magreminisce ngayon.
pero hintayin na lang natin. kapag umulan, hihimlay na lang ako sa’king malambot na kama. hahayaan kong dalhin ako ng masarap sa pandinig na pagpatak ng ulan sa mundo ng mga panaginip. hindi ko kasi feel magreminisce ngayon kaya matutulog na lang ako.
at kung matalo naman ni Haring Araw ang pagdidilim ng langit, eh ipagdiriwang ko ang kanyang pagtatagumpay at muling magpapatuloy sa buhay hanggang sa matapos ang araw na ito.