Noong November 17 ay naipost ko rito ang saling-Pilipino ng tulang “Among Bandila” ni Tomas Baguio. Bahagi ang pagsiping ito sa piyesa ko hinggil sa dalawang tulang naisulat noong unang dekada ng 20th century na pumapaksa sa ating bandila. Narito ang orihinal na bersyon sa Sebuwano ng tulang ” Among Bandila:” (Aming Bandila)
Among Bandila (1907).
Tomas Baguio
Mao ang sa mahimayaong banagbanag
Sa Adlaw sa Kagawasan gibanwagan
Sa kahitas-an sa human malumpag
ang bilanggoan sa among Yutang Natawhan.
Sa kahitas-an (k)o, anaa siya, anaa
Ginahuros sa tanang kahanginan;
Apan nianang mananaog nga Agila
Dili madagit, dili kahilabtan.
Kay nasayud ang tubuok kalibutan
Nga tungud kaniya daghang nangagas
Nga dugo sa among mga kaigsoonan;
Busa alaut kaniya ang motampalas!
Nianang mga bulok niya nga bughaw,
Mapula ug maputi mobuling dili
Kanang mahugawng bulok sa katalaw
Nga sa pagkaolipon maoy buhing binhi
Kanang Adlaw ug tolo ka bitoon
Nga, mga maanyag,  gipatik kaniya,
Dili mangapala bisan dagiton
Si Pilipinas ning dakulang Agila
Oh, ang among Bandila ginasimba,
Ginalabanan namo sa gihapon
Sa tanang panahon ug bisan asa
Bisan pa sa baba sa Kamatayon!
Kon magun-ob ang Langit ug ang Yuta,
Kun kong kaniya wala nay kaugbokan,
Nga sa among Lubnganan kami mangita
Dapit diin gihapon siya kahalaran…
Sanggunian: Panulaang Cebuano (1993), pp.90-92 Tinipon ni Erlinda Alburo, salin ni Don Pagusara. May Pambungad ni Resil Mojares.
Malaking puwang ng pagsisiyasat ang mabubuksan kung ituturing ang tula bilang panlipunang sikolohiya. Maipapalagay na ang tula, gaya ng sikolohiya, ay bumubuo sa pag-aaral ng estado ng isip, damdamin, at katawan ng mga tao. Kung ganito nga, at kung hihiramin ang dila ni Carl Jung, ang tula ay maaaring maipailalim na paksa sa sikolohiya; at ang tula ay maaaring gamiting kasangkapan upang hawanin ang sukal ng loob, pagaanin ang isip, paginhawahin ang katawan, at ayusin ang ugnayan ng mga tao. Nagmumula sa magkabukod na larang ang “tula” at ang “sikolohiya,” na ang tula ay mapanlagom at malawak ang saklaw, samantalang ang sikolohiya ay tumutukoy sa maliit, espesyalisado, at esklusibong saklaw na may partikular na pagdulog sa kalusugan ng isip ng mga tao.
Kung babalikan ang astrolohiya, halimbawa, hahatiin ng astrolohiyang kanluranin ang personalidad ng mga tao alinsunod sa labindalawang planeta, na ang bawat planeta ay sumasagisag sa mga katangian ng tao. Hindi malalayo rito ang astrolohiyang Tsino, na ang personalidad ng tao ay ibinatay sa mga katangian ng hayop alinsunod sa pagbabago ng buwan. Ang ganitong pagdulog upang unawain ang magiging isip at damdamin ng mga tao ay maiisip na pagsasaayos at pagbubukod ng panlipunang ugnayan na may pagpapahalaga sa pakikipagkapuwa at pagtuklas sa angking kakayahan ng bawat tao. Ngunit higit pa rito, hinuhulaan ang magiging resultang ugnayan kapag pinagsama ang magkakaibang personalidad. Ang astrolohiya ay maituturing na ibang anyo ng sikolohiya, kung susundan ang teorya ni Jung, at ang kapangyarihan ay nakasalalay sa lawas ng mga sagisag na ginagamit ng salinlahi sa paglipas ng panahon.
Para kay Sigmund Freud, ang akdang pampanitikan ay sintomas ng sakit ng manunulat; na ang akda ay maitutumbas sa panaginip, samantalang ang awtor ang nananaginip. Taglay ng panaginip ang mga sikil na pagnanasa at maiitim na pangitain, at salamat sa panaginip ay napawawalan ang gayong pagpipigil para mapaginhawa ang isip at loob ng tao. Magagawa nang malaya ng manunulat ang anumang ibig niya sa loob ng kaniyang tula o katha, at mababatid ninuman ang sakit ng manunulat kung susuriin ang akda nito. Upang malunasan ang sakit ng isip, kinakailangang buksan ang kubling-malay (na naglalaman ng sukal ng loob), at iangat sa antas ng ulirat. Sinalungat ito ni Jung na naniwalang ang akdang pampanitikan ay hindi dapat maging batayan sa pag-aaral ng kalusugan ng isip ng awtor; ang akda mismo ang nagtataglay ng mga kubling-malay ng kapuwa tao at sangkatauhan.
Sa teorya ni Jung, ang psyche ng tao ay binubuo ng tatlong bahagi: ego (malay na isip), personal unconcious (pansariling kubling-malay), at collective unconscious (kolektibong kubling-malay). Bagaman ang unang dalawa ay binanggit na ni Freud, ang ikatlong katangian ang pinamahalagang ambag ni Jung. Nakaimbak umano sa kolektibong kubling-malay ang lahat ng karanasan ng sari ng tao, at bago pa man umano isilang ang tao ay mayroon na siyang taglay na karunungan. Gayunman hindi kaya ng tao na buksan ang gayong imbakan; maaapektuhan lamang umano nito nang di-sinasadya ang tao at ang kaniyang gawi o asal. Nakapaloob sa kolektibong kubling-malay ang mga arketipo, gaya ng mga sinauna at maalamat na hulagway na “ama” o “ina,” “hayop” o “bayani.” Malaki ang naitulong ng kolektibong kubling-malay upang ipaliwanag ang samot-saring sagisag at pahiwatig na ikinakabit sa isang bagay o pangyayari, at pinakinabangan nang malaki ng panitikan at iba pang sangay ng sining. Ngunit ang ganitong pagdulog ay lumalampas sa hanggahan ng agham at pumapaloob sa mga bagay na esoterikong bibigyang gulugod ng pananampalataya. Para kay Jung, may dalawang uri ng personalidad: una, ang introvert (palaisip), at ikalawa, extrovert (palakilos).  Kung sisipatin sa ibang anggulo, ang ganitong pagbubukod ng mga personalidad ay paraan ng pagsusuri kung paano pakikiharapan ang kapuwa tao, at kung paano tutuklasin ang sarili.
Kung ituturing ang tula na “salamin” ng panlipunang sikolohiya, ang tula ay maaaring sapitin ang kapalaran ng agham na nagsisikap na lutasin ang problema sa isip ng mga tao at isaayos ang ugnayan sa lipunan. Maaaring sapitin din ng tula ang kapalaran ng astrolohiya, na may pagbubukod sa mga katangian ng mga tao, at paghula sa maaaring maging resulta ng kombinasyon ng mga personalidad alinsunod sa ipinahihiwatig ng mga planeta. Maiisip ang tula na imbakan ng mga arketipo, at ang mga arketipong ito, bagaman hindi maugat kung saan nagmula, ay hahayaang maging meme na siyang magdudulot ng epekto sa asal o pagpapasiya ng tao. Ngunit ang tula ay hindi kasingkitid ng larang ng agham ng sikolohiya o astrolohiya; ang tula ay maaaring magbunyag ng mga kultura, kasaysayan, at pakikipagsapalaran ng isang lipi, ngunit hindi magwawakas doon ang silbi ng tula. Dahil kung hanggang doon lamang ang tula, wala itong kaibhan sa kronika at tala sa kasaysayang nagpapahalaga sa preserbasyon ng mga pangyayari. Ang tula ay nagsisikap na makamit ang malikhaing rekonstruksiyon ng mga pangyayari, bagay, tauhan, at iba na pawang makaiiral sa realidad ng guniguni at makatutulay sa materyal na realidad, kahit walang direktang tumbasan sa materyal na realidad at realidad ng guniguni. Ang naturang rekonstruksiyon ay ginagawa nang may lubos na pagkamalay ng matitinik na manunulat, bagaman hindi masasabi ang gayon sa lahat ng manunulat. Malawak ang posibilidad ng tula, at kabilang dito ang mga epikong pagdulog na nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ng mga bayani at pagbubuo ng kabansaan na mahirap arukin kung ang pagbabatayan lamang ay pagsusuri sa takbo ng isip at kislot ng damdamin ng mga tauhan, o kaya’y pagsangguni sa imbakan ng arketipo na lilikhain din mismo ng salinlahi para magamit ng susunod na mga salinlahi.
Maihahalimbawa rito ang Ullalim ng Kalinga na nagtatampok ng kakaibang katapangang sinusubok sa pakikidigma. Sa isang bersiyon na mula sa antolohiya ni Damiana Eugenio, aakitin ni Dulliyaw si Dulaw na nakatakdang magpakasal kay Ya-u. Mahuhulog si Dulaw sa bitag ni Dulliyaw, na naghain ng nganga sa babaeng napupusuan, habang nilasing isang gabi si Ya-u. Nang magbalik si Dulliyaw kinabukasan upang itanan ang dilag, nakasalubong niya ang isang mandirigma na mapapatay niya sa isang paghahamok. Mahuhuli at mabibilanggo sina Dulaw at Dulliyaw ng tropang Kastila, at nang ibibigay na ni Dulliyaw kay Dulaw ang isang nganga ay mahimalang naglaho ito at napulot ng dalagang si Dinanaw na naliligo sa ilog. Mabubuntis si Dinanaw nang nguyain ang nganga, ipapanganak si Banna sa takdang panahon, at si Banna ang pagkaraan ay papatay kay Dulaw. Ipababatid ng kasama ni Banna na siya ang anak ni Dulliyaw na ikinulong sa destakamento ng Sakbawan. Sasakay ang mag-ama sa sinag, at magbabalik sa nayon ng Mangobya. Mag-iibigan sina Dinanaw at Dulliyaw sa pamamagitan ng nganga, at magdiriwang ang buong pamayanan sa pagtatagpo ng mag-asawa. Sa ullalim na ito, pinahahalagahan ang nganga bilang sagisag at arketipo ng panliligaw, pag-aasawa, pagbubuntis, at pagbabati ng dalawang tao na mula sa magkaibang lipi. At ang anak ang nagsisilbing tagapag-ugnay upang magkatagpo ang dalawang tao na karapat-dapat magpakasal.
May isa pang bersiyon ang itinala ni Eugenio at higit na madugo ang pangyayari. Si Laggunawa ay napaibig kay Banna na nakatakdang ipakasal kay Dungdungan dahil nagbayad na ito ng dote sa magulang ni Laggunawa. Isang gabi, nagtagpo sa bahay ni Laggunawa sina Banna at Dungdungan, nag-away, at upang malutas lamang ang suliranin ay umisip ng pagsubok si Laggunawa kung sino ang higit na matapang sa dalawa. Sinuman sa kanila ang makaligtas sa pagtungo sa isang ili ay siyang magwawagi. Nagpunta si Banna sa Bibbila ay pinaslang ang lahat ng naninirahan doon. Nagkita sina Banna at Dungdungan, at sinabi ni Dungdungan na kung mapapatay ni Banna ang higanteng Uwon ay papayag na siyang mapunta si Laggunawa kay Banna. Pinatay nga ni Banna ang Uwon at inubos ang lahi ng Baliwon. Nagbigay muli ng pagsubok si Dungdungan, at pinatay ni Banna ang dambuhalang si Gittam. Tumanggi pa rin si Dungdungan, at ang pangwakas na pagsubok ay kailangang patayin ni Banna ang kaniyang tukayo na mula sa Agunawa. Pinugutan ni Banna ang nasabing tukayo, at itinakda ang pagpapakasal nina Banna at Laggunawa. Ngunit nanggulo pa rin si Dundungan, at sa bandang huli’y mawawakasan lamang ang paghahamok nang pumayag ibalik ni Awingan, ang ama ni Banna, ang doteng katumbas ng ibinayad ni Dungdungan sa ama ni Laggunawa.
Sa dalawang bersiyon ng ullalim, ang pagsusuri sa mga isip at kalooban ng mga tauhan ay hindi maikakahon lamang sa sikoanalisis ng agham, at maipapaliwanag sa mga limitadong termino gaya ng “muslak” (extrovert) at “sentimental (introvert)” upang ipaliwanag ang kasiningan ng salaysay o katangian ng mga tauhan. Ang buong akda ay hindi basta hinango sa materyal na realidad, bagaman posibleng may gayong kahawig na pangyayari; bagkus muling pagsasaayos ng mga kalagayan at pangyayaring kinakailangang gawing payak ng sikolohiyang umuugat sa mga sanhi ng sigalot. Higit pa rito, ang pananaw ay magbabago alinsunod sa pagtatanghal sa mga tauhang isinasatinig ng makata na malikhaing ibinabalangkas ang mga tagpong magkakaroon ng buto’t laman, at estetikang halaga at silbi, sa buong pamayanan. Kung paniniwalaan ang kolektibong kubling-malay ni Jung, ang pagpapakasal ay laging kaugnay ng bakbakan; kailangang may mamatay para may mabuhay. At ang nganga ay arketipong hulagway ng ginhawa na ang manipestasyon ay pagkakasal ng mga tao, pagbabati ng mga magkaaway, pagbubuntis ng isang dalaga, at pagsasanib ng dalawang lipi. Samantala, ihahaka naman ni Sir James Frazer sa kaniyang akdang The Golden Bough, na ang pamumugot ng ulo sa Ewropa, Kanlurang Asya, at Timog-Silangang Asya na kinabibilangan ng Filipinas ay may kaugnayan sa pagtatanim at pagpapayabong ng mais. Kung gayon nga, ang pamumugot ay arketipo ng sakripisyo ng buhay ng tao para sa pinaniniwalaang Maykapal, upang isilang ang mga pananim na siyang magbibigay ng pagkain sa sangkatauhan. Sa kabilang dako, ang pagpapahalaga sa “kasal,” “nganga,” at “pamumugot” ay umaabot sa arketipo alinsunod sa pagtanaw ng mambabasa na inilulugar ang sarili batay sa mga nagaganap sa mga tauhan. Ang naturang mga hulagway ay hindi magiging estatiko ang puwesto; mababago iyon batay sa paggamit ng makata o mambabasa o kritiko, at alinsunod sa nakikita nitong landas ng pagpapakahulugan.
Gumagamit ng isip sa paglikha ng tula, at ito ang malimit idahilan upang pag-aralan ang tula alinsunod sa ilang aspektong pangkaisipan. Bagaman saklaw ng tula ang usaping pangkaisipan,  ang pagpapalagay na mauunawaan, kung hindi man malulunasan, ang sakit o pinsala sa kolektibong isip ng isang lipunan sa pamamagitan ng tula o pagsusuri nito ang mabigat na palaisipan magpahangga ngayon. Mabigat naman ang ipinapataw na pagpapahalaga sa kolektibong kubling-malay, na parang ang lahat ng di-kayang ipaliwanag ay idaraan sa sinaunang hulagway at sagisag na pawang hinahanapan ng katumbas na pakahulugan at pahiwatig para pangatwiranan ang anumang sintomas, sakit, o pinsala na matatagpuan sa akda. Ang pagsusuri at pag-arok sa tula ay hindi payak na pagbabalik sa sinapupunan, at pag-alam sa abnormalidad ng DNA (Deoxyribonucleic acid) ng mga magulang o ninuno, upang doon mabatid ang problema o sikil na damdamin ng makata at ang sakit o salimuot ng kaniyang katha. Ang pag-arok sa tula ay hindi pagtatangkang buksan ang imbakan ng arketipo, dahil ayon na rin kay Jung ay hindi kailanman matutuklas nang ganap ang laman ng nasabing imbakang maipapalagay na walang hanggahan. Maraming maisasaalang-alang sa pag-arok ng tula, at kabilang dito ang pag-aaral sa panahon ng makata, at sa kapuwa kasaysayan ng panitikan at kasaysayan ng bansa, samantalang isinasaalang-alang ang pagbabalik sa mga sagisag, pahiwatig, at pagpapakahulugang matalik sa diskurso ng bayan at siyang ginamit sa tula.
Kung ang tula ay makapaglalaman ng kolektibong sagisag, lunggati, at damdamin ng bayan, ang naturang tula ay maaaring nakakikiliti sa bahagi ng maláy na kaisipan, gaya halimbawa ng tulang “Bayan Ko” ni Jose Corazon de Jesus na nilapatan ng musika ni Constancio de Guzman at sumikat hanggang Aklasang Bayan sa EDSA; o kaya’y ng mapaggigiit na indibidwalidad ng “Ako ang Daigdig” ni Alejandro G. Abadilla noong dekada 1940. Tradisyonal ang hulagway at sagisag ng ibong ginamit ni De Jesus sa kaniyang tula kung ibabatay sa mga unang kawikaan at tekstong Tagalog, samantalang sariwa ang pagpapamalay ng “daigdig,” “tula,” at “makata” sa akda ni Abadilla. Bagaman dumukal sa iisang imbakan ng mga salitang Tagalog ang dalawang makata, nagkakaiba ang mga nalikhang pagpapakahulugan dahil sa malikhaing kombinasyon ng mga salita. Mababatid na nagbabago ang datíng ng mga arketipo, kung ibabatay sa personang nagsasalita sa tula, at kung paano babasahin ng madla ang gayong persona.
May tula na makapagtataglay ng mga bagay na mula sa kubling-malay na maaaring nakaaapekto sa mga pananaw, pag-iisip, at pagpapasiya ng tao, at siyang dapat maunawaan, gaya halimbawa ng konsepto ng “dangal,” “puri,” “loob,” “kapuwa,” “bayan,” at iba pa, na pawang di-gaanong napapansin ng mga tao ngunit isinasaalang-alang sa pagpapasiya. Maihahalimbawa rito ang mga tula at katha nina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaseda, at Iñigo Ed. Regalado na gumamit ng konsepto ng dangal at puri sa pambansang antas, at maikokompara sa ideolohiyang ibig isulong ng Urbana at Feliza ni Modesto de Castro na ginamit ang pangangaral sa puri at dangal upang mapanatili ang kolonyal na kaayusan. Gayunman, hindi maipapalagay na ang tula ay may tiyak na lunas na gaya ng awit ng Ibong Adarna na sasagip sa naghihingalong hari, o magliligtas kay Don Juan na pinagtaksilan ng kaniyang mga kapatid para makamit ang trono ng kaharian. Makatutulong ang tula sa pag-unawa sa mga iniisip at kilos ng lipon ng mga tao, subalit dapat pang ibitin sa ngayon ang pagsasabing ang isang tula ay lumalagom sa kolektibong pag-iisip ng sambayanan dahil unang-una’y mahirap iyon mailangkap lahat ng awtor.
Kailangang pagpakuan ng pansin ang pagpapakahulugan sa tula. Kung ang tula ay sumasalamin sa sikolohiyang panlipunan o sikolohiya ng pamayanan, ang realidad ng tula ay maaaring may direktang tumbasan sa realidad ng lipunan, ngunit hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon. Ang tula ay mahihinuhang huhugot ng lakas sa mga sagisag at damdaming may kaugnayan sa pangyayari, tauhan, o pakikipagkapuwa mula sa isang tiyak na lugar. At ang mga sagisag at damdaming ito ang magiging diskurso ng taumbayan pagkaraan upang magkaunawaan ang mga tao. Kung isasaalang-alang ang mga bugtong at salawikain, ang mumunting tulang ito ay hindi lamang naglalarawan o nagpapahiwatig hinggil sa isang tao, bagay, o pangyayari, bagkus nagpapasok minsan ng mga kaisipan upang maisaayos ang ugnayan sa lipunan, at maitampok ang halagahan [values] at pagpapahalaga sa mga bagay. Maihahalimbawa ang sumusunod na kawikaan:
Ang tubig ma’y malalim
Malilirip kung libdin,
Itong budhing magaling
Ang mahirap paghanapin.
Sa tanagang ito, na itinuturing na salawikain, ang hulagway ng tubig ay itinataas ang pahiwatig at iniuugnay sa budhi. Ang tubig ay hindi basta likido; ito ay maaaring tumukoy sa sanaw, sapa, talon, ilog, lawa, o dagat. Ang pisikal na anyo ng tubig ay itinapat sa budhi na elementong matatagpuan sa kalooban ng tao. Kung madali umanong maarok ang tubig, hindi gayon kadali ang pagtuklas sa “budhing magaling” na makapagpapahiwatig ng kabutihan, katatagan, katwiran, at iba pang kaugnay na katangiang makapagpapataas ng pagkatao. Kasalungat ng “budhing magaling” ang “budhing masama” na nagsasaad ng negatibong asal ng tao. Ang konsepto ng tubig ay hindi puwedeng hugutin lamang sa imbakan ng arketipo; ang tubig o tubigan ay kailangan munang maranasan ng mga tao, at iba ang magiging pagsagap sa tubig kung ang mga tao ay nasa gitna ng disyerto o sa isang bundok na salat sa tubig-tabang. Ang budhi bilang imbakan ng arketipo at siyang maitutumbas sa “pansariling kubling-malay” o “kolektibong kubling malay” ni Jung ay mahirap matagpuan, lalo’t hindi mailalarawan o maipapakahulugan ang dalumat ng budhi alinsunod sa pananaw ng mga Filipino sa isang tiyak na panahon.
Mahalagang balikan kahit ang pag-aaral sa dalumat ng “loob” na kaugnay ng “budhi” ng mga Filipino kung isasaalang-alang ang ugnayan ng tula at panlipunang sikolohiya sa punto de bista ng mga Filipino. Inilista halimbawa ni Albert Alejo ang ilang konsepto ng loob sa sari-saring larang. Ang “loob” ay maituturing na yungib ng kaisipang Filipino, haka nga ni Emmanuel Lacaba. Para kay P. Leonardo N. Mercado, mauunawa ang loob at isip ng tao batay sa pagsusuri ng kaniyang salita at kilos dahil ang mga ito “ay bunga ng isip ng tao.” Para kay Zeus Salazar, ang “loob” ay nakatuon sa emosyon, samantalang ang “budhi” ay may aspektong moral at intelektuwal; at ang “kalooban ng budhi ay tungo sa unawa.” Kung pag-uusapan ang “loob” ay hindi malalayo ang “labas” dahil ang konsepto ng “labas” ay may kaugnayan din sa pakikipagkapuwa, pananaw sa buhay, at pagkilos alinsunod sa ibinubulong ng loob. Sa pananaw naman ng kritikong Virgilio S. Almario, ang tula ay kapuwa nagtataglay ng loob at labas; at may tulang paloob at tulang palabas. Ang loob ng tula ay ang anumang disenyo at likha ng makata; samantalang ang labas ng tula ay may kaugnayan sa pag-unawa ng mambabasa o pagsusuri ng kritiko. Ang tulang paloob naman ay higit na mapagmuni, at maitutumbas sa introvert ni Jung, at may katangiang tahimik; samantalang ang tulang palabas ay nasa anyong patanghal at pabigkas, na maitutumbas sa extrovert ni Jung, at siyang ikinakabit sa gaya ng balagtasan at iba pang tanghal-tula. Kung iuugnay ang ganitong mga katangian ng tula sa panlipunang sikolohiya, ang pag-urirat ng tula ay magiging dinamiko at maaasahang kakasangkapan sa samot-saring ambag ng iba’t ibang larang.
Magiging problematiko ang tula bilang salamin ng panlipunang sikolohiya kung ang tula ay ituturing at magwawakas na may iisang tabas lamang, na ikakahon ang pagdulog sa realismong panlipunan, at sumusunod sa kumbensiyon at inaasahan o abot ng alam ng madlang mambabasa o madlang nakikinig sa pagtatanghal ng tula. Ito ay sa pangyayaring puwedeng akalain na kung may kolektibong kubling-malay ang pamayanan, maaaari ding isipin ang kolektibong ulirat nito—ang ulirat na ang hegemoniya ay maaaring kumakatawan sa kung sino ang mayhawak ng makinarya at kontrol sa paghubog ng kaisipan ng mga tao at siyang ipinapaloob sa mga tula. Ang pagkakaroon ng iisang tabas ay maaaring dulot ng makapangyarihang impluwensiya, gaya ng paggamit sa padron ni Balagtas ng mga tagasunod niyang tinaguriang “Balagtasista” ni Almario. Ang kumbensiyon ay maitatakda ng wika at anyo ng mga tula, na pawang ipinalalaganap ng mga manunulat, at inaayudahan ng mga publikasyong nagtataguyod ng mga akdang komersiyal. Kahit ang akademya ay makapagpapalawig ng kumbensiyon sa pagtula, kung ang ituturo lamang nito ay ang mga sinaunang pagtulang animo’y nakikipagbalagtasan at iiwas pag-aralan ang anumang modernistang pagdulog na ipinakilala ng mga makata sa iba’t ibang panahon.  Ang kumbensiyon ay maaaring bunga ng mga pagsisikap na panatilihin ang anumang katutubong pagtula, gaya ng pagkasangkapan sa tugma at sukat, o talinghaga at dalumat, na pawang nag-ugat sa bansa. Ngunit habang lumalaon, ang labis na konserbatibong pagpapanatili ng katutubong pagtula ay mahihinuhang nakapagdudulot naman  ng pagkauyot ng pagtula ng susunod na henerasyon ng mga makata.
Magbabago ang pagtingin sa tula bilang salamin ng panlipunang sikolohiya kapag pinag-aralan ang mga koleksiyon ng mga tula ni Rio Alma. Tampok sa Muli, Sa Kandungan ng Lupa (1994) ang talinghaga ng pagbabanyuhay at resureksiyon ng isang bansa, na ang pangunahing halimbawa ay nakalahok sa mala-epikong “Oriental” na sumususog kung hindi nagdaragdag sa teoryang pampanitikan ni Edward W. Said. Bukod dito, nagpapanukala rin ang aklat kung paano babasahin ang panitikang Filipinas at uunawain ang konsepto ng kabansaan alinsunod sa pananaw ng mga Filipino. Isa pang maimumungkahing pag-aralan ngayon ng mga guro at estudyante ang pinakabagong epiko ni Rio Alma na pinamagatang Huling Hudhud ng Sanlibong Pagbabalik at Paglimot para sa Filipinas kong Mahal (2009). Ang Hudhud ni Rio Alma ay mapaglaro, mapangahas, at sabihin nang mailalaban sa pandaigdigang antas. Gagamit siya ng tatlong pilas na persona sa katauhan nina Aliguyon, Jose Rizal at Kabataang Di-Kilala. Ang tatlong personang ito ay sabay-sabay maglalakbay sa kani-kaniyang dimensiyon, makikipagdiskurso sa diwa ng kasaysayan samantalang makakabangga rin ang sari-saring tauhan sa kasaysayan, mitolohiya, kultura, politika, aliwan, at iba pang aspekto ng lipunan. Ang paglalakbay ng tatlong pilas na persona ay kaugnay ng paghahanap ng kabansaan, pagpupurga ng sarili sa imbakan ng arketipo mula sa kolektibong kubling-malay at dalumat ng Filipinas, kaya masisipat na ang wakas ng epiko ay hindi pangwakas, bagkus nagbabanta ng panibagong anyo ng hudhud na ang mitikong tagapagsalaysay ay ipagpapatuloy ang pagbubunyag ng sariwang pakikipagsapalaran at ang pagsisiwalat ng bagong anyo ng buhay at kabansaan.
Panimulang pag-aaral pa lamang ang papel na ito hinggil sa tula bilang salamin ng panlipunang sikolohiya. Mahirap ikahon ang takbo ng isip at damdamin ng lipunan, at gayundin, mahirap ikulong sa iisang pakahulugan ang tula. Sa ganitong pagkakataon, ang tula ay posibleng basahin sa iba’t ibang anggulo, at ang pag-urirat sa sikolohiya ng akda ay isa lamang sa maraming posibilidad ng pagbasa at pag-unawa sa kabuuan ng akda.
(Binasa ni Roberto T. Añonuevo sa Ikaanim na Neo-Angono Public Arts Festival na ginanap sa Regional Pilot School for the Arts ng Angono, Rizal, Filipinas noong 18 Nobyembre 2009.)
Karaniwan nang nakikita natin ang ating bandilang iwinawagayway sa mga opisina, paaralan, kampo o base-militar. Matagal nang naituro sa atin ang kahulugan ng bawat kulay  at ang araw at bituing nakatatak sa ating bandila. (Isinasasagisag ng asul ang “universality” habang isinisimbolo ng pula ang katapangan). Naitatampok na rin ang ating watawat sa ating pop culture, at maihahalimbawa dito ang dalawang kanta ni Francis M, ang “Watawat” at “Three Stars and a Sun.”  Itinampok na rin ng Rivermaya ang watawat nang gawan nila ito ng kanta na isinadya/”commissioned” para sa isang news program ng isang malaking broadcasting station.
Kaya tila mahirap nang madalumat na pinagdalamhati ng ating mga makata ang pagbabawal na maiwagawayway ito alinsunod sa atas ng mga mananakop.
Subalit sumapit talaga tayo ang panahong ito. Kung babalikan natin ang ating kasaysayan,  ipinagbawal ng mga Amerikano-sa pamamagitan ng Philippine Commission mula 1907 hanggang 1919 ang pagpapawagayway ng mga Pilipino ng bandila. Tinatawag itong “Flag Act” at isa itong amendment o dagdag na probisyon sa “Anti-Sedition Law” na ipinasa ng mga Amerikano upang maisupil ang patuloy pang paghangad natin sa kalayaan. Ayon kay Ambeth Ocampo: “(The Flag Law) made the public display of a Philippine flag tantamount to treason. If caught and proven gulity in court,the offender was punished by a prison term of not less than three months and not more than five years.” (Ocampo, 1994). Hindi pa kasama dito ang multang nagkakahalaga mula 500 piso hanggang 5,000 piso. Binawi lamang ang batas na ito ni Gobernador Heneral Francis Burton Harrison na nagdeklara pa ng “Flag Day” na siyang hudyat na pinapahintulutan ang mga Pilipinong iwagayway ang bandila.
Narito ang sipi ng dalawang tula ng ating mga naunang makata at paano nila ipinahayag ang kanilang pagmamahalsa bansa sa pamamagitan ng pagsaludo sa bandila.
“Ang Ating Watawat”
Ni Inigo Ed Regalado *mula sa kalipunang Damdamin: Mga Piling Tula
*binubuo talaga ang tulang ito 13 saknong subalit sinipi ko lang ang 5 saknong mula sa simula  at pangwakas na bahagi ng tula.
1.)
Sa puso ng lalong maliit na lahi,
sa diwa ng lalong bayang nalugami,
simulan sa lalong mababang uri
hanggang sa dakila’t matayog na Hari,
ay may isang bagay na dakila’t tangi,
isang kayamanan, isang pag-aaring
katumbas ng langit, ligaya’t l’walhati,
isang karangalang kapag inaglahi’y
ipinagtatanggol nang walang pangimi,
dugo at buhay ma’y di na sinusuri
matubos na lamang at huwag mapawi…
Iyan ang Watawat: Ang dakilang Ari!
2.)
Magmula sa mga maralitang bayan
na nakalipana sa Kasilanganan,
hanggang sa malaki at lalong mayaman
na nangakahiyas sa dakong Kanluran,
ay pawang mayroon niyang kayamanang
kalul’wa ng lahi at buhay ng buhay;
sila’y para-para na may kalayaan
naman sa pagsamba sa kanilang yaman,
sa Watawat nilang pamumuhunanan
ng buhay at dugo upang itangkakal,
pagkat ang bandilang mabaon sa hukay
sa lahing may-ari ay sapot na lamang.
3.)
Ngunit hintay muna! Ang ating Watawat
ay nasaan ngayon at di namamalas?
Tayo bagay’y wala at hindi katulad
ng maraming lahing may bandilang hawak?
Hindi!…Tayo’y mayro’ng maiwawasiwas
hanggang karurukan ng Dakilang Palad,
siya kung malasi’y mahal, nangungusap
at naglalarawan ng buhay at hirap
ng bayang sa kanya ay nagsasagisag;
siya’y sumisigaw na tayo’y di hamak,
api man sakali’y hindi sa hikayat
at ang nagkanulo’y libong Hudas!
4.)
Siya ang sa sungit sa gabing madilim
naging isang talang sinapot ng lagim
tatlong daang taong parang napahimbing,
at nagwalang-kibong wari’y hindi pansin
ang pansamantala ng maraming sakim;
kahit na lugami at dusta-dustain
ganda ng ugaling tanggap at tanggap din
sa nakikituloy at ibig humimpil.
Paminggala’y bukas sa bawat dumating!
Iya’y sumusumbat sa nagsisiriing;
Huwag lang mamatay ang dangal na angkin,
kahit na ang yaman ay sakmal-sakmalin!
13.)
Datapwat Lahi ko! Dapat kang sumigaw
Watawat mo; y hinging masamba’t
ilagay sa mahal mong lupa…Huwag kang humimlay:
alalahanin mong sa bayan mong mahal,
ang namamahala ay hindi na ikaw…
Interesante naman ang tulang “Aming Bandila” ni Tomas Baguio. Ipinapakita sa tulang ito ang pagpahayag ng isang makatang Sebuwano ng kaniyang pagmamahal sa bandila sa pagtula sa wikang Sebuwano rin. Patunay ang tulang ito na sumapit ang isang panahon sa ating bansa na tinangkang magkaisa ng mga Pilipino alang-alang sa pambansang kasarinlan.Binubo ito ng pitong saknong.
Aming Bandila
Ni Tomas Baguio (salin sa Filipino ni Don Pagusara)*mula sa kalipunang Panulaang Cebuano
Yao’y sa maluwalhating bukang liwayway
sa Araw ng Kalayaan binasbasang liwanag
Ng kaitaasan matapos  mawasak,
Ang bilangguan ng aming Lupang Tinubuan.
Sa kaitaasan, naririyan siya,
Hinihipan ng lahat ng hangin;
Matagumpay man ang Agila’y
Hindi nito magagalaw, hindi matatangay.
‘Pagkat alam ng buong mundo
Na dahil sa kanya, maraming dugo
Ng aming kapatid ang umagos
Kaya’t masasawi ang sa kanya’y tumampalasan.
Masdan ang kulay niyang bughaw,
Pula at puti ang hindi marurumhan
Ng maburak na kulay ng karuwagang
Buhay na binhi ng kaalipnan.
Iyang araw at tatlong bituing
Marikit na sa kanya’y nakatatak
Ay di mabubura, matangay man
Ang Pilipinas nitong malaking Agila.
O Bandila naming sinasamba
Ipagtatanggol at ipaglalaban ka
Kailan ma’t saan man,
Maging sa bingit ng kamatayan!
Sakaling gumuho ang Langit at Lupa
At walang sa kanya’y mapagtirikan
Asahang sa libinga’y aming ipaghanap
ng luga(r) na siya’y pagdalanginan.
Sanggunian: Panulaang Cebuano (1993) Salin ni Don Pagusara at tinipon ni Erlinda Alburo, pahina 91-92;  Damdamin: Mga Piling Tula (ni Inigo Ed. Regalado), Roberto Anonuevo (editor), pahina 179-185; “Thank You America” (1994) sa Luna’s Moustache, kalipunan, Ambeth Ocampo (1997).
Air Panas 24 Jam….
Sepanjang Hari…
Sepanjang Tahun…
Sepanjang Masa….
Satu lagi hadir pemanas air yang inovatif dari pelopor solar water heater “Solahart”.
Yaitu, Solahart “free heat” yang memakai kolektor panas matahari dari plat baja dengan pola multialur (36 alur) dan dilapisi black chrome, sehingga penyerapan panasnya lebih maksimal.
Tangki dilapisi dua lapisan keramik “enamel primaglaze” yang menepis karat, dilengkapi magnesium anode untuk penyerapan unsur CaCo (kapur) pada air berkadar hardness tinggi.
Pemanas Air Import dari Australia ini, kelebihan produk berdesain anggun dan eksklusif ini terletak pada heat dissipater-nya yang mampu mengurangi kelebihan panas pada tangki bila air di dalamnya lama tak digunakan.
Tangki menggunakan sistem isolasi yang rapat dan solid sehingga suhu tetap stabil dalam waktu cukup lama, dan air panas tetap tersimpan rapat dalam tangki.
Proses pemanasan air pada Solahart Free Heat antara 3 – 4 jam. Perawatan sederhana. Cukup dengan mengecek volume air aquades pada tangki sisi luar dan pada kolektor setiap 6 bulan, dan menguras tangki setahun sekali.
Tersedia dua ukuran: 180 dan 300 liter ( Volume Isi Tangki Full )
CV.SUKSES MANDIRI TEKNIK
Komp.Harapan Jaya Blok A292, Bekasi Utara 17142
Telp. (021) 88950987, 02168056898
Handphone : 0817186878, 081280873788
Website : www.suksesmandiriteknik.blogspot.com
E-mail : cv.suksesmandiriteknik@yahoo.co.id
Solahart L~Series
Air Panas 24 Jam, Sepanjang Hari, Sepanjang Tahun, Sepanjang Masa….
Satu lagi hadir pemanas air yang inovatif dari pelopor solar water heater “Solahart”.
Yaitu, Solahart “free heat” yang memakai kolektor panas matahari dari plat baja dengan pola multialur (36 alur) dan dilapisi black chrome, sehingga penyerapan panasnya lebih maksimal.
Tangki dilapisi dua lapisan keramik “enamel primaglaze” yang menepis karat, dilengkapi magnesium anode untuk penyerapan unsur CaCo (kapur) pada air berkadar hardness tinggi.
Pemanas Air Import dari Australia ini, kelebihan produk berdesain anggun dan eksklusif ini terletak pada heat dissipater-nya yang mampu mengurangi kelebihan panas pada tangki bila air di dalamnya lama tak digunakan.
Tangki menggunakan sistem isolasi yang rapat dan solid sehingga suhu tetap stabil dalam waktu cukup lama, dan air panas tetap tersimpan rapat dalam tangki.
Proses pemanasan air pada Solahart Free Heat antara 3 – 4 jam. Perawatan sederhana. Cukup dengan mengecek volume air aquades pada tangki sisi luar dan pada kolektor setiap 6 bulan, dan menguras tangki setahun sekali.
Tersedia dua ukuran: 180 dan 300 liter ( Volume Isi Tangki Full )
CV.SUKSES MANDIRI TEKNIK
Komp.Harapan Jaya Blok A292, Bekasi Utara 17142
Telp. (021) 88950987, 02168056898
Handphone : 0817186878
Website : www.suksesmandiriteknik.blogspot.com
E-mail : cv.suksesmandiriteknik@yahoo.co.id
Kilala mo pa ba kung sino ka?
Baka ginagawa mo lang lahat ng iyan
para mapasaya lamang siya.
Kung sabik ka sa kasama
dapat bang magkunwari ka pa
para makuha ang mga bagay na gusto mo?
Sabi mo, kailangan mo siya
sa tingin mo ba’y
may nangangailangan sa iyo?
Anong gagawin mo kapag sinabi niyang ayos lang kung mawala ka na?
There is so much to discover about the problem of Language Unity in the Philippines. While it is a known fact that:
Tagalog is the most-used language in the media, government, the education system, and in many Filipino publications, and that
it is also the oldest and widely-circulated language in the aforementioned systems,
there still lies the truth that as there are many regions in the Philippines which do not only view Filipino as a foreign language, but also find using it/interfacing with it either uncomfortable or intimidating at the worst.
As what it appears on my previous statement above, i was taught that Tagalog has the historical ascendancy among the other Filipino Languages. By ascendancy, i mean it is the language most used in different settings and different social environments for the longest time.
This is what i observed throughout history (unless  someone can show me the contrary point by point): Many of those who had the power to sway the nation’s destiny spoke and used Tagalog (as well as English) a lot (and in important functions).
These are just mere thoughts running on my head, along with memory fragments and hazy recollections from my readings, interactions, and encounters. I have not made up my mind about this, but i do know it’ll be somehow not easy to study two foreign language during the early grades.
The 2008 Multicultural and Literacy Education Act of the Republic of the Philippines or House Bill 3719 looks really promising. Pundits of course will point that a policy like this would then require national publications to be published in 7 languages (atleast).  That’s going to cost a lot!
Imagine an SSS E-1 form in several versions (Cebuano, Kapampangan, Tagalog, Hiligaynon, Bicolano, Ilokano, Tagalog and many more).
There’s also the risk of marginalizing speakers  of other languages in certain situations. Say, if a person speaks only Hiligaynon, and he goes to a predominantly Ilokano government office, then he would have a problem talking to any government employee in that office.
Much more problem if the office’s instruction posters are all written in English.
Now, there’s a lingering argument that attempts to answer that problem. A lingua franca. English comes in hand thanks to call centers and throngs of TOEFL/IELTS hopefuls (Koreans, Chinese, etc.). However, there’s the issue of nationalism.
And here we are again.
So I think the following links will give light about the whole shebang:
http://alimbukad.com/2008/11/04/filipino-at-ang-kaso-ng-multilingguwalismo/
http://aurelioagcaoili.wordpress.com/2008/10/26/countering-tagalism-and-tagalogization/
http://www.sawikaan.net/coroza.rtf
http://www.seameo.org/_ld2008/doucments/Presentation_document/NolascoTHE_PROSPECTS_OF_MULTILINGUAL_EDUCATION.pdf
http://www.dila.ph/
http://www.sawikaan.net/filipino_ang_wika.html
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/essays_on_philippine_languages.htm
http://www.sil.org/asia/ldc/plenary_papers/andrew_gonzales.pdf
http://www.americanchronicle.com/articles/view/11000#
Aking pikiwari’y di na ko muling makakatagpo
Ng tulang sing-ganda ng isang puno.
Isang punong uhaw sa ganda
Nakasandig sa matabang lupa;
Isang punong nakatunghay sa Maykapal,
Nakataas ang kamay sa panalangin buong araw;
Isang punong sa kabuuan ng tag-araw
Ay pugad ng mga ibong natatanaw;
Pahingahan ng ligaw na nyebe;
At lihim na kasintahan ng ulan.
Ang mga tula’y gawang mortal,
Ang puno’y lalang lamang ng Maykapal.
(mula kay pareng Joyce Kilmer)
Mahirap palang magsulat sa tagalog.
Sobrang dami kong naisusulat na pwedeng ilagay dito pero hirap akong maisalin ang mga iyon sa ating sariling wika. Ngayon ko lang lubusang masasabing talagang kahanga-hanga ang mga manunulat nating Pilipino. Akala ko noon basta maisip mo na, sisiw na lang ang paglalapat nito sa katotohanan. Aysus, mali talaga!
Sana nakinig ako sa mga guro ng asignaturang Filipino noon. Sana alam ko ang mga tamang paggamit ng mga salitang dapat noon pa’y alam ko na. Sana alam ko ang ibig sabihin ng salitang “naulinigan”.
Kasalukuyan kong tinatapos basahin sa Googlebooks ang librong The Indonesian Language: Its history and role in modern society (2003). Isinulat ito ng lingguwistang si James Sneddon; tinatalakay at isinalaysay rito ang ebolusyon ng Bahasa Indonesia bilang wikang pambansa . Bagamat sinasabi ng mga eksperto na ito rin ang wikang Malay na siya ring sinasalita sa karatig bansang Malaysia, sumailalim na ang Bahasa Indonesia ng mga pagbabago pagdating sa ortograpiya at mga salita dulot na rin ng paglalahok ng mga salita mula  na ng iba’t ibang wika (Javanese, Sundanese, Acehenese etc.). Pinagkasunduan lamang itong gamitin ng mga intelektwal at manunulat noong dekada 1920 at 1930 sa gitna ng  kilusang makabayan sa Indonesia upang makalaya mula sa pamumuno ng mga Olandes (Dutch).
Kahanga-hanga ang mga detalyeng tinalakay ni Sneddon sa libro. Kabilang dito ang paglahad sa naging pagbabago ng wikang Malay mula sa klasiko nitong anyo  (High Malay)patungong wika na sinasalita ng mga taong-mula sa iba pang pangkat etniko ng Indonesia (Low Malay at Creole Malay). Tampok rin sa librong ito ang baliktaktakang pangwika na naganap sa Indonesia lalo na yaong panahon ng pananakop ng mga Olandes (noong ang bansa ay tinawag pang Netherlands East Indies) hanggang sa makamit nito ang kasarinlan noong 1949.
Mahalagang kapulutan natin ng mga aral ang librong ito lalo na sa kabanatang 6 ,7 at 8. Nakatuon sa mga nasabing yugto ang usapin sa modernisasyon ng wikang Bahasa Indonesia. Kabilang dito ang pagkilala sa naging papel ng mga Indonesian na mula sa sari’t saring pangkat etniko at antas sa lipunan upang mabuo at mapormalisa ang wikang Bahasa Indonesian.-Kung iuugnay natin ito sa sitwasyong kinahaharap ng Filipino, nabanggit na pala ni Virgilio Almario sa isang panayam noong Marso 2009 na malaki rin ang naging papel  ng mga delegadong di Tagalog sa pagpapanukala at pagsasakatuparan ng wikang pambansa.- Bukod pa rito ang usapin sa kung paano tatanggapin ang mga salitang teknikal at Kanluranin habang tinataguyod ang mga katutubong salita. Ganito rin ang naging suliranin ng mga dalubwika (linguists) natin simula nang pormalisahin ang pagbuo ng isang wikang pambansa noong 1930s. Yamang ang kaibhan lamang ay patuloy pa nating pinagdedebatehan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wika na nakabatay sa Tagalog (o sa anupamang wika ng bansa)  sa kabila ng ilang pagpupunyagi na itaguyod ang wikang pambansa.
May mga puntos na inihain si Snodden kaya madali umanong natanggap at lumaganap ang Bahasa bilang wikang pambansa sa Indonesia. Aniya, matagumpay lamang na maipapalaganap ang isang wikang pambansa kung ito ay tanggap na ng karamihan sa mga mamamayan. Kaugnay rito ang pananaw na hindi papapabor sa isang pangkat etniko ang pagtaguyod sa wikang pambansa habang kinaliligtaan naman ang iba pang mga wika. Matatandaang ganito rin ang naging  opinyon ng iba pang mga manunulat at dalubahasa sa Pilipinas na may pagdududa pagdating sa pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang pambansa. Ani Snodden, naging bentahe ng Malay (na pinagbatayan sa Bahasa) dahil hindi ito ang wika ng isang pangunahing pangkat etniko sa Indonesia.
Mahalagang isaalang-alang ang puntong ito lalo na’t karamihan sa mga Filipino ay nagsasalita ng ibang wika na bukod sa Tagalog. Kailangan din isaalang alang ang potensyal ng mga wikang ito na makaaambag sa Filipino. Napatunayan na ng ilang proyekto gaya ng “Ambagan” ng U.P Sentro ng Wikang Filipino na kung saan nagmumungkahi ang mga eksperto ng mga salita mula sa ibang mga wika natin na maaaring isama sa Filipino. Kailangan lamang sigurong gamitin ang mga ito upang mapaunlad pa ang ating wikang pambansa.
Narito ang link ng librong The Indonesian Language: Its history and role in modern society:
http://books.google.com/books?id=A9UjLYD9jVEC&printsec=frontcover&dq=Indonesian+history&lr=#v=onepage&q=&f=false
Nitong nakalipas na bagyong ‘Ondoy,’ kapuna-puna ang salitang ‘rescue’ sa pagbabalita, kasama na rin sa pahayagan. Medyo kapansin-pansin sa mga tagapag-balita ang salitang kinakabit na ‘rescue’ sa pangungusap.
Katulad nitong nasa ‘YouTube’
<object width='425' height='350'><param name='movie' value='http://www.youtube.com/v/JGLejikY1CI&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' /><param name='allowfullscreen' value='true' /><param name='wmode' value='transparent' /><embed src='http://www.youtube.com/v/JGLejikY1CI&rel=1&fs=1&showsearch=0&hd=0' type='application/x-shockwave-flash' allowfullscreen='true' width='425' height='350' wmode='transparent'></embed></object>
Paano ba ginagamit ang ingles na ‘rescue’ sa tagalog?
rescue – saklolo o sagip
rescue me – saklolohan nyo ko
Galing sa Inquirer.net:
“Akala ko talaga katapusan ko na,” she gasped. “I never prayed so hard in my entire life. Dasal ako ng dasal na sana tumigil na ang bagyo at may mag rescue sa amin. Thank you to my brothers who saved my pamangkins and to Richard Gutierrez who risked his life to save me.
“Na-realize ko na bale wala mga material things. It’s just our relationship with God that matters in the end. Second life ko na ito. So gagawin ko lahat to be better. Ngayon ligtas na ko, punta ko sa relatives ko para magbigay ng tulong.” – Cristine Reyes
Pinanggalingan:
Ang nararapat:
Dasal ako ng dasal na sana tumigil na ang bagyo at may sumaklolo sa amin.
Kahit ang salitang ‘na-realize’ akin ring napansin. Dapat ay ‘napagtanto.’
Disclaimer: At some point I would end up contradicting myself. Rest assured that i will seek to unify the disjunct to the rest of my idea systems.
Kanina nanood ako ng TV. May babaeng  nag-uulat mula sa isang relief goods warehouse. Pinagkaka-kausap niya ‘yung mga volunteer-soldiers mula sa Philippine Army (ata).
Pero ang hula ko mga taga-air-force ‘yun. Bakit? Heto:
Reporter = “…kamustahin naman natin sila. Kayo po, Sir, saan p ba kayo naka-estasyon.”
Sundalo =  “Ano po, Ma’am, sa Villamor Air Base po.”
My opinion? Pangit pakinggan. Puwede naman sanang “naka-base” or nakahimpil.
Of course, pagagalitan ako ng prof ko sa opinion kong ito, sa kadahilanang
Ang wika ay ginagamit upang makipagpalitan ng mensahe sa pagitan ng dalawang panig.
Bukod pa roon, ang palagiang layunin ng palitan na iyon ay:
maihatid ang mensahe o impormasyon sa lalong mabilis o/at madaling paraan
In short, Simplicity. Mas maigue nga naman kung mayor ang gagamitin mo kaysa sa Punong Lungsod diba? O ‘di kaya’y Kongreso kaysa sa Mababang Kapulungan. Pero naman, will it hurt kung alam nila ang mga salitang gaya ng
ulat
katiwalian
himpil, himpilan and it’s variants
nayon
bayan
lungsod
lalawigan
Sana lang.
Sepanjang menuju pintu masuk komplek, nuansa Bali sudah mulai terlihat. Dari pintu gerbang kita bisa melihat suasana yang teduh dan rindang dihiasi kolam ikan di beberapa tempat, membuat suasana terasa tenang dan nyaman.
Puri Bali dibangun oleh developer Wika Realty, yang juga dikenal banyak menangani jasa kontruksi. Untuk Anda yang berminat membeli rumah di komplek ini, bagian blok yang kosong terletak dibagian belakang komplek, karna bagian depan tampaknya sudah penuh terisi.
Banayad na pandarahas na maituturing ang pinakabagong pakana ng pamahalaan na tiktikan ang Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera. Kahapon, nahuli ng mga security guard ng Mapayapa Village ang isang ahente ng Hukbong Dagat ng Filipinas na kumukuha ng retrato ng bahay ni Lumbera, samantalang nakatakas ang dalawang kasapakat nito.
Ang dalawang ID ni Korporal Hannibal Mondido Guerrero mula sa Hukbong Dagat ng Filipinas (Philippine Marines). Si Guerrero ang espiya ng pamahalaan laban kay Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera.
Nagngangalang Korporal Hannibal Mondido Guerrero, ang ahente ay pinalaya makaraang masiyasat ng mga tauhan ng seguridad ng subdibisyon.
Sa unang malas ay simpleng ehersisyo lamang ito, kung paniniwalaan ang palusot  ni Tenyente Koronel Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Hukbong Dagat, na sumasailalim umano sa pagsasanay ang nasabat na ahente. Kung ang batayang kurso ng Hukbong Dagat ay hanapin ang mga aktibistang alagad ng sining, ang kursong iyon ay dapat isailalim sa masusing pagbabago sapagkat kahit ang mga karaniwang kritiko ng pamahalaan ay ipinapalagay sa ngayon na mahigpit na kalaban ng pambansang seguridad.
Mahirap paniwalaan ang butihing Tenyente Koronel Arevalo, dahil ang karaniwang tinitiktikan ay nakatitikim ng pagdukot, pagpapahirap, pagkulong, kung hindi man tandisang asesinasyon, hindi lamang noong panahon ng Batas Militar bagkus magpahangga ngayon. Matagal na itong iniaangal ng mga aktibistang dumanas ng gayong pandarahas, at siyang  nagiging bangungot sa mga dating sundalong militar na nasa poder ng pamahalaan. Kahit hindi aktibista ay nakararanas ng pandarahas, at maihahalimbawa ang ginawang paniniktik bago ang pagpaslang sa mga testigo ng kasong Dacer-Corbito na kinasasangkutan ng mga kilalang personalidad.
Kung paniniwalaan si Direk Carlo J. Caparas, si Lumbera umano ay alagad ng sining mula sa akademya at walang pangalan. Ngunit kung walang pangalan si Lumbera, ano’t abala ngayon ang pamahalaan para alamin ang mga gawain nito? Para makilala ang dati nang iginagalang ng mga tagasubaybay ng sining? Para sa kaalaman ng lahat, si Lumbera ay hindi lamang aktibo sa pagsusulat, pagtuturo, at paggampan sa tungkulin bilang pambansang alagad ng sining. Kalahok din siya sa mga makabuluhang organisasyong gaya ng Wika Inc. (Wika ng Kultura at Agham Inc), ACT (Alliance of Concerned Teachers) Partylist, at iba pang samahang binubuo ng matitinik na manunulat sa Filipinas.
Nakatatakot ang ginagawang paniniktik kay Lumbera, dahil ang isa pang Pambansang Alagad ng Sining, sa ngalan ni Virgilio S. Almario, ay malapit lamang ang tinitirahan mula sa bahay ni Lumbera. Maaaring tinitiktikan din si Almario, dahil sa pagtuligsa nito sa administrasyon ni Pang. Gloria Macapagal Arroyo mulang patakarang pansining hanggang patakarang pangwika; ngunit para sa akin ay naglulustay lamang ng salapi ang pamahalaan sa gayong pagkilos.
Kapuwa masugid na tagapagtaguyod ng sining at panitikan sina Lumbera at Almario, at sino man sa kanila ang unang paslangin ng mga armadong grupo ay makatitiyak na isa na namang bayani ang lilitaw sa paningin ng taumbayan.
Bagaman dinaraan sa biro ni Kalihim Tagapagpaganap Eduardo Ermita ang paniniktik kay Lumbera, hindi dapat magwakas sa ganito lamang ang lahat. Nakataya ang seguridad ng pamilya ni Lumbera, at ang anumang sinadyang kapahamakang sapitin niya mula sa awtoridad ay kapahamakang tatamasahin din ng buong sambayanang Filipino. Hindi sapat ang paghingi ng paumanhin ng pamahalaan kay Lumbera. Dapat imbestigahan ang kaso, at patawan ng parusa kahit ang mga opisyal na nag-utos kay Korporal Guerrero dahil sa katangahan.
Maraming silbi ang paniniktik. Ang datos na makakalap ng espiya ay maaaring gamitin ng awtoridad laban sa tao na tinitiktikan. Sa kaso ni Lumbera, ang mga datos ay maaaring may kaugnayan sa kaniyang radikal na pakikilahok sa mga organisasyong may kaugnayan sa sining, panitikan, at edukasyon, at anumang taghiyawat na makukuha sa datos ay maaaring gamitin laban kay Lumbera sa legal man o extra-legal na pamamaraan.
Ikalawa, ang paninitiktik ay maaaring ginagawa upang maunahan ng awtoridad ang anumang plano ni Lumbera o kaya’y ng mga samahang kinaaaniban niya. Ang pagkuha ng retrato ng bahay ni Lumbera ay isang panig lamang, at hindi pa kasama rito ang pag-iipon ng materyales na makakalap mula akademya at aklatan, pribado at publikong ahensiya, panayam sa ibang tao, at iba pa. Ang paniniktik ay posible ring may kaugnayan sa eleksiyon, at lumalampas sa usapin ng kontrobersiya sa paghirang ni Pang. Arroyo ng mga bagong Pambansang Alagad ng Sining.
Ikatlo, ang pag-eespiya ay maaaring babala kay Lumbera na ihinto na nito ang ginagawang pagtuligsa sa mga maling patakaran ng pamahalaan. At ang kasunod nito, maaaring inihahanda na ang mga hakbang kung paano patatahimikin nang lubos ang isang alagad ng sining, at bigyang-daan ang gaya nina Carlo J. Caparas at Cecile Guidote Alvarez.
Ikaapat, ang paniniktik ay hindi simpleng pagsasanay militar lamang. Ang paniniktik ay hindi isinasaalang-alang ang importansiya ni Lumbera bilang Pambansang Alagad ng Sining, at itinuturing lamang siya na ordinaryong kritiko ng pamahalaan na maaaring patahimikin o sindakin kung kinakailangan. Kung si Lumbera ay ituturing na panganib sa pambansang seguridad, mahihinuhang sadyang sagad na ang kababawan ng utak at sensibilidad ng pamahalaan para maghari nang matagal.
salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo, at batay sa tekstong Ingles at Hapones ni Zoltan Barczikay at ni Gabi Greve.
Tula ni Manyoushuu
秋山の
黄葉を茂み
惑ひぬる
妹を求めむ
山道知らずも
Nabon sa bundok
ang mga dahong lagás.
Nang hinanap ko
ang naglahong kabiyak
ay naligaw sa súkal.
Tula ni Ryokan ( 良寛 )
世の中は
何にたとへん
山彦の
こたふる聲の
空しきがごと
Ano’ng kahambing
ng búhay sa daigdig?
Tila ba hugong
ng alingawngaw doon
sa bundok tungong langit.
Dalawang haiku ni Matsuo Basho
年暮れぬ
笠きて草鞋
はきながら
Lipas ang taon;
suot ko’y sambalilo’t
saping nilala.
借りて寝む
案山子の袖や
夜半の霜
Hihimbing ako;
Magdaramit ng balyan
ngayong taglamig.
Renga ni Sougi (1421–1502)
Hito wo yume to ya
omoishiruramu;
sumi suteshi,
sono wa kochou no
yadori nite
Mababatid mong
pangarap itong búhay:
ulilang bahay
na ang hardin ay hitik
sa paruparo.
Tulang Tuluyan ni Ryūnosuke Akutagawa (芥川 龍之介)
十七
藻の匂の満ちた風の中に蝶が一羽ひらめいてゐた。彼はほんの一瞬間、乾いた彼の唇の上へこの蝶の翅（つばさ）の触れるのを感じた。が、彼の唇の上へいつか捺（なす）つて行つた翅の粉だけは数年後にもまだきらめいてゐた。
Paruparo
Kumampay ang paruparo sa simoy na amoy-lablab. Biglang nadama niya sa kaniyang tuyot na labi ang hipo ng mga pakpak ng paruparo. Lumipas man ang mga taon, ang gabok na lumapag sa kaniyang labi’y nananatiling kumikinang.
Unang-una,  lubos akong nagpapasalamat sa mga taong dumating sa lunsad-aklat ng aking kauna-unahang nobela noong Agosto 27, 2009 sa Tereso Lara Seminar Room ng Pamantasang De La Salle-Maynila. Kay Dr. Beth Morales-Nuncio na tinanggap ng buong puso ang regalong ito sa kaarawan niya, kay Dr. Fanny A. Garcia na bumansag ng “flash novel” sa akda ko, Kay Dr. Josefina Mangahis na unang tumawag sa aking nobelista, kay Wena Festin na napraning sa isang karakter sa nobela at siya na ring nag-edit ng manuskrito, kina Rod Yabes at Randy Nobleza na tinawid ang Maynila mula UP Diliman, kay Dr. Omel Hernandez sa ilang detalye ng salin at pagbabalik-kasaysayan, Dr. Yum Demeterio na nag-emsi, kay Dr. Isagani Cruz na hinabol ang okasyon kahit tapos na ito, sa mga kaguro sa Departamento ng Filipino at mga estudyanteng Lasalyano  - maraming-maraming salamat po sa inyo!
Nang binasa na nina Beth, Wena, Omel ang paborito nilang bahagi sa nobela, naramdaman kong nakahiwalay na sa akin ang texto. Naiilang ako’t naninibago. Ganoon pala iyon, kapag tapos nang isulat – nagbabagong-landas ang akda, bumibitiw sa may-akda. Dati rati’y abstrakto ko lang itong nalaman sa mga babasahin sa kritika. Iba kung ikaw na ang lumikha. Sabi ni Dr. Fanny iba ang boses ng mambabasa sa boses ng manunulat. Kaya nang sinabi niya sa akin na tawa siya nang tawa nang binabasa niya ang akda, di ko alam kung bakit. Alam kong seryoso ako noong sinulat ko iyon. Gayon din si Beth, walang humpay sa katatawa. Ginamit ko raw ang estilo’t dulog ng “pantawang pananaw” na dinalumat ko sa MA tesis ko sa UP. Basta ang genre ko’y detective fiction na political thriller din. Binalikan ko ang diktador ng batas militar, si Presidentita, ang Presidenteng Heneral, artistang Presidente at si President Laine Monteclaro-Santos.
Bakit kailangan ninyong basahin ang nobelang ito?
1. Wala lang dahil siguro trip ninyo.  Ayokong mamilit. Sabi nila kauna-unahan ang ganitong klase ng nobela na tahasan at lantarang sinangkot ang mga politikal na tauhan (direkta man o alusyon lamang) ng ating bansa.
2. Mabilis ang takbo ng istorya. Walang paligoy-ligoy. Kaya’t di mabitaw-bitawang basahin ng mambabasa. Nakatulong din daw ang magaang na pagkagamit ng Filipino. May ilang Ingles din pero kailangan kasi sa kuwento.
3. Huhulaan ninyo kung sino si ganito, ganire, ganoon? Sino ang pumatay, nagpapatay? Ano ang motibo? Bakit pinatay? Sino ang nakatuklas ng krimen, sabwatan, kudeta, at planong asasinasyon sa Pangulo ng bansa?
4. Ginamit ang mga lokal at pamilyar na lokasyon ng kuwento – DLSU, UP, Ateneo, Malacanang, US Embassy, PNP, AFP, Maynila, QC, Makati, Caramoan CamSur at marami pang iba.
5. Pakakaabangan ang “twist” ng kuwento. Meron ba? Ano at sino si Ultramar? o Ultraman?
6. Trilohiya ito. Dalawang nobela pa ang susulatin ko, tampok na bida pa rin ang professor na taga-La Salle. Yung ikalawang nobela, naibunyag ko na kay Dr. Isagani ang plot. Abangan na lang ninyo!
Sana’y mabasa ninyo. Kung meron mang pagkukulang o pagkakamali ang nobelang ito, inaako ko po ang mga ito…
Nakakalungkot isipin na ang ilan sa ating mga kababayan ay hindi nabibigyang pansin ang kagandahan ng ating wika. Kung mapapansing mabuti, ang karamihan sa ating mga pampublikong dokumento ay nasa wikang Inggles. Gayundin, ang mga pangunahing pahayagan ay nasa wikang Inggles, maliban na lamang kung ang isang kolumnista ay gagamit ng wikang Filipino para sa kanyang kolum. Ang mga pinuno natin ay gumagamit ng wikang Inggles imbes na Filipino sa kanilang pag-uusap. Ang mga nasa mataas na bahagi ng lipunan ay mas matatas pa sa ibang wika kaysa Filipino.
Pero kung bibigyang tuon, mas buhay ang wika natin dahil nabibigyang kahulugan nito ang mga maliliit na detalye na naitatago o naikukubli kapag ginamit ang wikang banyaga. Isa sa mga magandang halimbawa ng buhay na salita  sa Filipino ay ang salin ng salitang rice. Ang rice ay ang pangunahing pagkain ng mga Filipino. Bahagi ito ng ating almusal, tanghalian, hapunan. Sa merienda, bahagi pa rin ang rice sa anyo ng mga suman at kakanin. Ano nga ba ang rice sa Filipino?
Walang tuwirang salin ang salitang rice. Ngunit may salin ito sa iba’t ibang gamit nito sa ating buhay. Kapag ang rice ay nasa anyong halaman pa, nakatanim sa kabukiran, tinatawag natin itong palay. Matapos ang pag-ani, ang rice ay nagiging bigas. Ang nalutong bigas ay tinatawag na kanin. Pero hindi rito natatapos ang pagbabago-bago ng salita. Kapag ang kanin ay medyo nasunog, tinatawag na itong tutong. Kapag ang kanin naman ay hindi naubos at umabot sa susunod na kainan, tinatawag na itong bahaw. At kung ang kanin ay nalaglag sa sahig, o natira sa pinggan, tinatawag na itong mumo.
Kahit ang ilang salita na tumutukoy sa rice ay may iba’t ibang ibig sabihin sa ating wika, ngunit may ibang diin sa pagbikas. Halimbawa ay ang mumo na tumutukoy rin sa multo o ghost. Ang tutong naman ay maaaring tumukoy sa isang pagkain o minatamis na gawa sa malagkit na bigas at munggo.
Bukod sa rice, ang salitang sit ay may iba’t ibang salin ayon sa pagkakaupo ng tao. Maliban sa karaniwang salita na upo, nariyan rin ang mga katagang likmo, lukluk, talungko, lupasay, kandong, kuyakoy at kuyakos. Ang mga salitang ito ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan at anyo ng pag-upo ng isang tao; hindi ito katulad ng sit sa Inggles na tumutkoy sa pag-upo lamang sa isang upuan.
Ang upuan o chair sa Inggles ay maaari ring tawagin bilang salumpwet. Ang kataga ay tumutukoy sa ginagampanan ng bagay at hindi lamang nakatali sa pagiging bagay nito. Mayroon din tayong tinatawag na bangko, isang uri ng upuan.
Ilan lamang ito sa mga halimbawa ng mga salita na nagpapatunay na buhay na buhay ang ating wika. Kahit ang puno ng buhay ay tinutukoy ng dalawang salita: niyog at buko, di tulad ng Inggles na sapat na ang coconut.
Oo, nagwakas na naman ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taong ito.
Sa aming paaralan, nagtapos ito sa pamamagitan ng isang culminating activity kung saan ihahandog na sa mga nagwagi sa iba’t ibang paligsahang naganap sa buong buwan ng Agosto ang kanilang mga napanalunan at ang kanilang mga premyo.
Sa kasamaang palad, natalo kami ng mga kasama ko sa balagtasan na naganap mismo sa araw ng culminating activity.  Inasahan ko ring mananalo sina Ardrich at Janea sa kanilang dueto ngunit ako ay nagkamali.  Pero ayos lang dahil nasiyahan naman ako sa kanilang ipinakita.  Bravo!  Napakagaling niyong tunay!
Napakasaya nga… bili rito, bili roon, benta rito, benta roon.  Hehe…  Tapos ‘picture-picture’ na.
Ating ipagpatuloy ang pagtangkilik at pagbibigay ng halaga sa ating sariling wika!  Huwag tayong matulad o maging mas masahol pa sa isang malansang isda.
. . PICTURE PICTURE!! . .
↓ Kasama ang mga TPH [The Paulininan High] staff sa loob ng AVR ↓
↓ TPH staff kasama si Ms. Jenzky, ang aming Paper Adviser, sa Main Building↓
↓ ang mga binibining Mattheans ↓
Mahahanap niyo ba ako sa mga larawang nasa itaas??? XD
Nagpapasalamat nga pala ako kay binibining Nikohla Inofinada dahil kinuha ko ang mga larawan nasa ‘Picture Picture!!!’ sa kanyang FaceBook.
AT SIYEMPRE… ESPESYAL NA PASASALAMAT KAY BINIBINING JESICA FAITH SAVELLANO PARA SA PAGKUHA SA LETRATO SA ITAAS NITO.   thanks PARTNER!!
Kasama ang mga TPH [The Paulininan High] staff sa loob ng AVR ↓
About two years ago, I had read an article from a local newspaper in Leyte. The columnist is lamenting about the Filipino subject that is being taught in elementary and high schools. He commented that the schools are forcing the Filipino language to the minds of the children. He said that it is much better if the schools teach more about the Visayan language and other language native to Leyte.
Sympathies like these are not uncommon. The Cebuanos, for instance, will prefer the use of English as an alternative to the Visayan language. For them, the Filipino language is a derivative of the Tagalog language and accepting it as a national language will render the Visayan tongue as only second to the Tagalog. Sympathies like these appeals to the regionalistic mindset of many Filipinos, though it really has a strong basis.
The Filipino language is indeed the derivative of Tagalog. However, to say that Filipino is Tagalog is wrong since the Filipino language had evolved from the Old Tagalog by incorporating words and phrases not only from English and Spanish but also from other local languages as well. The two languages are becoming distinct at the extent that the speakers of Filipino have a hard time understanding many Tagalog language.
History will tell us that the establishment of Filipino as the national language was initiated by President Manuel Quezon, who is a Tagalog. However, to say that its establishment is politically motivated is wrong since the members of the Commonwealth are not constituted by Tagalogs only. Filipino language borrowed heavily from Tagalog because of the fact that Tagalog is the language that had wide currency throughout the archipelago.
Filipino language has come a long way since its inception. Many Tagalog words became out of currency and replaced by more popular terms from other languages. As of the moment, Visayan words are gaining currency thanks to the local FM stations that are playing Visayan songs and sound clips popularizing Visayan words.
August is “Buwan ng Wika” or the month of the National Language. Let us enrich our language, which is our heritage. As for the teaching of Filipino in local schools, I think it should still be continued.  However, I think that is also better if the our school will offer subjects teaching other languages as well like Visayan, Bicolano, Hiligaynon, Old Tagalog, Ivatan and all other languages so as to preserve it. At the threat of globalization, local languages are dying out in many parts of the world. The only way of preserving our language is by immortalizing it in our minds.
Maraming salamat po.
Follow me in Facebook and Twitter!
Visit me in Before the Eastern Sunset and read my lamentations about PGMA’s lavish dinner at Le Cirque in the blog post entitled “Of 1 Million Peso Dinner and Hungry Filipinos.”
Lihim ng Ultramar - malapit nang lumabas sa ilang piling bookstore!
sipi mula sa nobela, eksena sa UP Diliman:
Humahagibis sa takbo ang isang cameraman at reporter mula sa ABS-CBN para i-cover ang lumalaking rali sa UP. Wala pang ibang istasyon. Kaya eksklusibong-ekslusibo ang kanilang coverage.
“Ano po ang pinaglalaban ninyo?” bungad ng reporter sa isang lider-aktibista. Inaadjust naman ng cameraman ang bitbit niyang kamera at anggulo ng kuha.
“Sobra na ang planong pagdadagdag sa gastusin naming mga estudyante. Hindi na makatarungan ang pagtataas ng tuition fee.” Nakabaling na ang ulo ng estudyante sa grupo nilang papaalis patungo sa harap ng Malcolm Hall habang sumusunod ang reporter bitbit ang mic at pilit na itinatapat sa bibig ng iniinterbyu. Naka-ball cap na pula ang estudyanteng ito, nakasuot ng t-shirt na itim na may disenyo ng nakabalandrang mukha ni Mao Tse-tung.
“May plano raw na gumawa ng mall mismo sa loob ng campus. Gaano ito katotoo?” Usisa ng reporter.
“Tama iyon, balak nilang gibain ang shopping center at palitan ng mini-mall. Popondohan ito uli ng Malaya Land Inc. na sa tingin namin ay nabili na ang kalahati ng ari-arian ng UP.”
“Di ba’t nagrerenta lang sila sa properties ng UP?”
“Hindi ganoon ang pagkakaalam namin!”
“Kung binibili na unti-unti ng Malaya ang UP, bakit kailangan pang taasan ang tuition fee?”
“Sabwatan ito ng Malacanang, admin at Malaya Land. Gusto nang isuko ng pamahalaan ang obligasyon nila para sa isang mura, dekalidad, at progresibong edukasyon na laan sana sa mahihirap. Sa bansa natin, negosyante na ang nagmamay-ari ng mga institusyon ng edukasyon, kasama na dyan ang UP.”
Humihingal na ang estudyante dahil kada tapos sa binibitawang salita para sa panayam, panay naman ang sigaw ng
“IBABA ANG TUITION! NO TO TUITION FEE INCREASE!”
“Iho sino ang kasama ninyong mga titser?”
Itinuro ng estudyante si Prof. Ishmael Cruz na limang metro ang layo sa kanila. Takbo kaagad ang reporter at cameraman. “Sir, si Shirley Tudla po ito ng ABS-CBN News…”
Napalingon ang faculty regent. “Hi Shirley!”
“Bakit po kayo nag-walk out sa miting ng Board of Regents?
Malalim munang nag-isip ang regent. Matikas ang tayo ng faculty regent. Dati siyang piloto ng Philippine Airforce. Nang sumapit siya sa edad 40 maaga siyang nagretiro bilang piloto at piniling magturo sa UP Visayas sa loob ng 19 taon. Tubong Tacloban, Leyte. Dumating siya sa UP Diliman dalawang taon na ang nakakalipas nang mangailangan ng guro sa aviation engineering ang College of Engineering para sa executive courses nito katuwang ang Philippine Airlines. Noong nakaraang taon, nahalal siya bilang faculty regent. “Kailangang gawin ang dapat gawin, kailangang manindigan sa tama.”
“Ano po sa tingin ninyo ang magiging desisyon ng board?”
“Naku, wala nang desisyon dahil lutong macao na iyan. Bago pa man ang pormalidad, napagkasunduan na ang mangyayari.” Nakasuot ng puting polo barong si Prof Cruz at marahang nagmamartsa. Bakas sa mukha niya ang kapanatagan ng loob at determinasyon sa ginawang desisyon.
Lumagpas na ng College of Engineering ang mga raliyista na umaabot na sa humigit-kumulang 1,200 katao. Nabaling ang kamera sa sumusugod na pulutong ng UP Police mula sa lagoon. Lumabas din ang iba mula sa tabi ng University Theater may dala-dalang malalapad na shield. Sumilbato ang isa at mabilis silang nagtipon sa harap ng mga raliyista. Naka-V shape ang kanilang formation. Samantalang ang mga “batuta boys” ay humilera sa tabi ng daan para bantayan ang patungo sa lagoon malapit sa Administration Building.
Hinatak ng reporter ang kable ng mic at ibinaling sa regent. “Sir ano po ang gagawin ng grupo ninyo? Mukhang ayaw kayong paratingin sa harap ng admin building?”
“Shirley, ngayon lang ito mangyayari na hinaharangan kami sa isang malayang unibersidad. Wala ng pinagkaiba ang admin na ito sa mga nakaupo sa Malacanang! Takot sa rali! Takot sa katotohanan!” pasigaw na sagot ni Prof. Cruz dahil nagkagulo nang bahagya ang hanay ng mga raliyista.
Kinuha ni Prof. Cruz ang megaphone at dumistansiya ng pasulong sa grupo, umikot ito at humarap sa raliyista.
“Mga kasama, huwag kayong matakot! Hindi nila tayo kayang saktan sa loob ng UP!”
Malapit nang magtakip-silim, 6:06 na ng gabi. Mayroong 50 kabuuang puwersa ang UP Police kasama ang mga volunteer nito. Nagwang-wang ang padating na 2 trak ng bumbero mula sa QC Fire Department. Nagliparan ang pulutong ng mga kalapating nasa mga sanga ng punong acacia. Tila tinatalo ng wangwang ang ninenerbiyos nang sigaw ng mga raliyista. Isang utos lamang paliliguan sila ng tubig at ididispatsa palayo sa admin building. Naka-stand down ang UP Police, naghihintay ng order.
Yumayanig naman sa tenga ng lahat ang nabuong tapang ng mga estudyante, faculty, alumni at iba pang raliyista para isigaw ang
“IBABA ANG TUITION FEE! IBABA ANG TUITION FEE! NO TO TFI!”
Lumakad nang papalapit si Prof. Ishmael Cruz sa hanay ng pulisya. Walong metro ang layo ng dalawang puwersa. Limang hakbang pa papunta sa hepe ng UP Police, dalawang pillbox ang initsa mula kung saan at sumabog sa harap ng regent. Isang molotov bomb ang sumunod, na nagpaliyab sa kalsada.
Nagtakbuhan at nagsigawan ang mga tao. Tumigil ang wang-wang ng fire truck. Pati mga bumbero tumakas palayo. Nawala rin ang reporter at kasama nito. Hinihila ng dalawang pulis ang hepe nila, sugatan ngunit mayroong malay. Nababalutan ng maitim at makapal na usok ang daan, patuloy ang pagliyab. Sa di kalayuan, malapit sa College of Mass Communication, isang molotov bomb muli ang sumabog. Tumakbo ang maraming pulis doon.
Naiwang nakabulagta ang isang lalaki sa daan. Duguan, bali-bali ang buto mula hita pababa sa dami ng sharpnel na tumama rito. Isang di kilalang lalaki ang lumapit. Itinagilid niya ang katawan ng nakabulagtang lalaki at kinuha mula sa pantalon nito ang pitaka. Iniwan ng misteryosong lalaki ang pera. Hinugot lamang sa brown leather na pitaka ang isang puting card na may nakadisenyong star sa gitna. Naglaho ang lalaki sa gitna ng makakapal na usok.
Walang malay ang nakabulagtang lalaki. Punit-punit na’t nadungisan ng sariling dugo ang puting polo barong na suot nito.
Maikli ang tradisyon ng pagsasalin sa Filipinas, kung sasangguniin ang aklat ng talasangguniang binuo ni Dr. Lilia F. Antonio. Pinamagatang Apat na Siglo ng Pagsasalin (1999), ang aklat ay sinikap na tipunin ang lahat ng saling akda na pawang nalathala sa Filipinas, bagaman masasabing marami din ang nakaligtaang mapabilang sa talaan. Magbubunsod ang ganitong pangyayari para wikain ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario na “Kasintanda ng limbag na panitikan ng Filipinas ang pagsasalin.” Binanggit ito ni Almario dahil ang kauna-unahang limbag na aklat sa Filipinas ay ang Doctrina Christiana (1593) na pinaghalong salin ng katon at dasal sa Tagalog upang maging gabay ng mga misyonerong Espanyol.
Ang pagsasalin ng mga frayleng Espanyol noon ay pagtatangkang pasukin ang daigdig ng Tagalog. At upang magawa ito’y sinikap na magkaroon ng literal na tumbasan ng mga salita sa Tagalog at Espanyol, at ang mga salita sa Tagalog ay binaybay at pinantig alinsunod sa pagkakasagap ng mga Espanyol. Kinakailangang pag-aralan noon ng mga frayle ang Tagalog at iba pang taal na wika sa kapuluan dahil wala noong makauunawa sa Espanyol. Bukod pa rito’y kulang ang mga guro na maaaring magturo ng Espanyol sa mga Tagalog. Sa pagkakataong iyon, ang pagsasalin ay ginamit upang ilipat ang diskurso at pananaw ng Espanyol tungo sa Tagalog sa pamamagitan ng Tagalog, samantalang ipinakikilala pa lamang ang Espanyol. Nakinabang din kahit paano ang Tagalog, dahil nasimulan ang pagpapaliwanag ng anyo at nilalaman nito, gaya ng gramatika at palaugnayan, kahit sa lihis na layunin.
Kaugnay ng pagsasalin ng mga akda ang pagtitipon ng bokabularyo ng katutubo at ang pagpapalimbag ng mga diksiyonaryo. Unang ginawa ito ni Antonio Pigafetta sa kaniyang talang Primo Viaggio Intorno al Mondo (1525) na may mga salita at tambilang na Tagalog at Bisaya na pawang may singkahulugan at binaybay sa estilong Italyano at Latino.[1] Mahalaga ang talaan ni Pigafetta dahil patunay ito na may sariling wika ang mga katutubo, at ang wikang ito ay nabubuhay magpahangga ngayon. Ang pag-unlad ng wika at pagsasalin ay nakasandig sa mga diksiyonaryo o tesawro, dahil malaki ang maitutulong nito upang maunawaan ang mga pakahulugan, pahiwatig, at konteksto ng salin alinsunod sa target na wika, habang isinasaalang-alang ang pinagbatayang wika at kultura ng orihinal na akda.
Ilan sa mga diksiyonaryo na nakatulong sa paglinang ng wika at pagsasalin ang Vocabulario de la Lengua Pampanga (1860) at Vocabulario de Pampango y Diccionario Pampango (1732) ni Diego Bergaño, Vocabulario de la Lengua Tagala (1754) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar, Vocabulario de la Lengua Bicol (1865) ni Fray Marcos de Lisboa, Vocabulario Delengua Tagala (1613) ni Fray Pedro de SanBuenaVentura, Diccionario Bagobo-Español (1892) ni Mateo Gisbert, Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano Laktaw, Diccionario Ingles-Español-Tagalog (1915) ni Sofronio G. Calderon, at maraming iba pa. Kung walang diksiyonaryo, tesawro, o bokabularyo ay napakahirap ng pagsasalin, at kailangang magtiwala ng tagasalin sa balon ng kaniyang kaalamang nasagap bilang manunulat. Sa kasalukuyan, sari-saring diksiyonaryong online ang lumilitaw at nasa iba’t ibang wika ng Filipinas. Kung gaano kasinop ang pagpapakahulugan ng mga lahok ay dapat pang pag-aralan, at hindi maimumungkahi na gawing sanggunian ang mga ito. Napakaliteral naman ng pagsasaling online, at kung susubukin ito sa mga wika sa Filipinas ay mapapansin ang isa-sa-isang tumbasan ng mga salita at nalalagay sa alanganin ang konteksto, pakahulugan, at pahiwatig sa loob ng pangungusap o talata. Kahit pa sabihing may Word Sense Disambiguation[2] ang kodigo, ang pagpili kung ano ang gagamiting salita sa loob ng pangungusap ay hindi maipauubaya sa kompiyuter.
Sa kabilang dako’y maiisip na nakasalalay ang mga diksiyonaryo sa mga limbag na akda, bukod sa mga salitang malimit gamitin at itinala ng mga mananaliksik. Masasabi ring habang ginagamit sa pagsasalin ang mga diksiyonaryo, nadaragdagan ang mga lahok at ang pakahulugan ng mga salita, dahil ang isang salitang taal ay maaaring taglayin din ang mga pakahulugan ng katumbas na banyagang salita. Ang mga salitang walang katumbas sa Filipino, halimbawa, ay maaaring makapasok sa korpus ng Filipino alinsunod sa pangangailangan ng mga manunulat at tagasalin. Magbubunga ito ng paglusog ng bokabularyo, ngunit may pangamba ring matabunan ng mga hiram na salita ang mga katutubong salitang maituturing na sinauna at laos.
Ang pagsasalin na kaugnay ng paglilimbag ng mga akda ay dapat kilalanin din na sinuhayan ng paglitaw ng mga imprenta sa Filipinas, at ang mga imprentang ito, bagaman nagsimulang aparato ng simbahan at estado sa pananakop ng mga katutubo, ay naging bahagi rin ng pagpapalaganap ng karunungan sa iba’t ibang wika sa Filipinas. Kontrolado ng simbahan at kolonyal na pamahalaan ang mga limbagan, at ilan sa mga pamosong tagapaglimbag nito ay mula sa orden ng Agustino, Dominiko, Fransiskano, at Heswita. Maiuugnay din ang pagsasalin sa paglalatag ng pamantayan, at sensura, para mapangalagaan ang kolonyal na interes. Ngunit nang lumuwag ang pag-aangkat ng mga imprenta, papel, at iba pang kaugnay na kagamitan mula sa ibang bansa, ang pagpapalathala ay lumusog na yumanig sa seguridad ng kapuwa estado at simbahan. Ang pag-aangkat ay masasabing napabilis ng pagbubukas ng mga pantalan gaya sa Bohol, Iloilo, at Pangasinan noong 1855–1860 na ang sukdulan ay ang pagbubukas ng Kanal Suez noong 1869 na nagpabilis ng biyahe mulang Ewropa tungong Asya nang hindi na kailangan pang umikot sa Afrika.
Bagaman limitado sa ngayon ang mga publikasyong palimbag sa paglalabas ng mga akdang nasusulat sa iba’t ibang wika, may binubuksan namang bagong oportunidad ang elektronikong pagpapalathala, gaya ng matatagpuan sa mga websayt at blog ng mga Bikolano, Ilokano, at Sebwano. Pinakaabanse ang Bikol kompara sa Iluko at Sebwano, dahil sa konsistent na pagpapalathala nito ng mga kuwento, tula, salin, sanaysay, at kung ano-ano pang may kaugnayan sa panitikan. Lumilitaw din ngayon sa Bikol ang bagong hanay ng mga kabataang manunulat, na pawang interesado sa pagkalikot ng mga kompiyuter at batikan sa impormasyong teknolohiya. Kung magpapatuloy ang ganitong pangyayari, hinuhulaan kong milya-milya ang ilalampas ng panitikang Bikol na moderno at pangahas ang anyo at nilalaman kompara sa iba pang panitikan sa mga rehiyon.
Samantala, matitingnan ang paglago ng bilang ng mga salita sa diksiyonaryo na kabahagi ng pagpapanday ng gramatika ng wika. At ang gramatika ay madadalisay habang lumilitaw ang mga akdang pampanitikan, gaya ng katha at tula, samantalang sinusubok ang mga pamamaraan ng pagbubuo ng sayusay at tayutay, at naglalaro sa mga panuto ng palaugnayan. Pagsasalin at paghahalaw ang masasabing nakapag-aambag ng pagbabago ng gramatika at palaugnayan ng sariling wika dahil maaaring ang ilang banyagang elementong maiaangkop sa sariling wika ay subukin ngayon bago ganap na tanggapin sa hinaharap. Ganito ang naganap sa Tagalog na pinagbatayan ng Filipino, na patuloy na nagbabago ang anyo kung isasaalang-alang ang eksperimento ng mga manunulat sa kani-kaniyang akdang prosa o tula. Ganito rin ang inaasahang magaganap sa mga wikang gaya ng Ilokano, Ivatan, Manobo, Sebwano, Tausug, at iba pang wika sa bansa.
Ideolohiya ng Pagsasalin
Simbahan ang nakinabang nang malaki sa pagsasalin ng mga tekstong Espanyol tungo sa Tagalog at iba pang wika sa Filipinas, na marapat lamang dahil ito rin ang unang kumontrol ng mga imprenta. Ang mga limbag na aklat sa Filipinas noong siglo 1600–1900 ay malimit na pumapaksa sa apokripa, katesismo, doktrina, debosyon, kautusan, kuwento, kasaysayan, at pangaral. Isa sa mga ambisyosong proyekto ay ang Barlaan at Josaphat (1837) ni Fray Francisco de Borja. Ang salin ni Borja ay nagpapamalas ng posibilidad at lalim ng prosa at wikang Tagalog, at sa kakayahan nitong gamitin sa pagsusulat ng mga akdang nagtataglay ng mga konseptong maaaring bago sa pananaw ng mga katutubo. Ngunit higit pa roon, ipinakikilala ni Borja ang kapangyarihan ng Espanyol at simbahang Katolika na magtatakda kung paano sumamba at maging sibilisado ang mga Tagalog.
Kasabay ng prosa ni Borja, dapat ding sipatin ang mga tula (partikular ang mga awit at korido) at dula (sarsuwela, moro-moro, at opera) na lunsaran ng halaw at salin ng mga kuwento ng pakikipagsapalaran at romansa. Ang mga awit at koridong ito na pawang pumapaksa sa mga maharlika, kaharian, relihiyon, at pakikipagkapuwa ay hinango sa tradisyong pampanitikan ng Ewropa, na ginamit lamang ang Tagalog at iba pang wika sa Filipinas para ipakilala ang gaya nina Carlo Magno, Tablante, Prinsipe Paris, at Prinsesa Florentina. Maiiba marahil ang Florante at Laura ni Francisco Balagtas, na gumamit ng modernong Tagalog at alusyong Griyego upang itampok ang mga kaligiran at pangyayari sa bansa alinsunod sa pagbasa ni Lope K. Santos.
Ang proseso ng pagsasalin noon ay hindi lamang nagmumula sa Espanyol tungong Tagalog o Bisaya o Bikol at iba pang wika sa Filipinas. May ibang aklat, na orihinal na isinulat sa Italyano o Aleman o Pranses, ang isinalin muna sa Espanyol bago isinalin sa Tagalog. Maihahalimbawa rito ang mga salin ni Pablo Clain, gaya ng Ang infiernong nacabucas o manga pagbubulay-bulay nang mga cahirapan at casaquitan doon (1871) at Ang infiernong na bubucsan sa tauong Christiano, at nang houag masoc doon; o Manga pagbulaybulay nang mga casaquitan sa infierno (1713). Samantala, ang akda naman ni Alfonso Ma. De Ligouri ay hango sa Italyano at tuwirang isinalin sa Tagalog ng mga Agustino noong 1873.
Pagsapit ng unang hati ng siglo 20, magiging dominateng wika ang Ingles; at kahit ang ibang akdang mula sa iba’t ibang wika ay kailangan munang dumaan sa Ingles o Espanyol bago isalin sa Tagalog at iba pang wika. Sanhi ang pangyayaring ito ng pagkasangkapan sa Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Makikilala sa bansa ang mga akda ng gaya nina Alexandre Dumas (ama at anak), Alphonse Daudet, Algernon Charles Swinburne, Antonio Plaza, Barry Cornwall, Boccacio, Burton Gartcourt, Dwarakanath Gangopadya, Edgar Allan Poe, Emile Zola, Emperor Matsuhito, Enrique Garcia Alvarez, Eugene Field, Eugene Sue, Felix Guzzoni, Gaston Leroux, Guy de Maupassant, H.A. Herring, Hato Irigawa, Henry Wadsworth Longfellow, Jorge Okonkowsky, Juan Fernandez Utor, Kenjiro Tokutomi, Leo Tolstoi, Leonardo Fernandez Moratin, Lord Lytton, Manuel Acuña, Miguel de Cervantes, Dante Alighieri, Moliere, O. Henry, Omar Khayyam, Percy Bysche Shelley, Phoebe Cary, John Milton, Rabindranath Tagore, Ralph Waldo Emerson, Ramon de Campoamor, Rudyard Kipling, Victor Hugo, William Shakespeare, Zora Gale, at iba pa. Mahaba ang listahan ng mga banyagang awtor, at ang mga awtor na ito ang kahit paano’y nagpakilala ng sariwang pagtanaw sa mga manunulat na Tagalog. Pagsapit ng dekada 1940 pataas ay mangingibabaw ang mga akdang Ingles o nasusulat sa Ingles (imbes na Espanyol) na isasalin sa Filipino. Magiging paningit ang ilang proyektong Hapones, na isinalin ang mga akdang Hapones hinggil sa Imperyong Hapon para ipaliwanag ang pananakop nito sa Filipinas at pagpapapalaya sa sakop ng Estados Unidos.
Isinalin din sa Tagalog at iba pang wika ang mga akda ng mga manunulat na nagsusulat sa Espanyol, gaya nina Gregorio Aglipay, Jesus Balmori, Fernando Ma. Guerrero, Apolinario Mabini, Jose Rizal, at Pedro Paterno. Sa pagkakataong ito, ginamit muli ang Tagalog at iba pang wika sa bansa para ipaliwanag ang diskursong nagmumula sa Espanyol na pawang katha ng mga Filipino. Ang pagsasalin ay mahihinuhang pagtatangkang pasukin ang daigdig ng mga taal na wika sa Filipinas at hamigin ang mga mambabasang kumokonsumo ng mga babasahin sa sariling wika. Isahang daloy [one way] ang pagsasalin, at ang Espanyol ang pinagmumulan ng karunungan, samantalang tagasagap at tagaangkop ang Tagalog at iba pang taal na wika. Walang kapasidad naman ang mga eksperto sa Espanyol para isalin sa Espanyol ang pabigkas na panitikang Filipinas, at mahihinuha ito sa kasalatan ng mga tekstong Tagalog o iba pang lalawiganing wika na isinalin sa Espanyol. Madilim na yugto ito, at maaaring hindi pa natutuklas ang mayamang malig ng tradisyong pabigkas sa mga lalawigan, at walang sapat na kakayahan ang mga Filipino na isalin ang mga katutubong akda tungong Espanyol o Ingles.
Salat na salat ang pagsasalin ng mga panitikang mula sa rehiyon, at maibubukod ang Bantugan na isinalin sa Tagalog ni T. Tuazon noong 1937. Malalathala ang komiks na Prince Bantugan (1974) na isinulat ni M. Franco at iginuhit ni Rudy V. Arubang. Isasalin sa Ingles nina E. Arsenio Manuel at Saddani Pagayaw ang epikong Tuwaang na pinamagang Tuwaang Attends a Wedding: The Second Song of the Manuvu Ethnoepic Tuwaang (1975). Pinagtulungan ng magkabiyak na Epifanio Gar. Matute at Genoveva Edroza Matute ang salin sa Filipino ng epikong Bagobong Tuwaang, sa tulong ni Pagayaw. Isininulat ni Pambansang Alagad ng Sining Bienvenido Lumbera ang libreto ng Tales of the Manuvu (1977) sa makabagong pagdulog. Isasadula sa Ingles ni Mig Alvarez ang mga epikong bayang Lam-ang, Labaw Donggon, at Bantugan na inilathala noong 1982. Hahalawin naman ni Liwayway A.  Arceo noong 1978–1979 ang ilang epikong bayan para maisadula sa radyo na suportado ng pamahalaan, kabilang dito ang Hudhud hi Aliguyon, Biag ti Lam-ang, Bantugan, Hinilawod, at ang mala-epikong Ibalong. Kahit si Iñigo Ed. Regalado ay gumamit ng opera para maitanghal noong 1973 sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ang Hinilawod na batay sa saliksik ng antropologong si F. Landa Jocano. May pagtatangka rin ang ilang indibidwal na ipakilala ang panitikang mula sa lalawigan, gaya ng salin ni Amelita G. Dapar sa mga tulang Sugbuhanon tungong Filipino (na binabaybay pa noong “Pilipino”) noong 1970. Isasalin din ang panulaang Sebwano sa Filipino nina Don Pagusara at Erlinda Alburo at ilalathala ng Ateneo de Manila University Press noong  1993. Titipunin ni Lamberto E. Gabriel noong 1987 ang mga akda sa iba’t ibang wikang gaya ng Bikol, Iluko, Kapampangan, Pangasinan, at Waray na may ilang akdang Tsino. At pagkakakitaan nang malaki ni Jose A. Arrogante at iba pa ang pagsasalin ng mga akdang mula sa rehiyon tungo sa Filipino sa kanilang Panitikang Filipino (Pampanahong Elektroniko, 1989)
Kung ipagpapalagay na ang dominanteng wika at pinagmumulan ng salin ay Espanyol (at pagkaraan, Ingles), at ang dominadong wika ay Tagalog, ang pag-aaral ng salin ay maaaring sumandig sa pagsusuri ng magkaibang mga kultura na makaaapekto sa pagsasalin, gaya ng nauso noong dekada 1970. Ngunit hindi dapat magtapos doon. Kung hihiramin ang dila ni Antonio Gramsci, may kinalaman ang ideolohiya sa pagsasalin. Ang dominanteng wikang gaya ng Espanyol at Ingles ay malaki ang pananagutan at kontrol sa malaganap na karunungang ibinabangga sa mga moog na dating saklaw ng Tagalog, Bisaya, Ilokano, at iba pang wika. Itinampok ng mga dominanteng wika ang kapangyarihan at saklaw ng kultura ng Espanyol at Ingles upang maging katanggap-tanggap ito sa mga katutubo. Ipipilit ang gahum [hegemoniya] ng mga banyagang wika, at ang mga wikang ito ang magpapamalay na anumang matatagpuan sa isang wika ay matatagpuan din sa ibang wika. Ibig sabihin, iisa lamang at nagkakapareho ang lahat ng wika at kultura. Na isang kabulaanan. Kaya ang mga Filipinong sasalungat sa gayong pananaw na banyaga ay maituturing na ilahas, mangmang, magaspang, at sinauna.
Mahirap noon ang pagsasalin ng mga akdang mula sa rehiyon dahil kulang ang mga pabliser na handang gumastos sa gayong proyekto. Masuwerte na ang ilang pagsasalin na tinustusan ng gaya ng Ford Foundation, UNESCO, at lokal na akademikong institusyong gaya ng UP, Ateneo, at De La Salle. Ngunit mabagal ang malawakang pagsasalin, kahit naitatag ang UNTAP (Unyon ng mga Tagasalin sa Pilipinas). Ang gayong problema ay maaaring sanhi ng kahirapan sa pondo, balakid sa pangasiwaan, at pagsisimula ng propesyonalisasyon ng pagsasalin. Noong dekada 1990, masigla ang proyekto ng pagsasalin ng UNESCO noong nasa posisyon pa sina Adrian Cristobal atVirgilio S. Almario, ngunit pagkaraan nila ay waring naupos ang proyektong pagsasalin sa kung anong dahilan.
Mga Tagasalin
Ginamit ng mga tagasalin na lunsaran ang mga magasin, pahayagan, komiks, at iba pang lathalain sa paglalabas ng akda. Kabilang dito ang Ang Democracia, Ang Mithi, Filipina, Muling Pagsilang, Renacimiento Filipino, Taliba, at iba pa. Magiging isa sa mga batikang tagasalin si Gerardo Chanco na naging kalihim ng Aklatang Bayan, at nagsalin sa Tagalog noong dekada 1910 ng mga nobelang Ewropeo, gaya ng Dahil sa Pag-ibig; Sa Harap ng Kamatayan; Amauri o Pumapatay o Bumubuhay; Sa Gitna ng Lusak; at Anak ng Kardenal. Yumao nang maaga si Chanco noong 1922, at pinuri ng kaniyang mga kapanahon ang ambag niya sa larangan ng pagsasalin. Malaki ang naitulong ng gaya ng Aklatang Bayan, Ilaw at Panitik, at Panitikan sa mga pagsasalin ng mga akdang pampanitikan, gayunman ay walang masasabing malinaw na programang pangkultura at pampolitika ang naturang mga pangkat. Pangunahing adyenda ang pagsusulong ng panitikang pambansa at pambansang wika, na nagkataong pinangungunahan ng mga Tagalog dahil sa laki ng kasapian at husay ng mga manunulat.
Sa larangan ng tula’y sisikat si Ildefonso Santos sa pagsasalin ng Rubaiyat ni Omar Khayyam, na batay sa saling Ingles ni Edward Fitzgerald. Nakipagtulungan si Santos sa ilang Amerikanong maalam sa Ingles, upang maihulog sa Tagalog ang naturang akda. Ngunit bago pa man si I. Santos ay gagawa ng mga halaw sina Manuel Aguinaldo at Emilio Bunag, mga halaw na maituturing na bagong akda kung ikokompara sa orihinal na akdang pinagbatayan ng salin. Pagsapit ng ikalawang hati ng siglo 20 ay magkakaroon ng malaking papel ang akademya at kilusang lihim sa pagsasalin ng mga tula, kuwento, nobela, at dula na pawang nalathala sa mga unibersidad, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila University. Mababanggit si Corazon D. Villareal na pasimuno sa pagbubuo ng antolohiya ng mga tulang isinalin mula sa Hiligaynon, Kiniray-a, at Aklanon; at sina Carmen C. Unabia at Victorino Saway na bumuo ng antolohiya ng mga tula at kuwento na isinalin mula sa orihinal na Bukidnon.
Magkakaroon ng kulay ng politika ang pagsasalin nang magsagawa ang PAKSA (Panulat para sa Kaunlaran ng Sambayanan), GAT (Galian sa Arte at Tula), at UMPIL (Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas) ng serye ng mga pagsasalin ng mga akdang internasyonal. Sagot ito ng naturang mga pangkat sa paglaganap ng Batas Militar na ipinataw ng administrasyong Ferdinand E. Marcos, samantalang sinisikap na payabungin ang estado ng panitikang panloob sa pamamagitan ng pagtanaw papalabas ng bansa. Kabilang sa mga isinalin ang sari-saring tula, dula, kuwento, sanaysay, at nobela mulang Asya at Afrika hanggang Latin Amerika na may mga nasyong naghahanap din ng paglaya mula sa pananakop ng dayuhan. Ang daloy ng pagsasalin ay karaniwang mulang Ingles, Espanyol, Tsino, at Aleman tungong Filipino, gaya ng ginawa nina Efren Abueg, Virgilio S. Almario, Gelacio Guillermo, Jose F. Lacaba, Bienvenido Lumbera, Rogelio G. Mangahas, Mario I. Miclat, Zeus Salazar, Fidel Rillo, Rolando Tinio, at Rene O. Villanueva; bibihira noon ang mula sa Filipino na isasalin sa Ingles, at maitatangi ang salin sa Ingles ng mga tula ni Rio Alma noong dekada 1980 na ipinagpatuloy magpahangga ngayon ni Marne Kilates; at ilang tula ni Mike L. Bigornia na tinumbasan ng Ingles ni Krip Yuson; o ang salin sa Ingles ni Cirilo F. Bautista sa mga tula ni Amado V. Hernandez.
Ang programadong pagsasalin, sa larang man ng politika o panitikan o ekonomiya o agham, ang sa palagay ko’y kinakailangan sa panahong ito. Ang nasimulan ng PAKSA, GAT, at UMPIL ay magandang halimbawa na maaaring mapagsumundan, bagaman posibleng mabago ang ilang pagdulog, gaya sa pamimili ng mga tekstong isasalin. Ang prioridad ay maaaring tekstong Filipino na isasalin tungo sa mga lalawiganing wika, at pabalik. Ang pagbubuo ng lupon na mangangasiwa sa pagsasalin sa rehiyon ay isasaalang-alang ang balon ng mga akdang limbag at tradisyong pabigkas, na pawang magagamit bilang teksto sa pagsasalin.
May nasimulan nang programa sa Pambansang Komisyon sa Kultura at Mga Sining (NCCA) noong panahon ng panunungkulan nina Virgilio S. Almario, Mario I. Miclat, at Galileo S. Zafra noong dekada 1990-2000 na kinakailangan lamang sundutin upang mabuhay at sumigla muli. May mga piniling tekstong nakahanay para isalin sa Filipino, ngunit nagkaroon lamang ng problema sa proseso ng pagsasalin, pagrepaso, at pag-edit, at isama na ang badyet para sa gayong gawain. Samantala, bumuo ng tungko ang mga akademikong palimbagan ng Ateneo de Manila, DLSU, at UP noong dekada 1990 upang ilathala ang mga sinaunang teksto, salin, at akdang nagmula sa mga lalawigan. Ang programadong pagkilos ay batay sa mungkahi ni Nicanor Tiongson sa tatlong palimbagan. Pinakamasigasig ang AdMU Press sa paglalathala ng mga salin at panitikang mula sa iba’t ibang rehiyon noong panunungkulan ni Esther M. Pacheco, ngunit naiwan ang dalawa pa. Dapat ding banggitin ang sariling pagsisikap ng UP Sentro ng Wikang Filipino na naglathala ng ilang salin ng mga klasikong akda mula sa ibayong-dagat noong dekada 1990, at tinawag na Serye ng Aklat Bahandi. Ngunit nahinto ang proyekto nang magpalit ng pangulo ang naturang unibersidad, at waring itinakwil ang pagsusulong ng Filipino.
Konsepto ng Pagsasalin
Nagsimula sa tumbasan ng mga salita at konsepto ang unang pagtatangka ng salin, gaya ng matutunghayan sa Doctrina Christiana. Maihahalimbawa ang ganito:
(Orihinal)
El aue Maria.
Dios te salue Maria. lle
na degracia. El senor es
contigo. bendita tu, estretodas
las mugeres. Y bendito el fructo.
deus  vientre Jesus. Santa Ma
ria uirgen y madre de Dios rue
ga por nosotros peccadores. aora
y en la ora denuestra muerte
amen. Jesus.
(Salin)
Ang aba guinoo Ma(ria)
Aba guinoo Maria ma
toua cana, napopono ca
nang gracia. ang panginoon di
os, ce, nasayyo. Bucor cang pinag
pala sa babaying lahat. Pinag
pala naman ang yyong anac si
Jesus. Santa Maria yna nang,
dios, ypanalangin mo camima
casalanan ngaion at cun mama
tai cami. Amen Jesus.
(Pagpapantig)
A BA GI NO O MA RI YA. MA TO WA KA NA. NA PO
PO NO KA NA GA RA SI YA. A PA NGI NO O DI
YO NA SA I YO. BO KO KA PI NA PA LA. SA BA BA YI.
LA HA. PI NA PA LA NA MA. A I YO A NA SE SE SO.
SA TA MA RI YA. I NA NA DI YO. I PA NA LA NGI MO
KA MI. MA KA SA LA NA. NGA O. A KU MA MA TA KA MI.
A ME SE SO.
Ang tumbasan ng mga salita ay literal, at ang pagpapantig ay ang matatawag ngayong ABAKADA, ngunit ang ginawa sa aklat ay tinatanggal ang mga katinig gaya ng D, N, at T na dulong titik ng dulong pantig ng salita upang madaling maunawaan ang teksto at hindi mahirapang bumigkas ang mga gagamit na Espanyol. Mapapansin din ang pagsisingit ng Y sa A at I ng salitang “babayi.” Ang naturang pagbaybay ay mahihinuhang hango sa Espanyol dahil mahihinang patinig ang I at U sa Espanyol samantalang malalakas ang A, E, at O. Sa pagdirikit ng malakas (A) at mahina (I), maaaring sumanib ang mahina sa malakas at maging “ay” ang bigkas nito, alinsunod sa panuto ng kambal-patinig. Mahihinuhang ginawa ang pagsisingit ng Y sa AI ng  “babai” upang maibukod ang I sa A. Samantala, sinimulang ipakilala ng Espanyol sa mga Tagalog ang konsepto ng “grasya,” “Jesus,” “Santa Maria” at “dios” na pawang mula sa bokabularyong Espanyol. Pinakamakapangyarihan ang “dios” na babaybayin na “diyos” pagkaraan, dahil ito ang papalit saka bubura sa tanyag na “anito” at “bathala” na pawang malimit ginagamit sa Katagalugan.
Habang lumalaon, ang pagsasalin ay higit na isinaalang-alang ang target na wika at kung paano iaangkop sa kaligiran ng Filipinas. Mauugat ang ganitong pangyayari kapag binalikan ang pakahulugan ng “hulog,” “salin,” “halaw,” at “traduksiyon.”
Noong unang dekada ng siglo 20, halos walang pagkakatangi ang mga pakahulugan ng “hulog,” “salin,” at “halaw” na pawang ginagamit ng mga manunulat na Tagalog at maitutumbas sa “translation” sa Ingles o “traduccion” sa Espanyol. Higit na mananaig ang terminong “traduksiyon” na katumbas ng “paghuhulog” sa Tagalog o “translation” sa Ingles at siyang lilitaw sa mga lathalain. Katunayan, sa Diccionario Hispano-Tagalog ni Serrano Laktaw, ang “traduccion” ay ipinakahulugang “trascribir” na ang ibig sabihin ang “paghuhulog nang [sic] isang salita sa iba.” Ang pakahulugan ng “salin” ni Serrano Laktaw ay “asinan o tingalan nang [sic] ng asin” [i.e., imbakan o tinggalan ng asin] at walang nakasaad na katumbas ng “traduccion” o “translation.” Magkakaroon lamang ng linaw ang pagkakatangi ng “salin” at “halaw” nang pag-usapan ang ganitong termino ng lupon ng Surian ng Wikang Pambansa na dating Institute of National Language noong dekada 1947 hanggang dekada 1950. Nagpanukala si Regalado ng mga katawagang pampanitikan magagamit sa pagsusuri ng teksto, at pagkaraan ay madaragdagan ang mga ito hanggang tanggapin ng mga manunulat at guro. Kung pagbabatayan ang diksiyonaryo-tesawro (1972) ni Jose Villa Panganiban, ang “hulog” ay katumbas ng “signification,” ang “salin” ay “translation,” at ang “halaw” ay “adaptation.” Ang ginagawa noon ng gaya nina Aguinaldo, Bunag, at Chanco ay humahangga sa halaw, na halos panghihimasok sa orihinal na akda upang maitampok sa Tagalog alinsunod sa diskurso nito.
Maihahalimbawa ang orihinal na akda ni Henry Wadsworth Longfellow at ang rendisyon ng salin (na mas angkop tawaging “halaw”) ni Aguinaldo.
(Orihinal)
Hymn to the Night
ni Henry Wadsworth Longfellow
I heard the trailing garments of the Night
Sweep through her marble halls!
I saw her sable skirts all fringed with light
From the celestial walls!
I felt her presence, by its spell of might,
Stoop o’er me from above;
The calm, majestic presence of the Night,
As of the one I love.
I heard the sounds of sorrow and delight,
The manifold, soft chimes,
That fill the haunted chambers of the Night
Like some old poet’s rhymes.
From the cool cisterns of the midnight air
My spirit drank repose;
The fountain of perpetual peace flows there—
From those deep cisterns flows.
O holy Night! from thee I learn to bear
What man has borne before!
Thou layest thy finger on the lips of Care,
And they complain no more.
Peace!  Peace!  Orestes-like I breathe this prayer!
Descend with broad-winged flight,
The welcome, the thrice-prayed for, the most fair,
The best-beloved Night!
Mababago kahit ang taludturan sa akda ni Aguinaldo, bukod sa himig at persona ng tula:
(Salin)
Awit Paggalang sa Gabi[3]
ni Manuel Aguinaldo
Ang lambong ng gabi na inilalatag
sa buong paligid, aking namamalas;
sa lahat ng gilid ay nababanaag
ang kulay ng lungkot, nguni’t nababakas
ang tanglaw na mula sa gawing itaas;
tahanan ng Diyos na labis sa dilag.
Ang pagdating niya’y talos ko rin namang
kailan ma’y sakbat ang kapangyarihan;
nararamdaman kong ako’y minamasdan
ng gabing tahimik at kagalang-galang
magmula pa roon sa kanyang tahanan,
kawangis ng aking pinaparaluman.
Mumunting batingaw ay nagpaparinig
ng saya at lungkot ng kanilang tinig
na nangalilikom, siyang nagsisikip
sa mga tahanang laging pinapanhik
ng saya ng gabi: katulad at wangis
sa mga talata ng tulang marikit.
Magmula sa pusod ng simoy ng hangin
ang alaala ko’y natulog, nahimbing;
doon ay inabot ng aking paningin
ang katahimikang hindi nagmamaliw
katulad ng tubig, nakikiagos di’t
sa hihip ng hangin ay nakikisaliw.
Oh, banal na gabi! dahilan sa iyo’y
aking natutuhan kung ano ang tao
ang kanyang tungkulin sa buhay na ito…
sa labi ng ingat, mga daliri mo’y
saglit na isayad at mamamasdan mong
sa iyong sanghaya’y nagdarasal ako.
At ang laging dasal ay “Katahimikan”
hangga sa ang gabi’y makalipas naman
ng lubhang tahimik at walang ligamgam;
kung magkaminsan pa’t aking pag-ukulan
ang gabing marilag na iginagalang
ay mga dalanging walang katapusan.
Walang direktang tumbasan ang “salin” kompara sa orihinal na pinagmulang teksto. Maituturing na halaw ang akda na may ibang testura kompara sa pinaghanguan nito, sa anyo man o nilalaman.
Ang naturang asta ng mga tagasalin ay mauugat sa simulain ng Aklatang Bayan. Ayon kay Dionisio San Agustin, na noon ay pangulo ng Aklatang Bayan, ang mga pangunahing layunin ng pagsasalin o paghahalaw ng mga akdang banyaga nang panahong iyon ay ang sumusunod: una, magaang na maunawaan ng mambabasang Tagalog ang ibang akdang mula sa ibang bansa; ikalawa, mapalaganap at malinang ang Tagalog bilang isang wikang pambansa; ikatlo, maunawaan kahit paano ang mga dayong kultura at pananaw; at ikapat, makatulong sa pagpapapaunlad ng katutubong kabihasnan habang gamit ang sariling wika.[4] Napakaganda ng mga layuning ito, at sa aking palagay ay maiaangkop pa rin magpahangga ngayon kung ilalapat sa iba’t ibang wika sa buong kapuluan. Mahahalata ang tindig na kontra-kolonisasyon sa layunin ng Aklatang Bayan, at ang maláy na pagkilos sa paglilinang ng sarili’t pambansang panitikan.
Pinakamabigat ang kaso ng paglilinang ng wikang pambansa, dahil ang Tagalog ay hindi pa noon itinuturing na wikang opisyal at wikang pambansa o batayan ng magiging wikang pambansa. Ingles at Espanyol ang wika ng kapangyarihan sa pamahalaan, edukasyon, negosyo, at iba pang larang. Nang likhain ni Lope K. Santos ang balarila ay magiging hudyat iyon ng pagbabagong anyo ng mga panuntunan sa pagsulat, at magiging gabay kahit paano ng mga manunulat na Tagalog at iba pang taga-lalawigan. Ang pagbubuo ng balarila ay alinsunod sa hinihingi ng panahon, na ang mga manunulat ay naghahanap ng gabay sa pagsulat, at kritiko na gaya nina Regalado at Balmaseda, na matalas na titingin ng teksto upang mapahusay lalo ang mga saling akda.
Kung babalikan ang layunin ng pagsasalin ng Aklatang Bayan, ang pagsasalin ay mahihinuhang isang pampolitikang hakbang. Hindi lulunukin nang buong-buo ng mga tagasalin ang akdang orihinal, at “pinipiga” ang mahahalagang bahagi niyon at iniaangkop sa kaligiran ng Filipinas. Isinasaalang-alang ng mga tagasalin ang kaligirang Tagalog, ang mga mambabasa nito, at ang magkaibang kultura ng pinagmulang teksto at ang pagsasalinang teksto. Bagaman makasisira ito sa orihinal, ang naturang pagsasalin ay maituturing na ehersisyo ng paglilinang ng sariling panitikan, alinsunod sa pananaw at pangangailangan ng mga Filipino. Mahihinuha rin dito na hindi lahat ng bagay na hinugot sa Pinagmulang Teksto (PT) ay mahahanapan ng katumbas sa Target na Teksto (TT). Ang taktika ng pagsasalin ng Aklatang Bayan ay makiling kung gayon sa teoryang Skopos.
Ang “Skopos” ay hango sa Griyego na ang ibig sabihin ay “layon” o “hangad” at siyang ipinakilala ni Hans Vermeer noong dekada 1970.  Ang teoryang Skopos naman, sa payak na pakahulugan, ay tumutukoy sa “layon ng pagsasalin.” Ang TT ay nakasalalay sa layunin ng pagsasalin at kung ano ang papel nito sa lipunan. Isinasaalang-alang ng teorya ang kultura na tatanggap ng salin, at ang kakayahan ng salin na maunawaan ng mga tao na magbabasa nito. Ngunit kung ang Skopos ay matapat sa tekstong paghahanguan ng salin, ang panig ng Aklatang Bayan ay higit na nakatuon sa magiging anyo ng salin kaysa orihinal. Hindi kataka-taka na noong bungad ng siglo 20, ang pangalan ng tunay na awtor ay nasa dulo ng teksto ng salin, samantalang ang pangalan ng tagasalin ay nakasaad sa pangunang pahina. Mariing pinuna ito ni San Agustin, na nagmungkahing ang pangalan ng orihinal na awtor at tagasalin ay dapat nasa pahinang pampamagat o pabalat ng aklat, at malaki nang kaunti ang pangalan ng orihinal na awtor kaysa sa pangalan ng tagasalin.
Maláy kahit paano ang Aklatang Bayan at iba pang organisasyong pampanitikang Tagalog sa bagsik ng pananakop ng dayuhan sa Filipinas. Kaya ang maituturing na tindig nito hinggil sa pagtatanggol ng anumang kaakuhan sa prosa man o tula o dula ay kaugnay ng pakikibaka laban sa pananakop ng dayuhan at pagtatanghal ng sariling identidad. Nang mabuwag ang gaya ng Aklatang Bayan, PAKSA, at GAT, nabalam panandali ang masigasig na pagsasalin ng mga akda. Ang hamon ngayon sa panahong ito ay ibalik ang gayong sigasig, ngunit maaaring sa antas na ng mga pamahalaang lokal na kinapapalooban ng mga organisasyong pampanitikang maaaring makakuha ng taunang badyet na mailalaan ng pambansang pamahalaan alinsunod sa itinatakda ng pagbubuo ng sangay ng sining sa buong kapuluan.
Mga Halimbawang Teksto
Ang dekada 1990 ang maituturing na bagong yugto ng pagsasalin sa Filipinas, bagaman noong 1988 ay nagsimula na ang mga Ilokano sa pagbubuo ng sariling antolohiya ng mga kuwentong pinamagatang Kurditan na inedit nina Reynaldo A. Duque, Jose A. Bragado, at Hermilinda T. Lingbaoan.  Ito ay kung isasaalang-alang ang paglitaw ng mga tekstong isinasalin mula sa rehiyon, gaya ng Siday, Mga Tulang Bayan ng Panay at Negros (1997) ni Corazon Villareal;  at Tula at Kuwento ng Katutubong Bukidnon (1996) ni Carmen C. Unabia at Victorino Saway; Kudaman: Isang Epikong Inawit ni Usuy (1992) nina Edgar B. Maranan at Nicole Revel-Macdonald; Mga Panulaang Cebuano ni Don Pagusara (1993); Panulaan at Dulaang Leytenon-Samarnon (1994) ni Jaime Biron Polo. Ipapanukala rin kahit ang lente ng pagbasa sa mga akda, gaya ng matutunghayan sa Translating the Sugilanon, Re-framing the Sign (1994) ni Villareal. Matutuklasan muli ang Silang Nagigising sa Madaling-Araw (1997) na salin ni Duque sa nobelang Iluko ni Constante Casabar na nagbunyag ng madilim na politika ng karahasan sa Ilokos noong dekada 1950. Ang maganda sa teksto’y may orihinal na Iluko at may salin sa Filipino na bihirang mangyari lalo sa pagpapalimbag ng mga nobela. Lumabas din ang Patubas (1998) na antolohiya ng panitikang mula sa Kanlurang Visayas at siyang inedit ni Leoncio Deriada. Samantala, may ilang nobela at kuwentong isinalin sa banyagang wika, gaya ng Canal dela Reina ni Liwayway A. Arceo na isinalin sa Nihonggo.
Masasabing kakarampot pa rin ang mga saling ito kompara sa masigasig na pagsasalin ng mga akdang banyaga. Mahaba ang listahan ng mga salin ng mga tekstong mula sa ibayong-dagat, at hahayaan ko na lamang kayong saliksikin yaon sa mga aklatan. Nagbigay ng mabuting halimbawa ang mga salin kung paano payayabungin ang mga wika sa Filipinas, habang itinataguyod ang Filipino bilang wikang pambansa.
Mga Mungkahi
Ang proyekto ng pagsasalin ay hindi estatiko bagkus patuloy na umaandar. Sa ganitong paraan, ang pagsasalin ay dapat tingnan na hindi dapat isahan ang agos, gaya ng mulang banyagang teksto tungong Filipino o lalawiganing wika. Ang pagsasalin ay maaaring maganap nang pabaligtad, na inuuna muna ang matitinong produksiyon ng mga panitikan sa rehiyon at nilalapatan agad ng salin para sa kapakinabangan ng buong Filipinas. Ngunit mahirap itong gawin. Kailangan muna ang pagtuklas at paghubog sa bagong hanay ng mga kritiko, istoryador, dalubwika, at teoriko na pawang makatutulong sa dokumentasyon at pagpapaliwanag sa daigdig ng mga akdang mula sa rehiyon. Kailangan ang produksiyon ng mga akdang pampanitikan ngunit hinihingi rin ang pagbubuo ng mga diksiyonaryo, tesawro, bokabularyo, at kaugnay na akda para makaagapay sa anumang proyekto ng pagsasalin.
Noong bungad ng siglo 20, ang proyekto ng pagsasalin ay masasabing bara-bara, dahil hindi lahat ng isinalin ay masasabing klasiko ang datíng. Ang ilang lumabas na salin, halimbawa, sa magasing Mabuhay na inedit noong 1940 ni Amado V. Hernandez ay nahahaluan ng mga tekstong komersiyal na mula sa mga nobela at kuwentong romansang Amerikano, at ang iba ay maituturing na basura sa ngayon. Sa panahon ngayon, ang anumang proyekto ng pagsasalin ay dapat nakapaloob sa pangkat na may magpapayo kung ano ang karapat-dapat isalin at kung ano ang dapat ibasura na lamang. Hindi na puwede ngayon ang basta pagpili ng tekstong madaling isalin, at presto, iyon na ang uunahin. Kailangang tinatalakay ang mga tekstong isasalin, at pinag-uusapan ang posibleng maging datíng nito sa iba’t ibang lalawigan o katutubong kultura. Upang magawa ito, iminumungkahi ang pagbubuo ng malig ng mga lalawiganing panitikan.
Makatutulong, sa aking palagay, kung ang pagsasalin ay uunahin muna sa Filipino kaysa Ingles o banyagang wika. Ang tekstong mula sa mga lalawiganing wika ay higit na matalik pa rin sa Filipino kaysa Ingles dahil magkaiba ang polong pinagmumulan ng naturang mga wika. Makatutulong din kung ang mahuhusay na tekstong nasusulat sa Filipino o iba pang wika ay isasalin sa mga wika sa rehiyon, nang sa gayon, lumulusog ang Pinagmulang Wika at ang Target na Wika. Ang ganitong salimbayang agos ng pagsasalin ay makatutulong din sa pagbubuo ng mga teksbuk, at siyang hinihingi ng bagong kurikulum na itinakda ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).
Kinakailangang humanda rin ang mga tagasalin sa rehiyon na mag-aral at magpadalubhasa sa impormasyong teknolohiya. Ito ay dahil kung kulang man ang mga publikasyong handang maglimbag ng mga salin, maaaring magamit ang gaya ng blog at websayt para paglathalaan ng mga salin. Ang mga blog at websayt na ito ay maaaring pagkakitaan pagkaraan ng mga tagasalin, na makatutulong hindi lamang sa pagsusulong ng iba pang proyekto kundi sa pangangailangang pananalapi ng mga tagasalin. Maraming uhaw na uhaw sa impormasyong mula sa Filipinas, lalo sa usapin ng kultura at panitikan, at ang pagsasalin ay isang paraan para tighawin ang gayong uhaw sa kaalaman.
Ang kahusayan sa pagsasalin ay hindi nagaganap nang kisapmata. Nangangailangan ng panahon sa pagsasanay at pag-aaral, at maaaring matugunan ito ng gaya ng Lupon ng Pagsasalin ng NCCA at iba pang organisasyong nagsusulong ng pagsasalin sa mga wika sa Filipinas. Ang pagsasanay sa pagsasalin ay maaaring daanin muna sa gaya ng mga blog, at kapag naipon ang mga ito ay maaaring kinisin o paunlarin. Iminumungkahi ang patuloy na pagsasalin ng kung ano-anong bagay, mula sa mga simpleng panuto hanggang masasalimuot na teksto. Ang kinakailangan lamang ay magsimula, at ituloy ang anumang nasimulan ng iba pang tagasalin o manunulat.
Ang ginawang halimbawa ng AdMU Press, UP Press, at DLSU Press para sa programadong pagpapalathala ng mga salin, halaw, lumang teksto, at iba pa ay maaaring isaalang-alang din ng kapulungan ng mga tagasalin. Kinakailangang hikayatin ang mga publikasyon na magtaya ng pondo para sa mga proyektong ito. Napakaraming teksto ang inaaagiw sa mga silid-aklatan ngunit napakahirap ng akses para mabasa iyon. Upang malutas ito, maaaring ilathala muli ang mga lumang teksto at bigyan ng masusing introduksiyon at kritika gaya ng ginagawa ng AdMU Press.
Hindi pangwakas ang mga mungkahi at obserbasyon na inilatag sa papel na ito. Ngunit hindi ninyo ikamamatay kung isasaalang-alang ang aking mga punto sa pagbubuo ng inyong mga programa at proyekto.
(Binasa ni Roberto T. Añonuevo sa Pambansang Palihan sa Pagsasaling Pampanitikan na ginanap noong 22–24 Hulyo 2009 sa Development Academy of the Philippines, Lungsod Tagaytay at siyang pinangasiwaan ng Pambansang Komite sa Wika at Salin, Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining (NCCA) at Sentro ng Wikang Filipino, UP Diliman. )
Mga Tala
[1] Kabilang sa binanggit ni Pigafetta ang mga salitang panumbas sa “lalaki,” “babae,” “buho,” “pilak,” “kilay,” “ilong,” “ngipin,” “kuko,” “siko,” “uten,” “bayag,” “tuhod,” “bulbol,” “benawa,” “balangay,” at ang mga tambilang mulang isa hanggang sampu na pawang umiiral magpahangga ngayon.
[2] Tumutukoy ang “disambiguation” sa pagpapaliwanag para pawiin ang kalabuan na hadlang sa pag-unawa; o kaya’y sa gramatiko o semantikong interpretasyon ng mga salita, ayon sa mga pakahulugang matatagpuan sa mga diksiyonaryong online. Samantala, ang Word Sense Disambiguation (WSD), ayon kay Ronald Winnemoller, ay tumutukoy sa pagpili ng pahiwatig o pakahulugan mula sa isang tiyak na pangkat nito, alinsunod sa “kalkuladong” pagpapakahulugan ng isang salita sa loob ng maikling bahagi na hinango sa malawak na korpus. Ginagamit ang WSD sa pagsasaling de-makina, sa semantikong paghahanap sa web, awtomatikong paglalagom, at iba pa. Basahin ang kaniyang papel na pinamagatang “Using Meaning Aspects for Word Sense Disambiguation” na inilathala sa http://www.cicling.org/2008/LF-1-2008-1st-Pages/06%20-%20Using%20Meaning%20Aspects.pdf na hinango noong 22 Hulyo 2009.
[3] Mula sa antolohiyang binuo ni Teodoro A. Agoncillo na hindi pa nalalathala sa ngayon. Nalathala noong 21 Marso 1911 sa Renacimiento Filipino.
[4] Basahin ang introduksiyon ni Roberto T. Añonuevo sa salin ng nobelang La Hija del Cardenal ni Felix Guzzoni (Ang Anak ng Kardenal) ni Gerardo Chanco na inilathala ng Ateneo de Manila University Press noong 2007.
Nasubukan mo na bang mag-sign up sa WordPress gamit ang wikang Tagalog? Sinubukan ko lang kanina dahil sa text sa ‘kin ni Mark na hindi nya natapos ang pag-sign up dahil hindi nya maintindihan kung ano yung isasagot nya sa registration form.
Username (bansag) lang nasagutan ko. Pagkatapos nun, Napatigil na ako.
Hudyat.
Ano yun? Ano ang dapat kong ilagay sa “Hudyat”? Hudyat ng ano ba?
Give up na ko. Ibinalik ko sa English yung settings ng language. Password lang pala yun! Parang iba ang naiisip ko kapag hudyat.
Bakit ba naman kasi “hudyat” ang nilagay nila sa translation ng password. Alam ko WordPress user na pinoy ang nag-translate nun dito. (Peace tayo bro) Tagalog ba talaga ng password yun? Hindi ko alam at hindi ko naman kailangang alamin dahil Filipino ang national language ng Pilipinas at hindi Tagalog. Sa wikang Filipino, may mga salitang galing sa ibang bansa na hindi na kailangan pang i-translate, lalo na yung mga technical terms.
Taga-Manila ako at hindi ako masyado marunong mag-Tagalog. Filipino lang talaga main language dito. Mga taga Bulacan lang daw yung mga puro talaga mag-Tagalog. Taga-Bulacan nga din pala si Mark pero di rin nya alam ang hudyat kaya hindi nga yata yun ang Tagalog nun. Ewan ko. Hindi ako makikipagtalo kung ano tagalog ng password. Ang punto ko lang, Filipino ang national language natin, bakit Tagalog ang nandito sa WordPress?
Pero ayos lang. English naman ginagamit ko e. Sa Facebook na-try ko na rin yung Tagalog language nila. Ayun, sumakit lang tyan ko sa kakatawa dahil sa mga translation na sobrang lalim at halatang malayo sa meaning ng English term.
Makasaysayan ang pahayag ng pangulo sa sambayanan doon sa Kongreso noong 2008 dahil ni isang salita ay walang banggit hinggil sa sining. Ang pagkawala ng sining ay maaaring senyales na ito ang unang nalalagas tuwing may krisis, at dapat ihuli sa priyoridad.  Samantala, ang edukasyon ay nabanggit lamang dahil sa paglulunsad ng malawakang pagpapakain sa mga dukhang mag-aaral na ginagastusan ng sampung piso bawat bata kada araw. Nakinabang umano ang mga lalawigan mulang Apayao hanggang Tawi-tawi, bukod sa mga pook na sinalanta ng mga bagyo.
Ipinagmalaki ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo na nadoble ang iskolaship para sa mga estudyante sa kolehiyo, bukod sa pagpapatupad ng libreng edukasyon sa elementarya at hay-iskul sa buong bansa. Sinimulan na rin umano ang pagreporma at pagpapangkat ng mga programa ng DepEd, CHED, at TESDA.
Kulang na kulang ito, sa aking palagay, dahil panrabaw na pangangailangan lamang ang tinitingki ng pangulo. Ang pagpapakain sa mga bata ay pampolitikang abuloy na matatawag. Ang pagbibigay ng iskolaship ay mahihinuhang maliit na populasyon lamang ang saklaw, at maaaring sadyang ginagawa na ito ng mga pamahalaang lokal. Malabo naman ang pagreporma at pagpapangkat ng mga programa mula sa tatlong ahensiya, at hindi binanggit kung ang pagreporma ba ay may kaugnayan sa mahigpit na pangangailangan ng Filipino imbes na dayuhang interes.
Nanghihinayang ako sa gaya ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining (NCCA) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil bagaman nabibigyan ang mga ito ng pondo ay walang naimbag man lamang sa pahayag ng pangulo. Marahil may kaugnayan ito sa de-kolor na gulo sa loob ng dalawang ahensiya, at sinangkutan ng pagpapalit ng pamunuan. Kontrobersiyal ang patakarang multilingguwalismong isinulong noon ng sinibak na pansamantalang punong komisyoner Dr. Ricardo Nolasco, samantalang ang halalan sa NCCA ay inabot ng kung ilang buwan para makapagpulong ang mga komite. Kung hindi ako nagkakamali’y natuloy ang internasyonal na kumperensiya hinggil sa teatro, at pagkatapos nito’y halos masaid na ang pondong laan sa iba pang programa.
Sa aking palagay ay dapat lalong maging aktibo ang mga komite sa pagbubuo ng pondo sa NCCA at KWF. Ang iba’t ibang lupon ay dapat nakikialam sa pagbalangkas ng panukalang badyet na ihahain sa kongreso, at nakikilahok kahit sa mga deliberasyon sa kongreso, lalo sa yugto ng pagdinig ng magkasanib na lupon ng senado at mababang kapulungan. Samantala, ang KWF ay dapat hinihimok ang mga sangay nito sa rehiyon na magpanukala ng badyet para sa KWF, upang ang mga panrehiyong programa ay natutugunan alinsunod sa hinihingi at pangangailangan ng mga pamayanan. Ang mga pamayanan naman ay dapat nakikilahok din sa pagtatasa at pagrepaso ng mga programa at proyekto ng kapuwa NCCA at KWF, upang matiyak nila na ang pondong laan sa kanila ay nagagamit nang wasto at alinsunod sa mga plano at takdang panahon.
Malamya, kung hindi man pasibo, ang KWF sa pagsusulong ng wikang Filipino sa buong bansa, lalo sa bakuran ng Malakanyang. Naging makapangyarihang tinig noon si Nolasco, na nagsusulong ng saliwang uri ng multilingguwalismo na tatangkilin naman ng ilang mambabatas sa kongreso. Pambihira rin ang pagsusulong ng Ingles na gawing tulay ng pagtuturo mulang elementarya hanggang kolehiyo, at may kaugnayan ito sa pagtataguyod ng mga call center sa Filipinas. Ayon sa aking nasagap na balita, waring naluto na naman ang pagtatakda ng patakaran ng multilingguwalismo sa Filipinas, at kung ito man ay totoo ay dapat suriin nang maigi ng taumbayan kung karapat-dapat ipatupad. Kung ang multilingguwalismo ay gagamitin lamang para sa binabalak na Federalismong gobyerno—na ang mga rehiyon ay bibiyakin (at paghahatian ng mga politiko) alinsunod sa pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura, at pangwikang teritoriyo—ay dapat nang ibasura yaon nang ganap.
Ito na marahil ang pangwakas na SONA ni Pangulong Arroyo. Ngunit hindi nangangahulugan yaon na hindi na siya maghahari sa politika. Kung pakikinggan ang panukala ng dakilang tagapayo ukol sa pambansang inseguridad Norberto Gonzales, kinakailangan lamang umano na isulong ni Pangulong Arroyo at ng mga kaalyado niya ang isang rebolusyonaryong gobyerno upang mapalitan ang sistema ng pamahalaan, makabuo ng bagong konstitusyon, at papaghariin muli ang oligarkiya sa buong bansa. Magagawa ito ng kasalukuyang administrasyon kung hahatakin ang mga personalidad sa hukuman, negosyo, batasan, sandatahang lakas, samahang masa, at simbahan. Ibig sabihin, bumuo ng puwersa para sa kudeta.
Na malaking posibilidad. At siyang dapat bantayan ng sinumang Filipino na nagmamalasakit sa kinabukasan ng lahat ng Filipino.